Share

Chapter 83-1

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAKAUWI si Zia sa inuupahang apartment at nang balikan ang kaninang nilulutong pritong tilapia ay inahon lang niya sa kawali saka tinakpan.

Matapos ay nagtungo siya sa kwarto, hindi na nag-abalang buksan ang ilaw saka naupo sa sahig habang nakasandal sa kama.

Nakayakap sa tuhod nang muli niyang binalikan ang alaala ng nakaraan…

Noong mga panahong pat*y na pat*y siya kay Louie at walang ibang iniisip kundi ang makasal dito.

Magkaroon ng dalawang anak o kahit ilan pang nais nito at mag-alaga ng aso.

Ang binitawang salita kanina ni Louie. Na nagtatanog kung nais niya bang mag-alaga ng aso ay parang patalim na humihiwa sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niyang makasama si Louie habang buhay…

Pero hindi pala lahat ng pangarap, saya ang maibibigay.

***

NANG magsawa sa kwarto ay lumabas si Zia sa apartment at naupo sa labas. Buong gabi siyang naroon, pinagmamasdan ang bituin sa langit. Napapatulala pa nga siya madalas hanggang sa makaramdam ng panunuyot ng lalamunan.

Ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 83-2

    NANUNUOT ang tingin ni Louie, may ngiti sa labi at marahan ang salitang sinabi kay Zia, “Bakit hindi mo muna subukan kay Hara? Hahayaan kitang alagaan siya, hindi ako mangingialam. I just want to act as a father.”Napatitig naman si Zia. Kapag ganito si Louie ay mahirap talagang hindian. Bukod roon ay ito talaga ang gusto niya noong maliit pa lang siya.Pangarap na kinalimutan niya gaya ng paglimot sa nararamdaman kay Louie. Para muling bumangon nang paunti-unti sa buhay na dapat noon niya pa pinili.“Sorry,” bulong ni Zia saka nagpatuloy pabalik sa bahay.Kusang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.Habang nanatili namang nakatayo roon si Louie, hindi nakaligtas ang nakitang pagluha ng asawa. Kahit hindi man ito ang inaasahang mangyayari ay masaya pa rin siya at nagkausap sila ni Zia. Sa pag-alis nito ay muling kumahol ang tuta.Mayamaya pa ay napagpasiyahan na ni Louie na umalis. Pagbukas ng pinto at pagkalapag sa tuta ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.Boses

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 84

    NAUPO naman si Zia sa kandungan ni Louie na hiyang-hiya at mapula ang pisngi. Talagang nakabukaka siyang umupo at tungong-tungo ang ulo.Inilapit naman ni Louie ang katawan para mapagmasdan ang mukha ng asawa. Nakangiti pa siya at natutuwa na tila ito pa lang ang unang beses na gagawin ni Zia ang ganitong bagay kahit matagal na silang mag-asawa. “Natatakot ka o hindi ka lang talaga sanay sa ganitong bagay?” aniya.“H-Hindi,” mahinang tugon ni Zia. Matapos ay idinantay ang ulo sa balikat nito para hindi makita ang kanyang mukha.Humaplos naman si Louie sa buhok ng asawa saka sinilip ang mukha nitong pilit iniiwas kaya hinawakan na niya ang pisngi nitong nag-iinit sa hiya. Tuluyan siyang hindi nakatiis at binuhat si Zia patungo sa hospital bed na naroon.Sumaboy ang itim at mahabang buhok nito sa puting kama. Saka niya ginawaran ng marahan na halik sa labi. Matapos ay makailang ulit na hinaplos ang pisngi. “Matulog ka muna, alam kong pagod ka.” Sabay ayos ng kumot sa lantad nitong kataw

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 85

    PAGLINGON ay nabigla si Zia ng makita si Austin. Sa article na nabasa ay nakangiti pa ito ngunit iba naman ang nakikita niyang itsura ngayon ng binata.Malalim at nangingitim ang mga mata. Halata rin hindi nakapag-shave ng bigote at ang buhok ay bahagyang magulo. Maging ang damit ay tila ilang araw ng suot.“Nasaan si Lindsay?” ani Austin sa namamaos na boses.Napangiwi si Zia dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. “Nagkausap pa kami kahapon, ang sabi niya’y nasa bahay lang siya. Ano bang kailangan mo? Mai-engage ka na, kaya ‘wag mo na siyang guluhin pa.” Inis naman pinakawalan ni Austin ang braso nito. “Hindi ko siya makontak simula pa kagabi. Kaya, Zia… hindi sa nanggugulo ako pero hindi ko lang talaga kaya siyang bitawan. Ikasisira ng bait ko.”“Pero Austin, you’re getting engage! Anong mangyayari kay Lindsay, gagawin mong kabet? Ano sa tingin mo ang posibleng gawin ng fiancee sa oras na malaman nitong hindi mo kayang bitawan ang kaibigan ko? Alam mong walang kalaban-

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 86

    TULALA si Zia habang naghihiwa ng mansanas kaya napagsabihan ni Maricar, “Mag-ingat ka’t baka mahiwa ang kamay mo."Saka lang natauhan si Zia at awkward na nangiti sa Ina.Lumingon naman si Maricar sa natutulog na asawa saka mahinang nagtanong, “Nakita ko mula sa bintana ang kotse ni Louie, hinatid ka ba niya? Nagkausap ba kayo?”“Tumutulong lang siyang mahanap si Lindsay.”Nang marinig ang pangalan ng dalaga ay biglang nakaramdam ng awa si Maricar. Masiyado ng nakakaawa ang dinanas nitong hirap para muli pang masaktan ng ganito sa isang lalakeng mai-engage sa iba.“Maiba tayo ng paksa anak at baka mas lalo ka pang mag-alala kay Lindsay. May nagpunta ritong nurse, dalawa sila at ang sabi ay kinuha sila ni Louie na siyang mag-aalaga kay Arturo kapag nakalabas na ito ng ospital. Hindi ako tumanggi at hindi rin pumayag dahil gusto kong ikaw ang magdesisyon. Ayos lang ba sa’yo ang pagtulong na ginagawa ni Louie? Pinag-iisipan mo na bang makipagbalikan sa kanya?” ani Maricar na muling tini

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 87

    MALALIM na ang gabi nang bumalik si Austin sa ospital. Nakainom siya ngunit hindi naman lasing.Hindi na niya binuksan ang pinto at nakuntento na lamang na sumilip sa see-through portion ng pinto.Lumingon naman si Lindsay na yakap-yakap ng mga sandaling iyon ang tuhod. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ni Austin hanggang sa itago niya ang mukha sa may tuhod.Mula sa puwesto ay ramdam ni Austin na natatakot ito sa kanya kaya umatras siya at lumayo sa kwarto. Naglakad siya patungo sa pinakadulo ng pasilyo at binuksan ang maliit na bintana. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin na inaalis ang mabahong amoy ng alak sa kanyang katawan.Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang yabag ng paa na papalapit. Hindi na kailangan lumingon dahil nakikita niya ng bahagya sa repleksyon ng bintana kung sino ang taong nasa likod.Si Louie.Napabuntong-hininga si Austin saka naglabas ng sigarilyo sabay sindi at kumalat sa hangin ang usok. “She was stunning when I first saw her,” panimula niyang k

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 88

    KINAUMAGAHAN, ay nagising si Zia at ang una niyang napagmasdan ay ang gwapong mukha ni Louie.Nakapikit at natutulog pa ito, na ang isang buong braso ay ginawa nilang unan habang ang isa ay nakayakap sa kanyang bewang. Nakalapat ang kamay sa loob ng suot niyang damit kaya ramdam niya ng init ng palad ni Louie habang nakahiga silang dalawa sa sofa.Pinagmasdan pa nang mabuti ni Zia ay napansing magulo at gusot ang suot nitong damit, may pantalon pero walang sinturon. Matapos ay ang sarili naman ang tiningnan…Suot niya pa ang damit kagabi pero parang may kulang. Wala siyang suot na underwear at ang brassiere niya… nasa sahig!Kaagad nag-init ang pisngi ni Zia.Walang duda na may nangyari sa kanilang dalawa ni Louie.Mariin siyang pumikit at kinalma ang sarili saka nagpasiyang bumangon at maingat na gumalaw. Ngunit humigpit ang yakap ni Louie sa bewang niya at mas lalong pinaglapit ang kanilang katawan.Napalunok ng laway si Zia habang nakatitig sa kisame. Ramdam niya kasi ang umbok ni

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 89

    NAGLAHO ang ngiti sa mukha ni Zia. Iniwas niya ang mukha nang dilaan siya ng tuta. “Ilayo mo siya, Louie,” aniya.Iyon naman ang ginawa ni Louie. Ilang sandali pa ay nagsalita, “May importanteng meeting akong pupuntahan ngayong umaga at babalik na lang mamayang gabi.”“May importante rin akong lakad mamayang gabi,” tugon ni Zia.“Ano naman? Sinong kasama mo, si Patrick ba?” casual na tanong ni Louie.Hindi kailangang magpaliwanag ni Zia pero sinabi pa rin niya at baka bigla itong manggulo sa pupuntahan niya, “Makikipagkita lang ako sa investor na ipinakilala ni Mrs. Lim. Naroon din siya, sasamahan ako.” “Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?” ani Louie na inilingan ni Zia. “Bakit? Ayaw mong malaman ng ibang tao na may asawa ka?”Kumunot ang noo ni Zia na ikinangiti ni Louie saka binuhat ang tuta gamit ang isang kamay. “Magba-bye ka kay Mommy, Hara,” ani Louie na iwinagayway pa ang paa ng tuta.Sumimangot naman si Zia pero halata ang pamumula ng pisngi dahil sa panunukso ni L

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 90

    NATAPOS ang tawag na puro iyak lang ni Zia ang maririnig sa linya. Mahigpit ang hawak ni Louie sa cellphone at kung gugustuhin ay madali lang niya itong mapupuntahan sa tinutuluyan ngunit nagpigil siya.Hindi niya gustong masira ang plano na muli itong maangkin. Ang gusto niya ay bumalik sa kanya ng kusa si Zia. Hindi magandang strategy kung palagi niya itong kukulitin. Bibigyan niya ito ng space para maisip ni Zia na sa oras ng kalungkutan ay kailangan nito ng masasandalan, at siya iyon.At malaking tulong ang pyschologist doctor nito sa pinaplano niyang muling bumalik sa kanya si Zia.Ilang sandali pa ay ilang katok sa pinto ang naggambala sa kanya.“Sir, may matanda po sa labas at hinahanap kayo, tatay raw po siya ni Miss Bea,” saad ng katulong.“Paalisin mo. Sabihin mong nagpapahinga na ako.”“Ang sabi niya po, Sir ay hindi siya aalis hangga’t hindi kayo nakakausap. Lumuhod po ito kanina at walang balak umalis sa puwesto,” pa

Pinakabagong kabanata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 95

    HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 94

    MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 93

    LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 92

    KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 91

    TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 90

    SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 89

    MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 88

    NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 87

    NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy

DMCA.com Protection Status