Share

Chapter 4

Nagising ako sa isang madilim na kwarto, may ilaw naman pero demlight lang. Ang lambot din ng hinihigaan ko, teka asan ba ako? Agad naman akong bumangon habang nililibot ko ang paningin ko sa kwarto at duon napako ang paningin ko sa isang lalaking naka tayo medyo malayo saakin, naka talikod ito saakin at tila may kausap ito sa cellphone. Pamilyar ang pigura ng lalaki pero hindi ako sigurado dahil anong dahilan niya para ipakidnap ako?

"Sino ka?anong kailangan mo saakin?" tanung ko dito ng mapansin kong binaba niya na ang tawag. ngunit wala man lang akong nakuhang sagut bagkus ay humarap ito saakin at dahang dahang lumapit.

Hindi nga ako nagkamali siya nga iyun, ano namang dahilan niya at kinidnap niya ako. "bakit mo ako dinala dito?anong kasalanan ko sayo?" tanung ko.

"Be my bedmate" walang prino niyang sabi na halus ikapanting ng tenga ko.

"pinakidnap mo ako para lang diyan?sira ba ulo mo" sabi ko habang tinititigan siya ng masama "kung sa tingin mo tatanggapin ko ang aluk mo, pwes nagkakamali ka. minsan ko ng binaba ang sarili ko ngunit may dahilan ang mga yun"

"this is not an offer but a command" sabi pa niya. Aba!sinasagad mo talaga ang pasensiya ko hah, minsan mo na akong ininsulto at siaiguruhin kong hindi na mauulit yun

"Hindi ako makakapayag, sino ka para utusan ako?ano ba kita?" galit ko turan sa kanya

Aalis na sana ako since bukas naman ang pinto ng kwarto ng bigla niya akong hinila sa braso paharap sa kanya saka siniil ng halik. Agad ko naman siyang itinulak saka sinampal.

"wala kang karapatan para halikan ako" galit kong sigaw sa kanya, ngunit tumitig lang ito ng mariin saakin saka pwersahan niya ulit akong hinalikan. Sinubukan ko siyang itulak pero ang lakas niya, wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. Nang mapansin niyang tumigil na ako ay tumigil na siya subalit may ibinulong ito saakin tenga.

"simula nung naangkin ko ang katawan mo ay akin ka na. Pag isipan mo ang sinabi ko sayo, nasakin ang ina at kapatid mo. Bibigyan kita ng dalawang araw para mag isip kung hindi ka papayag papatayin ko sila" sabi niya sabay talikod paalis

"ang kapal ng mukha mo para gawin ito saakin?ano bang ginawa kong kasalanan sayo" galit na galit kong turan sa kanya habang hinahabul siya ngunit sinara niya na ang pinto, susubukan ko pa sanang buksan pero naka lock na ito. "Walang hiya kang lalaki ka, pawalan mo sila"sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. Napasandal na lang ako sa likod ng pinto habang umiiyak, hindi ko inaakalang ganito siyang klaseng tao sa kabila ng kaamuhan ng mukha niya.

bumalik ako sa kama at saka duon ipinagpatuloy ang pag iyak ko. Kailangan ko mag isip, kung hindi ako papayag paano na sila nanay at si Ineng? Dala ng matinding pag iyak ay hindi ko namalayan naka tulog na pala ako.

***

nagising ako na subrang liwanag ng paligid, naka bukas na ang mga bintana. Umaga na pala? pupungas pungas ako habang bumabangon paalis ng kama at sumilip sa labas.

Napatulala ako sa subrang ganda ng tanawin sa labas, teka nasan kaya ako? Napahimas naman ako sa aking tiyan ng bigla itong tumunog. Naalala kong wala pa nga pala akong tanghalian at hapunan.

Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto "oy!gising ka na pala " sabi nung bagong dating na lalaki may dala itong pagkain "ohh ito kumain ka muna" sabi niya sabay abot sa akin ng pagkain.

"hindi ko kakainin yan" pagkukunwari ko

" bahala ka, sino lang ang magugutom" sabi niya "By the way Archie nga pala yung isa sa mga kumidnap sayo, yung sinipa mo sa van. Grabi ang sakit nun huh" pakilala niya habang naglalahad ng kamay

"sino tanga ang makikipag kamay sa kumidnap sa kanya" sabi ko na lang sabay taray.

"ay oo nga noh..." sabi pa nga habang kumakamot sa batok niya " sige huh kainin mo na yan, bye bye na baka gisahin ako ni boss" paalam niya sabay alis na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status