[LOVELY's Point of View]
"I’m really sorry, Miss Ferrell. Kumpleto na kasi talaga ang batch ng model namin for this summer," the fatty agency personnel told me with her forced and plastic smile.
"What?! But why naman gano'n? I saw the poster outside saying na naghahanap pa kayo ng model. Like duh? Joke ba 'to?" reklamo ko sa kanya and rolled my eyes heavenward.
"Kumpleto na nga, e. Naiintindihan mo ba? Kumpleto na. Don't worry, aalisin na namin mamaya 'yung poster para sa ikaliligaya mo."
Hindi ko mapigilang magngitngit sa mataray n'yang sagot sa akin. She's so rude! Akala mo kung sinong maganda! E, drawing lang naman 'yung eyebrows n'ya.
"Kung gusto mo, iwan mo na lang sa akin 'yung contact number mo para masabihan kita sa mga susunod na projects. Sa Halloween season, for sure makukuha ka. Sa ngayon, p'wede ka ng umalis—"
"Wait a sec!" I cut her words off. "What do you mean by that, huh?"
She huffed a little and arched her drawn eyebrows at me.
"Gusto mo talagang malaman? Tumingin ka sa salamin. 'Yung life-size, ha! Para makita mo kung anong problema."
"I already did that. A hundred times na nga, e. And I saw nothing wrong sa akin," taas-noo ko ring sagot sa kanya.
"Fine, mukhang hindi mo din naman nage-gets kaya sasabihin ko na lang ng direkta. Wala kang latoy. Hindi ka marunong magdala ng damit. Baduy! Summer na summer naka-boots ka. Tapos wala pang laman 'yang dibdib mo. Sinong magkaka-interes bumili ng magazine kung katulad mo ang makikita nila, aber?"
I huffed and napahawak talaga ako sa chest ko. How dare she say that to me!
"First of all, I'm not baduy. For your info, this is fashion. FASHION. Baka naman 'yang big eyes mo ang may problem? Or baka dala na ng hand drawn eyebrows mo? No wait— I think you're being hazy because you ate too much already."
Her lips parted and mas lalong namilog ang malaki n'yang mata. Serves her right, no! But honestly, I couldn't help but to get scared when she looked at me habang lumalaki ang butas ng kanyang nose. Swear! She looked so... so nakakatakot!
"Anong sinabi mo?"
"Ah— eh, masyadong marami 'yung na-say ko. Which one ba du'n?"
I saw her hands closed to a tight fist kaya nagusumot 'yung hawak n'yang papel. She looked so pissed. Why kaya?
"The big eyes ba?" I hesitantly asked pero mas lalo lang humigpit ang mga kamay n'ya. And her face was burning red like a dynamite getting ready to explode.
"Ahm, the hand drawn eyebrows?" I asked her again, baka sakaling tumama na. But she just looked at me angrily and gritted her teeth like a wild boar ready to attack me.
"Ah! You hadn't eaten—"
"GET OUT! LUMAYAS KA DITONG BADUY NA CONYONG BABAE KAAAAA!" sigaw n'ya sa akin like parang pig na kinakatay. I even had to close my eyes for a moment dahil sa pagsigaw n'ya. And I felt something na tumalsik sa face ko. Yuck?
I slowly opened my eyes and tried to remember the words she said. I heard something na hindi ko na-gets.
"Ahm, w-what's conyo?"
The next thing I knew, I was being dragged by two security guards and threw me outside the agency. Mabuti na lang talaga I managed to balance gamit ang heels ko nang ipagtulakan nila ako.
"What's wrong with you mga panget?! Don't you know what is manners?!" gigil kong sigaw sa dalawang ugly guard na naglabas sa akin. They just shook their heads before nila akong tinalikuran at sinara ang pinto.
"Argh!"
Nagpapadyak ako sa sobrang inis. My four inches heels almost sunk on the concrete floor as it made a thudding sound. Napapalingon tuloy ang 'yung mga dumadaan and kept on giving me amusing looks like ngayon lang sila nakakita ng magandang nagta-tantrums.
I just crossed my arms and whimpered instead para hindi na ako makakuha ng masyadong attention. Then suddenly, I felt my stomach growled naman. I remembered tuloy na hindi pa ako kumakain since last night for my preparation for applying to be model ng isang summer magazine. Tapos heto, they won't accept me naman pala. God! Nasayang lang ang efforts at sacrifices ko dito.
Imagine? I gave up my well-heeled life in our town tapos I'll be rejected here? That ain't fair! Pinangako ko pa naman na hindi ako babalik sa amin as long as hindi ako nagiging sikat na model at beauty queen dito sa city.
I was so confident na matatanggap agad ako. I mean, I have the qualities to be a good model— face, skin, fashion sense, posture, poise, height and everything. Overqualified pa nga kung tutuusin. No one can question that pero... WHY?! Bakit nila ako ni-reject? I thought city people have good standards? I am really super duper, ultra, mega disappointed to the highest power!
Dumagdag pa to my irritability ang sobrang banas. Wala pang five minutes since I was dumped here sa labas but para na akong sinisilaban dahil sa init. The heat exhausted the hell out of me! So nakaka-VB!
Napasapo ako sa aking forehead dahil sa sudden dizziness. The heat of this city is so nakakamatay pala talaga. But then, ano pa nga ba? I need to tiis-tiis this. From the nakakamatay na weather, screeching ng mga cars, obnoxious gas fumes, rude people sa paligid, the traffic, the emanating smell of the street and everything! Pinili ko 'to, e. Well, not really. I chose to live in the city for more real opportunities and forget my bad experiences. Pero I didn't literally chose ang maging instant tinapa.
Nevertheless, I have to see things in its bright side and accept the fact that everything has its pros and cons. Its like a marriage vow; for better, for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health. Kaya kahit I'm being unlucky dito, kailangan ko pa ding maging positive and avoid the stress para fresh looking always.
"Cheer up, Lovely! You got this. Just don't mind those uglies," bulong ko sa sarili ko.
I held my head up high and stood tall with my shoulders slightly back and put my aviator sunglasses on. Hindi isang rejection lang ang sisira sa lahat ng plans ko dito, no!
[LOVELY's Point of View]Tinanaw ko ang crossing lane. When I saw na tumawid ang mga taong kanina pa naghihintay na makapunta sa kabilang side despite of the exhausting heat, I made my first step and walked with confidence. Hindi ko iwi-waste ang fitted crop top shirt, high waist scalloped shorts, ang mamahalin kong aviators at pati na rin ang ankle booties ko para lang magmaktol. I dressed fashionably today thus, I'll ramp this with pride.Tinuring kong runway stage ang pedestrian lane at sumabay sa mga tumatawid. I let my hips move left and right as well as my swaying arms. Hindi na 'ko nag-care sa mga taong napapa-second look pa sa akin. Like duh? Why should I care?So, matapos ng pangmalakasan kong rampa sa street ay pumasok ako sa isang cafe na una kong nakita. Hindi ko pa din nakakalimutang my stomach was screaming hunger already.When I opened the door, the cold whiff from their air conditioner touched my heated skin. It was heaven! Dumiretso
[PSALM's Point of View] “In the midst of your dream, you'll experience a nightmare.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala ang dalawang palapag na bahay na ngayon ay malapit nang matapos. Tignan mo nga naman, oh. Parang kahapon lang puro pa 'yan pinagtagpi-tagping kahoy pero ngayon, isa ng mansyon. Sa wakas, matatapos na din. Matatapos na din ang bahay na katabi lang ng sa amin. Tsk, tsk. Kainggit. "Hoy Psalm! Ang gara ng suot natin, ah? S'an ang party-party?" Napaismid ako sa sinabi ng dakilang tambay na si Mang Gano na tumigil sa tabi ko. Ki-aga-aga ay amoy alak ito at wala pang pang-itaas na damit kaya nagsusumigaw ang bola-bola n'yang tiyan. "May gig ho ako ngayon e," swabe kong sagot ko sa kanya at inimuwestra ang sukbit kong bag ng aking gitara. "Gig, gig. Sus! E, manlilimos ka lang naman sa kalye habang ngumangawa ng kanta." Unti-unting napawi ang ngisi ko dahil sa sinabi n'ya at lihim ako
[PSALM's Point of View]"Jude sige na, oh. Kahit isang gabi lang. Sige na!" pagpupumilit ko kay Jude na akala mo ina-allergy kung makakamot ng batok n'ya."Hindi nga p'wede, pare. May nakuha na kaming singer, e. Hindi talaga kita maisisingit sa ngayon. Pero hayaan mo, kapag may bakante tatawagan agad kita.""Sure ball 'yan, ha? Aasahan kita," paniniguro ko."Oo, oo! Sige na, may gagawin pa ako e. Sa susunod na lang!"Mabilis n'ya akong tinalikuran at muling pumasok sa bar. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga balikat ko. Bahagya akong sumilip sa glass door nito at nakitang nagpa-praktis s'ya kasama ang kanyang buong banda. Hindi ko maiwasang isipin na baliktad na talaga ang mundo. Dati sila itong nagmamakaawa na kumanta ako para sa banda nila. Nawala lang ako ng ilang linggo, mukhang nakalimutan na nila ako. Kaya heto ako ngayon, hindi basang-basa sa ulan pero 'yung mata ko malapit ng bumaha."Hays Psalm," kagat-labi kong bulong s
Chapter's Theme: “A mere coincidence might be a tricky destiny.”[PEN's Point of View]Kanina pa kumakatok sa pinto ko si Faye. Sa ilang minuto n'yang pagkalampag ng pintuan ko, dapat alam na n'yang ayoko s'yang pagbuksan. Hindi naman sa ayaw ko talaga s'yang pagbuksan. Sabihin na lang nating... ayoko lang.Matapos n'yang sabihing bumaba na lang ako para kumain, tumigil na din s'ya sa pagkalampag ng pintuan ko. Kaya naging tahimik na ulit ang paligid ko. Tahimik at madilim. Tanging ang isang bukas na lampshade sa ibabaw ng drawer chest ang maliwanag. Tumatama ang ilaw nito sa aking mukha dahilan para mas lalo kong makita ang katangahang ginawa ko.Tulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang hawak-hawak ang isang gunting. Nanginig ang mga labi ko kaya agad ko itong kinagat."Bakit ko ba naisip na gawin 'to?" tanong ko sa kawalan habang pi
[PEN's Point of View]Makailang beses akong napakurap. Huli na ng ma-realize ko kung sinong kaharap ko."Ah— g-good morning, ma'am?" Kinakabahan kong pagbati. Ngayon ko nakumpirma na mabagal talaga ang proseso ng utak ko dahil inabot ako ng isang minuto bago mag-sink in sa utak ko kung sino s'ya.Tinignan n'ya ako pabalik na umabot din ng ilang segundo bago s'ya tumawa ng mahina. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at sumilay ang mapuputi n'yang ngipin. Nakakainggit. Parang hindi n'ya naranasang mabungi dahil perpekto ang kanyang ngiti."Ma'am? I'm just an applicant here, silly."Nabalik ako sa wisyo at naramdaman ang paglaki ng mga mata ko. Tinignan ko ulit s'ya mula ulo hanggang sa takong ng sapatos n'ya.S-seryoso? Aplikante s'ya sa lagay n'yang 'yan?Nakasuot s'ya ng fitted na pink blouse at pencil skirt na hindi man lang umabot sa tuhod n'ya kaya kitang-kita ang makinis at kumikinang sa puti n'yang
Chapter's Theme: “Dare to do the things that scare you.” [PEN's Point of View] "Thank goodness!" Natauhan ako nang marinig ang sigaw ni Lovely at ang pagtunog ng chime hudyat ng pagbukas ng pinto kaya mabilis akong lumingon ulit paharap. May nakatayong babae sa may entrance. Base sa suot n'yang uniform, s'ya yata ang manager ng cafe. Malinis at pormal s'yang tignan pero nakaguhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti. "Oh, kayo na pala 'yan. Akala ko may narinig akong aso't pusang nag-aaway," malumanay at medyo natatawa n'yang sambit. "Anyway, come in." Nag-unahang pumasok si Lovely at Psalm kaya halos ma-stuck sila sa pinto. Kung hindi pa nagpaubaya si Psalm ay baka hindi na din ako nakapasok. Malalaki ang hakbang ko papasok pero agad ding akong napatigil nang makita ko ang kabuuan ng loob ng cafe. Katulad ng inaasahan ko, hindi ito masyadong malaki pero dahil maayos ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan, maluwag itong tignan.
[PEN's Point of View]"I guess, may nakita s'ya na something special sa applications n'yo kaya hinire n'ya kayo agad and don't worry, we're operating legally." Dagdag pa ni Miss Maggie at itinuro ang isang frame na naka-display malapit sa counter. Business permit yata 'yun.Ilang minuto din ang lumipas bago s'ya muling magsalita. Wala kasing nagbabalak na umimik sa aming apat."Okay, kung wala na kayong tanong, I have here the contract." Kinuha n'ya ang isang envelope at inilabas ang sinasabi n'yang kontrata. Binigyan n'ya kaming apat at hinayaang basahin muna iyon."Go on. Read the terms and conditions carefully. You can take your time."Binasa ko naman ng mabuti ang kontrata. Nakalagay dun na weekly ang sweldo namin. Monday to Friday ang trabaho, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon. Malaki-laki din ang sweldo kung tutuusin. Actually, first time kong magtatrabaho kaya hindi ako aware sa mga salary rate pero para sa akin, malaki n
[SAGE's Point of View]AWKWARD. That explains the atmosphere now. Iniwan kami ng manager so we could talk about the offer. Kailangan daw naming mag-come up sa iisang decision whether we'll accept the job or not. If one of us says no then, there's no job for everyone. I found it tricky, to be honest. I mean, what's with the idea of oneness?"So!" the girl in an employee's uniform suddenly said, breaking the ice and getting our attention. May kasama pa itong paghampas sa low wooden table sa gitna. I bet that hurt.We all gave her a look pero matapos n'un, wala ng nagsalita ulit. Nagpalitan lang kami ng mga tingin. We couldn't blame anyone though. We're completely strangers. And me, personally, rarely talk to strangers."Guys, let's accept the job na please?~"I couldn't help but to grimace because of her singsong tone and her conyo way of speaking. Idagdag pa ang pag-nguso ng mga labi at pagbukas-sara ng mga mata n'ya. This is the first time I
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'
"Pen! Psst! Pen!"Para akong sinampal mula sa pagkakatulala ko sa sobrang panunood kay Sage at Lolo Dado nang makarinig ako ng pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko."Pen, dito!"Napalingon ako sa may pinto na bahagyang nakabukas. Kunot-noo kong tinignan ang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto dahil sa pagtawag nito sa akin at sa suot nitong hoodie jacket."Marco?" bulong ko at napagdesisyunang lumapit. Nagpaalam din muna ako kay Ate Rian bago tuluyang lumabas ng pinto."Bakit mo 'ko tinatawag?— s-sandali!" Muntik na akong mapatili nang bigla n'ya akong hatakin papunta sa isang tabi malapit sa hagdan. Muli n'ya akong hinarap nang tumigil kami."Where's ate Maggie?" tanong n'ya."Hindi ko alam. Si Ate Rian ang kasama ko simula nung umuwi kami galing sa liwasan. Teka nga... saan ka pala galing? Bakit hindi kita nakita maghapon?"
[PEN's Point of View]"Sige na, Lolo. Kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglilibot ulit kayo ni Emmanuel. Gusto mo 'yun di ba?" Panunuyo ni Ate Rian kay Lolo Dado dahil ayaw pa nitong matulog at gusto pa raw makisaya sa labas kung saan may salo-salong hinanda."Hindi, hindi. Gusto kong lumabas! Gusto kong makausap si Pedrito! May kailangan pa kaming pag-usapan! 'Yung tungkol sa lupa doon... doon sa Sampaloc. Kailangan kong lumabas!" Pagwawala na naman nito at pilit na tinutulak palayo si Ate Rian.Nanatili akong nakatayo sa pinakatabi ng kwarto. Magdadala lang sana ako ng baso ng tubig pero hindi na ako makaalis dahil sa nangyayari. Nag-aalala kasi ako saka baka kailanganin ni Ate Rian ang tulong ko lalo na sa pag-aasikaso kay Lolo Dado.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Dan. Tumango ito kay Ate Rian bago ito lumapit. Saka ko lang na-gets kung para saan 'yun nan
[LOVELY's Point of View]Glamorous. Everything was definitely glamorous tonight!Nagliwanag ang buong bakuran dahil sa mga sulo na ginawa at dinala kanina ng mga kalalakihang dumalo. Akala ko nga ay mga mobs sila na may gustong sunugin na witch. Mga magsasaka pala iyon na in-invite ni Ate Rian.Kasalukuyan ding may band orchestra na tumutugtog sa sinet-up na stage sa may bukana ng bahay. Mga matatanda na ang mga musikero kaya tunog matanda na din ang tugtog but still, jive s'ya pakinggan. Puno din ng mga banderitas ang lugar at parang naging part ng design ang maaliwalas na night sky ngayong gabi. Ang daming twinkling stars!At syempre ang highlight ng lahat ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkaing niluto ko at mga prutas. May mga bitbit din naman 'yung ibang dumating. Mainly mga sticky rice delicacies like suman, biko and puto. Hindi ko nga napigilang maglaway dahil matagal-tagal na din akong hi