NAKALIPAS ang limang taon mula ng mahiwalay si Ayesha sa asawa ay namuhay siya ng simple kasama ang kambal na anak. Ang anak na pinakahihintay nilang mag-asawa. Sa limang taon na lumipas ay napalaki niya ang mga anak ng maayos. Mula ng mag resign siya sa kompanya ng asawa at ma grant ang divorce nila ay umalis na siya at namuhay na mag isa.
Wala na siyang pamilya dahil pariho ng wala ang mga magulang ni Ayesha. Wala din siyang mga kapatid dahil only child lang siya ng mga magulang niya. Nakatira sila ngayon sa bahay na inihabilin ng kanyang mga magulang sa kanya. Dito siya nag simula muli uli ng kanyang buhay malayo sa dating asawa. Paglipat niya rito ay naghanap siya ng trabaho. Natanggap naman siya sa isang bagong bukas na kompanya dito. Limang taon na rin siya rito nag tratrabaho bilang accountant. Maganda naman ang naging buhay nilang mag ina. Napalaki niya ng maayos ang mga anak niya kahit mag isa lang siya. Si Brix at si Braxton, sila ang mga kambal niyang anak. Mababait ang mga ito at independent. Si Brix ang makulit sa dalawa habang si Braxton ang tahimik at medyo mahiyaan. Sa limang taon na edad ng mga ito ay maaasahan na niya ang mga ito. Wala itong mga yaya dahil ayaw ng mga ito. Kaya na daw nila dahil hindi na daw sila baby. Natatawa nalang si Ayesha sa mga ito kung minsan dahil parang mga matatanda ang mga ito kung magsalita. Hatid sundo niya ang mga anak pero minsan ay umuuwi ang mga ito ng kusa lalo na kapag matatagalan siya sa pagsundo sa mga ito. May cellphone naman ang mga ito at tatawagan niya ang mga ito kung malalate siya ng pagsundo o ano man. ISANG araw habang pa-uwi na ang kambal ay aksidente naka basag sila ng salamin na bintana ng isang mamahalin na kotse. Naglalakad siya pauwi at nagkukulitan silang mag kapatid ng nangyari iyo. Aksidente na naibato ni Brix ang hawak niyang bato sa isang kotse. Laking gulat nilang dalawa ng may lalaking bumababa ng kotse at galit. Binantaan sila nito na kung hindi nila ihaharap ang ina o magulang nila ay ipapadampot sila sa social worker na kumukuha ng mga bata. " Brix, hala lagot na. " saad ni Braxton. " Braxton, hindi ko naman sinasadya yun. Lagot tayo kay Mama nito. " saad naman ni Brix. " Anong lagot tayo? ikaw yung bumato sa kotse. " sadd naman ni Braxton. " Braxton, hindi ko naman maibabato iyon kung hindi mo ako kinulit. " sadd naman ni Brix. Hindi namalayan ng dalawa na nakalapit na pala sa kanila ang lalaki na sakay ng kotse at nakikinig sa pag aaway nilang magkapatid. Isang tikhim ang nagpahinto sa kanilang dalawa. " hhhrrggmmmm,,,, " tkihim ng baritonong tinig ng lalaki. Agad napaharap ang dalawa sa lalaki. " Bakit ninyo binato ang kotse ko? " saad ng lalaki. Natatakot na humarap naman ang dalawa. " Uhhhmmmm, Sir. Sorry po, hindi po namin sinasadya. " sadd ni Brix sa lalaki, Ang hindi alam ng dalawa ay ama pala nila ito. Si Max Dela Fuerte. Ang lalaking may ari ng nabasag nilang kotse. " Anong sorry? Nasaan ang mga magulang niyo? Ang nanay ninyo? Iharap ninyo sa akin dahil kung hindi tatawag ako social worker na nangunguha ng bata. ' pananakot na saad ni Max sa dalawang bata. Hindi din alam ni Max na mga anak pala niya mga ito. " Sorry na po talaga, Sir. Babayaran nalang po namin ang mabasag. Ikakaltas nalang po sa allowance namin kada lingo. Mag 150 po kada linggo ang ibabayad po namin. " saad ni Brix kay Max. " Oo nga po, Sir. Siguro after 50 years mababayaran na po namin iyan. " sadd naman ni Brix. Natatawa naman si Max sa sinabi ng mga bata sa kanya. Pero hindi niya pinahalata sa mga ito na natatawa siya. Ilang saglit ay tumunog ang cellphone ni Braxton. " Braxton, baka si Mama ang tumatawag. " saad ni Brix sa kapatid. Kinuha ni Braxton ang cellphone sa bulsa at tinigyan ang tumatawag. Ang mama nila ang tumatawag si Ayesha. " Brix ikaw ang sumagot. " saad ng nahintakutan na sa Braxton. " Ikaw nalang Braxton. " saad naman ni Brix sa kapatid. " Sige na nga. Ako na. " saad naman ni Braxton at sinagot ang tawag ng ina. Nakikinig naman si Max sa dalawang bata. " Hello, Ma. Opo pauwi na po kani ni Brix. " saad ni Braxton sa ina. " Sorry anak ha, hindi kayo na sundo ni mama pero patapos na din ako rito. Uuwi na din si Mama. " saad naman ni Ayesha sa anak. " Okay lang, Ma. Pero... " saad naman ni Braxton sa ina. " Anong pero anak? May nangyari ba sa inyo? " sadd naman ni Ayesha sa anak. " Ma, may konting problema po. " saad ni Brix sa ina. " Anong problema? " saad naman ni Ayesha. " Ma, nakabasag po ng salamin ng kotse si Brix. " saad ni Braxton. " Ano? Ano bang nagyari bakit nakabasag ang kapatid mo ng salamin ng kotse? " saad ni Ayesh sa anak. " Ma, hindi ko po sinasadya. Sorry, mama. " saad naman ni Brix sa ina. Sumingit naman sa usapan si Max. " Sabihin niyo sa mama niyo na sasama ako pauwi sa inyo at para maka usap ko siiya. Huwag kang mag alala Mrs. dahil hindi ako masamang tao. " saad ni Max sa dalawang bata. Narinig naman ni Ayesha ang sinabi nang lalaki. " Sige, anak. Sabihin niyo diyan sa lalaki na may ari ng kotse na payag ako. At huwag ninyong ibaba ang tawag. Okay, pauwi na ako. " saad naman ni Ayesha sa mga anak. " okay po, mama. " saad naman ng dalawang bata. Narinig naman ni Max ang sinabi ng ina ng mga bata. " Sir, marinig niyo naman po. Tara na po. " saad ni Brix sa lalaki. " Let's go and tell me where's your house. " saad naman ni Max sa dalawang bata. Sumakay na ang mga ito sa kotse niya at nagmaneho na patungo sa sinabing address ng mga bata. Habang si Ayesha naman ay nagmamadaling umuwi. Nag aalala siya sa mga anak niya. Ilang minuto ay nakarating na ng bahay nila ang kabambal kasama si Max. Bumaba na sila ng kotse ant binuksan ang gate ng bahay niya. Pumasok na sila ng bahay kasama si Max. " Sir, upo muna kayo diyan. " saad ni Braxton kay Max. Tumango naman si Max at upo sa sofa na nasa sala. Inilbot niya ang paningin sa buong bahay. Maayos at malinis ang bahay ng mga ito.ILANG minuto ang lumipas ay nakarating na si Ayesha sa tapat ng bahay nila. Pagpasok niya ng bahay ay laking gulat niya sa lalaking naka upo sa sofa ng bahay nila. Si MAX ang ex husband niya. Bigla siyang napatigil sa paghakbang nang lumingon si Max sa gawi niya. " Ayesha... " saad ni Max sa mahinang boses. Hindi naman akalain ni Max na makikita niya si Ayesha makalipas ng limang taon. Matagal na din niyang hinanap ang ex wife niya para mag expalin sa nangyari noon. Pagkatpos kasi ng araw na pinirmahan ni Ayesha ang divorce paper nila ay nagpasa agad ito ng resignation leeter sa kompanya nila. Umalis din ito ng araw na iyon at hindi na sila nakapag usap pa.---------------------------------------------------------------------------------ANG NAKAARAN;Sa isang malawak na parke si Ayesha at Max tanaw ang mga taong naroroon. Maraming mga batang naglalaro doon. Kita ni Ayesha na nakatitig si Max sa mga batang masayang naglalaro at ang iba ay kalaro ang mga magulang nito. Alam ni Ayesh
KINABUKASAN nasa sala si Ayesha habang naka upo sa sofa. Hinihintay niya ang reply ni Max sa ipinadala niyang mensahe. Napansin niya na may iba sa kanyang katawan. Madalas siyang makaramdam ng pagod, minsan naging antokin din siya, may mga pagkain din siyang mga ayaw niyang kainin at mag mga pagkain siyang gusto niya laging kainin. Inisip niya kung dahil lang ba ito sa stress pero naisip niya baka may iba pang dahilan kung bakit ganito ang mga nararamdaman niya. Makalipas ang ilang minuto ang nagpasya siyang pumunta muna sa clinic ng kanyang kaibigan na doctor. Si Kate Natividad ay isang doctor o obgyn. Alam niya na matagal na niyang sinusubukan pero alam niya ang kanyang kundisyon na may pcos siya. Kaya hindi na siya umasa pa na mabuntis siya agad. Nag ayos na siya at pagkatapos ay lubas na ng bahay. Sumakay agad siya sa kotse niya at nagmaneho papunta sa clinic ng kaibigan. Lumipas ang isang oras ay matiwasay siyang nakarating sa clinic ng kaibigan. Pagkapark niya sa kotse ay agad
LUMIPAS ang ilang minuto pero hindi pa rin dumating si Max. Panay tingin niya sa cellphone pero wala pa din mensahe galing sa asawa. Nagtataka siya kung bakit hindi na ito nag reply. Akmang ibababa na niya ang hawak na cellphone ng makatanggap siya ng mensahe muna kay Max. " Babe, sorry I can't go there. May emergency lang dito. Kita nalang tayo sa bahay. Ingat ka pauwi. " saad ni Max sa mensahe. Nang mabasa ang laman ng mensahe ay nakaramdaman ng lungkot si Ayesha. Nagtataka siya kung bakit hindi ito natuloy na puntahan siya dito sa clinic. Nabawasan ang excitement niya na sabihin ang goodnews sa asawa at may kaba din siyang naramdaman. " Ano kayang nangyari sa kanya? " saad ni Ayesha sa sarili. Tumayo na siya sa inuupuan niya at nagpaalam na sa kaibigan na uuwi na siya. " Bess, uwi na ako. Hindi makakapunta si Max rito. May emergency daw siya. " malungkot na saad ni Ayesha sa kaibigang doctor. Hindi niya maiiwasan na malungkot. Gumugulo din sa isip niya kung ano ang n
Lumipas ang ilang minuto ng naka higa si Ayesha ay nakatulog na siya. Ilang oras ang lumipas ay nagising siya sa Isang hindi magandang panaginip. Kinakabahan siya at inissip ang kanyang panaginip.Ang laman ng kanyang panaginip ay iniwan daw siya ng Asawa niya." What's this dream about? " tanong ni Ayesha sa sarili.Bumangon siya at sumandig sa head board ng kama. Tinignan niya ang cellphone niya. Pagkakuha niya ng cellphone ay agad niya itong binuksan. Agad siyang nadismaya ng makita niya na hindi pa din nag message si Max sa kanya. Kaya nagtipa siya ng mensahe sa asawa niya." Love, I miss you. How are you doing there? " saad niya sa mensahe para sa asawa.Message sent.Tumayo siya sa kama at inilapag muna ang cellphone sa bed side table. Lumakad siya papunta banyo dahil naramdaman niyang bumabaliktad ang kanyang sikmuka. Pagkadating niya sa banyo ay agad niyang tinungo ang sink at doon sumuka. Nakaramdaman din siya ng kunting hilo. Ilang minuto ang lumipas ay natapos din ang kanya