TATLONG oras lang ang naging tulog ni Louie. Paggising ay agad niyang niyakap si Zia at isinubsob ang mukha sa balikat nito. Ramdam ang init na nagmumula sa katawan ng asawa.
Mayamaya pa ay nagpasiya ng bumangon sa kama si Louie at kailangan niyang magpunta sa kompanya para sa isang mahalagang meeting.Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Maging ang sugat ay tiningnan niya rin sa salamin para siguruhing gumagaling na.Matapos ay bumalik siya sa kama habang inaayos ang necktie nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Zia. Kagigising lang nito at nakasandal sa headboard ng kama.Nang mga sandaling iyon ay nagbalik sa alaala ni Zia ang naganap kagabi. “Louie, iyong pinag-usapan—”“Help me tie this,” putol ni Louie sa sasabihin nito. Hindi na nais buhayin pa ang mga napag-usapan kagabi. Ang gusto na lamang mangyari ay ang maisalba pa ang pagsasama nilang dalawa.Napabuntong-hininga naman si Zia saka lumapit para tulungan si Louie saNAGMANEHO pabalik ng subdivision si Zia. Pagkarating sa bahay ay pinagbuksan siya ng katulong na tuwang-tuwa. “Ma’am, may nag-deliver po rito ng pagkarami-raming mamahaling gamit!” masiglang wika ng katulong.“Ganoon ba? Baka mga binili lang ni Louie,” ani Zia. Saka nagpatuloy papasok sa bahay at dumiretso paakyat sa kwarto.Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang iba’t ibang mamahaling gamit. Bag, heels at damit. Napansin pa nga niya ang isang naka-display na damit na nitong nakaraang araw lang niyang nakita sa isang modeling show sa Paris.Kung susumahin ay nakakalula ang presyo ng mga gamit sa kanyang harapan. Kaya hindi na napansin ang paglapit ni Louie na mabilis yumakap mula sa likod. “Do you like it?”Hindi naman nagsalita si Zia at kinuha ang shoe box malapit sa kanya saka binuksan. Isang satin rhinestone high heels ang laman. Ang ganda, nagustuhan ni Zia. Walang duda na may taste rin si Louie sa fashion.“Sinong babae ang hind
MATAPOS na makaalis ni Bea ay bumalik sa kwarto si Louie para sabihan si Zia na sabay na silang kumain para sa dinner.Dahil matagal-tagal na rin silang hindi kumakain ng sabay. Pagbukas ng pinto ay napansin niya kaagad na wala na sa puwesto ang mga binili niyang regalo para rito at nakatambak sa tabi ng banyo, sa pinakasulok.Sa palagay ni Louie ay sinadya ito ng asawa niya. Kung paano niya pakitunguhan noon si Zia ay ganito rin ang ginagawa nito ngayon sa kanya.Lantaran itong gumaganti.Mayamaya pa ay napansin niyang may kaunting ingay sa cloakroom kaya nagpunta siya roon upang tingnan kung anong ginagawa ni Zia.At doon ay nakita niyang nagi-impake ng gamit ang asawa. Mga damit, accessories maging ang mga personal hygiene nito ay inilalagay sa luggage. Parang nag-aalsa-balutan.Kaya marahas niyang hinawakan ang braso nito saka hinila. Naglapat ang katawan nilang dalawa pero hindi na mahalaga kay Louie iyon na madilim na ang e
DUMATING si Louie sa Cebu bandang alas-nuebe ng gabi at nagpahatid sa hotel kung saan nag-check in ang asawa.Paglabas niya ng taxi ay napansin niya kaagad si Zia at Patrick na naglalakad sa hindi kalayuan. Sa halip na dumiretso sa loob ng hotel ay nilapitan niya ang dalawa.Hindi niya matagalang tingnan ang ngiti sa labi ni Zia habang nililipad-lipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Na kahit nasa malapit na siya ay naka-focus pa rin ito kay Patrick at saka lang siya napansin nang halos nasa tapat na.Ang tuwa sa mukha ni Zia ay nawala ng makita ito.Tiningnan ni Louie ang oras sa suot na relo. Pinadala sa kanya ang litrato ng hapon, anong oras na at magkasama pa rin ang dalawa hanggang ngayon.Anong pinaggagagawa ng mga ito, nagdi-date?!“Dok Patrick, what a coincidence! Tama naman, 'di ba? Kaysa pinagplanuhan?” ani Louie.Hindi naman nag-react si Patrick at pasimple lang ngumiti. “Nagkataon man o hindi…” Saka nagkibi
ANG tagal nagkatitigan ng dalawa hanggang sa magtanong si Louie, "Masaya ka ata ngayon?”Siyang tunay dahil sobrang lawak ng ngiti ni Zia na kulang na lamang ay umabot hanggang tenga. Pero dahil hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ni Louie ay hindi niya maikuwento kung ano ang nagpapasaya sa kanya ngayon."May stock na kasi ulit ‘yung gusto kong bilhin,” dahilan na lamang niya.Naisip naman ni Louie na mamahaling bagay ang gusto nito kaya nagtanong siya, “Ano ‘yung gusto mo at ako nang bahalang bumili para sa’yo.”Hindi naman nagsalita si Zia at nilampasan lang ito habang nakayapak at halos patalbog kung maglakad patungo sa mini-cloakroom ng kwarto.Sumunod si Louie. “Lagi mo na lang hawak ‘yang phone mo. May itinatago ka bang ayaw mong malaman ko? May ini-entertain kang ibang lalake?”Sa cloakroom ay pumipili si Zia ng susuoting damit. Kahit nakaka-offend ang sinabi nito ay hindi siya naapektuhan. “Anong tinatago? Sa tingin
HINDI pa makapagdesisyon si Zia dahil sa emosyong nararamdaman. Hangang sa hinawakan ni Louie ang kamay niya.“Babalik ako sa Manila para ayusin ‘to ngayon. Pipigilan kong kumalat pang lalo ang post at impact ng negative comment.”Nagbaba ng tingin si Zia. Ilang sandali pa ay mapait na ngumiti. “Para saan pa’t kumalat na rin naman. Kaya sige nga, Louie, pa’no mo susolusyunan ‘to?”Naikuyom ni Louie ang dalawang kamay at nagpasiyang umalis para ayusin kaagad ang gulo. Ang ginawang ito ni Bea ay hindi lang basta makakaapekto sa pamilya Cruz. Dahil maging ang pamilya niya ay damay sa kalokohan nito. Kapag hindi kaagad nagawan ng paraan ay siguradong babagsak ang stock ng kompanya ngayong araw.Nang nasa tapat na ng pintuan ng theater ay lumingon si Louie at tiningnan ang asawa. Saka tuluyang umalis.Si Zia na nasa stage, sa ilalim ng maliwanag na ilaw ay parang mawawasak sa sobrang sakit ng nararamdaman.Mayamaya ay bumulong siya, s
BUMALIK sa Manila si Zia ngunit dumaan muna sandali sa sementeryo pag-alis sa airport.May mahinang ambon ng mga oras na iyon at may hawak pa siyang bulaklak para sa pinakamamahal na yumaong Ina. Pinagmamasdan ang lapida nito.Ang kanyang Ina na si Isabel ay namatay dahil sa car accident.Sa alaala ni Zia ay maamo, malambing at mapagmahal na asawa si Isabel kay Arturo. Masaya ang pamiya nila noong nabubuhay pa ito. Alagang-alaga ang bahay at ang paborito nitong garden kung saan madalas itong nagpipinta. Habang inaalala ang nakaraan ay may luhang pumatak sa mga mata ni Zia. Matapos alisin ang damo sa paligid ay nag-alay siya ng dasal sa lapida ng Ina.Nanatili siya roon ng ilang oras habang lumuluha hanggang sa tumigil ang mahinang ambon at muling sumilip ang sikat ng araw.Kinagabihan ay tuluyan nang umuwi si Zia. Nang mapansin ng katulong ay maingat itong nagsalita, “Welcome back po, Ma’am. Tumawag nga po pala rito si Sir kanin
SA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Shiela saka pinaunang isakay sa kotse ang anak. “Mama,” sambit ni Archie saka nagpupumilit na kumandong. Napangiti naman si Shiela at niyakap ang anak. Ilang sandali pa habang bumabiyahe sa national highway ay pinagmasdan niya ang paligid sa labas ng kotse. “Isang taon na rin,” sambit niya sa hangin. Pero tandang-tanda niya pa ang mga nangyari na animo ay parang kahapon lang naganap. Nagsimula iyon noong bumalik siya sa bansa matapos malaman na naaksidente si Chris. Dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Zia ay pinagpatuloy nila iyon sa sumunod na araw kung saan ay pareho na silang mahinahon... “Hindi pa rin ba nagigising si Chris, Ate?” Umiling si Zia. “Hindi pa rin… Pero umaasa kaming magigising siya sa lalong madaling panahon.” “… E, ang babaeng ‘yun?” Nag-angat ng tingin si Zia, direkta sa mga mata nito. “Pansamantala siyang nasa puder namin—” “Bakit?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Shiela. “Wala siyang ibang matutuluyan. Lum
NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin si Zia at Louie sa dalawang babae. Parehong naguguluhan sa nangyayari. Mabuti na lamang at mabilis nakabawi si Louie at nagtanong, “Miss, pwede bang malaman kung anong kailangan mo?”Si Sheilla ay agad nakaramdam ng hiya, guilt at takot. Wala talaga siyang balak na muling bumalik matapos magpasiya na magpakalayo-layo na kasama ang magulang. Nakokonsensya na siya sa ginagawa pero nang matunton siya ng tauhan ni Mario at sapilitang pinababalik ay wala na rin siyang nagawa sa takot na kantiin nito ang kanyang pamilya.Sa pagbabalik na rin niya nalaman ang nangyari kay Chris kaya napasugod siya, iyon pala ay magkukrus ang landas nila ni Sheila na sa pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa na.At ngayong tinatanong siya ng pamilya ni Chris ay bigla siyang nablangko… Ano ang dapat niyang sabihin?“A-Ako ang…” nahihirapan siyang magsalita.Hanggang sa Shiela na ang nagkusang magpatuloy, “Ba’t hindi mo masabi? Ga’no ba kahirap na magpakilala? Nakakahiya ba pero hindi k