Mabilis na nakabawi si Rana."Bryson?" tanong niya.Tumango si Andy at isinalaysay ang lahat ng sinabi ni Bryson noong araw na kinausap siya.Biglang napangisi si Rana."Sa sampung porsyento lang ng bahagi, inaasahan niyang magbabago ang isip ko? Masyado naman niyang minamaliit si Rana Esquivel."Nang marinig ni Andy ang tono ng babae ay alam niyang sarado na ang pinto para sa usapan.Kahit medyo nakahinga siya ng maluwag, may kaunting pag-aalala pa rin."Talagang desidido kang huwag nang makipagtulungan sa kanila? Though you didn’t breach any contract with them, parang tama nga naman ang sinabi niyang pwedeng maaapektuhan ang career mo? At unprofessional kung hindi mo na sila kakausapin manlang?"Pakiramdam ni Rana ay parang isang nanay na masyadong nag-aalala si Andy.Napatawa siya habang iniisip ito."Walang problema, ate. Hindi ito malaking dagok para sa akin. At sa pagiging unprofessional, I don’t think so. I emailed them ahead of time. Sila lang ang hindi makatanggap ng desisyon
Napaisip si Rana saglit sa inosenteng na tanong na iyon ni Andy.Tapos ay bigla siyang humawak sa tiyan at humalakhak nang malakas.Nagulat si Andy sa kanyang tawa sa umpisa pero kalaunan ay napailing na lang.Puno ng pagkaaliw at pagkabighani.“Pinagti-tripan mo na naman ako ha.” nakalabing sabi niya kay Rana."Hay nako, Andy. Ang cute mo talaga." sabi ni Rana habang pinagmamasdan si Andy.Hinaplos ni Andy ang pisngi ni Rana nang may lambing at ngumiti. "Dati sinasabi ko masyado kang matured para sa edad mo. Pero ngayon habang tumatawa ka, na-realize kong ang bata mo pa pala talaga."Pinunasan ni Rana ang kanyang naluluhang mga mata.Unti-unti na siyang tumigil sa pagtawa.Pero namumula pa rin ang kanyang pisngi at namumungay pa ang mata sa luha.Kaya’t lalong naging kaakit-akit ang kanyang anyo.Hindi na napigilan ni Andy ang kanyang damdamin."Ayos lang 'yan, bata ka pa. Dapat madalas kang tumawa. Ang ganda mong tingnan kapag masaya ka." sabi ni Andy.Sobrang nasisiyahan siya sa b
Hindi nagtagal ang pag-uusap nina Rana at Andy.May trabaho pang kailangang tapusin si Andy at si Rana naman ay kailangang bumalik para asikasuhin ang mga preparasyon para sa bago niyang studio.Paglabas niya mula sa kompanya ni Andy ay naglakad si Rana papunta sa bago niyang sasakyan.Ang pink na porsche na sinasakyan niya ngayon ay regalo sa kanyang pagbabalik ng kanyang kuya at talagang hindi niya nahindian ito.Alam ng kuya niya kung paano siyang hindi makakatanggi sa inaalok nito.Pagkaakyat pa lang niya sa kotse ay napansin niyang may tila isang taong nakatitig sa kanya mula sa malayo.Napakunot ang noo ni Rana at tiningnan ng matalim ang direksyong iyon.Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ng pagmamasid, wala naman siyang nakita.Inakala niyang guni-guni lamang ito.Sumibat siya gamit ang kanyang mamahaling sasakyan.Lingid sa kanyang kaalaman ay totoo ang kanyang hinala.May isang anino ang lumabas mula sa likod ng poste matapos siyang umalis.Ipinadala ng taong iyon ang mga li
"Si Mr. Deogracia ay nasa meeting ngayon at hindi siya makakatanggap ng tawag." malamig at pormal ang tono ni Froilan.Wala sa loob niyang nasagot ang tawag.Kaya ngayon ay kailangan pa niyang pag-aksayahan ng oras si Pey.Nagulat si Pey.Pero mahinahon pa rin siyang sumagot."Ayos lang, hindi ko na muna siya istorbohin. Pagkatapos ng meeting niya, puwede mo ba siyang sabihang tawagan ako?""Hindi pa rin puwede."Hindi inakala ni Pey na tatanggihan siya ni Froilan nang ganoon kasimple.Dati-rati, magalang ito sa kanya.Kaya’t talagang ikinabigla niya ang biglang pagbabago ng ugali nito.May kutob siyang may mali.Pero nagkunwaring kalmado pa rin at ngumiti pa kahit hindi naman siya nito nakikita."Medyo abala nga pala sa opisina kaya naiintindihan ko. Siguro kapag tapos na ang trabaho ninyo ngayong araw, puwede mo na lang akong sabihan?""Ms. Feia" tamad na tamad ang boses nito.Naririnig din ni Pey sa kabilang linya ang sunod-sunod na tunog ng keyboard.Halatang nagtitipa ito ng kung
Tatlong beses na kumatok si Froilan sa opisina ni Bryson bago pinihit ang doorknob.“Yes, Froi?” tanong ni Bryson.Lumapit ito sa lamesa ng lalaki.Naroon rin si Moss.“Ms. Feia Santiago called. At ayon sa utos mo ay tinanggihan ko ang kahit anong hilingin niya.”“Hmm.” pag sang-ayon ni Bryson.Hindi naman talaga sobrang abala ng lalaki.Nag-uusap lang sila ni Moss sa update ng kanilang launching team.Ngunit binilinan na niya si Froilan patungkol kay Pey.Ayaw niya munang makita o makausap ang babae.“Thank you, Froi.” tahimik na sabi nalang ni Bryson.Ngunit si Moss naman ay na-curious.“Nagtanong ba siya kung bakit? Sinubukan ka bang suyuin o bilhin?”Ikinuwento ni Froilan ang buong usapan nila ni Pey.Nang marinig iyon ni Moss ay napailing nalang ito at napapalatak.“Lagi na lang siyang naghahanap ng mali sa ibang tao. Hindi ba niya naiisip na siya rin ang may kasalanan?”Walang sumagot sa puna ni Moss.Si Froilan dahil sa pagrespeto pa rin sa babae.Si Bryson naman ay dahil ayaw
“Fucking trash!”Hinagis ni Bryson ang folder na hawak.Natahimik ang lahat.Problemadong-problemado nitong hinawakan ang ulo.Marahang kinuha ni Froilan ang folder at mga papel na nagkalat sa sahig.“Paano nakalusot ito sa QA? Have you ever been listening to me?!” pinalo niya ang lamesa.Wala nang makatingin sa kanya ngayon.Lahat ng naroon sa meeting ay nakayuko at tahimik.May iilang paiyak na dahil ilang araw nila iyong pinaghirapan.Hindi pa sila natulog para lang matapos ang disenyo.Pumikit siya at marahang binuga ang hangin sa bibig.Dumilat siya at unang bumungad ang mga takot na mata ng kanyang nasasakupan.Bahagya siyang huminahon.“Fix it. I’ll give you a week.” nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. “Go back to work. Meeting’s done for today.”Mabilis siyang umalis doon.Siya ang naunang lumabas bago patakbong sumunod si Froilan sa kanya.“Masyado kang mainit, Bry.” mahinang puna ni Froilan kay Bryson.Sabay maglakad ang dalawa.Malalaki ang hakbang at diretsong nakatingin s
“Kung tungkol lang ‘yon sa inyong dalawa, bakit mo pa ako tinatanong kung nasaan siya?” nanghahamon ang boses ni Vern.“Hanapin mo na lang siya nang mag-isa. Tutal para kang aso na habol ng habol sa kanya.” dagdag pa niyaPagkatapos non ay sinubukan niya nang iwasan at iwanan si Bryson.Pero isang hakbang pa lang niya ay hinarangan na siya ni Bryson.“Ang mabuting aso, 'di humaharang sa daan.”Hindi pinansin ni Bryson ang panunuyang iyon.Hindi siya basta-bastang napipikon sa mga ganoon.Sa halip ay seryoso siyang tumingin sa lalaki.“May kailangan akong sabihin kay Rana.”“Ano naman ang kinalaman ko ro'n? Ayaw kang makita ni Rana, kaya lalo kong hindi hahayaang makita mo siya.”Sa narinig niyang malambing na tawag nito sa babae ay lalo pang dumilim ang mga mata ni Bryson.Pilit niyang binura ang kakaibang damdaming lumitaw sa dibdib.Saka walang emosyong nagsalita.“Sabihin mo lang kung nasaan siya, ibibigay ko sa’yo ang lupang pinag-aagawan natin.”Unti-unting nawala ang mapanuksong
“Awatin niyo, ano ba?!” sigaw ng isang matandang babae.Dumami ang tao kaya may humawak na rin kay Vern.Pinigilan ang muli nitong pagsugod.Napahiga na si Bryson sa lobby ng lugar.Marami ang nakiki-usyoso ngunit walang tumutulong o nangangamusta manlang sa kanya.Parehong bugbog sarado ang dalawa.Maga rin ang kamao ni Bryson dahil sa mga suntok na binitawan niya kay Vern.Si Vern naman ay parang hindi pa kuntento.Kahit may mga nakaharang na sa kanya ay gusto pang tumakbo upang durugin lalo si Bryson.Pero ang assistant niya ay nilapitan siya at mahinang bumulong."Malapit na magsimula ang jewelry exhibition. Hindi ba't may usapan kayo ni Ms. Esquivel para manood ng exhibit? Kung magpapatuloy ka pa ganyan, malamang sa malamang ay hindi mo na siya masisipot.”Biglang napaisip si Vern.Mas mahalaga ang pakikipag-date kay Rana kaysa ang pakikipag-away kay Bryson.Isa pa tama ang kanyang sekretarya.Kung magpapatuloy pa siya ay maaari pang gumanti si Bryson.Mas madadagdagan lang ang s
Ranayah Ranqell Esquivel.One name but it has two different fates in it.Si Ranqell ay lumaking parang prinsesa.Habang si Rana naman ay wala ni isang kamag-anak na handang ipagtanggol siya.Si Ranqell ay may kayamanang hindi mabilang.Tinitingala at iniidolo ng lahat.Samantalang si Rana ay isang pinabayaan ng asawa at ng pamilya nitong mayaman.Tanging pagkikipag-lapit sa mga lalaki ang natitirang paraan para siya'y mabuhay.Ngunit kahit ganoon na kahirap ang buhay ni Rana ay hindi pa rin siya matigilan ni Pey.Ramdam na ramdam ni Pey ang banta ni Rana sa kanya.Kung sakaling magkatuluyan sina Rana at Vern, tiyak niyang babalik ito sa pamilya niya upang makipag-agawan sa mana.At kung hindi man sila magkatuluyan, mananatili pa rin ang impluwensiya ni Rana kay Bryson.Isang bagay na tiyak na makakasama kay Pey.Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon.Kaya bago pa man makabawi si Rana ay balak na siyang tuluyang itulak ni Pey sa lusak.Putulin sa ugat at hindi bigyan ng kahit anon
Dalawang araw na lang at kaarawan na ni Rana.Abala na ang mga tagapamahala ng bahay.Ang mayordoma ay hinati na sa kanya-kanyang toka ang mga kasambahay.“Ang iba ay sa dishwashing. Masyado nang marami ang maghahatid ng mga pagkain sa mga guests.”“Pwede po ba akong tumulong sa pag we-waiter?” taas kamay na sabi ng isang dalagita.Tumaas ang kilay ng mayordoma.“Ano ba ang sinabi ko? Hindi ba marami na kako ang maghahatid ng mga pagkain?”Kinagat ng bata ang labi at nanahimik.“Ito ay mahalagang selebrasyon, Marta. Hindi ko kailangan ng pag-aalembong mo sa mga guest.”Napamaang ang dalaga habang kinukurot siya ng ibang kasambahay.“Ay grabe naman eh, manang. Sadyang gusto ko lang hong makita ang magiging disenyo sa labas.”“Osige. Papayagan kitang lumabas. Pero gagawin kitang pigurin doon. Kapag gumalaw ka, ikaw lang ang maglalaba next week.”Nagtawanan ang lahat.Sa bungad ng malawak na entrada ng mansyon ay ang mga tauhan na nagbubuhat ng mga dumating na package.Araw-araw may mga
Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.Lahat ay mga paborito ni Rana.Busog na busog siya.Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa gano’ng ayos ay natuwa ito.Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.“Ang sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.”Nangingiting humarap si Rana sa kanya.“Lolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.”Ngunit masaya pa rin ang matanda. “Bata ka pa rin naman ngayon.”Napanguso si Rana.Sa isip niya ay hindi na siya bata.Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.Hindi na siya ang batang Rana noon.Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.“Lolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.”Kumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
“Tama ang sinabi ni Young Master. Masyado kasi akong nadala ng aking pagka-miss sa iyo, hija. Pasensya na.”“Naku, ‘wag na po kayong mag-pasensya, ‘tay. Tayo-tayo lang naman ito.”Dahil maaga silang naulila, si Ruan ang kailangang humawak ng buong kumpanya ng kanilang pamilya.Palagi itong abala sa trabaho kaya naman hindi na nito masyadong natutukan ang kapatid.Kaya naman ang kanilang butler nalang ang kusang nagpalaki kay Rana.Kahit hindi naman ito inutusan o pinakiusapan ni Ruan.Taos-puso nitong itinuring na apo ang magkapatid, lalo na ang babae.At para kay Rana ang lolo butler niya ay halos kapantay na ng kanyang tunay na lolo.Kaya rin wala siyang masyadong pakialam sa mga pormalidad kapag kasama ito.They never treated him as their employee.He is their second ‘tatay’.Sa pagkakataong ito, masaya niyang inakbayan si lolo butler habang hawak din ang kamay ng kanyang kuya.Masayang-masaya siyang pumasok ng mansion.Nakangiti rin si Ruan habang pinagmamasdan ang kapatid.Nahaha
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.“Pasensya na at natagalan.”Basa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kaya’t ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga
“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi