[PEN's Point of View]
"I guess, may nakita s'ya na something special sa applications n'yo kaya hinire n'ya kayo agad and don't worry, we're operating legally." Dagdag pa ni Miss Maggie at itinuro ang isang frame na naka-display malapit sa counter. Business permit yata 'yun.
Ilang minuto din ang lumipas bago s'ya muling magsalita. Wala kasing nagbabalak na umimik sa aming apat.
"Okay, kung wala na kayong tanong, I have here the contract." Kinuha n'ya ang isang envelope at inilabas ang sinasabi n'yang kontrata. Binigyan n'ya kaming apat at hinayaang basahin muna iyon.
"Go on. Read the terms and conditions carefully. You can take your time."
Binasa ko naman ng mabuti ang kontrata. Nakalagay dun na weekly ang sweldo namin. Monday to Friday ang trabaho, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon. Malaki-laki din ang sweldo kung tutuusin. Actually, first time kong magtatrabaho kaya hindi ako aware sa mga salary rate pero para sa akin, malaki na ang nakalagay na sweldo.
"The company values oneness that is why all employees are liable to their co-workers thus, a mistake of one is a mistake of all and a resignation of one employee means the resignation of his/her co-workers. What do you mean by that?"
Napalingon kaming lahat dun sa lalaking huling dumating kanina, Sage sa pagkakatanda ko, nang magtanong s'ya bigla. Hinanap ko tuloy kung alin 'yung tinatanong n'ya. Parang ang bilis n'ya naman yatang magbasa. Nasa first page pa nga lang ako, e.
"That's the catch. Golden rule ng cafe ang pagkakaisa ng mga staff. Kaya kung mapapansin n'yo, wala ng staff dito ngayon kasi nagpapalit kami palagi ng employees tuwing matatapos ang contract. Sabay-sabay silang pumapasok, sabay-sabay din silang aalis. At syempre, gan'on din kayo."
"Ah, I see.." bulong ng katabi kong si Lovely.
"That is why the four of you must bond together. Kailangan n'yong magkasundo lahat. Ang pagkakamali ng isa, magiging pagkakamali n'yong lahat. Kaya kapag natanggal ang isa sa inyo, I'm sorry but we all have to bid goodbye." Dagdag pa ni Miss Maggie.
Taas-kamay na nagtanong din si Lovely habang nakatingin sa kontrata.
"Here's another one. Saturday is our employee's day? What is that? Parang holiday, day-off namin? I don't get it."
"Yup. Sabihin na nating bonding day n'yo 'yan. Remember when I said, you guys need to bond together? Kailangan n'yong maging malapit sa isa't isa at maging connected para sa mas magaan na pagtatrabaho. After all, nakasandal kayo sa bawat isa kaya dapat maging strong ang relationship n'yong apat. I don't want to boast pero big-time ang pagbibigay ng budget ng owner para sa bonding ng mga staff. 'Yung huling batch ng staffs, pumunta sila ng Boracay. All paid expenses."
"What? For real?" hindi din makapaniwalang tanong ni Lovely. Natatawa namang tumango si Miss Maggie. Literal din akong napanganga. Para sa pagiging close ng mga staff gumagastos ng ganun ang owner ng cafe?
"Walastik," komento din ni Psalm.
"Oh my God. Imagine that guys. Every weekend tayong nasa beach!" tuwang-tuwang sambit ni Lovely habang pumapalakpak.
"Don't be too excited, dear. Hindi naman lahat ng bonding n'yo ay palaging out of town o sa beach. Minsan dito lang din sa cafe o sa place ng isa sa inyo. Depende 'yun sa magiging performance at mage-generate n'yong revenue within your working days," paglilinaw agad ni Miss Maggie pero hindi nun nabura ang saya sa mukha ni Lovely.
"Okay lang din. Basta libre ang pagkain, ba't hindi?" sagot ni Psalm.
"Hindi naman 'yun ikakaltas sa sweldo namin, tama?" Sa lalim ng boses n'ya, hindi ko talaga mapigilang lumingon kapag s'ya na ang magsasalita. Nakakapagtaka. Ano bang meron sa kanya?
"Of course not. Gagastusan kayo ng owner for the sake of the effectivity of your work. Ini-expect n'ya din na dahil dito, madadagdagan ang productivity n'yo sa trabaho."
Napatango-tango kaming lahat. Nakakahanga isipin kung gaano ka-unique ang tactic ng owner pagdating sa business n'ya.
Napansin ko na lang na nagpapalitan na naman kaming apat ng mga tingin. Parang nagtatanungan kami kung ano bang sunod naming dapat gawin.
Kung sa pagiging praktikal lang din naman, magandang opportunity na 'to. May sweldo ka na, may libreng bakasyon ka pa.
Pero... kakayanin ko kaya 'to? Kakayanin ko bang makisama sa mga taong 'to? Buong buhay ko nagkukulong lang ako sa bahay. Ni hindi ko maalalang nagkaro'n ako ng kaibigan. Kaya paano ako magiging konektado sa mga taong hindi ko naman kilala? Ni hindi ko nga magawang maging konektado sa sarili kong pamilya.
Isa lang namang... madaliang desisyon ang ginawa ko kagabi. Susubukan ko pa lang naman sana. Hindi ko inakalang... ganito. Tinignan ko silang lahat at pinakiramdaman. Weird ba na parang magaan ang pakiramdam ko dito— sa kanila— kesa sa bahay?
"Like what I've said, you guys are already hired," muling pagsasalita ni Miss Maggie. "But the decision is yours. Tatanggapin n'yo ba ang trabaho o hindi?"
[SAGE's Point of View]AWKWARD. That explains the atmosphere now. Iniwan kami ng manager so we could talk about the offer. Kailangan daw naming mag-come up sa iisang decision whether we'll accept the job or not. If one of us says no then, there's no job for everyone. I found it tricky, to be honest. I mean, what's with the idea of oneness?"So!" the girl in an employee's uniform suddenly said, breaking the ice and getting our attention. May kasama pa itong paghampas sa low wooden table sa gitna. I bet that hurt.We all gave her a look pero matapos n'un, wala ng nagsalita ulit. Nagpalitan lang kami ng mga tingin. We couldn't blame anyone though. We're completely strangers. And me, personally, rarely talk to strangers."Guys, let's accept the job na please?~"I couldn't help but to grimace because of her singsong tone and her conyo way of speaking. Idagdag pa ang pag-nguso ng mga labi at pagbukas-sara ng mga mata n'ya. This is the first time I
[LOVELY's Point of View]"Itlog nga sabi!" pilit n'ya."Why ba mas marunong ka pa sa'kin? It's chicken!" sagot ko naman. This guy is really annoying. Nakakainis 'yung guts n'ya and ayaw n'yang magpatalo."Tss, ‘wag ka ngang magpatawa. Imposibleng mangyari 'yun. Sige nga, saan ba galing ang manok? 'Di ba sa itlog? Ibig sabihin, mas nauna ang itlog kesa sa manok!" pagpapaliwanag n'ya with hand gestures pa. I'm getting tired talking to this guy na rin. His words were so nonsense talaga, goodness!"Eh, where ba galing ang itlog? 'Di ba sa chicken? If mas nauna ang itlog, then who laid the egg? 'Yung dinosaur? Duh!" I impatiently said and rolled my eyes heavenward.Kahit sino sigurong makakita sa amin ay magwa-wonder if bakit kami napunta sa ganitong usapan. This kumag kasi, na let's call na lang sa name na Psalm, kung ano-anong tino-talk. He's so madakdak. We're bickering about scam then naidawit n'ya pa ang egg at chicken. Kesyo an
[LOVELY's Point of View]Tumunog ang chime sa may pinto, means bumukas 'yun kaya napalingon kaming lahat. Pumasok si Miss Maggie na may dalang dalawang pizza box.Okay its Miss Maggie, Lovely. Go back to your senses! The poise Love, the POISE!I tightly closed my eyes and crossed my fingers while mumbling my ‘poise chant’. But when I opened my eyes, nawala rin lahat dahil sa kunot-noong tingin sa akin ng kupal na si Psalm. Naku! Nasa boiling point na talaga ang dugo ko! Kaya NEVERMIND! Wala na munang poise-poise! Kami-kami lang din naman ang nandito. Might as well I took this as a break."Ano ha?!" pabulong pero nanggigigil kong tanong sa kanya."Wala. Ang ano mo..." sagot n'ya naman at umiwas ng tingin."Oh, hi guys!" she greeted us at lumapit sa pwesto namin. "What are you doing? Bakit n'yo naman iniwan mag-isa du'n si... Pen."
[LOVELY's Point of View] I opened the door of my condo with a heavy feeling. You know? That certain kind of feeling na wala ka namang masyadong ginawa pero pakiramdam mo, pagod na pagod ka? I feel like I'm craving for a rest pero hindi ko alam kung paano gagawin, kung saan ko hahanapin. I know this is not just because of what happened earlier sa cafe. I am experiencing this for quite some time already simula nang maisipan kong bumukod kina mommy. I don't know. Maybe I'm just homesick or whatever. Hayst. Kaya mas gusto kong lumalabas at may kinakausap, e. In that way, I temporarily forget this toxic feeling. Oh, curious what happened in the cafe before we parted ways? Well, matapos ipaliwanag ni Miss Maggie ang special purpose and extra service kuno ng cafe, na sobrang gumulat sa amin, napagdesisyunan ng lahat na ipasabukas na lang ang pagd-decide whether we will say yes to the job or not. Kahit naman kasi sinong na
[LOVELY's Point of View]Saktong 10 am nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng cafe. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Pen na kadarating lang din na dire-diretso sa patio. She stopped meters away from the glass door. Nakangiti akong lumapit at tumabi sa kanya."Good morning!" I beamed. Bahagya pa s'yang nagulat but naka-recover din agad then she smiled— a genuine one. Unlike kahapon na halatang pilit. But still, 'yung mata n'ya malamlam pa din like she always lack sleep. Para 'yung babagsak palagi. She's not taking drugs naman siguro 'no?"Grabe, nae-excite na ako Pen. Hindi na ako makapag-antay na maging official staff." I know she won't say anything pero hindi ko naman inakalang tititigan n'ya talaga ako ng matagal."Why? Is there something on my face? May dumi ba?" I asked and wiped my face agad."W-wala. 'Yung... 'yung pagsasalita mo kasi. D-diretso na."
[LOVELY's Point of View] "Kasalanan mo talaga 'to," Psalm said to me for the nth time habang naglalakad kami sa pasilyo ng St. Andrews Hospital. Yep, sa ospital and no, wala namang na-confine sa amin dito or whatever. If you're thinking that something bad happened to Luisa, the customer who went to the cafe earlier, you're definitely wrong. Nandito kami dahil dito kami tutupad ng isang munting pangarap and I'm so excited! And yeah, a bit nervous. Galing pa lang kami sa Nurse's station para itanong kung pwede ba 'yung balak naming gawin. But there's no luck. "Kapag talaga 'to pumalpak, ikaw ang may kasalanan. Ikaw lang, " he murmured. "Ano ba naman? When pa kayo nag-join force ni Pen sa pagiging nega, ha? Don't you know the phrase think positive lang?" I blatantly said. God! Mas naii-stress ako sa ka-negahan ng isang 'to. Dapat pala si Pen o si Sage na lang ang isinama ko. Bakit naman kasi naisip ko pang magagamit k
[LOVELY's Point of View] "Sage, let's go. Wala tayong mapapala sa mga taong inconsiderate at hindi marunong umintindi." Hinila ko ang braso ni Sage para sana umalis na but he didn't budge. Napakunot tuloy ako ng noo at binalingan s'ya ng nagtatanong na ekspresyon pero diretso lang ang tingin n'ya sa direktor. Goodness, Sage! Bat di ka gumagalaw? May balak ka bang mag-stay sa impyerno kasama ang servant-like ni Satan? "Sage—" "If you don't mind Dr. Yuzon, meron ho ba kayong anak o kahit na sinong bata na malapit sa inyo?" Napatigil ako nang biglang nagtanong si Sage. Tinignan ko ang walang pakundungang direktor. I saw his expression slightly soften and his eyes startled. Siguro dahil he didn't expect that question from Sage. "I bet there is." Sage deduced. "Isipin n'yo ho na humiling ang bat
"Sheez, it's already 11:40. Double time, Pen!" Kabado kong sambit at itinuloy ang pagkakabit ng mga balloons sa ceiling habang si Pen naman ang nag-i-inflate nun. Maingat akong bumaba sa pagkakatapak ko sa sofa at muling napatingin sa relo ko. "God! Asan na ba ang dalawang 'yun? Magigising na si Lyka pero wala pa ang foods." I'm super duper really stress right now, as in! We're almost done decorating the room but I feel like it's still not enough. I mean, hindi ganito 'yung na-imagine kong magiging itsura ng lugar. Kulang 'yung mga decorations na nabili nina Pen kaya binawi na lang namin sa balloons. Tapos medyo nasira 'yung cake dahil sa pagmamadali namin kanina. And now wala pa ang pinadeliver naming foods. Argh! This is a disaster. "Lovely, kalma ka lang." Bulong ni Pen nang makalapit s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. "No, Pen. I can't calm down. Can't you see? Everything seems so wrong. This is a disaster! Hindi... hindi da
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'
"Pen! Psst! Pen!"Para akong sinampal mula sa pagkakatulala ko sa sobrang panunood kay Sage at Lolo Dado nang makarinig ako ng pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko."Pen, dito!"Napalingon ako sa may pinto na bahagyang nakabukas. Kunot-noo kong tinignan ang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto dahil sa pagtawag nito sa akin at sa suot nitong hoodie jacket."Marco?" bulong ko at napagdesisyunang lumapit. Nagpaalam din muna ako kay Ate Rian bago tuluyang lumabas ng pinto."Bakit mo 'ko tinatawag?— s-sandali!" Muntik na akong mapatili nang bigla n'ya akong hatakin papunta sa isang tabi malapit sa hagdan. Muli n'ya akong hinarap nang tumigil kami."Where's ate Maggie?" tanong n'ya."Hindi ko alam. Si Ate Rian ang kasama ko simula nung umuwi kami galing sa liwasan. Teka nga... saan ka pala galing? Bakit hindi kita nakita maghapon?"
[PEN's Point of View]"Sige na, Lolo. Kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglilibot ulit kayo ni Emmanuel. Gusto mo 'yun di ba?" Panunuyo ni Ate Rian kay Lolo Dado dahil ayaw pa nitong matulog at gusto pa raw makisaya sa labas kung saan may salo-salong hinanda."Hindi, hindi. Gusto kong lumabas! Gusto kong makausap si Pedrito! May kailangan pa kaming pag-usapan! 'Yung tungkol sa lupa doon... doon sa Sampaloc. Kailangan kong lumabas!" Pagwawala na naman nito at pilit na tinutulak palayo si Ate Rian.Nanatili akong nakatayo sa pinakatabi ng kwarto. Magdadala lang sana ako ng baso ng tubig pero hindi na ako makaalis dahil sa nangyayari. Nag-aalala kasi ako saka baka kailanganin ni Ate Rian ang tulong ko lalo na sa pag-aasikaso kay Lolo Dado.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Dan. Tumango ito kay Ate Rian bago ito lumapit. Saka ko lang na-gets kung para saan 'yun nan
[LOVELY's Point of View]Glamorous. Everything was definitely glamorous tonight!Nagliwanag ang buong bakuran dahil sa mga sulo na ginawa at dinala kanina ng mga kalalakihang dumalo. Akala ko nga ay mga mobs sila na may gustong sunugin na witch. Mga magsasaka pala iyon na in-invite ni Ate Rian.Kasalukuyan ding may band orchestra na tumutugtog sa sinet-up na stage sa may bukana ng bahay. Mga matatanda na ang mga musikero kaya tunog matanda na din ang tugtog but still, jive s'ya pakinggan. Puno din ng mga banderitas ang lugar at parang naging part ng design ang maaliwalas na night sky ngayong gabi. Ang daming twinkling stars!At syempre ang highlight ng lahat ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkaing niluto ko at mga prutas. May mga bitbit din naman 'yung ibang dumating. Mainly mga sticky rice delicacies like suman, biko and puto. Hindi ko nga napigilang maglaway dahil matagal-tagal na din akong hi