[LOVELY's Point of View]
Tumunog ang chime sa may pinto, means bumukas 'yun kaya napalingon kaming lahat. Pumasok si Miss Maggie na may dalang dalawang pizza box.
Okay its Miss Maggie, Lovely. Go back to your senses! The poise Love, the POISE!
I tightly closed my eyes and crossed my fingers while mumbling my ‘poise chant’. But when I opened my eyes, nawala rin lahat dahil sa kunot-noong tingin sa akin ng kupal na si Psalm. Naku! Nasa boiling point na talaga ang dugo ko! Kaya NEVERMIND! Wala na munang poise-poise! Kami-kami lang din naman ang nandito. Might as well I took this as a break.
"Ano ha?!" pabulong pero nanggigigil kong tanong sa kanya.
"Wala. Ang ano mo..." sagot n'ya naman at umiwas ng tingin.
"Oh, hi guys!" she greeted us at lumapit sa pwesto namin. "What are you doing? Bakit n'yo naman iniwan mag-isa du'n si... Pen."
Bahagyang kumunot ang noo n'ya when she noticed the book that I'm holding. I thought magagalit s'ya dahil nangialam kami ng gamit ng cafe. Well technically, si Pen lang naman talaga ang nangialam but nevermind, at least we learned the truth na rin. Miss Maggie suddenly smiled and shook her head.
"Mukhang nakikita ko na kung anong nakita n'ya sa inyo," she amusingly said at pumunta sa pwesto namin kanina. Naupo s'ya sa tabi ni Pen at inalok ito ng pizza. Isa-isa naman kaming sumunod at naupo rin.
"Ano po bang nakita n'ya na nakita n'yo din para po makita din namin 'yung nakita n'yo?"
I glared at Psalm. Nagsisimula na naman s'ya sa mga logical questions n'ya na napaka-nonsense naman.
"Curiosity," Miss Maggie said.
My brows furrowed. Curiosity? Nakitaan nila kami ng curiosity? How come?
Mukhang hindi lang ako ang naguluhan. My comrades seemed to be puzzled too, maybe asking the same question that I have.
"It looks like you did some kind of investigation, huh?" Biglang tanong ni Miss Maggie na parang nang-aasar, yet still smiling.
"Ah, hindi naman po. Tumitingin-tingin lang," sagot ni Psalm.
"Kasi may doubt sila Miss Maggie. Baka daw scam 'yung offer n'yo," I frankly said. Mas maganda na din siguro 'to para masagot na ang mga tanong nila at makapag-decide na kaming tanggapin 'yung trabaho. Yes, dapat tanggapin namin ang trabaho!
Bahagyang lumakas ang tawa ni Miss Maggie at napailing.
"Why? Because we're giving too much privilege to our staff?"
"Kinda," maikling sagot ni Sage.
"Kasi Miss Maggie, parang hindi naman daw po realistic 'yung pagbibigay n'yo ng mga incentive sa staff kung pagbabasehan ang posibleng kitain ng cafe. I mean, the cafe isn't that big." Ako na ang nagpaliwanag. I don't want Psalm to do the questioning, neither Sage. Masyado silang blatant and direct to the point. Baka ma-offend si Miss Maggie sa mga itatanong nila. While Pen? I don't think she'll talk.
"Good point," puri n'ya. "Actually, gusto ko sanang i-discuss 'to kapag tinanggap n'yo na ang trabaho but since natunugan n'yo na din naman, I think I should spill the beans now."
Muli s'yang naupo sa pinuwestuhan n'ya kanina at masinsinan kaming tinignan.
"As you guys already mentioned, the cafe is quite small and can't easily support the needs and expenditures. But the cafe doesn't just serve drinks and meals inside it's walls. Aside from dine in's, tumatanggap din kami ng mga deliveries and caterings though, paminsan-minsan lang nagkakaroon ng catering services ang cafe."
Full attention ako sa pakikinig kay Miss Maggie. I don't want to miss any single detail. Gusto ko din naman kasing maging malinaw ang magiging trabaho namin dito. And if ever na magtanong na naman ang kontrabida boys, at least kaya ko ng ipagtanggol ang cafe. I mean, I really want this job. This is the exact thing that I need for my diversion.
"And...?" Parang atat na atat naman 'tong si Sage.
"And most of all, the cafe accepts an extra service."
"Extra service?!" Sigaw naming lahat. What in the deepest hell does she meant by that? Don't tell me tama ang masamang kutob nila Psalm sa cafe na 'to?
"Not that kind of extra service na iniisip nyo, okay?" Natatawang sagot ni Miss Maggie, giving me relief. "Parang special assignment, ganun."
"Special assignment? Like what?" I asked. Oh merciful God, sana naman hindi 'to 'yung assignment na katulad sa school. I really, definitely hate that.
"Do you guys have dreams?" Miss Maggie asked out of nowhere.
"Of course you have," Mabilis n'yang pagsagot sa sarili n'yang tanong. But I guess, Pen wants to disagree with that. Bigla kasi s'yang napa-ubo.
"Ganito kasi 'yan, the owner has his own project called Dreamers. Ang aim n'ya is to help people to make their dreams come true. Noong una, that service is free but since nagi-insist ang mga client na magbayad, tinanggap n'ya na lang hanggang sa naging parte na ito ng services ng cafe,"
"Then, naisipan ng owner na kumuha ng staff na hindi lang tatao sa business n'ya kundi hahalili din sa project na ginagawa n'ya. And you're the hired staffs. So technically, gusto ng owner na gawin n'yo ang ginagawa n'ya. The owner wants you to make dreams come true." Mahabang paliwanag ni Miss Maggie that also led to a long, as in very long silence.
Honestly, I don't like long silence. It give me creeps. Pakiramdam ko kasi nasa sementeryo ako or something like that. But now, the silence that is engulfing us is so unusual. I often break the ice pero kakaiba ngayon. As in natameme ako. I can't even utter a word! Parang lahat kami nag-freeze nang maipaliwanag ni Miss Maggie ang iba pang ginagawa at purpose ng cafe.
To be honest, I only wanted to wear a cute cafe uniform, serve drinks and meals and have a chance to interact with cute guy customers kaya naisip kong mag-apply ng trabaho sa Dreams cafe. Parang naging bonus na lang sa akin ang sweldo at ang sinabing libreng bakasyon ni Miss Maggie. But thanks to Sage and Psalm's curious, doubtful and investigative minds, naging complicated ang situation namin sa pagtanggap ng offer dahil napilitan na ang manager na ilabas ang lahat. I mean, it blown me away big time!
"This is crazy," After an ages of silence nagsalita na si Sage, halos hindi din makapaniwala sa pinaliwanag ni Miss Maggie.
"I mean, why would you guys even do that?" Dagdag n'ya pa.
"Oo nga, Miss M. May saltik ba 'yung owner n'yo?"
Bingo! 'Yun din ang gusto kong itanong. Buti na lang na-voice out agad ni Psalm. Ayaw ko kasing ako mismo ang magtanong because somehow, I know it's kinda below the belt. Like, it's already affront.
Miss Maggie raised her stare na parang nag-iisip s'ya.
"Medyo," Sagot n'ya. "I won't deny the fact that the cafe's owner is a little, kinda, somehow, quite eccentric." She added, doing some kind of hand gestures dahil parang hindi n'ya makuha ang tamang term para i-discribe ang owner ng cafe.
"And mad," dugtong ni Sage.
"Baliw," sabad ni Psalm.
"Abnormal," Halos masampal ko ang bibig ko nang dumulas ang dila ko. It was just supposed to be in my head! God, ba't ko nasabi?
"and a dreamer,"
Napalingon kaming lahat kay Pen. Not just because nagsalita s'ya but dahil na rin sa sinabi n'ya. Did she just said dreamer? Like dreamer na parang nananaginip lang or dreamer na as in nangangarap? I think it's the first one. The owner of this cafe is certainly daydreaming! Para s'yang nananaginip ng gising sa gusto n'yang gawin namin.
"Naisip ko lang..." Obvious na nag-aalangan si Pen na magsalita but I can see that she's trying. "Naisip ko lang na wala namang mali sa gusto n'yang mangyari. Ang ibig kong sabihin, ano namang masama kung tutulong tayo sa pagtupad ng pangarap ng iba?"
[LOVELY's Point of View] I opened the door of my condo with a heavy feeling. You know? That certain kind of feeling na wala ka namang masyadong ginawa pero pakiramdam mo, pagod na pagod ka? I feel like I'm craving for a rest pero hindi ko alam kung paano gagawin, kung saan ko hahanapin. I know this is not just because of what happened earlier sa cafe. I am experiencing this for quite some time already simula nang maisipan kong bumukod kina mommy. I don't know. Maybe I'm just homesick or whatever. Hayst. Kaya mas gusto kong lumalabas at may kinakausap, e. In that way, I temporarily forget this toxic feeling. Oh, curious what happened in the cafe before we parted ways? Well, matapos ipaliwanag ni Miss Maggie ang special purpose and extra service kuno ng cafe, na sobrang gumulat sa amin, napagdesisyunan ng lahat na ipasabukas na lang ang pagd-decide whether we will say yes to the job or not. Kahit naman kasi sinong na
[LOVELY's Point of View]Saktong 10 am nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng cafe. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Pen na kadarating lang din na dire-diretso sa patio. She stopped meters away from the glass door. Nakangiti akong lumapit at tumabi sa kanya."Good morning!" I beamed. Bahagya pa s'yang nagulat but naka-recover din agad then she smiled— a genuine one. Unlike kahapon na halatang pilit. But still, 'yung mata n'ya malamlam pa din like she always lack sleep. Para 'yung babagsak palagi. She's not taking drugs naman siguro 'no?"Grabe, nae-excite na ako Pen. Hindi na ako makapag-antay na maging official staff." I know she won't say anything pero hindi ko naman inakalang tititigan n'ya talaga ako ng matagal."Why? Is there something on my face? May dumi ba?" I asked and wiped my face agad."W-wala. 'Yung... 'yung pagsasalita mo kasi. D-diretso na."
[LOVELY's Point of View] "Kasalanan mo talaga 'to," Psalm said to me for the nth time habang naglalakad kami sa pasilyo ng St. Andrews Hospital. Yep, sa ospital and no, wala namang na-confine sa amin dito or whatever. If you're thinking that something bad happened to Luisa, the customer who went to the cafe earlier, you're definitely wrong. Nandito kami dahil dito kami tutupad ng isang munting pangarap and I'm so excited! And yeah, a bit nervous. Galing pa lang kami sa Nurse's station para itanong kung pwede ba 'yung balak naming gawin. But there's no luck. "Kapag talaga 'to pumalpak, ikaw ang may kasalanan. Ikaw lang, " he murmured. "Ano ba naman? When pa kayo nag-join force ni Pen sa pagiging nega, ha? Don't you know the phrase think positive lang?" I blatantly said. God! Mas naii-stress ako sa ka-negahan ng isang 'to. Dapat pala si Pen o si Sage na lang ang isinama ko. Bakit naman kasi naisip ko pang magagamit k
[LOVELY's Point of View] "Sage, let's go. Wala tayong mapapala sa mga taong inconsiderate at hindi marunong umintindi." Hinila ko ang braso ni Sage para sana umalis na but he didn't budge. Napakunot tuloy ako ng noo at binalingan s'ya ng nagtatanong na ekspresyon pero diretso lang ang tingin n'ya sa direktor. Goodness, Sage! Bat di ka gumagalaw? May balak ka bang mag-stay sa impyerno kasama ang servant-like ni Satan? "Sage—" "If you don't mind Dr. Yuzon, meron ho ba kayong anak o kahit na sinong bata na malapit sa inyo?" Napatigil ako nang biglang nagtanong si Sage. Tinignan ko ang walang pakundungang direktor. I saw his expression slightly soften and his eyes startled. Siguro dahil he didn't expect that question from Sage. "I bet there is." Sage deduced. "Isipin n'yo ho na humiling ang bat
"Sheez, it's already 11:40. Double time, Pen!" Kabado kong sambit at itinuloy ang pagkakabit ng mga balloons sa ceiling habang si Pen naman ang nag-i-inflate nun. Maingat akong bumaba sa pagkakatapak ko sa sofa at muling napatingin sa relo ko. "God! Asan na ba ang dalawang 'yun? Magigising na si Lyka pero wala pa ang foods." I'm super duper really stress right now, as in! We're almost done decorating the room but I feel like it's still not enough. I mean, hindi ganito 'yung na-imagine kong magiging itsura ng lugar. Kulang 'yung mga decorations na nabili nina Pen kaya binawi na lang namin sa balloons. Tapos medyo nasira 'yung cake dahil sa pagmamadali namin kanina. And now wala pa ang pinadeliver naming foods. Argh! This is a disaster. "Lovely, kalma ka lang." Bulong ni Pen nang makalapit s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. "No, Pen. I can't calm down. Can't you see? Everything seems so wrong. This is a disaster! Hindi... hindi da
[PSALM's Point of View] Banayad ang takbo ng sinasakyan naming taxi papunta sa cafe. Napagdesisyunan kasi naming bumalik doon para ipaalam kay Miss Maggie ang nangyari kanina. Sana lang talaga ay nandun na s'ya. Pahamak pa naman 'yang palagi n'yang pagsulpot ng late. Napabuntong-hininga ako. Nakakapanibago ang katahimikan sa aming apat. Dala na rin siguro ng pagod. Nilingon ko ang katabi kong si Pen na tamad lang na nakaupo at tuwid na tuwid ang itsura. Sa kabila n'ya naman ay ang brutal na si Lovely. Naka-angkla at nakasandal na naman s'ya kay Pen na akala mo batang mawawala kapag nakabitaw. Si Sage naman ay nasa harapan, sa passenger seat. Nakasilip lang s'ya sa labas. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong sinilip. Akala ko galing kay papa ang text message dahil palagi ko s'yang pinapaalalahanan na i-text ako kapag may kailangan s'ya o may emergency sa bahay pero text message mula sa ba
"Psalm,""Ay kape!" Gulat kong sigaw at muntik ng mabitawan ang cellphone ko. Mabuti na lang dahil nasalo ko ito. Wala na akong maipapalit dito kung nagkataon! Masama ko s'yang tinignan na prente lang na nakatayo sa may pinto."Ano ba naman pareng Sage! Lakas mong mantrip, ah?""You looked like a stiff statue there," pagpansin n'ya. Hindi ko na lang s'ya sinagot at ibinulsa ang cellphone ko. "Miss Maggie is upstairs. Kailangan ka daw dun."Agad akong pumasok nang marinig na nasa taas si Miss Maggie. Umakyat kami ng hagdan at narating ang isang kahoy na pinto. Si Sage na ang nagbukas nito at pinauna akong pumasok. Nandoon na si Pen at Lovely na nakaupo sa harap ng mahabang mesa na parang conference table. Nandoon din si Miss Maggie na as usual, nakangiti na naman."Alright! It's good to see the four of you," panimula n'ya."Bad trip ka naman Miss
[PSALM's Point of View]"So I'll see you guys on Monday? Six am ang opening ng cafe so I am expecting that the four of you will be here early than six. Linggo bukas, maintenance day. Ipapaayos ko na ang buong cafe at ipapagawa ko na din ang uniform n'yo. Don't worry, your uniform will be done ora mismo."Napatango na lang kami sa sinabi ni Miss Maggie. Wala pa ding may ganang mag-ingay. Kahit ako, hindi pa ako makapaniwala sa ginawa ko."And oh, by the way, nasa bank account na ng cafe ang binayad ng customer n'yo kanina. Idadagdag ko na 'yun sa sweldo n'yo for next week. So, that's all for today. You can go now, relax, enjoy the rest of your weekend and see you!"Isa-isang nagpaalam ang mga kasama ko. Sinadya kong magpaiwan para sana makausap si Miss Maggie."Miss M?" Pagtawag ko sa pansin n'ya. Tumigil s'ya sa paglalagay ng mga kontrata sa envelope at binalingan ako ng tingin.
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'
"Pen! Psst! Pen!"Para akong sinampal mula sa pagkakatulala ko sa sobrang panunood kay Sage at Lolo Dado nang makarinig ako ng pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko."Pen, dito!"Napalingon ako sa may pinto na bahagyang nakabukas. Kunot-noo kong tinignan ang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto dahil sa pagtawag nito sa akin at sa suot nitong hoodie jacket."Marco?" bulong ko at napagdesisyunang lumapit. Nagpaalam din muna ako kay Ate Rian bago tuluyang lumabas ng pinto."Bakit mo 'ko tinatawag?— s-sandali!" Muntik na akong mapatili nang bigla n'ya akong hatakin papunta sa isang tabi malapit sa hagdan. Muli n'ya akong hinarap nang tumigil kami."Where's ate Maggie?" tanong n'ya."Hindi ko alam. Si Ate Rian ang kasama ko simula nung umuwi kami galing sa liwasan. Teka nga... saan ka pala galing? Bakit hindi kita nakita maghapon?"
[PEN's Point of View]"Sige na, Lolo. Kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglilibot ulit kayo ni Emmanuel. Gusto mo 'yun di ba?" Panunuyo ni Ate Rian kay Lolo Dado dahil ayaw pa nitong matulog at gusto pa raw makisaya sa labas kung saan may salo-salong hinanda."Hindi, hindi. Gusto kong lumabas! Gusto kong makausap si Pedrito! May kailangan pa kaming pag-usapan! 'Yung tungkol sa lupa doon... doon sa Sampaloc. Kailangan kong lumabas!" Pagwawala na naman nito at pilit na tinutulak palayo si Ate Rian.Nanatili akong nakatayo sa pinakatabi ng kwarto. Magdadala lang sana ako ng baso ng tubig pero hindi na ako makaalis dahil sa nangyayari. Nag-aalala kasi ako saka baka kailanganin ni Ate Rian ang tulong ko lalo na sa pag-aasikaso kay Lolo Dado.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Dan. Tumango ito kay Ate Rian bago ito lumapit. Saka ko lang na-gets kung para saan 'yun nan
[LOVELY's Point of View]Glamorous. Everything was definitely glamorous tonight!Nagliwanag ang buong bakuran dahil sa mga sulo na ginawa at dinala kanina ng mga kalalakihang dumalo. Akala ko nga ay mga mobs sila na may gustong sunugin na witch. Mga magsasaka pala iyon na in-invite ni Ate Rian.Kasalukuyan ding may band orchestra na tumutugtog sa sinet-up na stage sa may bukana ng bahay. Mga matatanda na ang mga musikero kaya tunog matanda na din ang tugtog but still, jive s'ya pakinggan. Puno din ng mga banderitas ang lugar at parang naging part ng design ang maaliwalas na night sky ngayong gabi. Ang daming twinkling stars!At syempre ang highlight ng lahat ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkaing niluto ko at mga prutas. May mga bitbit din naman 'yung ibang dumating. Mainly mga sticky rice delicacies like suman, biko and puto. Hindi ko nga napigilang maglaway dahil matagal-tagal na din akong hi