Home / Mistery / Thriller / Dysfunctional / Chapter 7. “The sun will shine again”

Share

Chapter 7. “The sun will shine again”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 7. “The sun will shine again”

“Gavril?” bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.

“Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok.” Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. “Hey, don’t worry, I’m a good driver sweet lover.” Natatawa niyang sabi.

“Saan naman ako sasakay diyan?” tanong ko sa kanya.

“Dito sa harap ko.” Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa’t-isa non! “Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?” natatawa niyang sabi. “Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay.” Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.

Tama naman siya sa sinabi niya. Pero kahit na ganoon, I am not still comfortable being near anyone. Sa tagal kong naging mailap sa mga tao, this is just the first time na may ibang taong kumakausap sa akin at lumalapit sa akin.

“Gavril,” tawag ko sa kanya na nagpahinto sa kanyang pagtawa at nagtataka akong tiningnan. Huminga ako ng malalim at taimtim siyang tiningnan. “Hindi ka ba natatakot sa akin?”

Kita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Iniwas niya ang tingin sa akin na parang nag-iisip ng isasagot sa akin nang bigla siyang lumingon sa akin ng may matamis na ngiti sa labi.

“Hindi. Hindi ba magkaibigan na tayo?” masigla niyang sagot. Sa sagot niyang iyon, tila ba nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib. “Sakay na male-late na tayo.” Aniya at tinapik-tapik ang upuan sa may harap niya.

Sumakay na ako sa bisekleta niya pero nanlaki ang mga mata ko nang hawakan na niya ang manibela ng bisekleta dahil para siyang nakayakap sa akin mula sa likod ko. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin to the point that I am also smelling his scent. Tumingala ako para tanawin ang mukha niya. I can see his chin, his pointed nose, his smilling eyes and his thick brows that makes him more manly.

“Papasikat na ang araw.” Rinig kong sabi niya kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang papasikat na araw.

“Ang ganda.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.

“Yeah, after a long cold and darkness night, the sun will shine again and give us hope and new life.” Napangiti ako sa sinabi niya habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw at nilalasap ang sinag nitong dumadampi sa aking balat.

Bigla siyang nag-preno kaya medyo napa-lean forward siya sa akin dahilan para mapadikit ang dibdib niya sa likod ko. Wala pa rin naman akong makita tungkol sa kanya. Pero sa nangyaring ‘yon. May kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib.

Inalis ni Gavril ang kamay niya sa manebela at pinatunog ang mga buto niya sa kamay. Nangalay na ba siya?

Maya-maya pa at muli kaming umandar. Nagawi naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manebela at doon ko muling napansin ang itim na wrist band ni Gavril na nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. Naalala kong palagi niya ngang suot ang wrist band na ‘yan.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. He parked his bicycle and we both walked heading to our classrooms. Habang naglalakad kami sa hallway ay pansin ko ang tinginan at bulungan ng mga students na nakakakita sa amin. Yumuko na lamang ako upang hindi ko makita ang mga titig niya.

“Hey! Pres—“ isang lalaki ang sumalubong sa amin ni Gavril at natahimik siya na parang nagulat nang makita ako.

“Alexis, she’s Roux.” Pakilala sa akin ni Gavril. “Roux, siya si Alexis, tropa ko.”

“Okay. I thought you’re done with her? I mean the bet is over right?” tanong ni Alexis kay Gavril.

“You’re a jerk.” Ani Gavril at hindi pinansin si Alexis at hinawakan ako at hinila. Nabigla ako sa ginawa ni Gavril maging ang mga students na nakakita sa amin.

Tahimik lang ako habang hawak-hawak ni Gavril ang kamay ko at hila-hila ako papunta sa classroom namin. Pagdating sa tapat ng classroom namin ay hinarap niya ako. Seryoso ang mukha niya.

“Sorry if he reminded you about that stupid bet.” He apologized. Marahan lang akong tumango bilang sagot sa sinabi niya. “I’ll pick you after class then we will go see Patricia.” Aniya at mapait na ngumiti sa akin saka ako iniwan at naglakad na papunta sa classroom niya.

Pinanuod ko lang siya habang palayo sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Gavril. Hindi ko alam kung dapat bang maging malapit kami sa isa’t-isa.

Pumasok na ako sa classroom. Pagpasok ko agad na natahimik ang mga kaklase ko at pinagtinginan nila ako. Pansin ko rin na lahat sila ay nasa gilid at masasama ang mga tingin sa akin. Huminga ako ng malalim at hindi na lang sila pinansin at pumunta na sa upuan ko pero pag punta ko sa upuan ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Alam mo malas sa klase natin ‘yang freak na ‘yan.”

“Oo nga, sinasabi tuloy ng ibang section at grade na freak ang section natin.”

“Sana hindi ko na siya maging kaklase next school year.”

“Bakit ba kasi nasa strand pa natin ‘yang si creepy freak girl?”

“Mas maganda yatang tanong kung bakit nabuhay pa ‘yan.”

Alam ko na dapat ay immune na ako sa mga ganyang naririnig ko sa mga tao sa paligid ko. Pero hindi ko akalain na masasaktan pa rin pala ako kapag nakakarinig ako ng ganyan.

Muli kong tiningnan ang upuan ko at desk na puno ng basura, may mga papel, may balat ng chichirya, may spill ng softdrinks at spill yata ng soya milk. Tahimik akong naglakad papunta sa cabinet kung nasaan ang mga cleaning materials namin pero pagbukas ko ng cabinet ay wala ang mga gamit panglinis. Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko.

“Linisin mo ‘yan gamit ang mukha mo, freak!”

“Pwede naman niyang dilaan!”

“She can also use her uniform total mukha naman basahan.”

Rinig ko ang malalakas nilang tawanan at ang mga masasakit nilang salita. Ramdam ko rin ang pagkirot ng dibdib ko at pangingilid ng luha ko pero ayaw ko, I don’t want to cry because of their heartless words.

Bumalik ako sa upuan ko at sinimulang tanggalin ang mga basura at kalat sa upuan ko. Napansin ko rin na may ilang students na rin na taga-ibang section ang nakasilip sa pinto at bintana ng classroom namin. They are all laughing and mocking me because I am different because I am not the person that they want to see like them.

“Roux!” napalingon ako sa tumawag sa akin at doon ay nakita ko si Gavril na hingal na hingal habang tagaktak ang pawis na nasa pinto ng classroom namin. Masama niyang tiningnan ang mga kaklase ko.

Naglakad papasok si Gavril ng classroom namin na kinabigla ko. Pagdating niya sa harap ko ay bigla niyang hinubad ang polo niya at pinunas sa basing upuan ko at desk ko. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Gavril maging ako ay sobrang nagulat sa ginawa niya.

“Gavril, you don’t have to—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong lingonin nang may ngiti sa labi.

“Bakit? Hindi ba kaibigan kita? Kaya gagawin ko ‘to para sa kaibigan ko.” Sagot niya. Sa sinabi niyang ‘yon, ay biglang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. “Oh? Bakit? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang tanong niya. Umiling-iling ako habang mahinang humihikbi.

Biglang tumayo si Gavril sa gitna ng classroom namin at tiningnan isa-isa ang mga kaklase ko.

“Take this is one as your last warning. Once I heard anything about this section bullying her. I will report this whole class to the prefect of discipline. Are we clear?” sigaw ni Gavril sa buong classroom.

“Yes, Mr. President.” Sagot ng mga kaklase ko na kinabigla ko. Hinarap niya ako at nginitian.

Pagtapos ng nangyari kanina, ay hindi na ako ginulo ng mga kaklase ko. Gavril also reported the incident to the prefect of discipline and they are investigating the whole class. Buong klase rin akong lutang dahil sa nalaman ko. How could I did not recognize, Gavril? Siya ang president ng student council!  No wonder that he is popular in our school.

Nang lunch break na ay pumunta na ako sa rooftop para kumain ng lunch pero pagdating ko sa rooftop ay nagulat ako nang nandito na siya.

“Finally, you’re here.” Aniya. Nilibot ko naman ang tingin ko at nakita ko ang isang pic-nic mat na nakalatag sa sahig ng rooftop at isang pack ng tinapay at bottle ng softdrink. “Tara na, kain na tayo.”

Naupo na rin ako sa mat at kinuha ang lunchbox ko. Napatingin ako kay Gavril. Naka-t shirt na lang siya dahil pinangpunas niya ang polo niya kanina sa upuan at desk ko.

“Gavril, nasaan ang polo mo?” tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain ng tinapay niya at nagtataka akong tiningnan.

“Tinapon ko na.” natatawa niyang sabi at saka kumagat ulit ng tinapay.

Inayos ko na rin ang lunch ko at kumain na rin. “Bakit ka naman dito kumain sa rooftop?” tanong ko sa kanya.

“Naisip ko lang kasi na dito ka palagi kumakain. Wala kang kasama kaya sinasamahan kita.” Sagot niya at ngumiti.

Pinanuod ko lang siya habang kumakain ako at kumakain din siya. Hawak niya sa kanang kamay ang tinapay at ang bottle naman ng softdrink sa kaliwa. Muli ko na namang nakita ang itim naq wrist band sa kaliwang kamay niya.

“Gavril,” tawag ko sa kanya kaya tiningnan niya ako. “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?” tanong ko na kinabigla niya.

Related chapters

  • Dysfunctional   Chapter 8. “How will you accept death?”

    Chapter 8. “How will you accept death?” “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?”Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.He took a deep breath and faced me with a bitter smile. “Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista.”Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.“Madalas ka ba nilang binubully?” napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna.

  • Dysfunctional   Chapter 9. "Her Last Wish"

    Chapter 9. "Her Last Wish" “Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko. Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas. “May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us. Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot. “Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito. Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly

  • Dysfunctional   Chapter 10. "Out of my comfort zone"

    Chapter 10. "Out of my comfort zone" Recess nang puntahan ako ni Gavril sa classroom namin at niyaya niya ako na kumain sa may school garden para doon namin pag-usapan ang naisip niyang plano para kay Patricia. Hawak-hawak niya ang isang tinapay at isa na namang bottle ng softdrinks habang may tinitingnan sa notebook na hawak niya. “I did some research earlier in the library about cardiac arrest and what are the possible thing that might trigger it.” Saad niya at tiningnan ako. “Roux, explain mo nga sa akin ‘yong exact na mangyayari based sa vision mo about Patricia?” tanong niya. Kinuha ko ang notebook ko na may mga notes at kinuha ang note ni Patricia. Taimtim kong pinagmasdan ang note ni Patricia at binasa sa isip ko ang mga nakasulat dito. “Patricia is sitting in a wheelchair on the day of her graduation. Kasama niya ang Mama niya at Papa niya at ang ibang family niya, kasama rin si Gwen.” Kwento ko kay Gavril. “D

  • Dysfunctional   Chapter 11. “Behind the black wrist band"

    Chapter 11. “Behind the black wrist band" Tulala ako habang nasa tabi ko naman si Gavril. Narito kami ngayon sa isang bench. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa nangyari. May nakita na naman ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko na dapat hindi na ako pumunta rito. “Sorry.” rinig kong sabi ni Gavril sa tabi ko. Tiningnan ko siya at kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. “Dapat hindi nga kita sinama rito.” dagdag pa niya. Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti. Birthday niya kaya dapat ay hindi siya malungkot ngayon. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti saka umiling. “Hayaan na natin. Hindi mo naman kasalanan.” sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at napasalubong ng kilay. “Ano ang nakita mo, Roux?” tanong niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mariin na pumikit saka inalala ang nakita ko kanina nang tapikin ko ang kamay ng waitress kanina sa restaurant. Madilim ang lugar at tanging ilaw lan

  • Dysfunctional   Chapter 12. “Even if the world crumbles down"

    Chapter 12. “Even if the world crumbles down" Few days had passed and today is the last day of the final exam. Nothing change about my everyday routine in school. Papasok ako, magiging mag-isa, tapos uuwi ulit. Ilang araw ko na ring hindi gaanong nakakasama si Gavril because he is busy for some school works and organization duties in the student council. Ang alam ko at tumutulong sila para sa preparation ng recognition, moving up, and graduation ceremony. I was walking in the hallway leading to the rooftop to eat lunch when I heard him calling me. Nilingon ko siya at nakita kong palapit siya sa akin. Hingal na hingal si Gavril nang makalapit sa akin. Napatingin ako sa hawak niya, ang dami niyang papel na dala. “Alam mo ang bilis mo talaga maglakad. Kanina pa kita hinahanap.” natatawa niyang sabi at saka malalim na huminga. “Bakit mo naman ako hinahanap?” I asked. I saw him bit his lower lip and he looks like he is really piss

  • Dysfunctional   Chapter 13. “Decisions and choices"

    Chapter 13. “Decisions and choices"March 31, 2019Ngayon ang last day ng pasok namin sa school and after that ay summer vacation na. Bumalik na rin si Ms. Velarde from her leave. Noong nakita niya ako kanina ay kinausap niya ako at tinanong kung aksidente lang bang nasa tapat ako ng apartment niya noong gabing iligtas namin siya ni Gavril. Mukhang labis na nagtataka si Ms. Velarde kaya sinabi ko sa kanya ang lahat, tungkol sa nakita kong mangyayari sana noong gabing iyon.“Tomorrow will be our recognition day, then on Thursday is the moving up ceremony for Grade 10, and on Friday will be the graduation. You can still free to attend the said program and ceremonies.” Ms. Velarde announced to the class.“To all honor students you need to—“ Ms. Velarder stopped when we heard a knock on the door. Nang bumukas ang pinto, agad akong napaiwas ng tingin sa pumasok sa classroom.“Excuse me,

  • Dysfunctional   Chapter 14. “Wiser than the fate"

    Chapter 14. “Wiser than the fate" Kanina pa humahagulgol ng iyak si Amanda matapos umalis ng lalaking nasa bleachers kanina. Narinig ng lalaking ‘yon ang pinag-uusapan namin kanina, I am sure what is he planning to do. “This will be the end.” saad ni Amanda sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Napatingin ako kay Gavril na nakatingin lang din kay Amanda at parang may malalim na iniisip. “Gavril, sino ba ang lalaking ‘yon?” tanong ko sa kanya. Gavril took a deep a breath and faced me. Kita ko ang pagkabahala sa mukha niya. “He is Oliver, our second top in class. He never had a chance to place rank 1 because of Amanda. Palaging rank 2 si Oliver, and I guess because of this, Amanda will lose everything.” kwento ni Gavril. “No!” sabay kaming napatingin nang sumigaw si Amanda. “Hindi pwede.” umiiyak pa rin niyang sabi. Gavril tried to calm Amanda. He patted Amanda’s shoulder and said, “We can fix this, believe me, everyt

  • Dysfunctional   Chapter 15. “Fire tension"

    Chapter 15. “Fire tension" Maayos na natapos ang party nila Gavril. Passed 7 PM na natapos ang kasiyahan nila. Tahimik lang akong nasa gilid habang nakikitawa sa kasiyahan ng student council. Palabas na kami ng school nangyayain ako ni Gavril na dumaan muna sa convenience store. Pagpasok namin ng convenience store ay agad na dumiretso si Gavril sa fridge at kumuha ng dalawang ice tea na nasa bottle. Dumiretso siya sa cashier at binayaran ito. Naupo naman kami para inumin muna ang ice tea. Habang umiinom kami ng ice tea ay napalingon ako sa TV sa may convenience store nang marinig ang balita. Tungkol sa sunog ang nasa balita. “Grabe, pang ilang sunog na yang narinig ko sa balita simula noong March.” sabi ni Gavril na nasa tabi ko. Napasalubong naman ako ng kilay at napaisip. Alam ko may sasabihin ako tungkol kay Gavril about sa sunog. Nabigla ako nang maalala ko ang sasabihin ko kay Gavril at tiningna siya. Nagtaka naman siya

Latest chapter

  • Dysfunctional   Epilogue

    EpilogueGavril’s Point of ViewFifteen Years had passed.The ambiance inside the courtroom was filled with tension as everyone inside is waiting for prosecutors and the defendant’s side to speak. Everyone is cautious and careful. The judge locked his eyes on anyone who is speaking. This is not actually a tough case, because I can actually prove this old man’s innocence. This is a case of murder but the real culprit of this crime framed up someone, pointing and setting up someone’s innocence.I sat very straight and calmly as I can while I am hearing the lawyer of the defendant’s statement. He stating the scenario capturing the main suspect of the crime. He also asked the suspect about his statement of what happened that night. I looked at the old man seated in the jury box seat as he was asking about the case. Kita ko ang labis na kaba at takot sa mata ng matanda. His voice

  • Dysfunctional   Chapter 50. “To infinity and beyond”

    Chapter 50. “To infinity and beyond”One..."Hey! Look there she is again!"Why do people are so judgemental?Two..."So, she really looks creepy, huh?"Why do people say hurtful things?Three..."I remember when we were in grade school? She kept on crying and we didn't know why?"If I could just ignore it, but I can't.Four..."Really? Do you know that she lives in a haunted house in our village?"If I could just find a cure or something to stop it.Five..."Hey! She's coming near...baka marinig ka niya."If I could just cover my ears just not to hear all of your heartless words.Six..."Oh my God!""Hey! You freak! How dare you!"If I could have a choice not to have this.Seven..."Oh! You slap her!" So, that I can live

  • Dysfunctional   Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”

    Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”March 15, 2019Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died. "I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears. Another death happened. Isa na namang pagkamatay na nakita ko. "Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled. "You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas i

  • Dysfunctional   Chapter 48. “Thank you, my first love”

    Chapter 48. “Thank you, my first love”“Gavril stop. Stop all of this. Why do keep on insisting on what you are believing for? Kung ano ang iniisip mo sa tingin mo ay tama!” “Bakit hindi ba, Roux? Alam mo, hindi na rin kita maintindihan minsan. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ba ako dahil sa note o sa nakita mo tungkol sa akin or may mas malalim pang dahilan. You run off my house when you knew that it’s my father’s portrait. Tell me, Roux!”“Hindi mo na kailangang malaman, Gavril. Dahil aalis na ako rito.”“Mahal na mahal kita, Roux pero parang pagod na ako…”The memories of what happened yesterday keep on lingering in my mind. Paulit-ulit na umi-echo sa tainga ko ang sinabi ni Gavril. Ramdam ko ang sobrang emosyon nang sabihin niya iyon. I don’t understand myself but I felt so guilty right now. Gavril

  • Dysfunctional   Chapter 47. “The Family Feud”

    Chapter 47. “The Family Feud”Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?That day, I leave Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko ‘yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko s

  • Dysfunctional   Chapter 46. “Mirror of our soul ”

    Chapter 46. “Mirror of our soul ”Eight years ago, I cannot see how beautiful the world was. I was blind and all I can see was darkness. Kapag magbi-birthday ako, palagi kong wish ay ang may mahanap nang magdo-donate ng mata para sa akin. Gusto kong makakita, gusto kong makita sila Mommy at Daddy. Gusto kong makita ang mundo, ang magagandang paligid. And when my 9th birthday coming, I told my Dad my birthday wish again, to be able to see. And that wish was commanded by my Dad.“Really, Dad? Makakakita na ako?” I was so excited that time when Dad said the news to me. He finally found eyes for me.“Yes, Princess…the operation we will do the operation tomorrow, so have to prepare and be strong.” My Dad said. I nodded so quickly in response to him.“Yes, Daddy…” sagot ko. I felt his hand slowly patted my head.&ldqu

  • Dysfunctional   Chapter 45. “Nightmare of the past ”

    Chapter 45. “Nightmare of the past ”It’s been a week since Gavril and I didn’t see and meet. And there are about five days before the said date of Gavril’s accident. Habang palapit nang palapit ang petsang nakasulat sa note ay mas lalo akong kinakabahan. Amanda and Alexis are busy with the last note. And since last week, we still didn’t find who is the person named Gabriel on the last note.These past few days, I feel like I went back to my old self, myself of being alone again. Siguro ay nasanay na ako na araw-araw ay nakikita at nakakasama ko si Gavril. Pero dahil kailangan namin hindi magkita para maiwasan ang mangyayari ay handa akong maging mag-isa. Alexis also forbids us to communicate with each other. Noong una ay nalungkot ako but later on I understand and realized Alexis’ order.Bukod sa hindi namin pagkikita ni Gavril ng isang Linggo, isa pa sa nangyari na pinagtataka ko ay ang palagi

  • Dysfunctional   Chapter 44. “Terrifying vision”

    Chapter 44. “Terrifying vision”Gavril Ahren SantillanMay 28, 20194:58 PMCar accidentHindi na ako nakatulog simula nang magising ako kanina dahil sa isang nakakatakot na panaginip. Parang totoo, parang totoo ang lahat. Papasikat na ang araw at nakaupo pa rin ako dito sa aking higaan habang hawak ang pilas ng isang note kung saan ko sinulat ang mga detalye tungkol kay Gavril. Malungkot ko itong pinagmamasdan. Ang pangalan niya, ang petsa, ang oras at ang pangyayaring tatapos sa kanyang buhay.Malalim akong huminga at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko ang sakit ng aking mga mata dahil sa pamumugto nito. Kanina pa rin ako walang tigil sa kakaiyak. Natatakot ako. Natatakot akong mangyayari ito.Kinuha ko ang notebook kung saan nakalagay ang mga notes at tinago ang note kung saan nakasulat ang mangyayari kay Gavril. Bumaba na ako sa higaan ko at lalabas na sana

  • Dysfunctional   Chapter 43. “Mystery of the last note”

    Chapter 43. “Mystery of the last note”Tahimik kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro rito sa playground. Hapon na at naisipan kong ilabas muna si Sham-sham at maglakad-lakad dito sa village at nang mapadaan ako dito sa playground ay naupo muna ako at hawak ang tali ni Sham-sham na nasa tabi ko.Mag-iisang linggo na mula nang magbakasyon kami ni Gavril sa Tagaytay at manalo sa Kite Competition sa Cavite. Ganoon pa rin naman ang nangyayari, pumupunta si Gavril sa bahay, maglalaro sila ni Sham-sham, magku-kwentuhan kami at saka uuwi na siya. Pero sa ilang araw na palagi kong kasama si Gavril sa bahay, palagi ko pa ring naiisip ang sinabi sa akin ni Auntie Remi tungkol kay Gavril. I don’t understand why do I need to stay away from Gavril just because he is a Santillan? I don’t get it and what is the connection of Gavril’s family to ours? Bakit kilala ni Auntie Remi ang family ni Gavril?“Si Gavr

DMCA.com Protection Status