ANG tagal nagkatitigan ng dalawa hanggang sa magtanong si Louie, "Masaya ka ata ngayon?”
Siyang tunay dahil sobrang lawak ng ngiti ni Zia na kulang na lamang ay umabot hanggang tenga. Pero dahil hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ni Louie ay hindi niya maikuwento kung ano ang nagpapasaya sa kanya ngayon."May stock na kasi ulit ‘yung gusto kong bilhin,” dahilan na lamang niya.Naisip naman ni Louie na mamahaling bagay ang gusto nito kaya nagtanong siya, “Ano ‘yung gusto mo at ako nang bahalang bumili para sa’yo.”Hindi naman nagsalita si Zia at nilampasan lang ito habang nakayapak at halos patalbog kung maglakad patungo sa mini-cloakroom ng kwarto.Sumunod si Louie. “Lagi mo na lang hawak ‘yang phone mo. May itinatago ka bang ayaw mong malaman ko? May ini-entertain kang ibang lalake?”Sa cloakroom ay pumipili si Zia ng susuoting damit. Kahit nakaka-offend ang sinabi nito ay hindi siya naapektuhan. “Anong tinatago? Sa tinginHINDI pa makapagdesisyon si Zia dahil sa emosyong nararamdaman. Hangang sa hinawakan ni Louie ang kamay niya.“Babalik ako sa Manila para ayusin ‘to ngayon. Pipigilan kong kumalat pang lalo ang post at impact ng negative comment.”Nagbaba ng tingin si Zia. Ilang sandali pa ay mapait na ngumiti. “Para saan pa’t kumalat na rin naman. Kaya sige nga, Louie, pa’no mo susolusyunan ‘to?”Naikuyom ni Louie ang dalawang kamay at nagpasiyang umalis para ayusin kaagad ang gulo. Ang ginawang ito ni Bea ay hindi lang basta makakaapekto sa pamilya Cruz. Dahil maging ang pamilya niya ay damay sa kalokohan nito. Kapag hindi kaagad nagawan ng paraan ay siguradong babagsak ang stock ng kompanya ngayong araw.Nang nasa tapat na ng pintuan ng theater ay lumingon si Louie at tiningnan ang asawa. Saka tuluyang umalis.Si Zia na nasa stage, sa ilalim ng maliwanag na ilaw ay parang mawawasak sa sobrang sakit ng nararamdaman.Mayamaya ay bumulong siya, s
BUMALIK sa Manila si Zia ngunit dumaan muna sandali sa sementeryo pag-alis sa airport.May mahinang ambon ng mga oras na iyon at may hawak pa siyang bulaklak para sa pinakamamahal na yumaong Ina. Pinagmamasdan ang lapida nito.Ang kanyang Ina na si Isabel ay namatay dahil sa car accident.Sa alaala ni Zia ay maamo, malambing at mapagmahal na asawa si Isabel kay Arturo. Masaya ang pamiya nila noong nabubuhay pa ito. Alagang-alaga ang bahay at ang paborito nitong garden kung saan madalas itong nagpipinta. Habang inaalala ang nakaraan ay may luhang pumatak sa mga mata ni Zia. Matapos alisin ang damo sa paligid ay nag-alay siya ng dasal sa lapida ng Ina.Nanatili siya roon ng ilang oras habang lumuluha hanggang sa tumigil ang mahinang ambon at muling sumilip ang sikat ng araw.Kinagabihan ay tuluyan nang umuwi si Zia. Nang mapansin ng katulong ay maingat itong nagsalita, “Welcome back po, Ma’am. Tumawag nga po pala rito si Sir kanin
SA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
GULAT ding nakatingin si Zia ng mga sandaling iyon kay Louie. Ilang sandali pa ay tumatawag na ito sa cellphone.May kaba pa rin sa dibdib si Zia ng sagutin ang tawag at bumungad kaagad sa kanya ang galit na boses ni Louie sa kabilang linya, “Get out of the car!”Huminahon at kinakalma ni Zia ang sarili ng sumagot, “Louie, ilang beses ko bang ipapaalala sa’yong hiwalay na tayo? Kung ano o sino man ang kasama ko ay wala ka ng pakialam doon. Kakain lang ako sa labas kung gusto mo ng matinong rason kung bakit ko kasama si Patrick ngayon. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga kaibigan kong nag-aayang makipag-bonding ng dahil sa’yo.”“Sigurado kang kaibigan lang siya? Alam mong may gusto ang Patrick na ‘yan sa’yo, Zia.”“So what? May gusto rin naman si Bea sa’yo pero umiwas ka ba, hindi naman ‘di ba?” saad ni Zia at pagkatapos ay binabaan ito ng tawag.Through the windshield, ay napansin ni Louie na naluluha ang asawa. Bakit? Anong dahilan? Si B
ILANG KATOK ang ginawa ni Alice saka marahang binuksan ang pinto ng opisina ni Louie, at nakitang abala ito sa pagbabasa ng ilang dokumento.Sandaling nag-angat ng tingin si Louie at nagtanong, “Ano na’ng balita?”Umiling naman si Alice. “Kani-kanina lang po ay nakipag-usap ako sa assistant ni Mr. Samuel at ayaw po nilang tanggapin ang investment niyo, Sir.”Napasandal at natahimik sa kinauupuan si Louie ng ilang sandali. “Okay, pwede ka ng umalis,” utos na lamang niya.Umalis naman kaagad si Alice ng mapunang iritado na ang ekspresyon nito.Pagkasara ng pinto ay tahimik na muli ang opisina hanggang sa dinukot ni Louie sa bulsa ang wedding ring at saka tinitigan.Ayaw tanggapin ni Zia ang kotse, ang investment sa concert. Maging ang dating bahay ng pamilya Cruz ay hindi rin nito nais. Hindi na niya alam kung anong gagawin... Wala siyang maisip na paraan para bumalik ito.Ang nais lang nito ay makalayo na ng tuluyan at ma
NAKAUWI si Zia sa inuupahang apartment at nang balikan ang kaninang nilulutong pritong tilapia ay inahon lang niya sa kawali saka tinakpan.Matapos ay nagtungo siya sa kwarto, hindi na nag-abalang buksan ang ilaw saka naupo sa sahig habang nakasandal sa kama.Nakayakap sa tuhod nang muli niyang binalikan ang alaala ng nakaraan…Noong mga panahong pat*y na pat*y siya kay Louie at walang ibang iniisip kundi ang makasal dito.Magkaroon ng dalawang anak o kahit ilan pang nais nito at mag-alaga ng aso.Ang binitawang salita kanina ni Louie. Na nagtatanog kung nais niya bang mag-alaga ng aso ay parang patalim na humihiwa sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niyang makasama si Louie habang buhay…Pero hindi pala lahat ng pangarap, saya ang maibibigay.***NANG magsawa sa kwarto ay lumabas si Zia sa apartment at naupo sa labas. Buong gabi siyang naroon, pinagmamasdan ang bituin sa langit. Napapatulala pa nga siya madalas hanggang sa makaramdam ng panunuyot ng lalamunan.Ka
NANUNUOT ang tingin ni Louie, may ngiti sa labi at marahan ang salitang sinabi kay Zia, “Bakit hindi mo muna subukan kay Hara? Hahayaan kitang alagaan siya, hindi ako mangingialam. I just want to act as a father.”Napatitig naman si Zia. Kapag ganito si Louie ay mahirap talagang hindian. Bukod roon ay ito talaga ang gusto niya noong maliit pa lang siya.Pangarap na kinalimutan niya gaya ng paglimot sa nararamdaman kay Louie. Para muling bumangon nang paunti-unti sa buhay na dapat noon niya pa pinili.“Sorry,” bulong ni Zia saka nagpatuloy pabalik sa bahay.Kusang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.Habang nanatili namang nakatayo roon si Louie, hindi nakaligtas ang nakitang pagluha ng asawa. Kahit hindi man ito ang inaasahang mangyayari ay masaya pa rin siya at nagkausap sila ni Zia. Sa pag-alis nito ay muling kumahol ang tuta.Mayamaya pa ay napagpasiyahan na ni Louie na umalis. Pagbukas ng pinto at pagkalapag sa tuta ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.Boses
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap