Share

CHAPTER 2

ILANG minuto ang lumipas ay nakarating na si Ayesha sa tapat ng bahay nila. Pagpasok niya ng bahay ay laking gulat niya sa lalaking naka upo sa sofa ng bahay nila. Si MAX ang ex husband niya. Bigla siyang napatigil sa paghakbang nang lumingon si Max sa gawi niya. 

" Ayesha... " saad ni Max sa mahinang boses. 

Hindi naman akalain ni Max na makikita niya si Ayesha makalipas ng limang taon. Matagal na din niyang hinanap ang ex wife niya para mag expalin sa nangyari noon. Pagkatpos kasi ng araw na pinirmahan ni Ayesha ang divorce paper nila ay nagpasa agad ito ng resignation leeter  sa kompanya nila. Umalis din ito ng araw na iyon at hindi na sila nakapag usap pa.

---------------------------------------------------------------------------------

ANG NAKAARAN;

Sa isang malawak na parke si Ayesha at Max tanaw ang mga taong naroroon. Maraming mga batang naglalaro doon. Kita ni Ayesha na nakatitig si Max sa mga batang masayang naglalaro at ang iba ay kalaro ang mga magulang nito. Alam ni Ayesha na gusto na ni Max na magkaanak sila pero dahil sa sakit niya niya ay nahihirapan siyang magbuntis.  Nakaramdam siya ng guilt sa isiping iyon. Matagal na siyang nasasaktan sa kadahilanan na hindi pa rin niya kayang bigyan si Max ng anak. Matagal na din siyang nag undergo ng treatment para mapabuti ang sakit niya at umaasahang may milagro at mabuntis na siya. Iyan ang inaasam niyang mangyari at ipinagdarasal sa diyos.

" Okay ka lang ba, Max? " saad ni Ayesha sa mababang boses kay Max. 

Hindi nakasagot kaagad si Max dahil nakatitig ito sa mga batang naglalaro sa paligid. Mayasa ito na nakatingin ngunit may lungkot sa mga mata nito.  At tumingin ito kay Ayesha.

" Ayos lang ako, Babe. Bakit mo natanong? " saad ni Max kay Ayesha.

" Wala lang! Napansin ko kasi parang ang lalim ng iniisip mo. " tugon na saad ni Ayesha kay Max.

Natahimik naman si Max at numalik ang tingin sa malayo. 

" Napapa isip lang ako kung ano ang feeling ng may anak. Yung may inaalagaan tayong bata. Yung may tatawag satin na Mommy and Daddy o di kaya Papa and Mama. Ang sarap sa feeling siguro at saya if maranasan na natin iyon. " tugon na saad ni Max kay Ayesha.

Natahimik naman si Ayesha sa sinabi ni Max. Randam niya ang bigat ng mga sinabi nito. 

" Babe, sorry if wala pa tayong anak. Alam ko na matagal mo nang gusto na magkaanak tayo. At alam ko na matagal ka na din naghihintay." saad naman ni Ayesha kay Max. 

Hindi maiwasan na makaramdam ng lungkot si Ayesha.

" Huwag kang mag sorry Babe. Hindi mo kasalanan at hindi naman ako galit sayo. Alam mo iyon... mahal na mahal kita. " saad naman ni Max kay Ayesha.

Hindi naman maiwsan ni Ayesha nakaramdam ng lungkot. Pero hindi niya maiwasang maramdaman ang lungkot ni Max at hindi na ito ang dating Max na puno ng pag asa.

" Pero alam ko Babe na gusto mo ng magkaanak tayo.  Tapos ako...hindi pa kita kayang bigyan ng anak. " naluluhang saad ni Ayesha kay Max.

Huminga ng malalim si Max at hinaawakan ang kamay ni Ayesha at tinignan ito sa mga mata. 

" Babe, mahal kita. Alam mo yan. Simula noon hangang ngayon ikaw ang tanging mahal ko. Pero minsan na isip ko na baka may ibang paraan para magkaroon tayo ng anak. " saad ni Max kay Ayesha.

Sa sinabi ng asawa ay lalong nakarandam ng bigat ng damdamin si Ayesha. At nakaramdam siya ng kaba sa kung ano ang ibig sabihin ni Max.

" Ibang paaran? Anong ibig mong sabihin Babe? ' tanong ni Ayesha kay Max. 

Bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ni Ayesha si Max at bumalik ang tingin sa malayo.

" Babe, I have something to tell you. Matagal ko nang iniisip na sabihin ito sayo. Alam mo baka pwede nating e consider na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng adoption. " saad ni Max kay Ayesha.

Bigla niyang napansin ang lungkot sa mukha ni Ayesha dahil sa sinabi niya. Nababakas sa mukha niya ang takot at pagka bigla sa mga sinabi ni Max.

" Adaption? Babe, hindi ko alam if kaya ko ba. Mukhang hindi pa ako ready. I mean gusto ko na magka baby pero hindi ko alam if kaya ko na ngayon. " saad ni Ayesha kay Max. 

Nakita naman ni Max ang bigat ng nraramdaman ni Ayesha at ayaw na niyang e pressure ang asawa. Kaya bigala niyang binago ang usapan nila para maibsan ang nararamdaman ng asawa. 

" Kalimutan mo na mo iyon. May maganda akong naisip. We will go for a vacation. What do you think?  Kailangan natin na mag relax at mag enjoy. " saad ni Max kay Ayesha. 

" Vacation? Saan naman tatayo pupunta? " saad naman ni Ayesha.

Nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ni Max. 

" We will got to Japan. You want to see Mt. Fuji and the Cherry Blossom. Right? " saad naman ni max kay Ayesha.

Masaya naman si Ayesha at ngumiti. Matagal na niyang gustong makapunta sa Japan. 

" Yes, gusto ko po pumunta sa Japan Babe. Also, I want to try the foods. " saad naman ni Ayesha kay Max.

Mababakas naman ang saya sa mukha ni Ayesha. 

" Okay, we will got there. We will do and try what ever you want in Japan. " saad naman ni Max kay Ayesha. 

Nakahinga naman ng maluwag si Max ng nagawa niyang iwasan ang mabigat na usapan upan hindi na masaktan ang asawa. 

" Okay, Babe. We will have fun and enjoy there. Just the two of us. " saad naman ni Max kay Ayesha. 

" Thank you, Babe. Maybe I need to go and relax. Excited na ako. " saad ni Ayesha sa masayang boses kay Max.

Naramdaman ni Ayesha na nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya.   At nasaya na din si Max kay hindi natapos ang usapan nila tungkol sa anak ay nabawasan ang bigat at lungkot na naramdaman ng asawa. 

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan nila na umuwi na ng bahay. 

" Tara na Babe, uwi na tayo. " anyaya naman ni Max kay Ayesha.

Tumayo naman si Ayesha at sinimulan na nilang iniligpit ang mga gamit na dala nila parke. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status