BIGLANG nanginig ang kamay ni Louie habang nakahawak sa drawer nang mawala ang diary.
Mayamaya pa ay nilingon niya ang terrace kung saan ay may nakikita siyang kakaibang linawag. Lumapit siya at nabigla nang makitang nasa lapag si Zia, pinagmamasdan ang basurahan na may kung anong umaapoy sa loob. Pagsilip ay nasusunog na ang diary maging ang wedding pictures nilang dalawa ni Zia.“Nasisiraan ka na ba?!” hiyaw ni Louie at hindi nagdalawang-isip na kunin ang diary kahit pa walang suot na protective gear.Mainit sa kamay at napapaso siya ngunit hindi alintana ni Louie basta lang maisalba ang diary. Ngunit kalahati na lang ang natira.Binuklat niya upang suriin ngunit hindi niya inaasahang ang mababasang sulat sa loob na eksakto niyang nabuksan…[Hinding-hindi ako magugustuhan ni Louie.]Binalingan niya ng tingin si Zia na tulala pa rin. “Bakit mo sinunog? Mahalaga ‘to sa’yo!”“Hindi na ngayon,” walang kabuhay-buhay na sagoISANG malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Louie. Natigilan at dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Zia. Saka lang napansin ang ayos nito sa kama. Magulo ang buhok at halos hubad na sa suot na pajama, lantad ang makinis nitong balikat.“Sinampal mo ko…” halos pabulong na wika ni Louie. Matapos ay dinilaan ang labing nagkasugat at dumugo.Nanlilisik ang mga mata ni Zia at mabigat ang paghinga dahil sa pagpupumiglas. Ngunit hindi natinag kahit pa nakitang nasaktan si Louie at matalim ang tingin.Hanggang sa mahigpit muling hinawakan ni Louie ito sa kamay saka mariing idiniin sa unan.Nasasaktan si Zia sa ginagawa nito sa puntong naiiyak na siya. Pero hindi siya pwedeng bumigay at sumuko sa kagustuhan nito, kailangan niyang lumaban. “Pupuwersahin mo ‘ko?! Gagahasa*n?! Kung ayaw mong sumigaw ako’t humingi ng tulong sa mga katulong ay pakawalan mo ‘ko ngayon din, Louie!”Ngunit hindi siya pinakawalan ni Louie at bahagya lang lumuwag ang p
GABING-GABI na nang makauwi ng bahay si Louie. Sumalubong naman ang ilang katulong na gising pa ng mga oras na iyon at nagtanong, “Sir, ipaghahanda po ba namin kayo ng pagkain?”Hinubad ni Louie ang suot na jacket saka sumagot, “Kahit anong light snack. Si Zia, tulog na ba?”Maingat namang kinuha ng katulong ang jacket mula sa kanya saka tumugon, “Bumaba lang po saglit para kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagtungo sa theater room para magpractice saglit tapos bumalik na sa kwarto.”Napatango naman si Louie. Pag-alis ng katulong ay saka siya nagtungo sa dining area. Habang naghihintay sa pagkain ay nanigarilyo muna siya sandali.Kumalat ang usok na unti-unting naglalaho sa hangin. Sumagi sa isip ni Louie na dati-rati, sa tuwing uuwi siya ay laging nakaabang si Zia. Pinaghahanda siya ng lutong pagkain at excited makita ang reaksyon niya sa tuwing titikman ang niluto nito. Palaging malawak ang ngiti habang tinitingnan siyang kumain.Dati pa
PASADO alas-onse na ng mga oras na iyon at medyo nahihilo na si Zia kaya nagpasiya na siyang umalis sa club. Matapos mabayaran ang naimon nilang dalawa ni Lindsay ay naglakad na siya palabas.Eksaktong kapapasok lang ni Louie sa bar na pinapagpag ang suot na jacket maging ang buhok.Sa palagay ni Zia ay umuulan sa labas at bahagyang basa ang buhok nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad nagkasalubong ang kanilang mga mata.Matamang tinitigan ni Louie ang mukha ng asawa habang nanlilisik ang tingin nito. Sunod niyang napuna ang suot na dress ni Zia. Maiksi, kita ang cleav*ge at hapit na hapit sa katawan. Nakakaakit mang tingnan pero hindi nagustuhan ni Louie ang nakikita.Mabilis siyang lumapit habang hinuhubad ang suot na jacket saka ibinalot sa katawan ni Zia.Maraming lalake sa paligid na paniguradong madudumi ang isip at handang manloko ng inosenteng babae, maka-score lang.“Tara na,” aniya pero umismid lang si Zia.
MALALIM na ang gabi nang magtungo si Louie sa Rordriguez hospital dahil sa muling pagdurugo ng sugat sa ulo.Ang suot na damit ay may bahid ng dugo at nang masuri ng doctor ay hindi ito makapaniwala. "Mr. Rodriguez, bakit hindi kayo agad nagpunta rito para magpagamot? Nakuha niyo pang mag-work out at binalewala ang sugat niyo,” saad ng doctor habang tinatahi ang sugat.Hindi naman nagsalita si Louie at pinasadahan lang ng tingin ang asawa na sinamahan pa siya na parang hindi ito ang may salarin kung bakit siya ngayon nandito sa ospital.Hindi naman pansin si Zia ang kakaiba nitong tingin dahil abala sa cellphone. Sa hinuha ni Louie ay baka nakikipagmabutihan sa lalakeng nakilala sa club.Mayamaya pa ay nag-angat ng tingin si Zia at nagtaas ng kilay. “Bakit? Tingin mo nakikipaglandian ako sa ibang gaya mo?”“Ikaw lang naman ang nilalandi ko," ani Louie na inirapan lang ni Zia.Nang matapos ang doctor sa pagtatahi ng sugat ay pinay
ILANG katok sa pinto ang nagpabalik kay Louie sa kasalukuyan. Mayamaya pa ay pumasok ang hindi inaasahang bisita, ngunit pinakagusto niyang harapin ngayong gabi…Ang Ina, si Lucia.Kahit gabing-gabi na ay sumadya talaga ito sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari sa anak.Sa hinuha ni Louie ay hindi ito nag-aalala sa kanya, bagkus ay gusto lamang ipangalandakan sa ibang tao ang ayos at postura. Mamahaling damit, alahas at branded bag.Naka-on pa rin ang laptop ng mga sandaling iyon at makikita ang picture. Kaya nang sumilip si Lucia para tingnan kung ano ang pinapanuod ng anak ay bahagya siyang nabigla.Ilang bese siyang napalunok ng laway saka sinabihan ang kasamang assistant na maghintay sa labas. Pagkaalis ay mabilis na ni-lock ni Lucia ang pinto.Matapos ay humarap kay Louie na parang walang nangyari, naroon pa rin ang pagiging sopistikada kahit nakakaramdam na ng kaba.Muling lumapit si Lucia at naupo sa katabing
TATLONG oras lang ang naging tulog ni Louie. Paggising ay agad niyang niyakap si Zia at isinubsob ang mukha sa balikat nito. Ramdam ang init na nagmumula sa katawan ng asawa.Mayamaya pa ay nagpasiya ng bumangon sa kama si Louie at kailangan niyang magpunta sa kompanya para sa isang mahalagang meeting.Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Maging ang sugat ay tiningnan niya rin sa salamin para siguruhing gumagaling na.Matapos ay bumalik siya sa kama habang inaayos ang necktie nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Zia. Kagigising lang nito at nakasandal sa headboard ng kama.Nang mga sandaling iyon ay nagbalik sa alaala ni Zia ang naganap kagabi. “Louie, iyong pinag-usapan—”“Help me tie this,” putol ni Louie sa sasabihin nito. Hindi na nais buhayin pa ang mga napag-usapan kagabi. Ang gusto na lamang mangyari ay ang maisalba pa ang pagsasama nilang dalawa.Napabuntong-hininga naman si Zia saka lumapit para tulungan si Louie sa
NAGMANEHO pabalik ng subdivision si Zia. Pagkarating sa bahay ay pinagbuksan siya ng katulong na tuwang-tuwa. “Ma’am, may nag-deliver po rito ng pagkarami-raming mamahaling gamit!” masiglang wika ng katulong.“Ganoon ba? Baka mga binili lang ni Louie,” ani Zia. Saka nagpatuloy papasok sa bahay at dumiretso paakyat sa kwarto.Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang iba’t ibang mamahaling gamit. Bag, heels at damit. Napansin pa nga niya ang isang naka-display na damit na nitong nakaraang araw lang niyang nakita sa isang modeling show sa Paris.Kung susumahin ay nakakalula ang presyo ng mga gamit sa kanyang harapan. Kaya hindi na napansin ang paglapit ni Louie na mabilis yumakap mula sa likod. “Do you like it?”Hindi naman nagsalita si Zia at kinuha ang shoe box malapit sa kanya saka binuksan. Isang satin rhinestone high heels ang laman. Ang ganda, nagustuhan ni Zia. Walang duda na may taste rin si Louie sa fashion.“Sinong babae ang hind
MATAPOS na makaalis ni Bea ay bumalik sa kwarto si Louie para sabihan si Zia na sabay na silang kumain para sa dinner.Dahil matagal-tagal na rin silang hindi kumakain ng sabay. Pagbukas ng pinto ay napansin niya kaagad na wala na sa puwesto ang mga binili niyang regalo para rito at nakatambak sa tabi ng banyo, sa pinakasulok.Sa palagay ni Louie ay sinadya ito ng asawa niya. Kung paano niya pakitunguhan noon si Zia ay ganito rin ang ginagawa nito ngayon sa kanya.Lantaran itong gumaganti.Mayamaya pa ay napansin niyang may kaunting ingay sa cloakroom kaya nagpunta siya roon upang tingnan kung anong ginagawa ni Zia.At doon ay nakita niyang nagi-impake ng gamit ang asawa. Mga damit, accessories maging ang mga personal hygiene nito ay inilalagay sa luggage. Parang nag-aalsa-balutan.Kaya marahas niyang hinawakan ang braso nito saka hinila. Naglapat ang katawan nilang dalawa pero hindi na mahalaga kay Louie iyon na madilim na ang e
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy