Share

Chapter 1

Inabelle Kaye Arnandez POV

Paika-ika akong lumabas ng room kung saan naka check in kami kagabi,halus himatayin ako dahil sa subrang sakit ng katawan ko.

Yung baba pala nitong hotel is yung mismong bar na pinagtatrabahuan ko. Ang tagal ko ng dancer sa bar na ito pero ni minsan hindi ako nagpakita ng mukha, laging may nakatakip sa mukha ko upang walang makakilala sakin. At ito ang unang beses na nagpabayad ako para ikama ng isang gabi,Kailangang kailangan ko lang talaga ng pera.

sumakay na ako ng elevator pababa at nung sumara ito ay inayus ko ang sarili ko upang hindi ako mapaghalataan na pagud na pagud at nanghihina.

dumiretso na ako sa bar counter upang kunin ang sahud ko kagabi. subrang sakit man ng katawan ko ay pilit ko pa ring umakto ng normal sa harap ng mga katrabaho ko.

"oy Ina kamusta?panigurado nag enjoy ka na kagabi" sabi nung isang katrabaho ko " syempre naman isa ba naman VIP customer, panigurado talagang nakaka enjoy yun" gatong naman ng isa pero hindi ko na lang pinansin. Wala silang alam na ito ang unang beses ko, ang alam lang nila ay kaya ako sumasayaw na may takip sa mukha ay para sa kahihiyan ko. "sus be wag ka na mag malinis, tayo tayo lang nandito ohh.."

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito bagkus ay kinuha ko na yung sahud ko at walang paalam na umalis. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa lugar na to.

Nag withdraw muna ako ng pera pambayad sa hospital bill ng kapatid ko. Nasa ATM kasi ito nakalagay kaya kelangan ko muna itong iwithdraw.

nang maka withdraw na ako ay sumakay na ako ng taxi papunta sa hospital " manong ito po na po ang bayad ko" sabi ko ng makarating na kami sa hospital." keep the change na lang po salamat "

Dali dali akong pumasok sa hospital upang bayaran ang dapat bayaran. "Nay Russi kamusta ho si Ineng?" Ako "ayun critical pa rin ang kalagayan" Si nanay Russi " ohh ito po yung pambayad sa operasyon ni Ineng " sabi ko kay nay Russi sabay abot sa kanya ng bag. "naku Ina ang dami naman nito?saan mo galing ito?" gulat na tanung ni nay russi " naku nay hindi na ho mahalaga iyon, sige na po nay bayaran nyo na po yung bill ng masimulan na po ang operasyon at ako po ay uuwi na muna upang makapag pahinga"tumango naman si nay Russi saka umalis na upang bayaran ang bill ng kapatid ko.

Ako naman ay lalakad na sana pauwi ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo, dumilim ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

puting kisami ang bumungad sakin pag gising ko, palinga linga pa ako bagu ako umupo. buti at wala akong kasama dito "Bakit mo ginawa iyon?" gulat akong napalingon sa may pintuan, si nay Russi na kakapasok lang. "Ang alin po nay?" inosente kong tanong " Ito!" Si nay Russi sabay hagis ng papel sa may higaan ko. Kinuha ko naman ito at binasa, result ito ng Test saakin.

"kaya ba ang dami mong dalang pera dahil jan?ha?" galit na sigaw saakin ni Nay Russi "sumagot ka!" humihikbi na ito " n-nay pasensya na po, ito lang po ang tanging paraan para makaligtas si bunso!" humihikbi kong paliwanag "Inabelle naman! ang daming paraan jan, pero hindi ang mga ito! dinungisan mo ang pagkatao mo anak!" Si nay Russi habang napapahilamus sa mukha niya "n-nay m-masyado p-pong malaki ang k-kailangang pera, kaya i-ito lang po a-ang naisip ko pong paraan" humihik kong paliwanag. "P-pasensya na po" ako.

wala na akong narinig na iba pang salita bagkus ay niyakap ako nito ng mahigpit habang umiiyak. Iyak lamang Ako ng iyak sa bisig ni nanay Russi hanggang sa nakatulog ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status