Dream Catchers

Dream Catchers

last updateLast Updated : 2022-02-22
By:   alas_arkanghel  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel12goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
82Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

If catching dreams is a job, are you willing to apply? ~*~ Pen only wanted to make money while she's young for she believes that a loser like her will never be successful someday, causing her to apply in a cafe during her summer vacation. There she met Psalm, Lovely and Sage who were also fighting their own battles and dwelling on their respective doubts who seek escape by applying in the cafe. Little did they know, their job will be more than just making and serving meals and drinks. But also... fulfilling their client's dream. Join them in their journey of catching dreams as they also discover the mystery of young love and friendship, reveal their lives' triumphs and tragedies and find out what it cost to make a dream come true.

View More

Latest chapter

Free Preview

A Letter for a Dreamer

Dear dreamer,I know things weren't easy— it will never be. I hope you're still holding onto your dreams up to this moment even it makes you an outcast, even it makes you feel stupid, even it makes you cry every night. Please, hold still. Hold on until your dreams become your reality.There will inevitably come a time when there will be a valid reason to put that dream in a shoebox and tuck it away safely in the closet as a nice memory. BUT, please keep in mind that it's part of the process. Have patience and believe in your amazing ability to transform this world into anything you want it to be. Remember, there is no impossible dream for a dreamer who truly believes.As you turn every page of this book, I wish you'll find hope and inspiration that can lift you and can put a smile on your face. May this story give you the drive that you need to continue to chase your dreams. This is specially made for you, dreamer. T...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Alexandra Nicole Capili Paraiso
gandaa angeeelll!!!
2021-11-16 14:12:50
1
user avatar
Margarita
nice work, the plot is interesting. Waiting for more chapters...
2021-11-16 12:30:49
1
user avatar
Rookie Alarcon
ang ganda naiyak ako sa simula haha parang ako yun ehh
2021-10-24 05:13:49
1
user avatar
Conan Quill
unexpected ...️
2021-10-21 22:28:43
1
82 Chapters
A Letter for a Dreamer
Dear dreamer,I know things weren't easy— it will never be. I hope you're still holding onto your dreams up to this moment even it makes you an outcast, even it makes you feel stupid, even it makes you cry every night. Please, hold still. Hold on until your dreams become your reality.There will inevitably come a time when there will be a valid reason to put that dream in a shoebox and tuck it away safely in the closet as a nice memory. BUT, please keep in mind that it's part of the process. Have patience and believe in your amazing ability to transform this world into anything you want it to be. Remember, there is no impossible dream for a dreamer who truly believes.As you turn every page of this book, I wish you'll find hope and inspiration that can lift you and can put a smile on your face. May this story give you the drive that you need to continue to chase your dreams. This is specially made for you, dreamer. T
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
PROLOGUE
PROLOGUEBinasag ng isang malakas na kulingling mula sa telepono ang katahimikan sa loob ng maliit na cafe. Umalingawngaw ito sa apat na sulok ng silid; mula sa salaming pader sa harapan kung saan nakasulat ang pangalan ng cafe hanggang sa tatlo pang sementadong pader na binigyang buhay ng puti at asul na kulay. Tumigil ang tunog. Ngunit wala pang limang segundo ay muli itong umalingawngaw na tila nagbibigay ng alarma.  Isa. Dalawa. Sa pangatlong beses ay dinampot na ito ng isang babaeng nakasuot ng uniporme ng cafe. Nakakabit sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ang nameplate na ‘manager’. Halos malaglag ang kanyang mga mata nang makita ang pangalang naka-rehistro sa screen ng kanyang telepono kaya makailang ulit n'yang pinindot ang ‘answer’ dahil sa sobrang pagkaaligaga. "Hello boss!" malakas at puno ng enerhiya n'yang pagbati. "You left your phone twenty meters
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 1
  [PEN's Point of View]   "Naku, ang galing-galing talaga ng pamangkin ko! Grumadweyt ka na namang top one. Kaya dapat talaga mag-doktor ka!" proud na sambit ni Tita Emily. Malaki ang kanyang ngiti, malakas ang kanyang boses at kulang na lang sabihin na kumikinang ang kanyang mga mata sa sobrang tuwa. "Anong doktor, doktor? Mas bagay sa kanya ang maging abogado, no! Tignan mo nga, tayo pa lang ay pang-korte na." Lumapit naman ang Tita Isay habang hawak sa kaliwang kamay ang baso na may lamang juice at sumingit sa usapan dahil hindi s'ya kumbinsido sa narinig. "Masyado n'yo namang pini-pressure ang bata. May dalawang taon pa 'yan sa high school. Pero ija, pagbutihin mo at nang maging magaling na accountant ka." Pag-sabay din ng Uncle Bob na sandali munang tumigil sa paglalagay ng pagkain sa kanyang plato upang makisali. "Aba sira talaga ang tuktok ng isang 'to," inis na sambit ni Tita Isay at muntik pang hampasin a
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 1.2
[PEN's Point of View] Bumagsak ang aking mga balikat at napawi ang kurba sa mga labi ko. Para akong biglang sinimento sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin naman maalalang lumaklak ako ng soda para humapdi ng ganito ang paligid ng aking ilong at tila naging isa akong kandilang sinindihan na unti-unting natutunaw. Nakakapanghina.Parang biglang sumara ang kaunting siwang na nagbigay sa akin kanina ng liwanag at unti-unting nawala sa tono ang musikang naririnig ko. Bumagsak, gumuho at nadurog ang lahat. Isa lang palang ilusyon at wala pang isang minuto nang sampalin ako ng katotohanan para magising."Oh bakit? Wag mong sabihing hindi ka marunong gumamit ng cellphone?" masungit na tanong ni Tita Isay nang halos abutin ako ng siyam-siyam sa pagkakatayo ko sa harap nila."M-marunong ho," nangangatal kong sagot bago itapat ang cellphone sa kanila."Aba'y mabuti. Akala ko'y pati d'yan ay wala kang alam."Pinilit ko na lang ngumiti kahit
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 1.3
[PEN's Point of View] Ang sabi nila, kung mayroon mang mas nakakakilala sa'yo bukod sa sarili mo, 'yun ay ang pamilya mo. Pero sa kalagayan ko, parang hindi naman."Tanghali ka na naman. Tigil-tigilan mo na ang pagpupuyat Pen, ha. Tignan mo nga ang sarili mo, mukha ka ng zombie," bungad sa akin ni mama pagkababa ko pa lang ng hagdan habang naghahanda s'ya ng almusal sa mesa. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nga ay naniningkit ito."Oo nga, Pen. Ang laki na ng eye bags mo, oh!" komento din ni Faye na napatigil sa harap ko at bahagyang sinilip ang aking mukha. "Saka 'yang buhok mo, parang wig na hindi sinusuklay," dagdag n'ya pa habang hinahaplos ang lampas balikat at magulo kong buhok.Lahat na yata ng mali sa itsura ko, napansin na ni Faye. Basta talaga mali sa akin, nakikita nila agad. Ay, oo nga pala! Wala namang tama sa akin."Hindi ko mahanap 'yung suklay sa kwarto e," pagdadahilan ko kahit kaliwa'
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 2
SAGE's Point of View]   "Sebastian Arellano, the son of the respected Atty. Samuel Arellano, was spotted in a nightclub." Tiim-panga at mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa cellular phone habang binabasa ang isang article sa aking harapan. I thought the heaven opened its gate when she summoned me from my exclusive training in the firm to meet her in her office. But after she read that news with contempt, I realized how silly I am to expect that she just wanted to see me this morning. Of course she has ‘something important’ to say; either to say I'm doing bad or to say I'm doing worst. She gave me a sharp stare as she stood tall in front of me but a mere, bored look beyond the lens of my eyeglasses was the only thing I gave her. "What in the deepest hell is this, Sebastian?!" She roared at me. "What's wrong with that?" I asked her back without any single trail of enthusiasm. Anong big deal kung nasa nightclub ako? As far as I know, it
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 2.2
[SAGE's Point of View]When I finally decided to do what I want, I thought it was already it. Pakiramdam ko sobrang tapang ko na dahil nagawa kong sabihin sa kanila kung anong gusto ko. Akala ko 'yun na 'yun, e. That everything will fall into place when I chose to be who I am. But I was wrong. Really wrong.I never thought world could be this cruel, that life could be this hard. Ibang-iba pala ang mundo sa labas ng nakagisnan kong buhay."Hoy! Bilisan mo nga d'yan! Napakarami pang kailangang linisan. Ang kupad-kupad mo!" the grumpy manager shouted at me. Wala akong nagawa kundi mas lalong bilisan ang pagma-mop ng sahig habang nililigpit din ang mga silya.It's already 4 in the morning but here I am, still mopping and cleaning the club's damn floor. Never in my life, not even once, I experience cleaning even a single dust. Pero tinalikuran ko ang buhay na 'yun for the sake of my dreams. And I'm starting to regret it."Sage, patulong naman muna du'n
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more
CHAPTER 3
[LOVELY's Point of View]   "I’m really sorry, Miss Ferrell. Kumpleto na kasi talaga ang batch ng model namin for this summer," the fatty agency personnel told me with her forced and plastic smile. "What?! But why naman gano'n? I saw the poster outside saying na naghahanap pa kayo ng model. Like duh? Joke ba 'to?" reklamo ko sa kanya and rolled my eyes heavenward. "Kumpleto na nga, e. Naiintindihan mo ba? Kumpleto na. Don't worry, aalisin na namin mamaya 'yung poster para sa ikaliligaya mo." Hindi ko mapigilang magngitngit sa mataray n'yang sagot sa akin. She's so rude! Akala mo kung sinong maganda! E, drawing lang naman 'yung eyebrows n'ya. "Kung gusto mo, iwan mo na lang sa akin 'yung contact number mo para masabihan kita sa mga susunod na projects. Sa Halloween season, for sure makukuha ka. Sa ngayon, p'wede ka ng umalis—" "Wait a sec!" I cut her words off. "What do you mean by that, huh?"  She huffed a litt
last updateLast Updated : 2021-08-20
Read more
CHAPTER 3.2
[LOVELY's Point of View]Tinanaw ko ang crossing lane. When I saw na tumawid ang mga taong kanina pa naghihintay na makapunta sa kabilang side despite of the exhausting heat, I made my first step and walked with confidence. Hindi ko iwi-waste ang fitted crop top shirt, high waist  scalloped shorts, ang mamahalin kong aviators at pati na rin ang ankle booties ko para lang magmaktol. I dressed fashionably today thus, I'll ramp this with pride.Tinuring kong runway stage ang pedestrian lane at sumabay sa mga tumatawid. I let my hips move left and right as well as my swaying arms. Hindi na 'ko nag-care sa mga taong napapa-second look pa sa akin. Like duh? Why should I care?So, matapos ng pangmalakasan kong rampa sa street ay pumasok ako sa isang cafe na una kong nakita. Hindi ko pa din nakakalimutang my stomach was screaming hunger already.When I opened the door, the cold whiff from their air conditioner touched my heated skin. It was heaven! Dumiretso
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more
CHAPTER 4
  [PSALM's Point of View] “In the midst of your dream, you'll experience a nightmare.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala ang dalawang palapag na bahay na ngayon ay malapit nang matapos. Tignan mo nga naman, oh. Parang kahapon lang puro pa 'yan pinagtagpi-tagping kahoy pero ngayon, isa ng mansyon. Sa wakas, matatapos na din. Matatapos na din ang bahay na katabi lang ng sa amin. Tsk, tsk. Kainggit. "Hoy Psalm! Ang gara ng suot natin, ah? S'an ang party-party?" Napaismid ako sa sinabi ng dakilang tambay na si Mang Gano na tumigil sa tabi ko. Ki-aga-aga ay amoy alak ito at wala pang pang-itaas na damit kaya nagsusumigaw ang bola-bola n'yang tiyan. "May gig ho ako ngayon e," swabe kong sagot ko sa kanya at inimuwestra ang sukbit kong bag ng aking gitara. "Gig, gig. Sus! E, manlilimos ka lang naman sa kalye habang ngumangawa ng kanta." Unti-unting napawi ang ngisi ko dahil sa sinabi n'ya at lihim ako
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more
DMCA.com Protection Status