“Mahal ko, magsasampay muna ako sa labas, a!” paalam ni Allyce habang dala-dala ang isang hindi kalakihang balde na may nalabhang damit nila mag-asawa.
“Ako na riyan, mahal. Alam kong pagod ka kagabi!” may halong pagngising wika ni Demon sa asawa.
“Tse!” Pinandilatan niya ang kaniyang asawa habang namumula ang kaniyang pisngi sa hiya.
Tumawa naman ito at hindi na niya pinansin ang nakakalokong tawa ng asawa. Lumabas siya sa kanilang bahay at nang maisampay ang nasa tatlumpong pirasong nilabhang damit kanina.
Mag-iisang buwan na silang mag-asawa at kahit ngayon ay nahihiya pa rin siya rito. Hindi niya inaakalang makakasal siya sa isang napakagwapo at napakabait na lalaking nakilala niya. Napakaswerte niyang babae, ‘yan ang nararamdaman niya magpahanggang ngayon.
Nagkakilala sila noong niligtas siya nito sa rumaragasang truck. Hindi man nakakapaniwala pero totoong iniligtas siya nito. Halos isang metro na lang ang layo niya at pwede na niyang maharap ang kamatayan subalit nakakapagtakang nailigtas pa rin siya ng matipunong lalaki. Sa edad na nuebe anyos ay hindi na siya nagpakipot pa at umoo agad nang nag-propose ito sa kaniya ng kasal. Mga dalawang buwan pa lamang silang nag-de-date. Iniisip niyang magiging malaking kawalan kapag magpapakipot pa siya rito.
Isang ulilang tunay na si Allyce at palaging minamaltrato ng kaniyang tiyahin kaya napag-isipan niyang lumayas dahil na rin sa manyak na anak nitong lalaki at ‘yon na ang nangyari, niligtas siya ng binata at naging asawa na niya ngayon.
Higit pa sa jackpot ang natanggap ni Allyce. Hindi lang mayaman, at napakagwapo ang pinakasalan niya, napakabait pa nito sa kaniya. Wala na siyang hihilingin pa kundi magkaroon ng anak, tumanda at mamatay kapiling ng kaniyang asawa.
Matapos niyang maisampay ang mga ito ay pinahid niya ang basang kamay sa laylayan ng suot niyang bestida. Bumalik siya sa loob ng kanilang bahay at napansing napakatahimik ng loob. Nagtaka siya kung bakit.
“Mahal? Nariyan ka ba? Mahal ko?” Agad siyang nagtungo sa kanilang kusina kung saan naroon ang kaniyang asawa kanina.
“Asan kaya siya?” nakakunot-noong tanong niya sa sarili at pinilig ang ulo.
Naisip niyang baka nasa kwarto iyon at natutulog.
Pagkabukas pa lang ng pintuan ng kanilang silid ay mabilis siyang hinawakan sa kaniyang bewang at inilapit dito.
“Ay! Ano ba!” Halos mahimatay siya sa kaba sa ginawa ng kaniyang asawa at hinampas niya ito sa balikat.
Hindi umimik ang kaniyang asawa at niyakap lang siya nito. ‘Anong problema nito?’
Malalim ang hininga nito at nararamdaman niya sa kaniyang likuran. Napanginig siya at tumayo ang kaniyang balahibo sa batok. Magkasabay ang pagtibok ng kanilang puso na kapwa’y naririnig nila. Mahal na mahal nila ang isa’t isa at kung mabubuhay man sila sa susunod nilang buhay ay nanaisin pa rin nila na sila pa rin ang magkatuluyan.
“Anong problema, mahal ko?” malambing na tanong niya rito.
Tinignan lang siya nito sa mga mata. Tila ay nangungusap ang mga ito at makikitang siya lang ang pinakamaganda at nag-iisang babaeng mamahalin nito.
“Mahal kita.”
Napangiti si Allyce nang marinig iyon at hindi maiwasang kiligin. “Mahal na mahal din kita, mahal ko!”
Maya-maya ay naglapat ang kanilang mga labi sa isa’t isa at puno nang pagmamahal na sinaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan.
•••
Nagising si Allyce nang maramdaman ang bigat ng kamay na nakadantay sa kaniyang bewang. Bumungad sa kaniyang paningin ang mala-perpektong mukha ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Hindi siya magsasawang panoorin ito. Kahit sa pagtulog ay napakagwapo pa rin ng kaniyang asawa. Hindi nga lang niya alam kung maganda pa rin ba siya kung tulog.
Napatingin siya sa kanilang bintana at napansin ang namumuong maiitim na ulap sa kalangitan.
‘Hala! Mga sinampay ko!’
Dahan-dahan niyang inalis ang pagkayakap ng asawa sa kaniyang bewang at marahang bumangon upang hindi ito magising. Wala siyang kaalam-alam na ang kaniyang asawa ay gising na sa oras na nagising siya, subalit nanatili lang itong nakapikit.
Nagmamadaling lumabas si Allyce sa kanilang bahay at dumiretso sa sampayan ng mga damit. Habang si Demon naman ay nakangiting pinapanood ang kaniyang asawa.
Isang pamilyar na presensiya ang kaniyang naramdaman at nahagip ng kaniyang mata ang isang taong kilalang-kilala niya—ang masugid na kanang kamay ng kaniyang amang hari.
Ang kaninang ngiti at masayang mukha ay napalitan nang kinasanayang poker face nito. Sa isang segundo lang ay napunta siya sa pinakaunahan nito.
“Anong ginagawa mo rito?” agad niyang tanong kay Kiefer. Sa tono ng kaniyang boses ay mahahalatang hindi siya nasisiyahan sa muling pagkikita nila.
“Hindi mo ba ako kukumustahin, kaibigan?” Kahit hindi na niya tignan ito ay alam niyang nakangisi ang binata. Narinig niyang napabuntong-hininga ito, “Hindi ka pa rin nagbabago... siya ba ang kinahuhumalingan mong mortal, Prinsipe Demon?”
“Asawa ko siya.” Diniinan nito ang salitang ‘asawa’. “Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Sino ang kasama mo?”
Tumawa ito at tinignan ang kaniyang asawa na si Allyce na kinukuha ang sinampay niyang mga damit. “Nakakaakit siya... subalit hindi ko tipo ang ganiyang klaseng binibini... isang mortal.”
Masamang tingin ang ipinukol ni Demon kay Kiefer. Gumaan nang kaunti ang kaniyang pakiramdam nang malamang hindi nito kursunada ang kaniyang asawa. At kung mangyari man ay paulit-ulit niya itong papatayin.
“Ako lang ang nagpunta rito upang babalaanan kita.”
Napatingin si Demon sa kaniyang asawa na ngayon ay papasok na sa kanilang bahay. Alam niya ang ibig sabihin ng sinabi nito. Ang isang demonyong katulad niya ay walang kinatatakutan sa anumang laban, subalit ngayon ay nakakaramdam siya nang pagkatakot. Natatakot na malaman ni Allyce ang katotohanan sa likod ng kaniyang maamong ugali. Natatakot sa mga maaaring mangyari kapag nalaman ng kaniyang asawa ang lahat.
Sa kabilang banda, pabalik na sa loob ng kanilang bahay si Allyce dala ang tuyong mga damit.
“Mahal? Pakisuyo akong tupiin ito. Magluluto ako ng masarap na panghapunan natin ngayong gabi.” Kumunot ang kaniyang noo nang wala na naman siyang nakuhang sagot mula sa asawa. “Mahal!”
Hindi niya maiwasang mainis. Tila ay pinaglalaruan na naman siya ng asawa tulad nang kanina. Imbis na papunta siya sa kanilang kusina ay dumiretso siya sa kanilang silid.
Agaran niyang binuksan ang pinto at pagkabukas ay natuod siya sa kaniyang kinatatayuan. Nahulog pa nito ang dalang mga damit.
“S-Sino ka? Asan ang asawa ko?!” natatakot niyang tanong sa nadatnang isang lalaki sa loob ng kanilang silid-mag-asawa.
Ngumisi ito sa kaniya at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya nang kilabot na dumaloy sa kaniyang pagkatao. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya rito kahit na kamukha nito ang kaniyang asawa. Parang pinag-biyak na bunga! Bilang isang asawa ay alam niya kung sino ang asawa at ang nasa kaniyang harapan ay masasabing impostor, o baka hindi.
“Ako ito, mahal ko.”
Napaatras siya nang tumayo ito sa pagkakaupo sa kanilang kama. “Hindi ikaw ang asawa ko! Hindi ikaw si Demon!”
“Nagkakamali ka...” Humalakhak ito na siyang nagbigay kilabot sa kaniya. “Ako si Demon!”
“H-Hindi!” pagmamatigas ni Allyce.
“Haring Demon. Ang hari ng mga demonyo... ang nasa iyong harapan. Magandang binibini!”
Hindi alam ni Allyce kung ano ang kaniyang ire-react. Nais niyang sabihing nababaliw ito ngunit ang kaniyang dila ay tila nanigas at hindi niya maikilos.
Akmang tatakbo na sana siya papalabas sa silid na iyon nang hindi niya maigalaw ang kaniyang sariling katawan. Naramdaman niya namang unti-unti siya nitong pinapaharap.
“A-Ano ka?” halos pabulong niyang tanong dahil sa matinding takot na nararamdaman niya ngayon.
Hindi isang simpleng tao ang kaniyang kaharap. Hindi tao!
Ngumisi ito sa kaniya nang mala-demonyo at tinignan siya sa kaniyang mga mata. “Ako si Haring Demon... ang hari ng mga demonyo.”
Pagkasabi no’n ay mabilis siya nitong hinila papalapit rito at hinawakan ang kaniyang noo.
•••
“Hindi nga maipagkakailang ikaw nga ang nararapat na maging tagapagmana ng Kahariang Underworld!” pagmamalaking turan ni Kiefer nang makatanggap siya ng kaniyang pagkatalo.
“Sino pa nga ba ang nararapat?” ngumisi si Demon sa kababata.
Napairap naman si Kiefer sa kayabangan nito. Alam ng lahat kung gaano kalakas at makapangyarihan ni Demon kung saan taglay nito ang mahika ng kasamaan. Mas lamang pa siya kumpara sa kaniyang ama subalit tinataglay ng kaniyang ama ang katauhan ng kasamaan.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap kanina ay napagpasiyahan ng dalawa na magdwelo kaya ang nangyari ay talo na naman si Kiefer. Siya pa rin ang palaging talo sa tuwing naglalaban sila. Masakit man sa loob ng heneral ng kasamaan ay wala siyang magagawa. Isang prinsipeng tunay ang kaniyang kaharap.
“Aalis na ako. Sa muli nating pagkikita!”
Bago nawala sa kaniyang paningin ang kababata, nahagip pa ng kaniyang mga mata ang kakaibang pagngisi nito. Ipinagsawalang bisa ni Demon ang barier kung saan hindi sila makikita ng mga tao habang sila ay nakikipaglaban sa mundo ng mga mortal.
Eksayted siyang bumalik sa kanilang bahay at dumiretso sa loob. Ang kaniyang ngiti ay agad namang nawala. May kakaiba siyang nararamdaman. Tila pamilyar sa kaniya ang naiwang amoy sa loob ng kanilang bahay.
Agad namang nanglaki ang kaniyang mga mata at kinakabahang nagmamadaling binuksan ang kanilang silid-mag-asawa.
“Mahal?” tanging naisambit niya nang makitang nag-iimpake ito ng kaniyang mga gamit.
Alam niya ang ibig sabihin nito kaya agad siyang lumapit at niyakap ang asawa mula sa likuran nito.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Allyce sa kaniyang asawa at lumayo rito. “I-Isa kang demonyo!”
Halos mawalan siya nang hininga pagkatapos niyang isigaw iyon sa kaniyang asawa—demonyong asawa.
“M-Mahal—”
“Huwag na huwag mo akong hahawakan!” May bahid nang pagkatakot, sakit, at poot ang makikita sa mga mata ni Allyce.
Dumating na ang kinatatakutan ni Demon. Ang malaman ni Allyce ang katotohanang isa siyang demonyo.
Nagmamakaawa niya itong tinignan pati ang boses nito ay naging garalgal. “Mahal... hayaan mo akong magpaliwanag sa iy—”
“Kinasusuklaman kita! Demonyo!” umiiyak na sigaw ni Allyce. “K-Kaya pala... kaya pala wala akong kaalam-alam sa pamilya mo! Sinungaling ka!”
“Hindi, mahal. Makinig ka—”
“Ayoko!” Umiiling-iling si Allyce. “Mapunta ka na sa impyerno!”
“Mahal. Nagsinungaling man ako sa aking pagkatao subalit... itong puso ko... ang nararamdaman ko sa iyo ay totoo! Maniwala ka sa akin, mah—”
“Isa kang demonyo... ang katulad mo ay walang magagawang mabuti! Paano pa kita paniniwalaan? Huh!” Mabilis na tumakbo si Allyce palabas ng kanilang silid ni walang dalang gamit o mag-abalang magsuot ng pansapin sa paa.
Nahawakan ni Demon ang kamay ng asawa at lumuhod rito. “Mahal! Nagsasabi ako nang totoo! Maniwala ka. Mahal na mahal kita. Tatalikuran ko ang lahat para sa iyo! Miski ang pagiging prinsi—”
“Tumigil ka na!” marahas na inalis ni Allyce ang kaniyang kamay rito. “Makasalanan ka! Huwag mo naman akong idamay sa iyong pagiging makasalanan! Gusto kong mamuhay nang may banal!”
“Mahal!” Malakas na umiyak si Demon. Hindi niya kayang mawala sa kaniya ang pinakamamahal niyang asawa. “Maawa ka! Maawa ka sa akin. ‘Di ba mahal mo ako? Hindi ba’t mahal mo ako? Nagmamahalan tayo sa isa’t isa. Maawa ka—”
“Tumigil ka na! Hindi ako maaawa sa iyo! Demonyo ka nga talaga tulad ng pangalan mo!”
Buo na ang loob ni Allyce na iwan ang kaniyang demonyong asawa. Ang akala niya ay napakaswerte niyang babae. Ang akala niya ay mabuting tao ito!
“Hiwalay na tayo!” Pagkasabi no’n ay tumakbo si Allyce palayo.
“Huwag mo akong iwan.” Halos pabulong na ang lumabas na salita sa kaniyang bibig.
Ang isang prinsipeng demonyo na katulad niya ay malakas at mabagsik ngunit nagmukha siyang mahina at isang kaawa-awang nilalang sa oras na ito. Takot na takot na mawala ang kaniyang asawa.
“Hindi! Hindi niya ako iiwan!” pagpapalakas ng loob na sambit ni Demon sa kaniyang sarili.
“Maha—”
“Huwag mo na siyang habulin pa, Prinsipe Demon!” Napahinto siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
“Ama!” nanglalaking matang napasambit niya nang lingunin ito.
Ngayon niya napagtantong naset-up siya. Hindi niya ito naisip! Isa pa namang traydor ang kaniyang kababata. Pinlano na ito ng kaniyang ama!
“Anong ginawa mo sa kan—Ahh!” Halos mawalan na siya nang malay nang tamaan siya ng itim na kapangyarihan na galing sa amang hari.
“Isa kang mahina! Taksil! Pabaya! At duwag!” Halatang disappointed ang hari ng mga demonyo sa kaniyang anak.
Nagngingit-ngit ang kaniyang kalooban nang Makita kung gaano kahina ito. Isang prinsipe ng demonyo, luluhod sa isang tao at babae pa? Napaka-hangal ni Demon! Sinisira nito ang kanilang magandang reputasiyon.
“Pabayaan mo na kami!”
“Pabayaan!? Para ano? Ikaw lang ang magmamana ng ating kaharian! Ng ating walang hanggang kapangyarihan! Hindi ako isang hangal para pabayaan ito!” galit na galit na singhal ng hari ng mga demonyo. Hindi niya maisip na ang isang kinatatakutang demonyo ay mahina pala sa puntong ito. “Matanda na ako... huwag mo namang ipagkait sa akin na maging masaya at proud sa iyo, anak ko! Dahil sa mortal na iyan naging ganiyan ka na!”
“Ama... mahal ko ang asaw—”
“Hindi! Kahangalan lang ang pagmamahal na iyan! Isang sumpa sa ating lahi! Alam mo na ang nangyari sa papa ko!? Sa lolo mo!” Napayuko na lang si Demon nang maalala ang malagim na sinapit ng kaniyang lolo sa kamay ng mga mortal. “Isang salot ang babaeng iyan! Mabuti na lang at gumawa na ako ng paraan. Alam mong pinagbabawal ang pakikipagtipan sa hindi natin ka-demonyo! Ang tigas ng ulo mo!”
Sa isang iglap lang ay napunta ang mag-amang demonyo sa kanilang kaharian. Agad namang binitbit ng dalawang kawal si Demon na ngayon ay wala nang malay dahil sa lakas ng kapangyarihang pinatama sa kaniya.
“Bantayan n’yo siya at huwag hahayaang makatakas.”
“Masusunod, mahal na hari!”
•••
Malakas ang pagbuhos ng ulan na halos mayupi na ang styrofoam na nasa gilid ng kalsada.
Basang-basa si Allyce habang naglalakad na walang sapin sa paa. Humahalo sa tubig-ulan ang kaniyang masaganang luha. Iyak lang ang tanging magagawa niya.
Durog na durog ang kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya inaasahan ang napakasakit na katotohanan. ‘Bakit ako pa!?’
Napapatingin sa kaniyang direksiyon ang mga tao, mapa-lalaki man o babae, bata o matanda. Humahagolgol siyang naglalakad at walang patutunguhan.
Napakasakit sa kaniyang mahiwalay sa kaniyang asawa. Mahal na mahal niya ito subalit taliwas ito sa tamang landas kung ipagpapatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Isang makasalanan!
Nais niyang magising at sabihin na panaginip lang ang lahat. Talaga nga namang napakasakit ng katotohanan. Kung alam niya lang ang totoo hindi siya hahantong sa ganito. Hindi niya mamahalin ang asawa—ang demonyo niyang asawa. Hindi man kapani-paniwala subalit totoo.
Ang napakabait niyang asawa ay kabaliktaran sa kaniyang inaasahan. Wala nga talagang sekretong hindi mabubunyag! Paano na siya ngayon? Kanina, pinakita ng hari ng mga demonyo kung paano at gaano karami ang pinatay ng kaniyang asawa sa nagdaang mga siglo. Hindi niya inaasahang nasa tatlong siglo na ang edad ng kaniyang asawa. Sa pag-iisip sa napakahabang buhay na iyon, alam na niyang hindi na mabilang ang napatay at pinatay nito.
Huminto siya at nakaramdam nang pagkahilo. Unti-unti na ring lumalabo ang kaniyang paningin. Nahihirapang balansehin ang kaniyang sarili at tuluyang natumba.
Isang pigura ang kaniyang nakita. Napakalabo na halos itim na ang kaniyang naaaninagan. Naramdaman niya na lang na umangat ang kaniyang sarili at tuluyang nawalan ng malay.
MAKALIPAS ang pitong taon... “Mag-iingat ka rito, mahal na prinsipe!” paalala ng isang lalaki na nakasuot ng itim na balabal at nakalabas naman ang sungay nito. Isang demonyo ang nagbigay paalala sa kaniyang pinaglilingkurang prinsipe. “Huwag mong iparating sa lahat na rito ako nagpunta.” Ang boses nito ay mahahalintulad sa isang umuusok na yelo. Napakalamig at nakakapangilabot. “Kung iyon po ang iyong utos ay masusunod po. Maaasahan mo ako sa bagay na iyan.” Nakayuko ito bilang paggalang sa maharlikang kaharap. Pagkatapak nito sa lupa ay siya namang pagsara ng lagusan papunta sa kaharian nila. Ang Underworld. Hindi niya maiwasang mapapikit sa temperaturang inaasam-asam n’ya sa loob ng pitong taong pagkakulong sa kanilang kaharian. Agad na lumitaw ang isang mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang kaniyang asawa... pati ang kaniyang pagmamahal dito. Pagkabukas ng kaniyang itim na itim na mga mata ay bumungad sa kaniyang harapan ang dati nilang bahay.
Isang kotse na may tatak na Rolls-Royce ang huminto sa tabi ng kalsada katapat ng tarangkahan na kulay puti at sa loob no’n ay isang bahay na mayroong dalawang palapag. Bumukas ang driver seat at lumabas doon si Stephan at agad na lumiko upang pagbuksan nito ang pinto ng passenger seat. “Maraming salamat sa paghatid sa amin, Stephan!” pagpapasalamat ni Allyce sa kaniya. “Maraming salamat sa lahat! Hindi ko na alam kung ano ang magiging buhay namin ng anak ko at kung saan kami pupulutin ngayon kung hindi ka dumating at—” “Shh!” Nakalagay ang hintuturo ni Stephan sa malambot na labi ni Allyce upang pahintuin ito. “Mahalaga ka sa akin—ng anak mo at tyaka… mahal kita, Allyce. Sapat na ba iyon bilang rason kung bakit patuloy pa rin kitang tinutuluyan ngayon?” Napakagat ng ibabang labi si Allyce pagkaalis nito ng hintuturo mula sa labi niya at tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Napakalambing ng binata at siguradong magiging maswerte ang babaeng papakasalan nito. “Hali ka na baby!
Isang tunog ng alarm clock ang nagpabalik kay Allyce sa reyalidad. Agad namang lumukso ang kaniyang puso pagkarinig no’n. Dali-dali niyang iniligpit ang kaniyang mga gamit at nilabas ang isang maliit na salamin. Tiningnan niya ang kaniyang sarili at nag-retouch. “Janna, pakisuyo ako.” Dumungaw siya sa opisina ng isa sa kilalang katrabaho niya. Huminto ang dalagang si Janna sa pagtitipa ng keyboard ng kompyuter at tinanggal nito ang suot na headphone bago nito binalingan ng tingin si Allyce. “Ano ’yon, Allyce?” “Mauuna na ako. Pakisabi na lang kay sir Stephan. Salamat!” nakangiti niyang wika habang nakatitig lang sa katrabaho. “Sure! Walang problema. Susunduin mo na ang anak mo?” Tumango siya, “O, sige. Salamat ulit!” Ngumiti ito sa kaniya at sinimulan na ni Allyce na humakbang papatalikod na siyang ikina-irap naman ng huli. Inikot nito ang kaniyang paningin bago sinuot muli ang headphone at iniunat ang sariling kamay at braso. Pagkalabas ni Allyce sa elevator ng kompanya ay nasa
“D-Demon!” tanging naisambit na lang ni Allyce at napa-atras siya nang ilang hakbang. Nanatiling nakatuon ang kaniyang mga mata sa dating asawa, sa demoniyong nasa harapan niya ngayon. Hindi maipagkakaila ni Allyce na mas lalo itong gumwapo at sino man ang makakita sa lalaking nasa harapan ng kanilang pinto ay mahuhulog dito. Katulad niya noon. Napadako ang tingin ni Demon sa batang lalaki na nasa edad na anim na taong gulang. Nakatitig din ito sa kaniya na may maliit na ngiti sa labi. Naramdaman ni Demon ang lukso ng dugo na tila sumasayaw ang kaniyang mga ugat kasabay ng pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang may pagkamadilim na paligid na kaniyang nakikita ay nagsiputukan ng iba’t ibang kulay at nagmukhang maaliwalas at maliwanag ang kaniyang mundo. Napaka-cliché man kung sasabihin subalit iyan ang kaniyang nararamdaman at naranasan sa puntong ito. “Hershey!” sigaw ni Darkien nang nagkakawag-kawag sa kaniyang bisig ang dalang pusa at nakalmutan siya nito sa kaniyang braso at pis
HABANG nakatanaw sa malayo si Demon, makikita sa mga mata nito ang pananabik na mayakap at makapiling ang anak lalo na rin ang kaniyang asawa. Mayroong ngiti sa labi nito habang pinapanood ang anak na naglalaro ng basketball mag-isa. Ilang sandali lang ay hindi na siya nakuntento pa at sinimulang ihakbang ang kaniyang mga paa papunta sa direksiyon ng kaniyang anak. Napahinto ang batang si Darkien nang maramdamang may ibang presensiya malapit sa kinaroroonan niya. Hindi nito itinuloy ang pagshoot ng bola at lumingon sa kaniyang likuran. Sa hindi malamang dahilan, napangiti siya at lumapit sa lalaking hindi niya kilala. Isang metro ang pagitan ng dalawa at nanatiling nakatitig sa isa’t isa na may ngiti sa kanilang labi. Tila masasabing younger version ito ni Demon. Inangat ng batang si Darkien ang kaniyang dalawang kamay na may dalang bola at pinasa niyo ang bola sa estranghero. Mabilis namang nasalo ni Demon ito at napngiti nang mas malawak pa. Alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang
PUMARADA ang Audi na minamaneho ni Stephan sa harapan ng isang sikat na 6-star Hotel. Kilalang-kilala siya ng mga tao hindi lang sa angking kagwapuhan nito kundi na rin sa pagiging mayaman at makapangyarihan sa lipunan. Isa siyang CEO ng Stephan Corporation at kilala rin siya sa pagiging sikat na modelo. Pagkababa pa lang niya mula sa kotse ay napalingon na ang lahat sa kaniya. Napatili ang mga kababaihan nang makita siya ng mga ito. Dumiretso si Stephan sa loob ng hotel at naglakad papunta sa lobby. Isang nakangiting receptionist ang bumungad sa kaniya. Masasabing maganda ito at mapang-akit sa suot nitong uniporme. “Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo, Mr. Stephan?” “Magpapa-book ako ng isang kwarto, miss ganda!” Kinindatan niya ang dalaga na siyang nagpapula ng pisngi nito. “Oh! Walang problema!” Kinontrol ngayon ng receptionist ang kaniyang sarili na hindi mahimatay sa pagka-starstruck at pagpuri nito sa kaniya. “Kung gano’n ihahanda ng hotel ang pinakamaganda naming kwarto. Mukh
NANG makalabas ang batang si Darkien, palingon-lingon ito sa paligid ng kanilang bahay. Hinahanap-hanap ng kaniyang munting puso ang presensiya ng isang tao. Mabagal siyang naglakad papunta sa bakanting lote ng kinatatayuan ng kanilang bahay na nagsisilbing basketball court niya. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bola. Nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto at nakaramdam nang lungkot at pagkadismaya nang hindi dumating ang kaniyang hinihintay. Naiiyak siyang yumuko sa kaniyang ulo at mabigat ang mga paang naglakad papunta sa bench. Hindi mapaliwanag ng isang batang katulad niya ang sakit na kaniyang nararamdaman ng kaniyang inosenteng puso. Pagkaupo sa bench ay napasinghot ito at ginawang pangpunas ng kaniyang luha ang suot niyang damit. “Bakit umiyak ang pinakagwapo at pinakamabait na batang nakilala ko?” Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad na napa-angat ng ulo ang batang si Darkien. Nagningning ang madilim nitong mga mata nang makita ang taong kaniyang hinihintay.
“Aray!” d***g ni Allyce nang tumama ang kaniyang pwet sa malamig na sahig. “Mommy!” Mabilis na tumakbo ang batang si Darkien sa kaniyang mommy nang makita nitong nasaktan ito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Stephan pagkalapit niya kay Allyce at tinulungan itong tumayo. Tumango lang si Allyce at ngumiti nang tipid. Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. Akala niya ay mahuhuli sila ng kaniyang anak at ni Stephan sa ganoong pwesto. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksiyon nito at kung ano ang kaniyang irarason. Sa kabila ng lahat, nagngingit ang kaniyang kalooban kung bakit hinayaan niya ang sariling maging marupok at mahina kapag nasa tabi-tabi lang ang asawa at talaga namang nanghihina siya kanina nang maramdaman ang pamilyar na mga bisig at titig nito. Gusto niyang sumigaw dahil sa pagka-inis sa sarili. Gusto niyang pukpokin ang sariling ulo dahil sa hiya. Nagsisisi siya ngunit mayroong isang parte ng kaniyang puso na nasiyahan siya sa nangyari kahit na aga
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da
“Saan po kayo bababa, mam?” Napabalik sa reyalidad si Allyce nang marinig ang pagtatanong ng taxi driver. Agad siyang napatingin sa rear mirror at nakitang nakatingin sa kaniya ang driver. “Pasensiya na, manong. Doon lang po, pagkalampas ng malaking punong mangga na ’yon.” Sabay turo ni Allyce sa malaking punong mangga na nakatayo sa gilid ng kalsada. “Sige po, mam.” Tumango lang siya at ibinaling ang kaniyang ulo sa bintana. Ang kulay asul at dalandan na kalangitan ay naglalabanan, gayon pa man, ang magwawagi pa rin ay ang kadiliman ng gabi subalit ito'y sisikat ring muli at ang liwanag ang mananaig. Ngayon niya lang napansin na matagal na siyang nakatulala sa kawalan. Iniisip ang mga nangyari at mangyayari. Naguguluhan siya ngayon. Tama lang ang kaniyang ginawa na mag-commute dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Naramdaman na lang ni Allyce na huminto ang sinasakyan niyang taxi. Napabuga siya ng malalim na hangin bago lumabas ng taxi. Tanaw niya sa kaniyang kinaroroonan ang kaniy
“Mommy!” Mabilis na napadilat ng mata si Allyce nang marinig ang tinig ng kaniyang anak. Laking gulat at tuwa niya na makitang tumatakbo ito papalapit sa kaniya. Agad niya itong tinakbuhan at mahigpit na niyakap. Iyak ang maririnig kay Allyce. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyari at umaasang hindi siya nananaginip lamang. ‘Ligtas ang anak ko! Ligtas ang anak ko!’ Napadako ang tingin ni Allyce sa nakahandusay na si Stephan at kitang-kita rito ang paghihirap at matinding sakit habang inaapakan ni Demon ang dibdib nito. Galit na inangat ni Demon sa Stephan sa ere habang hawak niya ito sa kwelyo. Nangingisay ang binata habang panay sa pagdaloy ang masaganang dugo nito sa kaniyang kaliwang balikat mula sa pagkatama ng baril. Nanglalaki ang mga mata ni Stephan hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Wala pang isang segundo ang nakalipas ay naagaw ni Demon mula sa kaniya ang baril. Sobrang napakabilis ng pangyayari at nagbigay sa kaniya ng kilabot. “S-Sino ka?” nangingin
MADILIM tanging ang sinag ng buwan ang naging tanglaw ni Allyce upang makita ang kaniyang dinadaanan na halos nagblu-blur na ang kaniyang paningin sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nanunuot sa suot ni Allyce habang binabagtas nila ang naturang abandunadong gusali. Papatay-sindi ang mga ilaw na siyang nagbibigay ng kilabot kay Allyce. Naglilikha ng mahihinang ingay naman ang kanilang inaapakan habang sila'y humahakbang sa mga nagkalat at naghahalong mga tuyong dahon, lumang papel, at mga bitak na semento na galing sa gusali. Napakatahimik ng naturang lugar at hindi mapigilan ni Allyce ang kaniyang sarili na mapalunok at makaramdam ng kilabot sa oras na ito. Sa kabila ng takot at pangamba na kaniyang nararamdaman, hindi ito naging hadlang kay Allyce na mag-back out lalo na't buhay ng kaniyang anak ang nakasalalay sa puntong ito. “Ahh!” napatili si Allyce nang biglang may dumaan sa kaniyang paa lalo na’t nakasuot pa siya ng sandal na mayroong tatlong pulgada ang takong. “A