Chapter 9. "Her Last Wish"
“Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko.
Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas.
“May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us.
Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot.
“Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito.
Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly dying. I remember my mother and how she cares for me when she is still alive. Totoo nga ang sabi nila, na wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina.
Ilang sandali lang ay nakatulog na si Patricia. Ang sabi kasi ng Mama niya ay hindi raw ito nagtulog ng tanghali at excited na makilala kami ni Gavril. Narito pa rin kami sa kwarto ni Patricia, mahimbing na siyang natutulog pero gusto kaming makausap ng Mama niya.
“The doctor said that it will be just months.” Sabi ng Mama ni Patricia. Nagkatinginan kami ni Gavril. “Wala na kami magawa. Masiyado nang malala ang kondisyon ng anak ko. And we can’t do anything but accept that. It is painful; it is really painful to accept it. Pero sino ba ako para kontrolin ang buhay ng anak ko.” Sabi ng Mama ni Patricia kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Kahit si Gwen na nasa tabi niya ay naiiyak na rin.
Tiningnan kami ng Mama ni Patricia. “Pero isa lang ang gusto ng anak ko bago siya mawala.”
“Gusto niyang maka-graduate. Umakyat sa stage, mahawakan ang diploma at medalya niya.” Ani Gwen.
“She’s an honor student since elementary. Pag-aaral ang naging buhay ng anak ko. Because she wants to be successful in life.” Sabi naman ng Mama ni Patricia. “Pero nalungkot siya recently, kasi dahil sa sakit niya, hindi siya ang magiging valedictorian. Dahil simula noong October, hindi na siya gaanong nakakapasok. At noong dumating ang December, hindi na siya nakapasok sa school.”
“Pero naniniwala kaming, kung hindi naman dahil sa sakit ng pinsan ko, siya pa rin ang magiging valedictorian.” Dagdag pa ni Gwen.
“Pero eventually, natanggap niya ‘yon. At ang wish niya lang, ay maka-akyat ng stage at maka-graduate. Kaya ‘yon ang inaasikaso ko sa school nila.” Pagtatapos ng Mama ni Patricia.
Napayuko ako. Naalala ko kasi ang nakita ko sa magiging pagkamatay ni Patricia. At paano ko sasabihin sa kanila na dahil sa huling kahilingan ng anak nila ay mas mapapaikli ang buhay nito.
“Kailan po ba ang graduation nila Patricia?” tanong ni Gavril.
“Sa April 3.” Sagot ng Mama ni Patricia. Napapikit ako nang marinig ko ang sinabi ng Mama ni Patricia.
Napadilat ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Gavril sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakatingin lang din siya sa akin, isang tingin na dapat na kaming magsalita. Alangan ko siyang tiningnan at marahan na umiling. Nakita ko pang nabigla siya sa ginawa ko.
“Roux…” mahinang tawag niya sa akin pero isang pag-iling lang ang sinagot ko at napayuko.
Nagpaalam na kami ni Gavril na aalis na at babalik na lang sa ibang araw para bisitahin si Patricia. Nagpaiwan naman na si Gwen sa hospital para samahan ang Tita niya. Pabalik na kami sa café kung saan iniwan ni Gavril ang bike niya. At simula pa kanina nang umalis kami sa hospital hanggang sa makarating kami rito sa café ay kanina pa siya hindi umiimik.
Kinuha niya ang bike niya at sumakay doon saka ako tiningnan. “Tara na, sakay na para makauwi na tayo.” Aniya sa akin pero iwas ang tingin. Galit ba siya sa akin?
“May nagawa ba ako?” tanong ko sa kanya. Napatigil siya at marahan akong tiningnan. Kita ko ang seryoso niyang mukha at ang seryosong titig ng kanyang mga mata.
“I thought we have agreed that we will help Patricia?” tanong niya na may halong inis sa tono ng kanyang boses. Huminga ako ng malalim.
“I know. Pero Gavril, they’ve accepted it. Sabi ko ng sayo, it will happen anyway.” Sagot ko.
Totoo, totoong buwan pa ang maaaring itagal ni Patricia. And based on my vision, that wish of her to attend her graduation will take her life ahead.
“Pero pwede pa natin silang pigilan na huwag nang umattend si Patricia ng graduation para mabuhay pa siya ng matagal.” Sigaw niya.
“Gavril, bakit mo pa ipagkakait sa isang taong malapit ng mamatay ang isang kahilingan na alam mong makakapagpasaya sa kanya? Patricia have decided for her life and we can’t change that.” Ganti ko.
Pareho kaming natahimik dahil sa mga binitawan naming salita sa bawat isa. I know that we don’t have to fight for this. I know and I understand that he is concern about Patricia and I know what he wants that Patricia can live for months to be with her family and loveones. Pero nakapali na at nakapagdesisyon na si Patricia sa gusto niya na alam niyang sasaya siya. Mawalan man siya sa mundong ito, mawawala siyang masaya at payapa.
Pagdating sa bahay ay umalis na si Gavril nang hindi na ako kinausap. Pinanuod ko lang siyang makalayo sa akin. Pumasok na ako sa loob ng at nagbihis ng pambahay. Ginawa ko na rin ang mga dapat kong gawin sa school lalo na ang mga notes at reviewers ko dahil final exam na namin next week. Pagbukas ko ng bad ko ay nagulat ako sa nakita ko, at naalala ko na kinuha ko nga pala ito kanina bago kami umuwi ni Gavril sa basurahan.
Nilabas ko ang polo ni Gavril na pinangpunas niya sa upuan ko na tinapon niya sa basurahan. Pinagmasdan koi to at naaalala ko na naman ang naging pagtatalo namin kanina. Huminga ako ng malalim at tinabi muna ang mga notes at reviewers ko at saka bumaba ng kusina.
Binanlawan ko muna ang polo niya para maalis kahit papaano ang dumi saka binabad sa bleach. Mamaya pagtapos kong magreview ay lalabhan ko siya bago matulog para tuyo na siya kinabukasan.
Kinabukasan. Nagulat ako ulit nang paglabas ko ng gate ay nasa labas na si Gavril at nakasakay sa bike niya. Nakangiti siya sa akin at medyo alangan ang tingin. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko at may nilagay dito. Nang tingnan ko ang nilagay niya sa kamay ko, nabigla ako nang isang chocolate bar ang nilagay niya. Tiningnan ko siya, iwas ang tingin niya sa akin na parang nahihiya.
“Sorry kung medyo nagkasagutan tayo kagabi.” Aniya at tumingin sa akin. “’Yan ang peach offering ko.” Napangisi pa siya at tumawa.
Napangiti na lang din ako sa kanya. “Hindi mo naman kailangan ng peach offering pa. At saka sorry din dahil hindi kita inunawa.”
“Hindi mo na kailangan ng peace offering ko? Edi akin na ‘yan!” natatawa niyang sabi saka sinubukang kunin sa kamay ko ang chocolate bar pero agad kong naiwas ito. “Takam na takam ako diyan kagabi pa pero pinigilan ko sarili ko kasi ibibigay ko na lang sayo.”
Natawa ako sa inaasal niya at iniharap ang bag ko. Tiningnan naman niya ako at saka ko inilabas ang polo niya na nilabhan ko. Iniabot ko sa kanya ang polo niya at nakita kong nagulat siya nang makita ito.
“’Yan na lang ang peace offering ko.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha niya at natulala sa akin.
“Paanong—bakit mo pa nilabhan ‘yan?” tanong niya.
“Sayang ang polo ah, at saka okay naman na oh. Wala nang mantsa at ang puti-puti na.” sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at kinuha na ang polo niya.
“Salamat.” Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.
Sumakay na ako ulit sa bisekleta niya. Habang nasa biyahe kami tahimik lang si Gavril at ganoon din ako. Habang namamaneho siya ay nagawi muli ang tingin ko sa kaliwang kamay niya at nakita ko na naman ang itim na wrist band. Amoy na amoy ko rin ang pabango ni Gavril habang sinasalubong namin ang lamig ng hangin at ramdam ang sinag ng sikat ng araw sa aming balat.
“Buong gabi kong pinag-isipan.” Sabi ni Gavril.
“Ang ano?” tanong ko.
“’Yong tungkol kay Patricia.” Sagot niya. Natahimik ako, talagang gustong makatulong ni Gavril.
“Anong naisip mo?” tanong ko sa kanya.
“We can still grant her wish without sacrificing her health.” Aniya. Huminto siya nang mag-red ang stop light. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha habang nakatingin din sa akin. “Hindi ba sabi ko nga sayo, kaya nating baguhin ang hinaharap basta gagawin lang natin ito sa matalinong paraan.” Masigla niyang sabi.
Napangiti rin ako at saka tumango bilang pag-sang-ayon sa kanya.
Chapter 10. "Out of my comfort zone" Recess nang puntahan ako ni Gavril sa classroom namin at niyaya niya ako na kumain sa may school garden para doon namin pag-usapan ang naisip niyang plano para kay Patricia. Hawak-hawak niya ang isang tinapay at isa na namang bottle ng softdrinks habang may tinitingnan sa notebook na hawak niya. “I did some research earlier in the library about cardiac arrest and what are the possible thing that might trigger it.” Saad niya at tiningnan ako. “Roux, explain mo nga sa akin ‘yong exact na mangyayari based sa vision mo about Patricia?” tanong niya. Kinuha ko ang notebook ko na may mga notes at kinuha ang note ni Patricia. Taimtim kong pinagmasdan ang note ni Patricia at binasa sa isip ko ang mga nakasulat dito. “Patricia is sitting in a wheelchair on the day of her graduation. Kasama niya ang Mama niya at Papa niya at ang ibang family niya, kasama rin si Gwen.” Kwento ko kay Gavril. “D
Chapter 11. “Behind the black wrist band" Tulala ako habang nasa tabi ko naman si Gavril. Narito kami ngayon sa isang bench. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa nangyari. May nakita na naman ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko na dapat hindi na ako pumunta rito. “Sorry.” rinig kong sabi ni Gavril sa tabi ko. Tiningnan ko siya at kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. “Dapat hindi nga kita sinama rito.” dagdag pa niya. Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti. Birthday niya kaya dapat ay hindi siya malungkot ngayon. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti saka umiling. “Hayaan na natin. Hindi mo naman kasalanan.” sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at napasalubong ng kilay. “Ano ang nakita mo, Roux?” tanong niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mariin na pumikit saka inalala ang nakita ko kanina nang tapikin ko ang kamay ng waitress kanina sa restaurant. Madilim ang lugar at tanging ilaw lan
Chapter 12. “Even if the world crumbles down" Few days had passed and today is the last day of the final exam. Nothing change about my everyday routine in school. Papasok ako, magiging mag-isa, tapos uuwi ulit. Ilang araw ko na ring hindi gaanong nakakasama si Gavril because he is busy for some school works and organization duties in the student council. Ang alam ko at tumutulong sila para sa preparation ng recognition, moving up, and graduation ceremony. I was walking in the hallway leading to the rooftop to eat lunch when I heard him calling me. Nilingon ko siya at nakita kong palapit siya sa akin. Hingal na hingal si Gavril nang makalapit sa akin. Napatingin ako sa hawak niya, ang dami niyang papel na dala. “Alam mo ang bilis mo talaga maglakad. Kanina pa kita hinahanap.” natatawa niyang sabi at saka malalim na huminga. “Bakit mo naman ako hinahanap?” I asked. I saw him bit his lower lip and he looks like he is really piss
Chapter 13. “Decisions and choices"March 31, 2019Ngayon ang last day ng pasok namin sa school and after that ay summer vacation na. Bumalik na rin si Ms. Velarde from her leave. Noong nakita niya ako kanina ay kinausap niya ako at tinanong kung aksidente lang bang nasa tapat ako ng apartment niya noong gabing iligtas namin siya ni Gavril. Mukhang labis na nagtataka si Ms. Velarde kaya sinabi ko sa kanya ang lahat, tungkol sa nakita kong mangyayari sana noong gabing iyon.“Tomorrow will be our recognition day, then on Thursday is the moving up ceremony for Grade 10, and on Friday will be the graduation. You can still free to attend the said program and ceremonies.” Ms. Velarde announced to the class.“To all honor students you need to—“ Ms. Velarder stopped when we heard a knock on the door. Nang bumukas ang pinto, agad akong napaiwas ng tingin sa pumasok sa classroom.“Excuse me,
Chapter 14. “Wiser than the fate" Kanina pa humahagulgol ng iyak si Amanda matapos umalis ng lalaking nasa bleachers kanina. Narinig ng lalaking ‘yon ang pinag-uusapan namin kanina, I am sure what is he planning to do. “This will be the end.” saad ni Amanda sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Napatingin ako kay Gavril na nakatingin lang din kay Amanda at parang may malalim na iniisip. “Gavril, sino ba ang lalaking ‘yon?” tanong ko sa kanya. Gavril took a deep a breath and faced me. Kita ko ang pagkabahala sa mukha niya. “He is Oliver, our second top in class. He never had a chance to place rank 1 because of Amanda. Palaging rank 2 si Oliver, and I guess because of this, Amanda will lose everything.” kwento ni Gavril. “No!” sabay kaming napatingin nang sumigaw si Amanda. “Hindi pwede.” umiiyak pa rin niyang sabi. Gavril tried to calm Amanda. He patted Amanda’s shoulder and said, “We can fix this, believe me, everyt
Chapter 15. “Fire tension" Maayos na natapos ang party nila Gavril. Passed 7 PM na natapos ang kasiyahan nila. Tahimik lang akong nasa gilid habang nakikitawa sa kasiyahan ng student council. Palabas na kami ng school nangyayain ako ni Gavril na dumaan muna sa convenience store. Pagpasok namin ng convenience store ay agad na dumiretso si Gavril sa fridge at kumuha ng dalawang ice tea na nasa bottle. Dumiretso siya sa cashier at binayaran ito. Naupo naman kami para inumin muna ang ice tea. Habang umiinom kami ng ice tea ay napalingon ako sa TV sa may convenience store nang marinig ang balita. Tungkol sa sunog ang nasa balita. “Grabe, pang ilang sunog na yang narinig ko sa balita simula noong March.” sabi ni Gavril na nasa tabi ko. Napasalubong naman ako ng kilay at napaisip. Alam ko may sasabihin ako tungkol kay Gavril about sa sunog. Nabigla ako nang maalala ko ang sasabihin ko kay Gavril at tiningna siya. Nagtaka naman siya
Chapter 16. “Life is full of surprises" What a surprise! Did he just asking me to sleep over here in my house? Nasa loob na kami ng bahay, he is now sitting in my sofa. Ginagawa pa rin niya ‘yong pagpapaawa niya kanina. Nakanguso at parang maiiyak na parang tuta o kuting. Maya’t-maya titingin tapos iiwas naman. Nakapameywang ako sa harap niya habang inis na nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim. Nakaka-frustrate siya! Ito kasi ang unang beses na may makikitulog sa bahay ko or better to say, ito na lang ulit ang pagkakataon na may makakasama ako sa bahay ko na ibang tao. At isang lalaki pa! “Cut it out.” may inis kong sabi sa kanya. Tiningnan naman niya ako, iyong ganoong tingin na naman na parang batang nagpapabili ng laruan.
Chapter 17. “Never lose hope!" Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Bumangon ako at tumingin agad sa sahig sa tabi ko at nabigla ako dahil wala na siya. Nakatupi na ng maayos ang comforter at kumot habang nakapatong ang dalawang unan. Umalis na siya nang hindi ako ginigising. Bumaba na ako sa kama at kinuha ang comforter at kumot at niligpit ito sa cabinet. Pero paglagay ko ng mga iyon sa cabinet ay napahinto ako nang mapadaan ako sa salamin. Ang salamin ko na nababalutan na ng mga notes sa dami nito. Iba’t-ibang kulay ng sticky notes na may mga nakasulat na information ng mga taong nakita ko ang pagkamatay. Pero sa mga hindi ko na gustong makitang notes na nakadikit ay may tatlong notes na umagaw ng pansin ko. Nakasulat sat along magkakahiwalay na notes ang tatlong salita. Never lose hope! Napangiti ako habang nakatingin sa tatlong notes at naalala ko ang nangyari kagabi. Pagtapos naming mag
EpilogueGavril’s Point of ViewFifteen Years had passed.The ambiance inside the courtroom was filled with tension as everyone inside is waiting for prosecutors and the defendant’s side to speak. Everyone is cautious and careful. The judge locked his eyes on anyone who is speaking. This is not actually a tough case, because I can actually prove this old man’s innocence. This is a case of murder but the real culprit of this crime framed up someone, pointing and setting up someone’s innocence.I sat very straight and calmly as I can while I am hearing the lawyer of the defendant’s statement. He stating the scenario capturing the main suspect of the crime. He also asked the suspect about his statement of what happened that night. I looked at the old man seated in the jury box seat as he was asking about the case. Kita ko ang labis na kaba at takot sa mata ng matanda. His voice
Chapter 50. “To infinity and beyond”One..."Hey! Look there she is again!"Why do people are so judgemental?Two..."So, she really looks creepy, huh?"Why do people say hurtful things?Three..."I remember when we were in grade school? She kept on crying and we didn't know why?"If I could just ignore it, but I can't.Four..."Really? Do you know that she lives in a haunted house in our village?"If I could just find a cure or something to stop it.Five..."Hey! She's coming near...baka marinig ka niya."If I could just cover my ears just not to hear all of your heartless words.Six..."Oh my God!""Hey! You freak! How dare you!"If I could have a choice not to have this.Seven..."Oh! You slap her!" So, that I can live
Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”March 15, 2019Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died. "I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears. Another death happened. Isa na namang pagkamatay na nakita ko. "Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled. "You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas i
Chapter 48. “Thank you, my first love”“Gavril stop. Stop all of this. Why do keep on insisting on what you are believing for? Kung ano ang iniisip mo sa tingin mo ay tama!” “Bakit hindi ba, Roux? Alam mo, hindi na rin kita maintindihan minsan. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ba ako dahil sa note o sa nakita mo tungkol sa akin or may mas malalim pang dahilan. You run off my house when you knew that it’s my father’s portrait. Tell me, Roux!”“Hindi mo na kailangang malaman, Gavril. Dahil aalis na ako rito.”“Mahal na mahal kita, Roux pero parang pagod na ako…”The memories of what happened yesterday keep on lingering in my mind. Paulit-ulit na umi-echo sa tainga ko ang sinabi ni Gavril. Ramdam ko ang sobrang emosyon nang sabihin niya iyon. I don’t understand myself but I felt so guilty right now. Gavril
Chapter 47. “The Family Feud”Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?That day, I leave Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko ‘yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko s
Chapter 46. “Mirror of our soul ”Eight years ago, I cannot see how beautiful the world was. I was blind and all I can see was darkness. Kapag magbi-birthday ako, palagi kong wish ay ang may mahanap nang magdo-donate ng mata para sa akin. Gusto kong makakita, gusto kong makita sila Mommy at Daddy. Gusto kong makita ang mundo, ang magagandang paligid. And when my 9th birthday coming, I told my Dad my birthday wish again, to be able to see. And that wish was commanded by my Dad.“Really, Dad? Makakakita na ako?” I was so excited that time when Dad said the news to me. He finally found eyes for me.“Yes, Princess…the operation we will do the operation tomorrow, so have to prepare and be strong.” My Dad said. I nodded so quickly in response to him.“Yes, Daddy…” sagot ko. I felt his hand slowly patted my head.&ldqu
Chapter 45. “Nightmare of the past ”It’s been a week since Gavril and I didn’t see and meet. And there are about five days before the said date of Gavril’s accident. Habang palapit nang palapit ang petsang nakasulat sa note ay mas lalo akong kinakabahan. Amanda and Alexis are busy with the last note. And since last week, we still didn’t find who is the person named Gabriel on the last note.These past few days, I feel like I went back to my old self, myself of being alone again. Siguro ay nasanay na ako na araw-araw ay nakikita at nakakasama ko si Gavril. Pero dahil kailangan namin hindi magkita para maiwasan ang mangyayari ay handa akong maging mag-isa. Alexis also forbids us to communicate with each other. Noong una ay nalungkot ako but later on I understand and realized Alexis’ order.Bukod sa hindi namin pagkikita ni Gavril ng isang Linggo, isa pa sa nangyari na pinagtataka ko ay ang palagi
Chapter 44. “Terrifying vision”Gavril Ahren SantillanMay 28, 20194:58 PMCar accidentHindi na ako nakatulog simula nang magising ako kanina dahil sa isang nakakatakot na panaginip. Parang totoo, parang totoo ang lahat. Papasikat na ang araw at nakaupo pa rin ako dito sa aking higaan habang hawak ang pilas ng isang note kung saan ko sinulat ang mga detalye tungkol kay Gavril. Malungkot ko itong pinagmamasdan. Ang pangalan niya, ang petsa, ang oras at ang pangyayaring tatapos sa kanyang buhay.Malalim akong huminga at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko ang sakit ng aking mga mata dahil sa pamumugto nito. Kanina pa rin ako walang tigil sa kakaiyak. Natatakot ako. Natatakot akong mangyayari ito.Kinuha ko ang notebook kung saan nakalagay ang mga notes at tinago ang note kung saan nakasulat ang mangyayari kay Gavril. Bumaba na ako sa higaan ko at lalabas na sana
Chapter 43. “Mystery of the last note”Tahimik kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro rito sa playground. Hapon na at naisipan kong ilabas muna si Sham-sham at maglakad-lakad dito sa village at nang mapadaan ako dito sa playground ay naupo muna ako at hawak ang tali ni Sham-sham na nasa tabi ko.Mag-iisang linggo na mula nang magbakasyon kami ni Gavril sa Tagaytay at manalo sa Kite Competition sa Cavite. Ganoon pa rin naman ang nangyayari, pumupunta si Gavril sa bahay, maglalaro sila ni Sham-sham, magku-kwentuhan kami at saka uuwi na siya. Pero sa ilang araw na palagi kong kasama si Gavril sa bahay, palagi ko pa ring naiisip ang sinabi sa akin ni Auntie Remi tungkol kay Gavril. I don’t understand why do I need to stay away from Gavril just because he is a Santillan? I don’t get it and what is the connection of Gavril’s family to ours? Bakit kilala ni Auntie Remi ang family ni Gavril?“Si Gavr