[PEN's Point of View]
Bumagsak ang aking mga balikat at napawi ang kurba sa mga labi ko. Para akong biglang sinimento sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin naman maalalang lumaklak ako ng soda para humapdi ng ganito ang paligid ng aking ilong at tila naging isa akong kandilang sinindihan na unti-unting natutunaw. Nakakapanghina.
Parang biglang sumara ang kaunting siwang na nagbigay sa akin kanina ng liwanag at unti-unting nawala sa tono ang musikang naririnig ko. Bumagsak, gumuho at nadurog ang lahat. Isa lang palang ilusyon at wala pang isang minuto nang sampalin ako ng katotohanan para magising.
"Oh bakit? Wag mong sabihing hindi ka marunong gumamit ng cellphone?" masungit na tanong ni Tita Isay nang halos abutin ako ng siyam-siyam sa pagkakatayo ko sa harap nila.
"M-marunong ho," nangangatal kong sagot bago itapat ang cellphone sa kanila.
"Aba'y mabuti. Akala ko'y pati d'yan ay wala kang alam."
Pinilit ko na lang ngumiti kahit nagngingitngit na ang aking buong kalamnan, kahit pakiramdam ko sobrang init na ng paligid ng aking mga mata, kahit pakiramdam ko matatapon ko na ang cellphone na hawak ko sa kanila.
"Okay, one..." Sabay-sabay silang nag-pose at ngumiti ng napakalapad. Tumiim ang aking panga at lumabo ang aking paningin habang pinagmamasdan ko sila.
"Two... three." Pinindot ko agad ang capture at inilapag sa mesa ang cellphone nang pumiyok ang boses ko at maramdaman ang pagtulo ng mainit na luha sa aking pisngi. Mabilis akong yumuko at tumalikod habang naglalakad ng may malalaking hakbang papasok ng bahay.
"Pen! Tignan mo ang batang 'to. Napaka walang ugali," puno ng pagkadisgustong bulalas ni Tita Isay.
"Tita, kalma lang po. Hayaan n'yo na po s'ya." Hindi rin pinalampas ng tenga ko ang mga salita ni Faye kahit nasa loob na ako ng bahay.
Patakbo akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak at halos bumaon ang ngipin ko sa aking pang-ibabang labi sa sobrang pagpipigil. Muntik pa akong madapa at masubsob dahil sa sobrang pagmamadali. Kamalas-malasan pa dahil nakasalubong ko si Papa na pababa na ng hagdan.
"Pen, nabigyan mo na ba ng— Pen? Pen!" pagtawag n'ya sakin pero mas pinili ko na lang na huwag na muna s'yang pansinin at dali-daling pumasok bago isinara ang pinto ng kwarto ko. Ayaw kong makita n'ya akong umiiyak. Magmumukha lang akong tanga— na naman.
Umagos ng umagos ang luha ko. Takte. Ang sakit! Ang unfair! Ang sama! Ang daya! Argh! Bakit ganun? Bakit ganito? Bakit?
Nangininginig ang aking buong katawan at malalim ang mga hinuhugot kong hininga. Sobrang sakit. Pakiramdam ko sinasaksak ako ng paulit-ulit sa dibdib. Gusto kong sumigaw dahil sa nag-uumapaw na sakit na nararamdaman ko pero humantong pa din ako sa pagpipigil at pinilit na hindi gumawa ng ingay. Tinakpan ko ng madiin ang aking bibig at umiyak ng umiyak.
"Pen? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang pagkatok ni papa sa pinto. Gusto ko s'yang sigawan ng hindi, na hindi ako magiging maayos pero hindi ko magawa. Hindi ko naman talaga nagagawa. Para akong palaging pinagkakaitan ng boses, hindi ko makaya kahit dumaing man lang.
Sa huli, huminga ako ng malalim, pinunasan ang aking mga luha at pinilit na pakalmahin ang sarili ko kahit na sobrang hirap, kahit na sobrang sakit.
"A... ayos lang ho. Mag... mag-papalit lang... po ako ng damit," malumanay kong sagot habang pinipilit na lunukin lahat ng kung ano mang bumara sa lalamunan ko upang hindi ako pumiyok.
"Sige. Pagkatapos mo, bumaba ka ulit. Marami pang bisita."
Sunod kong narinig ang mga yabag n'ya palayo. Nanghina ang mga tuhod ko at pabagsak akong napaupo sa sahig. Muling naglandas ang aking mga luha. Napayakap ako sa aking tuhod at pigil-hiningang umiyak ulit.
Gustong-gusto ko ng magwala sa mga oras na 'to. Gustong-gusto ko ng sumigaw. Gusto ko ng humagulhol, ilabas ang kung ano mang mabigat sa loob ko. Gusto kong huminga ng maluwag. Pero wala, hindi ko magawa— hindi ko talaga magawa. Nandito lang ako, tahimik na umiiyak at kinikimkim lahat. At hindi ko alam kung mayroong makakapagsabi kung gaano kasakit ang ganitong pakiramdam.
"Congrats Pen," bulong ko. Ni isa— kahit man lang sana isa— walang bumati sa akin n'yan ngayon.
Kung sabagay, bakit nga naman sila mag-aaksaya ng laway sa akin? Sino nga naman ako? Ano bang maipagmamalaki ko? Wala. Dahil isa akong talunan. Wala akong pwedeng ipagyabang. Wala akong pwedeng ipagmalaki. Wala akong karapatang humingi ni katiting na atensyon mula sa kanila.
Ako lang 'to, si Pen. Si Pen na hindi matalino. Si Pen na hindi magaling. Si Pen na hindi maganda. Si Pen na walang kwenta. Si Pen na isang kalat, isang b****a.
[PEN's Point of View]Ang sabi nila, kung mayroon mang mas nakakakilala sa'yo bukod sa sarili mo, 'yun ay ang pamilya mo. Pero sa kalagayan ko, parang hindi naman."Tanghali ka na naman. Tigil-tigilan mo na ang pagpupuyat Pen, ha. Tignan mo nga ang sarili mo, mukha ka ng zombie," bungad sa akin ni mama pagkababa ko pa lang ng hagdan habang naghahanda s'ya ng almusal sa mesa. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nga ay naniningkit ito."Oo nga, Pen. Ang laki na ng eye bags mo, oh!" komento din ni Faye na napatigil sa harap ko at bahagyang sinilip ang aking mukha."Saka 'yang buhok mo, parang wig na hindi sinusuklay," dagdag n'ya pa habang hinahaplos ang lampas balikat at magulo kong buhok.Lahat na yata ng mali sa itsura ko, napansin na ni Faye. Basta talaga mali sa akin, nakikita nila agad. Ay, oo nga pala! Wala namang tama sa akin."Hindi ko mahanap 'yung suklay sa kwarto e," pagdadahilan ko kahit kaliwa'
SAGE's Point of View] "Sebastian Arellano, the son of the respected Atty. Samuel Arellano, was spotted in a nightclub." Tiim-panga at mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa cellular phone habang binabasa ang isang article sa aking harapan. I thought the heaven opened its gate when she summoned me from my exclusive training in the firm to meet her in her office. But after she read that news with contempt, I realized how silly I am to expect that she just wanted to see me this morning. Of course she has ‘something important’ to say; either to say I'm doing bad or to say I'm doing worst. She gave me a sharp stare as she stood tall in front of me but a mere, bored look beyond the lens of my eyeglasses was the only thing I gave her. "What in the deepest hell is this, Sebastian?!" She roared at me. "What's wrong with that?" I asked her back without any single trail of enthusiasm. Anong big deal kung nasa nightclub ako? As far as I know, it
[SAGE's Point of View]When I finally decided to do what I want, I thought it was already it. Pakiramdam ko sobrang tapang ko na dahil nagawa kong sabihin sa kanila kung anong gusto ko. Akala ko 'yun na 'yun, e. That everything will fall into place when I chose to be who I am. But I was wrong. Really wrong.I never thought world could be this cruel, that life could be this hard. Ibang-iba pala ang mundo sa labas ng nakagisnan kong buhay."Hoy! Bilisan mo nga d'yan! Napakarami pang kailangang linisan. Ang kupad-kupad mo!" the grumpy manager shouted at me. Wala akong nagawa kundi mas lalong bilisan ang pagma-mop ng sahig habang nililigpit din ang mga silya.It's already 4 in the morning but here I am, still mopping and cleaning the club's damn floor. Never in my life, not even once, I experience cleaning even a single dust. Pero tinalikuran ko ang buhay na 'yun for the sake of my dreams. And I'm starting to regret it."Sage, patulong naman muna du'n
[LOVELY's Point of View] "I’m really sorry, Miss Ferrell. Kumpleto na kasi talaga ang batch ng model namin for this summer," the fatty agency personnel told me with her forced and plastic smile. "What?! But why naman gano'n? I saw the poster outside saying na naghahanap pa kayo ng model. Like duh? Joke ba 'to?" reklamo ko sa kanya and rolled my eyes heavenward. "Kumpleto na nga, e. Naiintindihan mo ba? Kumpleto na. Don't worry, aalisin na namin mamaya 'yung poster para sa ikaliligaya mo." Hindi ko mapigilang magngitngit sa mataray n'yang sagot sa akin. She's so rude! Akala mo kung sinong maganda! E, drawing lang naman 'yung eyebrows n'ya. "Kung gusto mo, iwan mo na lang sa akin 'yung contact number mo para masabihan kita sa mga susunod na projects. Sa Halloween season, for sure makukuha ka. Sa ngayon, p'wede ka ng umalis—" "Wait a sec!" I cut her words off. "What do you mean by that, huh?" She huffed a litt
[LOVELY's Point of View]Tinanaw ko ang crossing lane. When I saw na tumawid ang mga taong kanina pa naghihintay na makapunta sa kabilang side despite of the exhausting heat, I made my first step and walked with confidence. Hindi ko iwi-waste ang fitted crop top shirt, high waist scalloped shorts, ang mamahalin kong aviators at pati na rin ang ankle booties ko para lang magmaktol. I dressed fashionably today thus, I'll ramp this with pride.Tinuring kong runway stage ang pedestrian lane at sumabay sa mga tumatawid. I let my hips move left and right as well as my swaying arms. Hindi na 'ko nag-care sa mga taong napapa-second look pa sa akin. Like duh? Why should I care?So, matapos ng pangmalakasan kong rampa sa street ay pumasok ako sa isang cafe na una kong nakita. Hindi ko pa din nakakalimutang my stomach was screaming hunger already.When I opened the door, the cold whiff from their air conditioner touched my heated skin. It was heaven! Dumiretso
[PSALM's Point of View] “In the midst of your dream, you'll experience a nightmare.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala ang dalawang palapag na bahay na ngayon ay malapit nang matapos. Tignan mo nga naman, oh. Parang kahapon lang puro pa 'yan pinagtagpi-tagping kahoy pero ngayon, isa ng mansyon. Sa wakas, matatapos na din. Matatapos na din ang bahay na katabi lang ng sa amin. Tsk, tsk. Kainggit. "Hoy Psalm! Ang gara ng suot natin, ah? S'an ang party-party?" Napaismid ako sa sinabi ng dakilang tambay na si Mang Gano na tumigil sa tabi ko. Ki-aga-aga ay amoy alak ito at wala pang pang-itaas na damit kaya nagsusumigaw ang bola-bola n'yang tiyan. "May gig ho ako ngayon e," swabe kong sagot ko sa kanya at inimuwestra ang sukbit kong bag ng aking gitara. "Gig, gig. Sus! E, manlilimos ka lang naman sa kalye habang ngumangawa ng kanta." Unti-unting napawi ang ngisi ko dahil sa sinabi n'ya at lihim ako
[PSALM's Point of View]"Jude sige na, oh. Kahit isang gabi lang. Sige na!" pagpupumilit ko kay Jude na akala mo ina-allergy kung makakamot ng batok n'ya."Hindi nga p'wede, pare. May nakuha na kaming singer, e. Hindi talaga kita maisisingit sa ngayon. Pero hayaan mo, kapag may bakante tatawagan agad kita.""Sure ball 'yan, ha? Aasahan kita," paniniguro ko."Oo, oo! Sige na, may gagawin pa ako e. Sa susunod na lang!"Mabilis n'ya akong tinalikuran at muling pumasok sa bar. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga balikat ko. Bahagya akong sumilip sa glass door nito at nakitang nagpa-praktis s'ya kasama ang kanyang buong banda. Hindi ko maiwasang isipin na baliktad na talaga ang mundo. Dati sila itong nagmamakaawa na kumanta ako para sa banda nila. Nawala lang ako ng ilang linggo, mukhang nakalimutan na nila ako. Kaya heto ako ngayon, hindi basang-basa sa ulan pero 'yung mata ko malapit ng bumaha."Hays Psalm," kagat-labi kong bulong s
Chapter's Theme: “A mere coincidence might be a tricky destiny.”[PEN's Point of View]Kanina pa kumakatok sa pinto ko si Faye. Sa ilang minuto n'yang pagkalampag ng pintuan ko, dapat alam na n'yang ayoko s'yang pagbuksan. Hindi naman sa ayaw ko talaga s'yang pagbuksan. Sabihin na lang nating... ayoko lang.Matapos n'yang sabihing bumaba na lang ako para kumain, tumigil na din s'ya sa pagkalampag ng pintuan ko. Kaya naging tahimik na ulit ang paligid ko. Tahimik at madilim. Tanging ang isang bukas na lampshade sa ibabaw ng drawer chest ang maliwanag. Tumatama ang ilaw nito sa aking mukha dahilan para mas lalo kong makita ang katangahang ginawa ko.Tulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang hawak-hawak ang isang gunting. Nanginig ang mga labi ko kaya agad ko itong kinagat."Bakit ko ba naisip na gawin 'to?" tanong ko sa kawalan habang pi
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'
"Pen! Psst! Pen!"Para akong sinampal mula sa pagkakatulala ko sa sobrang panunood kay Sage at Lolo Dado nang makarinig ako ng pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko."Pen, dito!"Napalingon ako sa may pinto na bahagyang nakabukas. Kunot-noo kong tinignan ang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto dahil sa pagtawag nito sa akin at sa suot nitong hoodie jacket."Marco?" bulong ko at napagdesisyunang lumapit. Nagpaalam din muna ako kay Ate Rian bago tuluyang lumabas ng pinto."Bakit mo 'ko tinatawag?— s-sandali!" Muntik na akong mapatili nang bigla n'ya akong hatakin papunta sa isang tabi malapit sa hagdan. Muli n'ya akong hinarap nang tumigil kami."Where's ate Maggie?" tanong n'ya."Hindi ko alam. Si Ate Rian ang kasama ko simula nung umuwi kami galing sa liwasan. Teka nga... saan ka pala galing? Bakit hindi kita nakita maghapon?"
[PEN's Point of View]"Sige na, Lolo. Kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglilibot ulit kayo ni Emmanuel. Gusto mo 'yun di ba?" Panunuyo ni Ate Rian kay Lolo Dado dahil ayaw pa nitong matulog at gusto pa raw makisaya sa labas kung saan may salo-salong hinanda."Hindi, hindi. Gusto kong lumabas! Gusto kong makausap si Pedrito! May kailangan pa kaming pag-usapan! 'Yung tungkol sa lupa doon... doon sa Sampaloc. Kailangan kong lumabas!" Pagwawala na naman nito at pilit na tinutulak palayo si Ate Rian.Nanatili akong nakatayo sa pinakatabi ng kwarto. Magdadala lang sana ako ng baso ng tubig pero hindi na ako makaalis dahil sa nangyayari. Nag-aalala kasi ako saka baka kailanganin ni Ate Rian ang tulong ko lalo na sa pag-aasikaso kay Lolo Dado.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Dan. Tumango ito kay Ate Rian bago ito lumapit. Saka ko lang na-gets kung para saan 'yun nan
[LOVELY's Point of View]Glamorous. Everything was definitely glamorous tonight!Nagliwanag ang buong bakuran dahil sa mga sulo na ginawa at dinala kanina ng mga kalalakihang dumalo. Akala ko nga ay mga mobs sila na may gustong sunugin na witch. Mga magsasaka pala iyon na in-invite ni Ate Rian.Kasalukuyan ding may band orchestra na tumutugtog sa sinet-up na stage sa may bukana ng bahay. Mga matatanda na ang mga musikero kaya tunog matanda na din ang tugtog but still, jive s'ya pakinggan. Puno din ng mga banderitas ang lugar at parang naging part ng design ang maaliwalas na night sky ngayong gabi. Ang daming twinkling stars!At syempre ang highlight ng lahat ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkaing niluto ko at mga prutas. May mga bitbit din naman 'yung ibang dumating. Mainly mga sticky rice delicacies like suman, biko and puto. Hindi ko nga napigilang maglaway dahil matagal-tagal na din akong hi