Share

Chapter 65

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2024-06-13 10:00:17

NAGTAGPO ang tingin nilang dalawa. Napagmasdan ni Louie ang ayos ng asawa sa suot nitong hospital dress. Halatang matamlay pati ang mukha ay maputla.

Habang si Zia ay walang buhay itong tinitigan. Parang kailan lang nang sinabi niya ang mga katagang ito kay Louie…

[“Paano kung sabihin ko sa’yong hindi na babalik pa ang dating ako? Iyong Zia na mahal na mahal ka, anong gagawin mo?”]

At nang mga sandaling iyon ay sinabi ni Louie na…

[“Ang importante ay kasama kita… na akin ka, iyon lang mahalaga sa’kin, Zia.”]

At ginawaran pa siya ng halik sa labi.

Ngunit sa huli ay wala rin palang silbi ang binitawan nitong salita.

“Z-Zia…” ani Louie na gustong humawak ngunit mabilis na tinulak ni Zia.

Naluluha siya at nanginginig ang labi dahil sa emosyong nararamdaman. “Napaka-tang* ko talaga at naniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo, Louie. Umasa akong kahit kaunti ay may nararamdaman ka na sa’kin pero isang malaking kalokoha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Nan
Hindi Kasi pinaliwanag ni Louie na malapit na mamatay si Bea dahil kinarma sa pangloloko nya Kay Louie na siya raw Ang dahilan bakit nagising sa kuma ,na Ang totoo si Zia Ang dahilan bakit siya nagising Kaya pagmalaman Yan ni Louie magsisisi siya na pinahirapan nya si Zia
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
Dito na chap,Dami ko luha......
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Yan Ang Tama saka umalis kana ,,wagka ng bumalik ulit,, hehehe,,NAKU author Ang hirap palang nagmahal hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 66

    BIGLANG nanginig ang kamay ni Louie habang nakahawak sa drawer nang mawala ang diary.Mayamaya pa ay nilingon niya ang terrace kung saan ay may nakikita siyang kakaibang linawag. Lumapit siya at nabigla nang makitang nasa lapag si Zia, pinagmamasdan ang basurahan na may kung anong umaapoy sa loob. Pagsilip ay nasusunog na ang diary maging ang wedding pictures nilang dalawa ni Zia.“Nasisiraan ka na ba?!” hiyaw ni Louie at hindi nagdalawang-isip na kunin ang diary kahit pa walang suot na protective gear.Mainit sa kamay at napapaso siya ngunit hindi alintana ni Louie basta lang maisalba ang diary. Ngunit kalahati na lang ang natira.Binuklat niya upang suriin ngunit hindi niya inaasahang ang mababasang sulat sa loob na eksakto niyang nabuksan…[Hinding-hindi ako magugustuhan ni Louie.]Binalingan niya ng tingin si Zia na tulala pa rin. “Bakit mo sinunog? Mahalaga ‘to sa’yo!”“Hindi na ngayon,” walang kabuhay-buhay na sago

    Huling Na-update : 2024-06-13
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 67

    ISANG malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Louie. Natigilan at dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Zia. Saka lang napansin ang ayos nito sa kama. Magulo ang buhok at halos hubad na sa suot na pajama, lantad ang makinis nitong balikat.“Sinampal mo ko…” halos pabulong na wika ni Louie. Matapos ay dinilaan ang labing nagkasugat at dumugo.Nanlilisik ang mga mata ni Zia at mabigat ang paghinga dahil sa pagpupumiglas. Ngunit hindi natinag kahit pa nakitang nasaktan si Louie at matalim ang tingin.Hanggang sa mahigpit muling hinawakan ni Louie ito sa kamay saka mariing idiniin sa unan.Nasasaktan si Zia sa ginagawa nito sa puntong naiiyak na siya. Pero hindi siya pwedeng bumigay at sumuko sa kagustuhan nito, kailangan niyang lumaban. “Pupuwersahin mo ‘ko?! Gagahasa*n?! Kung ayaw mong sumigaw ako’t humingi ng tulong sa mga katulong ay pakawalan mo ‘ko ngayon din, Louie!”Ngunit hindi siya pinakawalan ni Louie at bahagya lang lumuwag ang p

    Huling Na-update : 2024-06-14
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 68

    GABING-GABI na nang makauwi ng bahay si Louie. Sumalubong naman ang ilang katulong na gising pa ng mga oras na iyon at nagtanong, “Sir, ipaghahanda po ba namin kayo ng pagkain?”Hinubad ni Louie ang suot na jacket saka sumagot, “Kahit anong light snack. Si Zia, tulog na ba?”Maingat namang kinuha ng katulong ang jacket mula sa kanya saka tumugon, “Bumaba lang po saglit para kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagtungo sa theater room para magpractice saglit tapos bumalik na sa kwarto.”Napatango naman si Louie. Pag-alis ng katulong ay saka siya nagtungo sa dining area. Habang naghihintay sa pagkain ay nanigarilyo muna siya sandali.Kumalat ang usok na unti-unting naglalaho sa hangin. Sumagi sa isip ni Louie na dati-rati, sa tuwing uuwi siya ay laging nakaabang si Zia. Pinaghahanda siya ng lutong pagkain at excited makita ang reaksyon niya sa tuwing titikman ang niluto nito. Palaging malawak ang ngiti habang tinitingnan siyang kumain.Dati pa

    Huling Na-update : 2024-06-14
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 69

    PASADO alas-onse na ng mga oras na iyon at medyo nahihilo na si Zia kaya nagpasiya na siyang umalis sa club. Matapos mabayaran ang naimon nilang dalawa ni Lindsay ay naglakad na siya palabas.Eksaktong kapapasok lang ni Louie sa bar na pinapagpag ang suot na jacket maging ang buhok.Sa palagay ni Zia ay umuulan sa labas at bahagyang basa ang buhok nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad nagkasalubong ang kanilang mga mata.Matamang tinitigan ni Louie ang mukha ng asawa habang nanlilisik ang tingin nito. Sunod niyang napuna ang suot na dress ni Zia. Maiksi, kita ang cleav*ge at hapit na hapit sa katawan. Nakakaakit mang tingnan pero hindi nagustuhan ni Louie ang nakikita.Mabilis siyang lumapit habang hinuhubad ang suot na jacket saka ibinalot sa katawan ni Zia.Maraming lalake sa paligid na paniguradong madudumi ang isip at handang manloko ng inosenteng babae, maka-score lang.“Tara na,” aniya pero umismid lang si Zia.

    Huling Na-update : 2024-06-15
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 70

    MALALIM na ang gabi nang magtungo si Louie sa Rordriguez hospital dahil sa muling pagdurugo ng sugat sa ulo.Ang suot na damit ay may bahid ng dugo at nang masuri ng doctor ay hindi ito makapaniwala. "Mr. Rodriguez, bakit hindi kayo agad nagpunta rito para magpagamot? Nakuha niyo pang mag-work out at binalewala ang sugat niyo,” saad ng doctor habang tinatahi ang sugat.Hindi naman nagsalita si Louie at pinasadahan lang ng tingin ang asawa na sinamahan pa siya na parang hindi ito ang may salarin kung bakit siya ngayon nandito sa ospital.Hindi naman pansin si Zia ang kakaiba nitong tingin dahil abala sa cellphone. Sa hinuha ni Louie ay baka nakikipagmabutihan sa lalakeng nakilala sa club.Mayamaya pa ay nag-angat ng tingin si Zia at nagtaas ng kilay. “Bakit? Tingin mo nakikipaglandian ako sa ibang gaya mo?”“Ikaw lang naman ang nilalandi ko," ani Louie na inirapan lang ni Zia.Nang matapos ang doctor sa pagtatahi ng sugat ay pinay

    Huling Na-update : 2024-06-15
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 71

    ILANG katok sa pinto ang nagpabalik kay Louie sa kasalukuyan. Mayamaya pa ay pumasok ang hindi inaasahang bisita, ngunit pinakagusto niyang harapin ngayong gabi…Ang Ina, si Lucia.Kahit gabing-gabi na ay sumadya talaga ito sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari sa anak.Sa hinuha ni Louie ay hindi ito nag-aalala sa kanya, bagkus ay gusto lamang ipangalandakan sa ibang tao ang ayos at postura. Mamahaling damit, alahas at branded bag.Naka-on pa rin ang laptop ng mga sandaling iyon at makikita ang picture. Kaya nang sumilip si Lucia para tingnan kung ano ang pinapanuod ng anak ay bahagya siyang nabigla.Ilang bese siyang napalunok ng laway saka sinabihan ang kasamang assistant na maghintay sa labas. Pagkaalis ay mabilis na ni-lock ni Lucia ang pinto.Matapos ay humarap kay Louie na parang walang nangyari, naroon pa rin ang pagiging sopistikada kahit nakakaramdam na ng kaba.Muling lumapit si Lucia at naupo sa katabing

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 72

    TATLONG oras lang ang naging tulog ni Louie. Paggising ay agad niyang niyakap si Zia at isinubsob ang mukha sa balikat nito. Ramdam ang init na nagmumula sa katawan ng asawa.Mayamaya pa ay nagpasiya ng bumangon sa kama si Louie at kailangan niyang magpunta sa kompanya para sa isang mahalagang meeting.Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Maging ang sugat ay tiningnan niya rin sa salamin para siguruhing gumagaling na.Matapos ay bumalik siya sa kama habang inaayos ang necktie nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Zia. Kagigising lang nito at nakasandal sa headboard ng kama.Nang mga sandaling iyon ay nagbalik sa alaala ni Zia ang naganap kagabi. “Louie, iyong pinag-usapan—”“Help me tie this,” putol ni Louie sa sasabihin nito. Hindi na nais buhayin pa ang mga napag-usapan kagabi. Ang gusto na lamang mangyari ay ang maisalba pa ang pagsasama nilang dalawa.Napabuntong-hininga naman si Zia saka lumapit para tulungan si Louie sa

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 73

    NAGMANEHO pabalik ng subdivision si Zia. Pagkarating sa bahay ay pinagbuksan siya ng katulong na tuwang-tuwa. “Ma’am, may nag-deliver po rito ng pagkarami-raming mamahaling gamit!” masiglang wika ng katulong.“Ganoon ba? Baka mga binili lang ni Louie,” ani Zia. Saka nagpatuloy papasok sa bahay at dumiretso paakyat sa kwarto.Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang iba’t ibang mamahaling gamit. Bag, heels at damit. Napansin pa nga niya ang isang naka-display na damit na nitong nakaraang araw lang niyang nakita sa isang modeling show sa Paris.Kung susumahin ay nakakalula ang presyo ng mga gamit sa kanyang harapan. Kaya hindi na napansin ang paglapit ni Louie na mabilis yumakap mula sa likod. “Do you like it?”Hindi naman nagsalita si Zia at kinuha ang shoe box malapit sa kanya saka binuksan. Isang satin rhinestone high heels ang laman. Ang ganda, nagustuhan ni Zia. Walang duda na may taste rin si Louie sa fashion.“Sinong babae ang hind

    Huling Na-update : 2024-06-17

Pinakabagong kabanata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 123

    PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 122

    KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 121

    NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 120

    PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 119

    MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 118

    HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 117

    HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 116

    MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 115

    BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap

DMCA.com Protection Status