Share

CHAPTER 4

LUMIPAS ang ilang minuto pero hindi pa rin dumating si Max. Panay tingin niya sa cellphone pero wala pa din mensahe galing sa asawa. Nagtataka siya kung bakit hindi na ito nag reply. Akmang ibababa na niya ang hawak na cellphone ng makatanggap siya ng mensahe muna kay Max.

" Babe, sorry I can't go there. May emergency lang dito. Kita nalang tayo sa bahay. Ingat ka pauwi. " saad ni Max sa mensahe.

Nang mabasa ang laman ng mensahe ay nakaramdaman ng lungkot si Ayesha. Nagtataka siya kung bakit hindi ito natuloy na puntahan siya dito sa clinic. Nabawasan ang excitement niya na sabihin ang goodnews sa asawa at may kaba din siyang naramdaman.

" Ano kayang nangyari sa kanya? " saad ni Ayesha sa sarili.

Tumayo na siya sa inuupuan niya at nagpaalam na sa kaibigan na uuwi na siya.

" Bess, uwi na ako. Hindi makakapunta si Max rito. May emergency daw siya. " malungkot na saad ni Ayesha sa kaibigang doctor.

Hindi niya maiiwasan na malungkot. Gumugulo din sa isip niya kung ano ang nangyari sa Asawa niya.

" Okay, bess. Ingat ka at si Baby pauwi. " Saad naman ng kaibigang Doctor.

Lumakad na siya palabas ng Clinic at tinungo ang parking lot. Pagkasakay niya sa kotse ay agad na siyang nagmameho paalis.

Lumipas ang ilang minuto ay matiwasay siyang nakarating sa Bahay nila. Agad niyang ipinarada ang kotse sa garage nila. Bumaba agad siya ng sasakyan. Pagkapasok niya sa Bahay ay Nakita niya ang Asawa nasa sala nila.

Sinalubong naman siya ng Asawa niya ng yakap at halik.

" Love, anong nangyari? Bakit hindi kanna natuloy sa Clinic? " Saad naman ni Samantha sa Asawa.

" I'm sorry, love. Tumawag kasi si Dad kanina at nag meeting kami. It's an urgent matter. Kailangan ko pumunta sa Singapore ngayon. May aayusin lang Ako doon. 1 week Ako na mawawala. " Saad na paliwanag naman ni Max kay Ayesha.

Natahimik naman ng ilang sandali sa Ayesha ng marinig ang sinabi ng Asawa. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Nagtataka siya sa kinikilos ng Asawa. Ngayon lang niya din napansin na naka ready na ang luggat nito.

" Aalis ka na agad? Hindi ba pwede bukas nalang? " Saad naman ni Ayesha sa Asawa.

" Yes, love. Ngayon din mismo ang alis ko. I'm sorry, love. Babawi Ako pagbalik ko. And itutuloy nation ang vacation natin kapag natapos na Ako sa Singapore. " Saad naman ni Max sa Asawa.

Nakaramdam ng lungkot si Ayesha. Hindi man lang nagtanong ang Asawa kung ano ang good news niya rito. Hindi na din niya nasabi dahil nagmamadali na ang Asawa niya na umalis.

" Ingat ka " Ayan nalang ang nasabi ni Ayesha kay Max.

Niyakap naman siya ng Asawa at lumakad na palabas ng Bahay. Narinig pa niya na panay tunog ang cellphone ng Asawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag pasya na siyang umakyak sa itaas. Pagkapasok niya sa kwarto ay agad na siyang naggayak para maligo.

Sa loob ng silid ay hindi niya maiwasan na mag isip. Ano ba ang urgent na kailangan asikasuhin ng kanyang Asawa sa Singapore.

" Baby, ano kaya ang gagawin ng Daddy mo doon? Hindi man lang niya Ako tinanong kanina. Ikaw pa naman ang surprised ko sa kanya. " Saad ni Ayesha habang hinahaplos ang tiyan niya at kinakausap ang anak.

Pagkatapos niya makaligo at makapagbihis ay lumabas na siya ng banyo. Tinignan niya ang cellphone kung may mensahe ang Asawa.

" Wala man lang text. " nadidismayang saad ni Ayesha.

Napagpasyahan na niya na lumabas ng silid at tinungo ang dinning. Pagdating niya doon ay busy na ang kasambahay na magluto para sa dinner.

" Iha gutom ka na ba? " tankng sa kanya ng kasambahay na si Manang Isa.

" Hindi pa po Manang. Ano po niluto niyo? " sagot naman niya sa kasambahay.

" Beef with broccoli ang ipinaluto ko kay Tess. Paborito mo. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

" Thank you po Manang Isa. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Tess.

Matagal ng kasambahay nila si Manang Isa. Parang nanay na niya ito. Mabait ang matanda sa kanya at maalaga sa kanila.

" Pansin ko malungkot ka, Iha? May problema ka ba? " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

" Ahhhmmm. Nalulungkot lang po Ako Manang. Umalis po kasi si Max. May magandang surprised sana Ako sa kanya kaya lang umalis siya. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Isa.

Nababanaad ang lungkot sa kanyang boses.

" Pansin ko nga Iha na malungkot ka. Hayaan mo uuwi din naman ang Asawa mo. I surprised mo siya pagdating niya. Huwag ka ng malungkot. Tatawag din yun sayo. Mahal ka ni Max. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

" Salamat po Manang. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Isa.

" Oh siya, umupo ka na diyan. Titignan ko lang ang niluluto ni Tess baka luto na. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

" Okay po, Manang. Sabayan niyo po Ako kumain. Sabay sabay tayong lahat please para masaya. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Isa.

" Okay sige. Sasabayan ka namin kumain. Huwag ka ng mag isip at malungkot. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

Ngumiti naman si Ayesha kay Manang Isa at tumango. Umalis na si Manang Isa at pinuntahan na si Tess na abala sa pagluluto.

Panany naman tingin ni Ayesha sa cellphone niya if may text ba si Max sa kanya. Nang makita ay wala pa din. Nagtipa siya ng mensahe.

" Love, ingat ka diyan. Miss na kita. I love you. " Saad naman ni Ayesha sa text niya kay Max.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila Manang Isa dala ang mga pagkain. Inaayos na nila ang mesa at nagsimula na silang kumain.

" Salamat po Manang at sinamahan niyo Ako. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Isa.

" Walang ano man Iha. Huwag ka ng malungkot anak. Nandito kami at sasamahan ka namin. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na sila sa pagkain.

" Aykat na po Manang. Thank you sa Inyo. " Saad naman ni Ayesha kay Manang Isa.

" Oh siya sige Iha. Pahinga ka na. " Saad naman ni Manang Isa kay Ayesha.

Napagpasyahan niya na umakyat na at tinungo na ang kwarto nila. Agad na siyang sumampa sa kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status