Share

Chapter 5

tanghali na pero hindi pa rin ako kumakain kahit na paulit ulit na kumakalam ang sikmura ko. bahala sila basta hindi ako kakain.

Paikot ikot lang ako dito sa kwarto kaya naisipan kong pihitin ang doornob ng pinto baka sakaling nakalimutan yun isara ng ungas na yun.

Laking tuwa ko ng pagpihit ko ay hindi ito naka lock. Hindi na ako nag aksaya ng oras at kaagad sumilip sa labas kung may tao o wala. Nang makita kong wala tao ay kaagad na akong lumabas. Hagdan pababa ang bumungad saakin paglabas ko, sa ibaba nito ay pinto na palabas ng bahay.

Nagmadali na ako sa pagbaba sa hagda bago tinungo ang pinto. Binuksan ko na ito,palingon-lingon muna ako sa likod ko baka kasi may tao nang masiguro kong walang tao ay agad ako akong humarap sa may pinto ngunit laking gulat ko ng makita ko ang Apat na tao sa harap ko. Nakatingin ang mga ito saakin.

nanginig ang tuhod ko sa kaba dahil baka isipin ng mga ito na tatakas ako at kung ano pa ang gawin ng mga ito saakin. "where do you think you're going?" matigas na tanung ni sir Zarko saakin na subra pa sa subra ang talim ng pagkakatitig niya saakin

"ahh m-magpapahangin lang hehe" palusot ko dito

"you think you can fool me?" sarkastikong tanung niya

"pramis magpapahangin lang talaga ako" taas kamay ko pang sabi habang nakangiti ng peke.

"tss...sinong inuto mo" sabi pa niya saka lumingon sa mga kasama niya " hindi bat iniwan kong lock ang pinto ng babaeng ito?sino ang huling pumasok?"

halus mag tulakan yung tatlong lalaki habang nagbubulungan ngunit sa huli ay itinuro nila si Archie na nasa gitna nila.

habang nasa ganun silang sitwasyon ay naisip kong tumakbo palabas ng gate, sinamantala ko ang pagkakataon saka kumaripas ng takbo. subalit hindi pa nga ako nakakalayo ay agad na may kumapit sa kamay ko at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"puta ibaba mo ko marunung ako mag lakad at promise hindi ako tatakas" sabi ko habang pinaghahampas yung likod ni Sir Zarko. ngunit parang baliwala lang ito sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad pabalik sa kwartong kinaroroonan ko. Habang yung tatlo ay naka sunod lamang saamin.

"paki usap paalisin mo na ako, wala naman akong ginagawang masama sayo ehh..." mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. Nangpabagsak niya akong ibaba sa kama buti na lang at malambot ito kaya hindi ako nasaktan.

napansin niya yung pagkain sa may lamisita na walang bawas kaya agad niyang inutusan ang tauhan niya na iligpit ito at kumuha ng pinibago. Agad naman itong nagsisunuran.

nang umalis ang mga ito ay humarap siya saakin. tumitig ito saakin ng masama saka inilapit ang kanyang mukha sa tainga ko at may binulong "tumakas ka pa ulit at sisiguruhin kong hindi mo na makikita ang ina't kapatid mo." Bagama't pabulong ito ngunit may diin ang bawat pagkakasabi niya.

napayuko na lang ako at napaluha dahil sa kanyang sinabi. Anong bang kasalanan ko?bakit gusto niya akong ikulong dito? kung gusto niya lang akong ikama bakit kailangan pa akong kidnapin?

hindi ko namalayan na nandyan na pala yung dalang pagkain nung tatlo. subrang bigat ba nun at kailangan tatlo pa sila?Inilapag nila sa lamesita na nasa kwarto kung saan nandun din yung pagkain kanina. may mag sofa rin pala dito.

naramdaman ko ang paglutang ko sa ire, binuhat niya pala ako at pabridal style pa. "teka nga, ibaba mo nga ako kaya kong maglakad hindi ako lumpo" iritadong sabi ko sa kabila ng mga luha sa mata ko. ngunit parang binge ang isang to at nagpatuloy lang sa pagbuhat saakin patungo sa sofa kaharap yung lamesita na may pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status