“Si Aero, tahimik lang 'yon. Behave na behave. As you can see, nagwawala na si Ruin pero nakaupo lang siya,” natatawang kuwento ko kay Ruan habang pinapanood ang mga anak namin mula sa live CCTV footage. Rinig na rinig namin ang lakas ng pag-iyak ni Ruin habang tila nalilito naman si Aero kung bakit umiiyak ang kakambal niya. Kasalukuyang kumakain ang dalawa sa kusina kasama si Nanay na inaayos ang kalat sa lamesa ni Aero at ang babaeng kasama niya mag-alaga sa dalawa na todo patahan kay Ruin. Ganito pala ang ginagawa ni Ruan dati upang makita kami! Napangiwi na lang ako nang maalala kung gaano kagulo ang hitsura ko noon. Bawat sulok pa naman ng bahay ay nakikita! Kuwarto lang yata ng Nanay ko ang walang CCTV. Ang alam ko, ako lang at si Sever ang may access dito. Pero mukhang ang kay Sever ay napunta kay Ruan. “Kung ganito naman pala ang ginagawa mo dati, edi pinapanood mo ako magbihis?!” Natawa si Ruan. “Sometimes.” Napaawang ang bibig ko. “Sometimes?!” “Hmm. When the bo
Pinili kong sulitin ang ilang araw na pananatili ko sa mansyon kasama si Ruan. Nagawa na nga yata namin lahat ng maaari naming gawin. Kung hindi namin katawag si Nanay at ang mga anak namin, we would watch a movie together. Kaya lang, nauuwi 'yon madalas sa isang mapusok na halikan. Madalas ko rin siyang panoorin na magluto. Siya ang nagluluto ng pagkain namin dahil hindi naman ako marunong. Taga-tikim lang palagi ang ambag ko. Nasubukan ko na ring makalaro ang lalaki sa iba't ibang board games, at madalas akong manalo siyempre, maliban lamang sa chess. Siyempre, hindi nawala ang pagpapalambing ni Ruan. Ilang beses ko na rin siyang minasahe. Nasabi ko na rin lahat sa kaniya ang mga dapat niyang malaman tungkol sa mga anak namin. Naplano na rin namin ang mga magiging kaganapan sa darating na second birthday nina Aero at Ruin. And of course, I got to know more about him. He's serious when it comes to almost everything. Pinag-iisipan niya lahat ng bagay ngunit minsan ay impulsiv
He wasn't sure if he has no romantic feelings for me. Ibig sabihin, posibleng... mahal niya ako? Ang mga salitang sinabi ni Ruan lang ang tumatakbo sa isip ko buong gabi. Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil 'yon lang ang nasa isip ko habang nakayakap nang mahigpit sa akin ang lalaki. Hindi ko napigilan ang sarili ko na isipin 'yon. Kailan pa? Paano? Pero, siya na rin mismo ang nagsabi, hindi pa siya sigurado. Siguro dapat ay hindi ko muna gawing big deal 'yon? Mahirap na. Hindi pa naman sigurado ang lalaki at hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kaniya. Pagkagising ko kinabukasan ay natulala agad ako sa bracelet na sinuot sa akin ni Ruan kagabi. Kamukha nito ang mga bracelet na meron ang mga anak ko na siya rin ang nagregalo. Pure blue diamond bracelet. Mas malaki ang mga bato ng bracelet na ibinigay niya sa akin kumpara sa bracelet ng mga anak ko. Tatlong malalaking bato 'yon na magkakatabi na kung susuriin at tititigan mo ay mapapansin mo ang nak
There are many ways to fall in love, but no amount of practice can make it perfect as unexpected happenings does. Hindi naman inasahan ni Ruan na gano'n ang mararamdaman niya nang makita niya ako noong gabing 'yon. Hindi ko rin inakalang nahulog pala sa akin ang lalaki sa mga oras na 'yon. Bihirang may magkagusto sa akin noong dalaga pa lang ako. Kung meron man, hindi ko naranasan sa kanila ang mga bagay na ipinaranas sa akin ni Ruan. It wasn't my first time to hear a heartfelt confession, but it was the first time that it was spoken and dedicated for me. Hindi 'yon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na tila wala ng bukas pa, ngunit 'yon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito dahil sa isang lalaking nagtapat sa akin. Tila nahulog ang puso ko pagkatapos kong marinig ang lahat na kaniyang mga sinabi. Ni hindi ko na nga siya nasagot. Wala akong ibang nagawa kundi ang humiga sa kama at humikbi sa dibdib ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit ak
Ilang oras pagkatapos ng sandaling 'yon ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa pamilyar na sofa sa condo ni Sever. Yung pakiramdam na galing ka sa isang mahabang bakasyon tapos biglang kailangan mo na ulit harapin ang katotohanan, gano'n ang naramdaman ko. Nasaan na kaya si Ruan ngayon? Iniisip din kaya niya ako? “Parang magkatabing probinsya na lang ang Spain at Pilipinas sa akin dahil sa inyong dalawa.” Napabangon ako bigla nang may maalala tungkol sa lalaking kaibigan. Dinuro ko ang lalaki. “Ikaw! May kasalanan ka sa akin! Ang tagal mong nagsinungaling sa akin!” Napangiwi si Sever. “Hindi ako nagsinungaling.” Pinigilan ko ang sarili kong ibato sa kaniya ang unan na nahawakan ko. “You did!” Naningkit ang mga mata ni Sever sa akin. “Itinago ko lang sa 'yo pero hindi ako nagsinungaling, Zalaria.” Napairap ako. “Kung ano-ano pa ang sinabi mo sa akin! Tinakot mo pa ako! Parang gano'n na rin 'yon!” “Magkaiba 'yon.” Bahagyang natawa ang lalaki dahil paiyak na
After waiting for more hours, finally, I was able to talk with Ruan again. “I invited Asteon para pumunta sa birthday ng mga anak natin,” masayang balita ko sa kaniya pagkatapos siyang kumustahin. Base sa background niya ay nakasandal siya sa headboard ng kama at mukhang nasa loob ng kuwarto niya. “D-Do you think it's fine?” kinakabahang tanong ko nang maalala bigla ang sinabi kanina ni Sever sa akin. Although he didn't say it directly, alam ko kung ano ang nais niyang ipahayag sa akin. Para sa akin, mukhang mapagkakatiwalaan naman si Asteon. At saka, why can't I trust him? Kapatid ko naman siya at sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang sama ng loob sa akin. Hindi ko rin naman ramdam na may itinatago siya na gano'ng klaseng damdamin para sa akin. Alam kong matagal kaming nagkahiwalay ni Asteon, pero kung sakaling tatalikuran niya ako, para kanino naman? Wala rin naman akong sama ng loob na naramdaman kay Sever nang sabihin niya 'yon. I understand his point, but I don't think As
“I entered different battles I never knew I could get in from carrying my children, to hearing their first cries, to witnessing their first steps, until they turned their back against me.” Asteria was staring at her husband, yet I know she was talking to me. “It was not my plan to marry, yet I craved for luxury that was out of my reach, so I did.” Napalingon ako kay Asteon na katabi ko ngunit wala akong nabasang reaksyon sa mukha niya. He was just staring at his mother with a stoic face. Nilingon kami ni Asteria. “It wasn't in my plan to love.” Bawat salita niya ay binigkas nang may diin na tila sigurado siya sa kaniyang mga sinasabi. “I didn't know how to, yet after carrying two souls, I learned.” Muling binalik ni Asteria ang kaniyang mga mata sa lalaking humihinga na lang gamit ang mga makina. “Being a mother is a never-ending march. You'll get tripped, yet you would not afford to fall for a wound that your children might get. Your fall is their harm.” I wanted to leave,
Being seated on a plane for almost twenty hours while knowing that my children together with my mother were being hostage was the longest torture I have ever experienced. If only it was possible, kalalampagin ko na ang eroplano para lang bilisan ang takbo. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang umupo at magdasal na sana ay walang matamong kahit gasgas ang mga mahal ko sa buhay. “The Supreme doesn't want you to go.” Sinamaan ko ng tingin si Altro. “Pupunta ako kahit ano ang mangyari at wala kayong magagawa.” The man diverted his gaze in front. Siya ang naabutan namin sa private airport kung saan kami agad na nagtungo ni Sever. Iyon pala, nasabihan ni Ruan ang lalaki na pigilan ang pagpunta ko sa Switzerland. But Altro was built different. Hindi niya sinunod ang utos ng kaniyang Supremo at sa halip ay tinulungan pa ako. “I suggest for you to calm down. It is a calm war. Rye won't do anything... until you arrive.” Calm down? I couldn't help but to chuckle in a sarcastic wa