Okay. Mabigat na impormasyon 'yun. Lalo tuloy nanahimik ang buong lugar. Aist! Ang hilig kasi ni Miss Maggie sa isang bagsakan, e. Kahit ako hindi alam kung paano magre-react at sisirko sa mas magaan na usapan.
"Ah! I already have here some plans. Kung gusto n'yo, you can add your ideas or you can modify mine."
Mabuti na lang dahil mukhang nakaramdam din si Miss Maggie. Inabutan n'ya kami ng tig-iisang folder na naglalaman ng sinasabi n'yang mga plano.
Unang letra pa lang ay umayaw na agad ako sa pagbabasa. Hihintayin ko na lang na sabihin nila sa akin kung anong gagawin. Bahala na sila.
"Ngayong Huwebes na pala 'to, Miss Maggie?" tanong ni Pen habang nakatutok folder na hawak n'ya. In fairness dito kay Pen. Nag-i-improve rin talaga ang pakikitungo n'ya sa amin.
"Yep. Aabutin tayo ng two days para sa case na 'to kaya hindi na tayo magbubukas sa Thursday and we will start our dream service right away. Para Saturday morning, makakauwi na tayong lahat
[PSALM's Point of View] "So, pack your things for our two day stay there. And feel free to notify me kung may naisip kayong p'wedeng idagdag sa plano or kung may questions kayo," muling paalala ni Miss Maggie habang nagliligpit at kinukuha namin ang kanya-kanyang gamit. "Noted, Miss Maggie!" "Okay po." "Okay," "Mata, mata Miss M!" Mukhang na-attract na naman sila sa kagwapuhan ko dahil sabay-sabay nila akong nilingon matapos kong sumagot. "Mata, mata?" nakangiwi at naguguluhang tanong ni Miss Maggie. Pabiro kong inikot ang mata ko gaya ng palaging ginagawa ni Lovely dahil mukhang hindi nila ako nakuha. "Mata, mata. ‘Aye, aye’. DUH? ‘di n'yo gets?" paliwanag ko na at may kasama pang katarayan. Sabay-sabay na naman silang napa-buntong hininga at naglakad palabas ng office ni Miss M
O-kay. Hindi 'yun ang ini-expect ko kaya hindi rin ako nakapaghanda sa dapat na maging reaksyon ko.May tumigil na bus sa harap namin at bumaba ang ilang sakay. Naging pagkakataon ko 'yun para makapag-isip at matahimik kaming dalawa. Matapos magbaba ng pasahero, agad ding umalis ang bus at iniwanan kami ng usok. Bad trip.Sinilip ko ulit ang mukha n'yang talo pa ang test paper ko noong high school sa pagiging blanko. Bahagya akong napailing. Tignan mo nga naman. Para n'ya akong sinupalpal at sinagot ang kaninang inaakala ko— na ang mayayaman, pera lang ang pinuproblema. Dahil heto s'ya, problemado sa kung paano patatakbuhin ang buhay n'ya."Mahirap nga 'yan," tanging komento ko. Nakakapagsisi tuloy na tinanong ko pa s'ya."Pero... maswerte ka pa rin. Kahit na ayaw ng parents mo, nagagawa mo pa rin ang gusto mo. Kasi alam mo, 'yung iba d'yan, halos ipagsigawan na sa buong mundo kung anong gusto
[LOVELY's Point of View]Probinsya...Pupunta kami ng probinsya. Oh God! Bakit naman ganun? Sa lahat ng pwedeng puntahan, bakit probinsya pa?! Whyyyy?!Muli akong napasubsob sa mga palad ko at halos sabunutan ko ang aking sarili sa sobrang stress. Actually, pagpasok ko pa lang sa condo ko ay parang mawawala na ako sa sarili. Mabuti nga ay na-handle kong hindi mag-hysterical sa cafe kung hindi... hays baka nahalata na nila ako.Baka ngayon, alam na nila ang sekreto ko.Na... na hindi naman talaga ako balikbayan mula sa States. Na isa lang akong hamak na probinsyana na gustong abutin ang pangarap dito sa syudad at... kalimutan ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa akin sa probinsyang pinanggalingan ko.Pero heto! Mukhang gusto na akong ibuking ng tadhana. And that can not be! A big, big
The day for the fulfillment of another dream has come!It was only five in the morning but the city was widely awake. No, scratch that. Cities never sleep. As in!The difference lang siguro kapag ganito kaaga, kakaunti lang ang mga sasakyang dumadaan at iilan lang rin ang mga tao sa labas. I found this specific time the most peaceful time of the day."Have some coffee Lovely dear,"Nawala ang tingin ko sa labas ng glass wall nang maglapag ng cup sa table si Miss Maggie together with a creamer, a sweetener and a stirrer and she sat down beside me."Sorry. I'm not as good as Sage when it comes to making coffees kaya ikaw na lang ang bahala kung anong prefer taste mo ng coffee," she said apologetically. Aw, what an angel talaga."Aw, you're so sweet po. It's okay, Miss Maggie. Thank you po! Highly appreciated!"I put some creamer to my cup a
Paglabas ko, naibagsak ko agad ang mga bitbit ko dahil sa sobrang pagkamangha."Oh my goodness!" I placed my hand on my lips just to cover my agape mouth. "Waaaaah! Ang ganda~"Patalon-talon akong lumapit sa parang mini van na sasakyan namin. I am not familiar kung anong klaseng van ito pero gandang-ganda talaga ako. I even felt a sudden connection between me and that minivan!"Hoy! Babaeng palaka, kunin mo 'yung mga gamit mo. Hindi ko kukunin 'to! 'Wag mong iharang sa daan!"As usual, umekstra na naman ang kontrabidang kupal. Palibhasa'y pinagbitbit s'ya ni Miss Maggie ng mga gamit. I rolled my eyes na lang at tamad s'yang tinignan."Talk to my hand," mataray kong sagot at hinarap sa kanya ang kamay ko. Nang makita ko si Miss Maggie na papalapit ay agad ko s'yang tinakbo at umangkla sa kamay n'ya. "Miss Maggie sobrang ganda nito!""Well," proud n'yang sambit
[LOVELY's Point of View]This can't be!It should be a great, fun and amazing travel! Pero heto, stuck kami sa traffic habang binabayo ng malakas na ulan. This is a disaster! Hindi ko talaga malaman kung sinong bad luck sa amin. Palagi kasing may nangyayari not-so-good kapag may gagawin kaming supposedly ay masaya.Tahimik lang kami lahat at ang tanging pagpatak ng ulan sa bintana ng van at busina ng mga nag-aalburotong sasakyan ang maririnig. Pen was resting her head on the window at parang malalim ang iniisip. Si Miss Maggie naman relax lang at sinisilip ang unahan kung umuusad ba ang traffic. Behind me was Sage staring blankly somewhere outside samantalang si Psalm ay nakasandal sa backrest at nakatunganga sa ceiling. What a great time."Miss Maggie? Ilang oras po ba ang travel time papunta sa ancestral house ng mga Santos?" I asked dahil pakiramdam ko ay nag-iinit na ang butt ko sa pagkakaupo.
[SAGE's Point of View]"AHHHHHHH!"We all took a halt and looked back at Psalm when he exaggeratedly utter a sharp shrill cry. I made face after realizing what made him scream like a girl. Tuluyan nang lumubog sa putik ang kanina n'ya pa iniingatang rubber shoes."Psalm, are you okay?" Miss Maggie, who's currently leading the way after Marco, asked."Hindi Miss M! Hindi ho ako okay!" Exaggerated na sigaw ni Psalm habang nanlulumong tinitignan ang sapatos n'ya."Why? What happened?""He got his ever loving shoes sunk in the mud," I answered since I'm the nearest person to her. Bahagyang natawa si Miss Maggie at napailing."You're so maarte! Putik lang naman 'yan, no! Duh?"I decided to keep moving when Lovely lit the wick of their unending rumpus."Ah, maarte pala ha?""Hey&mda
Wow. That was the only word that we uttered when we finally saw the barrio Kutitap from the hill we were standing at.I never been into provinces before kaya manghang-magha ako sa mga nakikita ko ngayon. Everything was green. The smooth breeze was chilly yet fresh like you can actually smell the grass pulp. And the few roughly built huts were almost ten meters apart."Ang ganda," I heard Pen mumbled."Yeah but still we are covered with mud. Para tayong mga taong-putik nito," reklamo naman ni Lovely.I let a soft chuckle. Tama s'ya. Balot na balot kami ng putik. I bet my clothes inside my backpack were also wet already because of our mud fight earlier. But, bakit kaya? Bakit kaya hindi ko magawang mabahala at mag-alala? I should be worrying now, right?"Ito yung tamang panahon para sabihing, ‘ah, this is life’," madramang sambit ni Psalm matapos ilagay an
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'
"Pen! Psst! Pen!"Para akong sinampal mula sa pagkakatulala ko sa sobrang panunood kay Sage at Lolo Dado nang makarinig ako ng pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko."Pen, dito!"Napalingon ako sa may pinto na bahagyang nakabukas. Kunot-noo kong tinignan ang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto dahil sa pagtawag nito sa akin at sa suot nitong hoodie jacket."Marco?" bulong ko at napagdesisyunang lumapit. Nagpaalam din muna ako kay Ate Rian bago tuluyang lumabas ng pinto."Bakit mo 'ko tinatawag?— s-sandali!" Muntik na akong mapatili nang bigla n'ya akong hatakin papunta sa isang tabi malapit sa hagdan. Muli n'ya akong hinarap nang tumigil kami."Where's ate Maggie?" tanong n'ya."Hindi ko alam. Si Ate Rian ang kasama ko simula nung umuwi kami galing sa liwasan. Teka nga... saan ka pala galing? Bakit hindi kita nakita maghapon?"
[PEN's Point of View]"Sige na, Lolo. Kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglilibot ulit kayo ni Emmanuel. Gusto mo 'yun di ba?" Panunuyo ni Ate Rian kay Lolo Dado dahil ayaw pa nitong matulog at gusto pa raw makisaya sa labas kung saan may salo-salong hinanda."Hindi, hindi. Gusto kong lumabas! Gusto kong makausap si Pedrito! May kailangan pa kaming pag-usapan! 'Yung tungkol sa lupa doon... doon sa Sampaloc. Kailangan kong lumabas!" Pagwawala na naman nito at pilit na tinutulak palayo si Ate Rian.Nanatili akong nakatayo sa pinakatabi ng kwarto. Magdadala lang sana ako ng baso ng tubig pero hindi na ako makaalis dahil sa nangyayari. Nag-aalala kasi ako saka baka kailanganin ni Ate Rian ang tulong ko lalo na sa pag-aasikaso kay Lolo Dado.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Dan. Tumango ito kay Ate Rian bago ito lumapit. Saka ko lang na-gets kung para saan 'yun nan
[LOVELY's Point of View]Glamorous. Everything was definitely glamorous tonight!Nagliwanag ang buong bakuran dahil sa mga sulo na ginawa at dinala kanina ng mga kalalakihang dumalo. Akala ko nga ay mga mobs sila na may gustong sunugin na witch. Mga magsasaka pala iyon na in-invite ni Ate Rian.Kasalukuyan ding may band orchestra na tumutugtog sa sinet-up na stage sa may bukana ng bahay. Mga matatanda na ang mga musikero kaya tunog matanda na din ang tugtog but still, jive s'ya pakinggan. Puno din ng mga banderitas ang lugar at parang naging part ng design ang maaliwalas na night sky ngayong gabi. Ang daming twinkling stars!At syempre ang highlight ng lahat ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkaing niluto ko at mga prutas. May mga bitbit din naman 'yung ibang dumating. Mainly mga sticky rice delicacies like suman, biko and puto. Hindi ko nga napigilang maglaway dahil matagal-tagal na din akong hi