[PEN's Point of View] Ang sabi nila, kung mayroon mang mas nakakakilala sa'yo bukod sa sarili mo, 'yun ay ang pamilya mo. Pero sa kalagayan ko, parang hindi naman."Tanghali ka na naman. Tigil-tigilan mo na ang pagpupuyat Pen, ha. Tignan mo nga ang sarili mo, mukha ka ng zombie," bungad sa akin ni mama pagkababa ko pa lang ng hagdan habang naghahanda s'ya ng almusal sa mesa. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nga ay naniningkit ito."Oo nga, Pen. Ang laki na ng eye bags mo, oh!" komento din ni Faye na napatigil sa harap ko at bahagyang sinilip ang aking mukha. "Saka 'yang buhok mo, parang wig na hindi sinusuklay," dagdag n'ya pa habang hinahaplos ang lampas balikat at magulo kong buhok.Lahat na yata ng mali sa itsura ko, napansin na ni Faye. Basta talaga mali sa akin, nakikita nila agad. Ay, oo nga pala! Wala namang tama sa akin."Hindi ko mahanap 'yung suklay sa kwarto e," pagdadahilan ko kahit kaliwa'
Last Updated : 2021-08-13 Read more