Share

CHAPTER 3

KINABUKASAN nasa sala si Ayesha habang naka upo sa sofa. Hinihintay niya ang reply ni Max sa ipinadala niyang mensahe. Napansin niya na may iba sa kanyang katawan. Madalas siyang makaramdam ng pagod, minsan naging antokin din siya, may mga pagkain din siyang mga ayaw niyang kainin at mag mga pagkain siyang gusto niya laging kainin. Inisip niya kung dahil lang ba ito sa stress pero naisip niya baka may iba pang dahilan kung bakit ganito ang mga nararamdaman niya. 

Makalipas ang ilang minuto ang nagpasya siyang pumunta muna sa clinic ng kanyang kaibigan na doctor. Si Kate Natividad ay isang doctor o obgyn. Alam niya na matagal na niyang sinusubukan pero alam niya ang kanyang kundisyon na may pcos siya. Kaya hindi na siya umasa pa na mabuntis siya agad. Nag ayos na siya at pagkatapos ay lubas na ng bahay. Sumakay agad siya sa kotse niya at nagmaneho papunta sa clinic ng kaibigan. 

Lumipas ang isang oras ay matiwasay siyang nakarating sa clinic ng kaibigan. Pagkapark niya sa kotse ay agad na siyang lumabas at tinungo na ang clinic. Pagkapasok niya ay sinalubong na siya agad ng secretary ng kaibigang doctor at iginiya na siya papasok sa office nito. 

" Maam Ayesha, nandito na po pala kayo. Naghihintay na po si Doctora Kate sa inyo. " saad ng secretary ng kabigang doctor. 

" Okay, thank you. Mukhang wala pa masyadong tao ngayon. " saad naman ni Ayesha sa secretary ng kaibigan habang naglalakad sila patungo sa office ng kaibigang doctor.

" Yes po ,Maam, Maaga pa naman po. Pero may mga pasyente na di Doctora kanina. " Saad naman ng secretary ng kaibigan. 

Tumango naman si Ayesha bilang tugon. Nasa tapat na sila ng office ng kaibigan niya. Binuksan na ng sectary ang pintuan at pumasok na sila sa loob. Sinalubong naman siya ng kaibigan.

" Bess, I'm happy to see you. " saad naman ni Doctora Kate kay Ayesha.

" Hello, Bess. Buti at hindi ka busy today. " saad naman ni Ayesha sa kaibigan.

" Hindi pa masyado ngayon. So, kamusta na? " tugon na saad ni Doctora Kate kay Ayesha.

Umupo naman sila at nagpatuloy sa pag uusap. 

" Bess, ang weird kasi ng mga nararamdaman ko lately. Hindi ko maintindihan ang mga nanaramdaman ko. Minsan parang pagod ako o di kaya inaantok. Parang kailan ko siguro ng pahinga." saad naman ni Ayesha kay Doctora Kate. 

" Baka na subrahan ka na naman sa stress. Oh, sige halika at e check natin. Sana dinggin ng panginoon ang matagal mo ng hiling. " tugon na saad ni Doctora Kate kay Ayesha.

" Oo nga, Bess.  Hindi ako nawawalan ng pag asa. Ano kaya itong mga nararamdaman ko. " saad ni Ayesha sa kaibigan. 

Tumunog ang phone ni Ayesha. Mensahe iyon mula kay Max. Busy pa daw ito sa pag aayos sa trip nila papuntang Japan. Pero hindi alam ni max na nagpapa check up si Ayesha. 

" Si Max busy sa pag aayos para sa trip namin sa Japan. " saad ni Ayesha sa kaibigang doctor.

" Aba, bakit mo hindi sinama? Gusto e surprise si Max. " saad anman ni Doctora Kate kay Ayesha.

" Hindi ko sinama kasi alam mo na ang hirap kasi. Alam mo naman na palagi akong umaasa na sana meron na. Ayoko na ma dissapoint na naman kami ni Max. " saad naman ni Ayesha kay Doctora Kate.

" Okay lang yan, Bess. Hindi mali ang mangarap kahit mahirap. May Diyos tayo at alam ko bibigay din niya ang matagal niyo ng pinapoangarap na magkaroon ng anak. kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi natin kontrolado. May tamang panahon para sa lahat." saad naman ni Doctora Kate kay Ayesha.

At sinimulan na ni Doctora Kate ang check up sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay natapos din sila. Hinihintay nalang si Ayesha ang result ng check up niya. Napansin niya na biglang natigilan ang kaibigan sa tinitignan na resulta. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ngayon habang naghihintay.

" Bess, anong resulta? " tanong ni Ayesha sa kaibigang doctor.

Matagal sumagot ang kaibigan kaya lalo siyang nakaramdam ng kaba. Nagulat ito sa resulta ng test ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa tinitignang resulta.

" Bess, ano na? Sabihin mo na. Kinakabahan ako sayo. " saad naman ni Ayesha sa kaibigang doctor.

Dahan dahan naman na iniabot ng kaibigan ang resulta kay Ayesha. Tinanggap naman ni Ayesha ang iniabot ni Doctora Kate sa kanya. Hinsi siya makapaniwala sa nabasa niya. BUNTIS siya, POSITIVE.

" Buntis ako? " saad ni Ayesha at nakululuha siya sa saya na nararamdaman niya.

Paulit ulit niyang binasa ang resulta. Hindi siya makapaniwala na natupad na ang matagal na niyang hiling sa diyos.  Naluluha naman sa saya si Doctora Kate dahil natupad na ang gusto ng kaibigan.

" Is this true? I'm PREGNANT. " saad ni Ayesha sa kaibigang doctor.

Tumango naman si Doctora Kate at ngumiti sa kaibigan.

" Yes, you are Pregnant. I'm happy for you. " masayang saad ni Doctora Kate kay Ayesha.

Tuluyan ng naiyak si Ayesha. Natupad na din ang hiling niya sa mahabang panahon. Kay tagal nila itong hinintay. Sigurado siya na matututwa si Max kapag nalaman nito na magkakaanak na sila. 

" I told you, huwag kang mawalan ng pag asa. " saad naman ni Doctora Kate kay Ayesha.

Ngumiti naman si Ayesha sa kaibigan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Max. Excited na siyang ibalita ito sa kanyang asawa.

" Hello, Babe. Anong nangyari sayo? Nasa clinic ka pa ba? " saad ni Max kay Ayesha.

" Babe, nasa clinic pa ako. Puntahan mo ako dito. May sasabihin ako sayo. " tugon na saad ni Ayesha kay Max. 

" Okay ka lang ba? Nagaalala ako sayo, Babe. " saad ni Max kay Ayesha. 

" I'm fine, Babe. Basta puntahan mo na ako dito. Hihintayin kita rito. " saad naman ni Ayesha kay Max.

" Okay, Babe. Papunta na ako diyan. Wait for me. " tugon naman na saad ni Max kay Ayesha.

Pagkatpos nilalng mag usap ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya mawari kung anong kaba ito. Dala lang ba ito ng excitement niya sa balita na sasabihin niya sa asawa niya. Naghalo halo na ang mga naramdaman niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status