Share

Chapter 3

Tatlong araw na rin simula nung makalabas ako sa hospital, grabi hindi ko inakala na ganun ang inabot ko sa isang gabi lang. Halimaw ba siya?tss...

ngayon pala ang labas ng kapatid ko kaya maaga akong gumayak upang sunduin sila. Dto na kasi ako natulog sa bahay, si Nay Russi na lang ang nagbantay kay bunso.

"manong ito na po yung bayad ko" sabi ko sa tricycle driver sabay abot ng bayad. Nandito na ako sa labas ng hospital para sunduin sila mama at kaagad na akong pumasok sa loob.

"Nay kamusta po? May aayusin pa po ba sa papel at bayarin ni Ineng?" Tanung ko kay nay Russi " wala na anak inayus ko na kanina, hintayin na lang natin yung magsusundo satin palabas ng hospital" sagut ni nay Russi.

"Dito po ba yung kay Izabelle Jane Arnandez?" tanung ng isang kakapasok lang na nurse, may dala itong wheelchair " Dito nga po" si nay Russi " ahh tara na po, labas na po tayo dito na lang po natin siya paupuin" yung nurse ulit

Inalalayan na nga namin si Ineng paupo sa wheelchair at pagkaupo niya ay lumabas na kami. Yung nurse ang tumutulak sa wheelchair na sinakyan ni Ineng at kami naman ni nay Russi ay nagtulungan sa mga gamit.

palabas na kami ng hospital ng may nasalubong kaming tao na halus araw araw kong dinadalangin na sana ay hindi na magkrus ang landas namin. Wala itong emosyon na nakatingin sakin, parang hindi ako nito kilala kung umakto. Ako na lang ang kusang nagbawi ng tingin at hindi na muling tiningnan siya hanggang sa malampasan na namin sila. May kasama pala itong matandang babae, Hindi ko lang ito gaano napansin dahil nasa kanya ang tingin ko kanina. pansin ko din ang tilian ng ibang mga nurse na babae, tss iba talaga kapag sikat at mayaman.

Nandito na pala kami sa bahay, medyo nahirapan kami kay Ineng dahil hindi pa siya sanay sa kalagayan niya ngayon. Nakakaawa talaga ang kalagayan niya, sana sakin na lang nangyari ang lahat ng to. Ang bata pa niya para maranasan ang mga ito.By the way 25 na nga pala ako at 15 naman si Ineng.

"nay kelan ba ang alis natin?" tanung ko " siguro baka bukas" sagut ni nay Russi

"ahh...sige po, mamimili po pala ako ngayon ng kakailanganin natin sa byahe" ako

" sige nak, mag ingat ka"

Umalis na pala ako sa bahay dala ko yung black na ATM Card ko, ito kasi yung binigay sakin nung kinuha ko yung sahud ko. Dumiretso na pala ako sa Mall para bumili ng mga kailangan namin,tumatanggap naman sila ng Card kaya no need na mag withdraw.

Kakababa ko lang pala ng Tricycle at papasok na sana ako ng mall ng may biglang humintong puting van at iniluwa nito ang tatlong lalaki na nakabunit na itim. Pwersahan nila akong hinila papasok ng van pero nagpumiglas ako kaya binuhat na lang nila ako. " yung babae kinikidnap tulungan nyo" iyan ang sigawan ng mga taong nakakita pero wala ring nagawa ng paandarin nila ang van.

"saan niyo ako dadalhin?" nagpupumiglas pa ring tanung ko

"wag ka ng mag tanung miss, sumama ka na lng" sagut nung isa na nasa bandang pinto ng van.

"baka nagkakamali lang kayo wala kayong mapapala sakin" pangungumbinsi ko

"kami wala pero yung boss namin meron" yung isa naman sa may bandang likod

"parang awa niyo na,kailangan pa ako ng kapatid at nanay ko" paki usap ko sa kanila, pero parang wala silang narinig

"ahh ayaw nyo huh!" sabi ko sabay sipa sa lalaking nasa may bandang likod, tumama naman yung naka bunet niyang mukha sa may bintana tapus yung katabi ko naman ay pinagsasapak ko.

"puta kang babae ka, wag ka malikot" sabi naman nung nasa likod na pilit din akong hinahawak. Iba pa yung driver na nanonood lang.

"pre pag di to tumigil sasapakin ko to" yung isa kanina na dumikit sa bintana ang mukha

"wag pre mayayari tayo kay bossing" yung isa naman na pinagsasampal ko hanggang ngayon, sinasangga niya lang ito ng kamay niya.

literal na nagwala talaga ako sa loob ng van baka sakaling makulitan sila sakin at ibaba ako sa van pero nagkamali ako, dahil may kinuha yung lalaki sa likod namin na panyo at may kung anong inilagay dun tapus pinantakip sa ilong at bunganga ko. Agad naman akong nahilo dahil dun.

"Ayaw mo kasing tumigil ahh, dapat lang yan sayo"rinig kong sabi niya bago ako nilamun ng dilim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status