NAGMANEHO pabalik ng subdivision si Zia. Pagkarating sa bahay ay pinagbuksan siya ng katulong na tuwang-tuwa. “Ma’am, may nag-deliver po rito ng pagkarami-raming mamahaling gamit!” masiglang wika ng katulong.
“Ganoon ba? Baka mga binili lang ni Louie,” ani Zia. Saka nagpatuloy papasok sa bahay at dumiretso paakyat sa kwarto.Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang iba’t ibang mamahaling gamit. Bag, heels at damit. Napansin pa nga niya ang isang naka-display na damit na nitong nakaraang araw lang niyang nakita sa isang modeling show sa Paris.Kung susumahin ay nakakalula ang presyo ng mga gamit sa kanyang harapan. Kaya hindi na napansin ang paglapit ni Louie na mabilis yumakap mula sa likod. “Do you like it?”Hindi naman nagsalita si Zia at kinuha ang shoe box malapit sa kanya saka binuksan. Isang satin rhinestone high heels ang laman. Ang ganda, nagustuhan ni Zia. Walang duda na may taste rin si Louie sa fashion.“Sinong babae ang hindMATAPOS na makaalis ni Bea ay bumalik sa kwarto si Louie para sabihan si Zia na sabay na silang kumain para sa dinner.Dahil matagal-tagal na rin silang hindi kumakain ng sabay. Pagbukas ng pinto ay napansin niya kaagad na wala na sa puwesto ang mga binili niyang regalo para rito at nakatambak sa tabi ng banyo, sa pinakasulok.Sa palagay ni Louie ay sinadya ito ng asawa niya. Kung paano niya pakitunguhan noon si Zia ay ganito rin ang ginagawa nito ngayon sa kanya.Lantaran itong gumaganti.Mayamaya pa ay napansin niyang may kaunting ingay sa cloakroom kaya nagpunta siya roon upang tingnan kung anong ginagawa ni Zia.At doon ay nakita niyang nagi-impake ng gamit ang asawa. Mga damit, accessories maging ang mga personal hygiene nito ay inilalagay sa luggage. Parang nag-aalsa-balutan.Kaya marahas niyang hinawakan ang braso nito saka hinila. Naglapat ang katawan nilang dalawa pero hindi na mahalaga kay Louie iyon na madilim na ang e
DUMATING si Louie sa Cebu bandang alas-nuebe ng gabi at nagpahatid sa hotel kung saan nag-check in ang asawa.Paglabas niya ng taxi ay napansin niya kaagad si Zia at Patrick na naglalakad sa hindi kalayuan. Sa halip na dumiretso sa loob ng hotel ay nilapitan niya ang dalawa.Hindi niya matagalang tingnan ang ngiti sa labi ni Zia habang nililipad-lipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Na kahit nasa malapit na siya ay naka-focus pa rin ito kay Patrick at saka lang siya napansin nang halos nasa tapat na.Ang tuwa sa mukha ni Zia ay nawala ng makita ito.Tiningnan ni Louie ang oras sa suot na relo. Pinadala sa kanya ang litrato ng hapon, anong oras na at magkasama pa rin ang dalawa hanggang ngayon.Anong pinaggagagawa ng mga ito, nagdi-date?!“Dok Patrick, what a coincidence! Tama naman, 'di ba? Kaysa pinagplanuhan?” ani Louie.Hindi naman nag-react si Patrick at pasimple lang ngumiti. “Nagkataon man o hindi…” Saka nagkibi
ANG tagal nagkatitigan ng dalawa hanggang sa magtanong si Louie, "Masaya ka ata ngayon?”Siyang tunay dahil sobrang lawak ng ngiti ni Zia na kulang na lamang ay umabot hanggang tenga. Pero dahil hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ni Louie ay hindi niya maikuwento kung ano ang nagpapasaya sa kanya ngayon."May stock na kasi ulit ‘yung gusto kong bilhin,” dahilan na lamang niya.Naisip naman ni Louie na mamahaling bagay ang gusto nito kaya nagtanong siya, “Ano ‘yung gusto mo at ako nang bahalang bumili para sa’yo.”Hindi naman nagsalita si Zia at nilampasan lang ito habang nakayapak at halos patalbog kung maglakad patungo sa mini-cloakroom ng kwarto.Sumunod si Louie. “Lagi mo na lang hawak ‘yang phone mo. May itinatago ka bang ayaw mong malaman ko? May ini-entertain kang ibang lalake?”Sa cloakroom ay pumipili si Zia ng susuoting damit. Kahit nakaka-offend ang sinabi nito ay hindi siya naapektuhan. “Anong tinatago? Sa tingin
HINDI pa makapagdesisyon si Zia dahil sa emosyong nararamdaman. Hangang sa hinawakan ni Louie ang kamay niya.“Babalik ako sa Manila para ayusin ‘to ngayon. Pipigilan kong kumalat pang lalo ang post at impact ng negative comment.”Nagbaba ng tingin si Zia. Ilang sandali pa ay mapait na ngumiti. “Para saan pa’t kumalat na rin naman. Kaya sige nga, Louie, pa’no mo susolusyunan ‘to?”Naikuyom ni Louie ang dalawang kamay at nagpasiyang umalis para ayusin kaagad ang gulo. Ang ginawang ito ni Bea ay hindi lang basta makakaapekto sa pamilya Cruz. Dahil maging ang pamilya niya ay damay sa kalokohan nito. Kapag hindi kaagad nagawan ng paraan ay siguradong babagsak ang stock ng kompanya ngayong araw.Nang nasa tapat na ng pintuan ng theater ay lumingon si Louie at tiningnan ang asawa. Saka tuluyang umalis.Si Zia na nasa stage, sa ilalim ng maliwanag na ilaw ay parang mawawasak sa sobrang sakit ng nararamdaman.Mayamaya ay bumulong siya, s
BUMALIK sa Manila si Zia ngunit dumaan muna sandali sa sementeryo pag-alis sa airport.May mahinang ambon ng mga oras na iyon at may hawak pa siyang bulaklak para sa pinakamamahal na yumaong Ina. Pinagmamasdan ang lapida nito.Ang kanyang Ina na si Isabel ay namatay dahil sa car accident.Sa alaala ni Zia ay maamo, malambing at mapagmahal na asawa si Isabel kay Arturo. Masaya ang pamiya nila noong nabubuhay pa ito. Alagang-alaga ang bahay at ang paborito nitong garden kung saan madalas itong nagpipinta. Habang inaalala ang nakaraan ay may luhang pumatak sa mga mata ni Zia. Matapos alisin ang damo sa paligid ay nag-alay siya ng dasal sa lapida ng Ina.Nanatili siya roon ng ilang oras habang lumuluha hanggang sa tumigil ang mahinang ambon at muling sumilip ang sikat ng araw.Kinagabihan ay tuluyan nang umuwi si Zia. Nang mapansin ng katulong ay maingat itong nagsalita, “Welcome back po, Ma’am. Tumawag nga po pala rito si Sir kanin
SA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
GULAT ding nakatingin si Zia ng mga sandaling iyon kay Louie. Ilang sandali pa ay tumatawag na ito sa cellphone.May kaba pa rin sa dibdib si Zia ng sagutin ang tawag at bumungad kaagad sa kanya ang galit na boses ni Louie sa kabilang linya, “Get out of the car!”Huminahon at kinakalma ni Zia ang sarili ng sumagot, “Louie, ilang beses ko bang ipapaalala sa’yong hiwalay na tayo? Kung ano o sino man ang kasama ko ay wala ka ng pakialam doon. Kakain lang ako sa labas kung gusto mo ng matinong rason kung bakit ko kasama si Patrick ngayon. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga kaibigan kong nag-aayang makipag-bonding ng dahil sa’yo.”“Sigurado kang kaibigan lang siya? Alam mong may gusto ang Patrick na ‘yan sa’yo, Zia.”“So what? May gusto rin naman si Bea sa’yo pero umiwas ka ba, hindi naman ‘di ba?” saad ni Zia at pagkatapos ay binabaan ito ng tawag.Through the windshield, ay napansin ni Louie na naluluha ang asawa. Bakit? Anong dahilan? Si B
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy