ISANG busina ang umalingawngaw sa labas ng bahay ni Allyce. Nakakasiguro na siya kung sino iyon. Mabilis niyang h******n ang anak. “Be a good boy, okay? Don’t go outside or magpapasok ng ibang tao. Lock mo lang ang pinto, baby.” “Opo, mommy!” Nakanguso ang batang si Darkien. Ayaw niyang umalis ang kaniyang mommy ngayon at hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan. Panay habilin ang ginawa ni Allyce. Hindi niya kayang iwan ang anak subalit naisip niya naman si Stephan. Malaki ang naitulong nito sa kanilang mag-ina at nag-aalangan siyang tanggihan ito lalo na’t nakaready na ang lahat. “Hi?” bungad niya kay Stephan pagkabukas ng pinto. Tinignan ni Stephan si Allyce mula ulo hanggang paa at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. “Wow! Y-You look dazzling!” Tila na-speechless siya at hindi alam kung anong isaktong salita ang mahahalintulad sa magandang binibining nasa kaniyang harapan ngayon. Makikita ang maputi at makinis na balikat ni Allyce sa suot niyang cardinal red Bonnie
“Ang sama mo!” Nagpupumiglas si Allyce sa malakas na pagkahawak ni Stephan sa magkabilaan niyang kamay. “Pinagsisihan kong nakilala ka! Demonyo!” Hindi na inalintana ni Allyce ang tumatalsik niyang mga laway. Galit na galit siya ngayon sa tinuturi niyang mabuting tao. “Napakasama mong hayop ka!” “Hindi ako ang masama, Allyce! Ang asawa mo ang masama rito!” pagtatanggi ni Stephan. “Bakit? Iniwan ka niya! Kayong dalawa! Ako pa ba ang masama rito!?” “Oo! Ikaw ang masama rito! Ni kailanman ay hindi niya magagawang gawin ito sa akin! Hindi niya ako pipiliting gawin—” “Dahil mahal mo siya, Allyce! Mahal mo!” Lumayo nang kaunti si Stephan at napasabunot sa kaniyang sariling buhok. “Hindi ka mapipilitan dahil mahal mo siya!” Pumiyok ang kaniyang boses sa huling salita. Halata sa kaniya ang sobrang sakit. “Paano naman ako? Mahal kita, Allyce! Mahal na mahal! Hindi naman kita iiwan, e. Papanagutan kita! Aakuin ko rin si—” Malakas na sampal ang natanggap ni Stephan mula kay Allyce. “Dahil sa
“Charge the damages sa hayop na iyan!” Walang emosiyong tinuro ni Demon ang nakahandusay na si Stephan na ikinasilip naman ng lahat. Napanganga lang ang mga ito at hindi makapagsalita. Hindi sila makapaniwalang sinabihan lang na hayop ang sikat na modelo at napakayaman na CEO. Tila alam na nila ang nangyari subalit malaking puzzle pa rin sa kanila kung bakit nakialam ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Pinanood lang ng mga ito ang pagbuhat ni Demon sa nanghihinang asawa at nilampasan sila. Hindi nila kilala ang lalaki. Bago pa man makalayo nang husto si Demon ay narinig pa nila ang sinabi nito. “I will sue everyone na may papel sa nangyari rito.” Agad na nangilabot ang kanilang buong pagkatao sa hindi mapaliwanag na impact ng estranghero. Natatakot sila sa presensiya nito at ganoon na rin ang narinig nila mula rito. ••• Nanatiling nakatitig lang si Allyce sa seryosong mukha ng asawa habang buhat-buhat siya nito. Lumalakas nang lumakas ang kabog ng kaniyang puso at tila nagr
“Maayos na ang kalagayan ng pasyente at... nakakapagtataka nga lang.” “Huh? Anong ibig mong sabihin, dok?” Nagsalubong ang dalawang kilay ng isang lalaking nakasuot ng pormal na suit. Maayos ang pagka-ayos ng buhok nito na kulay blonde. “Ah, wala.” Umiling nang ilang ulit ang doctor tyaka nito nginitian ang lalaki. “Hindi malalim ang mga natamo niyang sugat at pasa kaya wala ka nang ipag-aalala pa.” “Salamat, dok.” Tumango lang ang doktor at lumabas. Napatingin naman ang naiwang lalaki sa nakahiga sa hospital bed. Tila ay mahimbing ang pagtulog nito at nakakaawa kung tignan. Puno nang pasa ang mukha nito lalo na rin ang iba't ibang parte nitong katawan. Hindi alam ni Justin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan. Hindi rin nagsalita ang mga crew at manager sa hotel sa nangyari. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa hospital. Lumapit siya sa hinihigaan ni Stephan at nanatiling nakatitig dito. Napapailing na lang siya at hindi a
“Isang pagkakataong kantiin n’yo ang asawa ko miski ang kadulo-dulohang hibla ng kaniyang buhok ay sisiguraduhin kong magsisisi kayo hanggang sa inyong hukay,” puno nang pagbabantang ani Demon sa tatlong dalaga. Ang malamig na boses at walang emosiyong mga mata ng estranghero at nagbigay ng takoy at nginig sa buong sistema ng tatlong dalaga ramdam nilang may kakaiba rito lalo na ang nag-uumapaw na malakas nitong awra na nagsasabing siya’y mapanganib at hindi na sila sisikatan pa ng araw. Naiwang nakanganga at nakatanaw ang tatlong dalaga habang papalayo nang papalayo na ang kotseng sinasakyan ni Allyce at ng estrangherong lalaki. “S-Sino siya?” halos pabulong na tanong ni Christine sa dalawang katrabaho niya. Hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tinsin sa direksiyon kung saan nakaalis ang kotse. “Duh! Haven’t you heard it, Christine? Asawa nga, hindi ba?” Sabay ikot ng mata ni Shena sa tangang katrabaho. “Ay! Oo nga pala. Ang gwapo ng asawa ni Allyce, kyaah!” tiling aniya. “Mas
“Let’s have a fun race, my love. Pupunta na ako sa school ni Darkien. Paunahan na lang.” Isang mensahe galing kay Stephan ang nagpakaba nang husto kay Allyce. Nagsiunahan namang pumatak ang kaniyang mga luha at napahagulgol siya ng iyak. “Sasama ako.” Hindi na nag-abalang magsalita si Allyce at hinayaan ang kaniyang demonyong asawa na ngayo’y nagmamaneho sa sinasakyan nila. Hindi mapigilan ni Allyce na mangatal ang labi at mag-overthink. Halos hindi na aiya makahinga sa matinding kaba, takot, at pangambang kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kakayaning mawala sa kaniya ang anak. Ito na lang ang pinahahalagahan niya—higit sa kaniyang buhay. Napapasulyap si Demon sa kaniyang asawa. Gustuhin man niyang yakapin at pagaanin ang loob nito subalit alam niyang mas ikakagalit pa nito kung sakaling gagawin niya iyon. Sa putong ito, ang mas mahalagang gawin ay ang maunahan nila si Stephan. Kunot-noong pinukos ni Demon ang kaniyang atensiyon sa kalsada at napakabilis ng kaniyang pagmaman
MADILIM tanging ang sinag ng buwan ang naging tanglaw ni Allyce upang makita ang kaniyang dinadaanan na halos nagblu-blur na ang kaniyang paningin sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nanunuot sa suot ni Allyce habang binabagtas nila ang naturang abandunadong gusali. Papatay-sindi ang mga ilaw na siyang nagbibigay ng kilabot kay Allyce. Naglilikha ng mahihinang ingay naman ang kanilang inaapakan habang sila'y humahakbang sa mga nagkalat at naghahalong mga tuyong dahon, lumang papel, at mga bitak na semento na galing sa gusali. Napakatahimik ng naturang lugar at hindi mapigilan ni Allyce ang kaniyang sarili na mapalunok at makaramdam ng kilabot sa oras na ito. Sa kabila ng takot at pangamba na kaniyang nararamdaman, hindi ito naging hadlang kay Allyce na mag-back out lalo na't buhay ng kaniyang anak ang nakasalalay sa puntong ito. “Ahh!” napatili si Allyce nang biglang may dumaan sa kaniyang paa lalo na’t nakasuot pa siya ng sandal na mayroong tatlong pulgada ang takong. “A
“Mommy!” Mabilis na napadilat ng mata si Allyce nang marinig ang tinig ng kaniyang anak. Laking gulat at tuwa niya na makitang tumatakbo ito papalapit sa kaniya. Agad niya itong tinakbuhan at mahigpit na niyakap. Iyak ang maririnig kay Allyce. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyari at umaasang hindi siya nananaginip lamang. ‘Ligtas ang anak ko! Ligtas ang anak ko!’ Napadako ang tingin ni Allyce sa nakahandusay na si Stephan at kitang-kita rito ang paghihirap at matinding sakit habang inaapakan ni Demon ang dibdib nito. Galit na inangat ni Demon sa Stephan sa ere habang hawak niya ito sa kwelyo. Nangingisay ang binata habang panay sa pagdaloy ang masaganang dugo nito sa kaniyang kaliwang balikat mula sa pagkatama ng baril. Nanglalaki ang mga mata ni Stephan hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Wala pang isang segundo ang nakalipas ay naagaw ni Demon mula sa kaniya ang baril. Sobrang napakabilis ng pangyayari at nagbigay sa kaniya ng kilabot. “S-Sino ka?” nangingin