[LOVELY's Point of View]
"Itlog nga sabi!" pilit n'ya.
"Why ba mas marunong ka pa sa'kin? It's chicken!" sagot ko naman. This guy is really annoying. Nakakainis 'yung guts n'ya and ayaw n'yang magpatalo.
"Tss, ‘wag ka ngang magpatawa. Imposibleng mangyari 'yun. Sige nga, saan ba galing ang manok? 'Di ba sa itlog? Ibig sabihin, mas nauna ang itlog kesa sa manok!" pagpapaliwanag n'ya with hand gestures pa. I'm getting tired talking to this guy na rin. His words were so nonsense talaga, goodness!
"Eh, where ba galing ang itlog? 'Di ba sa chicken? If mas nauna ang itlog, then who laid the egg? 'Yung dinosaur? Duh!" I impatiently said and rolled my eyes heavenward.
Kahit sino sigurong makakita sa amin ay magwa-wonder if bakit kami napunta sa ganitong usapan. This kumag kasi, na let's call na lang sa name na Psalm, kung ano-anong tino-talk. He's so madakdak. We're bickering about scam then naidawit n'ya pa ang egg at chicken. Kesyo ang scam daw is parang logic ng kung anong mas nauna; egg or chicken. Masyado raw tricky then boom, we end up in this stupid na usapan.
"Ang slow mo sa logic Love, literal."
My lips parted dahil sa sinabi n'ya. Did he just call me Love? How dare he!
"I told you not to call me Love! Close ba tayo? Close tayo?" pagngingitngit ko.
"Talagang mas nagalit ka nung tinawag kitang Love kesa sa slow, no?" He asked me habang nakangisi at magka-krus ang mga braso.
Oh, he called me slow ba?
Hindi ko na lang pinahalata ang little confusion ko. I raised my brow and faced him confidently.
"It's because hindi ako affected sa mga words na hindi naman true."
"It's because hindi ako affected sa mga words na hindi naman true," he blabbed and mimicked my tone. Tapos he made face pa para asarin ako. "Palusot mo!"
I was just about to defend my self when may biglang lumapag sa mesa. I confusedly looked at Pen kasi she put a book sa harap namin.
"Pen I'm not into reading ha. Just in case na tini-think mong I love books." I admitted. You can make me do anything 'wag lang talaga kahit na anong may kinalaman sa school like reading or writing. That would kill me, swear!
She didn't answer me and umupo na lang sa pwesto n'ya kanina— which is sa tabi ko. This girl is really strange talaga. Konti na lang I'll think na antisocial s'ya. Its funny nga eh. Kung anong iningay ng kumag na si Psalm, 'yun naman ang ikinatahimik ni Pen. And honestly, I don't know who's or what's better.
"N-nakita ko 'yan sa shelf," she hesitantly said and itinuro ang bookshelf na ilang meters lang ang layo. Ngayon ko lang na-notice na may mga books pala dun. Instant library pala 'tong cafe. Siguro madalas dito ang mga geeks at mga bookworm.
"The dreamer's book," pagbasa ni Psalm sa title na naka-engrave sa cover ng libro. It's beautiful, may I say. Para s'yang old European kind of book. "Ano namang meron dito, bangsy?"
Instead na sumagot, she opened the book na lang. Parang sobrang tipid naman sa words nitong si Pen. Kulang na lang ay mag-hand gestures na lang s'ya para makipag-communicate.
"Some kind of profile?" naguguluhan kong tanong when I saw a picture ng isang girl at mga ilang personal information like it's some sort of a bio-data.
"Ah, S-sa tingin ko, sila 'yung... 'yung mga naunang staff ng cafe." At last! She answered din ng maayos and managed to say ng isang mahabang sentence. Akala ko my saliva will get panis na, e. Aside from that naman, she also started to shuffle the pages.
"Weh? Patingin nga." Biglang naging interested si Psalm sa book and even left his seat para umupo sa tabi ni Pen and masilip ang book.
I don't waste my effort. I'm not interested naman sa libro so tamad ko na lang silang tinignan. I noticed din na parang hindi comfortable si Pen. Paano ba naman kasi kulang na lang ay mag-swap sila ng body ni Psalm dahil sa sobrang pagkakadikit nito sa kanya.
From the back of Pen, I tried to abutin and slightly pushed away si Psalm sa kanya.
"Aray!" he groaned exaggeratedly. "Ano na naman bang problema mo?"
"She's not komportable sa position n'yong dalawa kaya. Like duh?" I said in a matter of fact tone. I think, na-realize n'ya naman 'yun kaya napatuwid s'ya ng upo and create some distance.
"Selos ka lang, e."
Bumagsag ang panga ko sa sinabi n'ya. Ano raw?!
"Ang assuming mo, alam mo 'yun? Ayoko lang makitang hindi komportable si Pen lalo na sa presence mo, tukmol ka!" asik ko. Nakakainis! Nawawala ang poise ko sa kupal na 'to. And what's worst? Wala pang twenty-four hours nang makilala ko s'ya pero sinisira n'ya na ang buhay ko.
"Walastik, kaya mo naman palang ideretso 'yang dila mo e! May ‘pa-she's-not-komportable-sa-position-n'yo-kaya’ ka pang nalalaman p'wede naman palang ideretso na lang."
Dali-dali kong kinuha ang libro at lumapit para hambalusin s'ya. Nakakainis talaga!
"KASALANAN MO KASI 'TONG KUPAL KA! ANG TAGAL-TAGAL KONG PRINAKTIS ANG GANITONG POISE TAPOS SINISIRA MO LANG!"
"Hoy— teka— aray!"
I ran after him and hit him by the thick, hard book. Wala na akong pake kung naka-three inches heels at naka-fitted ako ngayon. Sobrang nakakainis na kasi! Kanina n'ya pa ako pini-peste.
"Buwisit ka! Mukha kang holdaper d'yan sa kanto na namali ang pag-ahit ng kilay! Kupal ka!" sigaw ko sa kanya habang pilit s'yang inaabot para hampasin. He kept on running around the center table kaya nahihirapan akong maabutan s'ya.
"Kesa naman sa'yo mukhang donyang nahilaw nang hindi agad namatay ang sugar daddy mo!"
"ARGH! MAUNA KA NA SANANG MAMATAY!"
I was about to throw him the book when my hand froze in the air. Oh great. Si genius guy pala. He's holding my arm and preventing me from throwing the book.
"It's a property of the cafe. You might ruin it."
Kinuha n'ya ang libro sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang humalukipkip. While that kupal was smiling victoriously. BAD TRIP!
"Where did you found this?" tanong bigla ni Sage habang tinitignan ang bawat page ng libro.
"Nahanap 'yan ni Pam— ni Pat? Ni... Pet? Ah basta 'yung babaeng may bangs."
I secretly rolled my eyes. Malala na talaga ang problema n'ya sa utak. Ultimo pangalan ay hindi n'ya makuha ng tama. Gosh!
"It's Pen kasi, kupal!" singhal ko sa kanya.
"It's Pen kasi, kupal nye nye nye." Pang-aasar n'ya na naman. Argh!
Inismiran ko na lang s'ya at tumalikod so I won't see his annoying face. Pinaypayan ko ang sarili ko at pilit na inusal at ipinaalala sa sarili ko ang salitang ‘poise’. Pero nangingibabaw talaga ang pagka-inis ko.
"I think... this isn't just a simple book," komento ni Sage kaya napalingon ako sa kanya. He was still inspecting the book— or whatever it is.
"What?"
"Sa tingin ko, records 'to ng mga dating staff ng cafe." Dagdag n'ya pa kaya napasilip din ako at nakibuklat. Sa limang magkakasunod na page nakalagay 'yung parang bio-data ng iba't ibang tao then sa mga sumunod, mga random pictures na. 'Yung ibang pictures kinunan dito sa cafe, sa mall, sa park at higit sa lahat sa...
"Beach!" Hindi ko napigilang mapatili. Oh my G to the O to the D! I knew that what Miss Maggie said was legit! Hindi n'ya kami ini-scam katulad ng iniisip ng dalawang lalaking kasama namin ngayon. And this book is the proof.
Inagaw ko muna ang libro at tinignan ang unang page kung saan nakalagay ang;
Batch 2: The Daydreamers
August-Aprilat sa ibaba nito ay ang isang group picture kung saan nakasuot sila ng uniform ng cafe.
"Sino ang scam now, hmm?" I asked them na medyo nagyayabang.
"Ikaw." I glared at Psalm when he sarcastically said that. "‘Yung pagsasalita mo scam."
"You don't have pake," I retorted as I rolled my eyes and flipped my super gorgeous hair.
[LOVELY's Point of View]Tumunog ang chime sa may pinto, means bumukas 'yun kaya napalingon kaming lahat. Pumasok si Miss Maggie na may dalang dalawang pizza box.Okay its Miss Maggie, Lovely. Go back to your senses! The poise Love, the POISE!I tightly closed my eyes and crossed my fingers while mumbling my ‘poise chant’. But when I opened my eyes, nawala rin lahat dahil sa kunot-noong tingin sa akin ng kupal na si Psalm. Naku! Nasa boiling point na talaga ang dugo ko! Kaya NEVERMIND! Wala na munang poise-poise! Kami-kami lang din naman ang nandito. Might as well I took this as a break."Ano ha?!" pabulong pero nanggigigil kong tanong sa kanya."Wala. Ang ano mo..." sagot n'ya naman at umiwas ng tingin."Oh, hi guys!" she greeted us at lumapit sa pwesto namin. "What are you doing? Bakit n'yo naman iniwan mag-isa du'n si... Pen."
[LOVELY's Point of View] I opened the door of my condo with a heavy feeling. You know? That certain kind of feeling na wala ka namang masyadong ginawa pero pakiramdam mo, pagod na pagod ka? I feel like I'm craving for a rest pero hindi ko alam kung paano gagawin, kung saan ko hahanapin. I know this is not just because of what happened earlier sa cafe. I am experiencing this for quite some time already simula nang maisipan kong bumukod kina mommy. I don't know. Maybe I'm just homesick or whatever. Hayst. Kaya mas gusto kong lumalabas at may kinakausap, e. In that way, I temporarily forget this toxic feeling. Oh, curious what happened in the cafe before we parted ways? Well, matapos ipaliwanag ni Miss Maggie ang special purpose and extra service kuno ng cafe, na sobrang gumulat sa amin, napagdesisyunan ng lahat na ipasabukas na lang ang pagd-decide whether we will say yes to the job or not. Kahit naman kasi sinong na
[LOVELY's Point of View]Saktong 10 am nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng cafe. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Pen na kadarating lang din na dire-diretso sa patio. She stopped meters away from the glass door. Nakangiti akong lumapit at tumabi sa kanya."Good morning!" I beamed. Bahagya pa s'yang nagulat but naka-recover din agad then she smiled— a genuine one. Unlike kahapon na halatang pilit. But still, 'yung mata n'ya malamlam pa din like she always lack sleep. Para 'yung babagsak palagi. She's not taking drugs naman siguro 'no?"Grabe, nae-excite na ako Pen. Hindi na ako makapag-antay na maging official staff." I know she won't say anything pero hindi ko naman inakalang tititigan n'ya talaga ako ng matagal."Why? Is there something on my face? May dumi ba?" I asked and wiped my face agad."W-wala. 'Yung... 'yung pagsasalita mo kasi. D-diretso na."
[LOVELY's Point of View] "Kasalanan mo talaga 'to," Psalm said to me for the nth time habang naglalakad kami sa pasilyo ng St. Andrews Hospital. Yep, sa ospital and no, wala namang na-confine sa amin dito or whatever. If you're thinking that something bad happened to Luisa, the customer who went to the cafe earlier, you're definitely wrong. Nandito kami dahil dito kami tutupad ng isang munting pangarap and I'm so excited! And yeah, a bit nervous. Galing pa lang kami sa Nurse's station para itanong kung pwede ba 'yung balak naming gawin. But there's no luck. "Kapag talaga 'to pumalpak, ikaw ang may kasalanan. Ikaw lang, " he murmured. "Ano ba naman? When pa kayo nag-join force ni Pen sa pagiging nega, ha? Don't you know the phrase think positive lang?" I blatantly said. God! Mas naii-stress ako sa ka-negahan ng isang 'to. Dapat pala si Pen o si Sage na lang ang isinama ko. Bakit naman kasi naisip ko pang magagamit k
[LOVELY's Point of View] "Sage, let's go. Wala tayong mapapala sa mga taong inconsiderate at hindi marunong umintindi." Hinila ko ang braso ni Sage para sana umalis na but he didn't budge. Napakunot tuloy ako ng noo at binalingan s'ya ng nagtatanong na ekspresyon pero diretso lang ang tingin n'ya sa direktor. Goodness, Sage! Bat di ka gumagalaw? May balak ka bang mag-stay sa impyerno kasama ang servant-like ni Satan? "Sage—" "If you don't mind Dr. Yuzon, meron ho ba kayong anak o kahit na sinong bata na malapit sa inyo?" Napatigil ako nang biglang nagtanong si Sage. Tinignan ko ang walang pakundungang direktor. I saw his expression slightly soften and his eyes startled. Siguro dahil he didn't expect that question from Sage. "I bet there is." Sage deduced. "Isipin n'yo ho na humiling ang bat
"Sheez, it's already 11:40. Double time, Pen!" Kabado kong sambit at itinuloy ang pagkakabit ng mga balloons sa ceiling habang si Pen naman ang nag-i-inflate nun. Maingat akong bumaba sa pagkakatapak ko sa sofa at muling napatingin sa relo ko. "God! Asan na ba ang dalawang 'yun? Magigising na si Lyka pero wala pa ang foods." I'm super duper really stress right now, as in! We're almost done decorating the room but I feel like it's still not enough. I mean, hindi ganito 'yung na-imagine kong magiging itsura ng lugar. Kulang 'yung mga decorations na nabili nina Pen kaya binawi na lang namin sa balloons. Tapos medyo nasira 'yung cake dahil sa pagmamadali namin kanina. And now wala pa ang pinadeliver naming foods. Argh! This is a disaster. "Lovely, kalma ka lang." Bulong ni Pen nang makalapit s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. "No, Pen. I can't calm down. Can't you see? Everything seems so wrong. This is a disaster! Hindi... hindi da
[PSALM's Point of View] Banayad ang takbo ng sinasakyan naming taxi papunta sa cafe. Napagdesisyunan kasi naming bumalik doon para ipaalam kay Miss Maggie ang nangyari kanina. Sana lang talaga ay nandun na s'ya. Pahamak pa naman 'yang palagi n'yang pagsulpot ng late. Napabuntong-hininga ako. Nakakapanibago ang katahimikan sa aming apat. Dala na rin siguro ng pagod. Nilingon ko ang katabi kong si Pen na tamad lang na nakaupo at tuwid na tuwid ang itsura. Sa kabila n'ya naman ay ang brutal na si Lovely. Naka-angkla at nakasandal na naman s'ya kay Pen na akala mo batang mawawala kapag nakabitaw. Si Sage naman ay nasa harapan, sa passenger seat. Nakasilip lang s'ya sa labas. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong sinilip. Akala ko galing kay papa ang text message dahil palagi ko s'yang pinapaalalahanan na i-text ako kapag may kailangan s'ya o may emergency sa bahay pero text message mula sa ba
"Psalm,""Ay kape!" Gulat kong sigaw at muntik ng mabitawan ang cellphone ko. Mabuti na lang dahil nasalo ko ito. Wala na akong maipapalit dito kung nagkataon! Masama ko s'yang tinignan na prente lang na nakatayo sa may pinto."Ano ba naman pareng Sage! Lakas mong mantrip, ah?""You looked like a stiff statue there," pagpansin n'ya. Hindi ko na lang s'ya sinagot at ibinulsa ang cellphone ko. "Miss Maggie is upstairs. Kailangan ka daw dun."Agad akong pumasok nang marinig na nasa taas si Miss Maggie. Umakyat kami ng hagdan at narating ang isang kahoy na pinto. Si Sage na ang nagbukas nito at pinauna akong pumasok. Nandoon na si Pen at Lovely na nakaupo sa harap ng mahabang mesa na parang conference table. Nandoon din si Miss Maggie na as usual, nakangiti na naman."Alright! It's good to see the four of you," panimula n'ya."Bad trip ka naman Miss