“D-Demon!” tanging naisambit na lang ni Allyce at napa-atras siya nang ilang hakbang.
Nanatiling nakatuon ang kaniyang mga mata sa dating asawa, sa demoniyong nasa harapan niya ngayon. Hindi maipagkakaila ni Allyce na mas lalo itong gumwapo at sino man ang makakita sa lalaking nasa harapan ng kanilang pinto ay mahuhulog dito. Katulad niya noon.
Napadako ang tingin ni Demon sa batang lalaki na nasa edad na anim na taong gulang. Nakatitig din ito sa kaniya na may maliit na ngiti sa labi. Naramdaman ni Demon ang lukso ng dugo na tila sumasayaw ang kaniyang mga ugat kasabay ng pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang may pagkamadilim na paligid na kaniyang nakikita ay nagsiputukan ng iba’t ibang kulay at nagmukhang maaliwalas at maliwanag ang kaniyang mundo. Napaka-cliché man kung sasabihin subalit iyan ang kaniyang nararamdaman at naranasan sa puntong ito.
“Hershey!” sigaw ni Darkien nang nagkakawag-kawag sa kaniyang bisig ang dalang pusa at nakalmutan siya nito sa kaniyang braso at pisngi. Pumalahaw ito ng iyak at nabitiwan ang pusa, “Araaay!”
“Anak!” magkasabay na sigaw ni Allyce at Demon na siyang dahilan ng pagkatinginan nila sa isa’t isa.
•••
“Janna?” Dumungaw si Stephan sa opisina ng kaniyang employer.
Napasigaw ang dalagang si Janna sa gulat at napahawak sa kaniyang puso na siyang ikinatuwa nang mahina ng kaniyang gwapong amo.
“Nangugulat ka naman, sir!” malandi nitong wika sabay simangot upang ipakita na siya ay nainis, kuno.
“Huwag ka na mainis!” Tumawa ito nang ilang segundo na ikinanganga ng dalaga. “Nakita mo ba si Allyce?”
Agad namang nawala ang ngiti sa labi ni Janna nang marinig ang pangalan ng pinaka-hate niyang katrabaho. “Umuwi na po, e.” Ngumiti ito nang maganda at nag-pretty eyes pa. “Ang Sabi niya sa akin ay susunduin na niya ang kaniyang anak, sir.”
“Ahh, sige!” Walang paalam na umalis ang CEO na si Stephan na wala man lang emosiyon sa mukha.
Napasimangot at napapadyak si Janna sa kaniyang paa dahil sa matinding inis. Nanggigil niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao. Marinig niya lang ang pangalan na ‘Allyce’ ay kumukulo na ang kaniyang dugo. Bakit nga ba?
Isa si Janna sa mga nagpapantasiya sa gwapong CEO. Naiinis siya at naiinggit kay Allyce lalo na’t nakuha nito ang lalaking gusto niya na dapat ay magpapaahon sa kaniya sa hirap. Hindi niya maisip kung ano ang meron kay Allyce na wala sa kaniya. Kung sa pisikal na kaanyuan man ay medyo tagilid siya rito subalit sa kaseksiyahan at sa ibang aspeto ay magkapantay lamang silang dalawang. Kung tutuusin ay mas malaki ang kaniyang alas kaysa sa sekretarya. Isa siyang dalaga at walang katipang iba subalit ang huli ay mayroon nang anak.
Naputol ang hawak niyang lapis habang iniisip na sinasakal niya ang magandang sekretarya. Sinadya pa nga niyang diinan ang salitang ‘anak’ kanina noong nag-uusap sila ng amo upang mabatid ng hinahangaang ginoo na hindi ito nararapat sa sekretarya. Ano nga ba ang magagawa niya? Ilang beses na niyang sinubukang kunin ang atensiyon ng binata subalit palagi siyang bokya.
•••
Nagtagpo ang paningin ni Allyce at Demon na ikinatibok ng kanilang puso. Subalit, hindi nagpapalupig si Allyce sa kaniyang halo-halong nararamdaman ngayon. Mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang anak at binuhat ito.
“L-Lumayo ka sa amin! Demonyo!” nagtatapang-tapangan niyang sigaw sabay kuha ng babasaging plorera at inihagis sa direksiyon ng kaniyang asawang demonyo. “Huwag mo kukunin ang anak ko! Dadaanan ka muna sa bangkay ko!”
Napangisi si Demon sa inasal ng kaniyang asawa. Nais niyang tumawa subalit pinigilan niya ang kaniyang sarili. Nais niya pang takutin si Allyce. Kung maaari lang ay gagamitin niya ng kaniyang kapangyarihan ito at yayakapin niya ang asawa at anak nang mahigpit. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagmamahal sa asawa at tila mas lumaki pa ito nang malamang nagkaroon pa sila ng anak.
Unti-unting Inihakbang ni Demon ang kaniyang mga paa papunta sa kaniyang asawa na ngayon ay napapaatras na sa takot. Mas lalong napahanga si Demon sa katatagan ng kaniyang asawa. Pinipigilan niya at kaniyang sarili na maglaway sa malaking pagbabago nito. Mas lalong nakakabighani na ngayon si Allyce at hindi niya mapigilang napalunok ng sariling laway. Mas maganda ito sa malapitan.
“Umalis ka na rito! Hayaan mo na kami!” Gusto nang maiyak ni Allyce ngayon. Hindi na niya Alam Kung ano ang gagawin. “Huwag mo na akong guluhin! H-Huwag mong kunin ang anak ko.”
“M-Mahal...” mahinang sambit ni Demon habang pinipiga ang kaniyang puso sa nakikita niya sa asawa. Nakikita niyang nahihirapan na ito. “Nais kong... nais kong makausap ka.”
“A-Ayoko!” Umiiling na tumalikod si Allyce at tumakbo papunta sa back door nanasa kanilang kusina.
Nahawakan ni Demon ang hibla ng buhok ng asawa nang tumalikod Ito subalit natigilan siya at agad na napa-atras. Napahawak siya sa kaniyang puso at gumuhit na naman ang pagtataka sa gwapo nitong mukha. Ilang segundong sumakit ang kaniyang puso nang mahawakan niya miski hibla lang ng buhok ng asawa.
“A-Ano ka ba?” naisambit niya habang nakatingin sa direksiyong tinakbuhan ng asawa.
Napapailing siya at pilit na sinasabihan ang asarili na isa lamang iyong coincidence subalit pagkakataon lang nga ba? Naranasan niya rin ito noong nagtangka niyang halikan ang noo ng natutulog na asawa. Ibig bang sabihin nito ay hindi niya mahahawakan miski kadulo-dulohan ng daliri ng asawa? Sa kaisipang iyon ay nagtagang ang kaniyang panga.
Sa kabilang banda, nasa labas na ng kusina si Allyce buhat ang kaniyang anak na si Darkien. Agad niyang tinanaw ang kaniyang kotse. Wala na siyang pakialam kung naiwan man niya ang kaniyang gamit at pera sa loob ng kanilang bahay.
Sinimulan na niyang tumakbo papunta sa direksiyon ng kaniyang kotse. Kahit na nabibigatan sa binubuhat niya ay hindi niya ito pinansin. Isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan at iyon ay makatakas! Tataguan niyang muli ang asawang demonyo.
“M-Mommy... nahihirapan ka na. Ibaba mo na lang ako. Tatakbo ako, mommy.”
“No, baby. Okay lang si mommy. Kaya ni mommy—” Napahinto si Allyce nang makita ang itsura ng kaniyang anak ngayon. Binaba niya ito at agad na tumulo ang namumuo niyang luha. “Anong nangyari sa’yo, baby?”
Napaiyak si Allyce sa nakikitang anyo ng kaniyang anak. Ngumuso ang batang si Darkien, “Masakit po ang mukha ko at braso, mommy! P-Pero Kaya ko namang t-tumakbo.”
“No, no, no... bubuhatin ka ni mommy, okay? Pupunta tayo sa ospita—”
“Ipagtatabuyan mo na naman ako, Allyce?” puno nang hinanakit na wika ni Demon. Nakatalikod sa kaniya ang mag-ina. “Narito ako para... para sa inyo ng anak ko. Nais kung bumalik tayo sa rati.”
“Tumigil ka na!” Hinarap ni Allyce ang demonyong asawa. “Anong akala mo sa akin? Baliw? Bumalik ka na lang doon! D-Doon sa impyernong mundo mo! Hindi kita kailangan! Hindi ka namin kailangan!”
Nagkaskasan ang ngipin ni Demon sa narinig. Gustuhin man niyang magalit subalit nawawala ang galit na nararamdaman niya sa tuwing makikita niya ang asawa. Napadako ang kaniyang paningin kay Darkien na ngayon ay hindi na makilala sa sobrang paglobo ng mukha nito at braso kung saan nakalmutan ng pusang si Hershey. Nangunot ang noo ni Demon nang makita ito kasabay ng naaawang tingin.
Namumula ang mukha ng bata at mayroong lumalabas na mga uod sa maraming sugat nito mula sa kalmot ng kaniyang pusa. Nakaramdam ng kati ang batang si Darkien kaya kinamot niya ang kaniyang mukha na naging sanhi ng pagdurugo nito. Tila ba ay napakarupok ng kaniyang pisngi dahil sa natatanggal ang balat nito sa tuwing kinakamot niya ito. Naghahalo-halo ang nararamdaman ngayon ng bata: mainit, mahapdi, masakit, makati, at kumikirot pa ang sugar nito.
“Baby, stop it! Huwag mong kamutin!” natatarantang sigaw ni Allyce sa kaniyang anak. “Anak!” Madaling nasalo ni Allyce ang anak nang mawalan ito ng malay.
Madaling nakalapit si Demon sa kaniyang mag-ina subalit napaatras siya nang akmang hahawiin siya ng asawa. Kung maaari ay iiwasan niya munang madikit dito at aalamin n’ya kung ano ang dahilan ng pananakit ng kaniyang puso sa tuwing magdidikit ang kahit anong parte ng katawan sa asawa sa kaniya.
“Diyan ka lang! Lumayo-layo ka!” sigaw ni Allyce sa demonyo nitong asawa.
“Papagalingin ko lang ang anak natin!” may halong inis na wika ni Demon dito.
“Ano ka, may mabuting loob? Tss!” singhal ni Allyce. “Huwag mo siyang masasabihang anak! Hindi no siya anak!”
Tila mayroong sumaksak sa puso ni Demon nang marinig ang pagkakaila ni Allyce na siya ang ama ni Darkien.
“Anak, huwag mong iiwan si mommy, okay?” naiiyak na wika ni Myari. “Dadalhin kita sa ospital!”
“Walang kakayahan ang mga doktor na pagalingin ang anak natin, Allyce!” matigas na wika ni Demon at nakatuon ang kaniyang paningin sa kaniyang anak.
“Hindi mo nga siya anak sabi e!” Halos pumutok na ang ugat sa leeg ni Allyce sa pagsigaw. Kailangan niyang sabihing hindi ito ang ama upang tigilan na sila ng asawang demonyo.
Hindi nakinig si Demon dito at lumapit pa rin sa kaniyang mag-ina. Iniiwasan niyang madikit sa asawa at mabilis siyang umiwas kapag hahampasin siya nito o hindi kaya ay sisipain. Mabilis niyang inilapat Ang kaniyang palad sa noo ng kaniyang anak at may ibinulong na orasiyon. Unti-unting umitim ang kaniyang palad at ang mukha ng bata.
Nanglaki ang mga mata ni Allyce at ilang beses niyang hianampas ang braso ni Demon upang tumigil ito sa ginagawa nito.
Pinipigilan ni Demon ang sarili at ang huminga. Tiniis niya ang masakit na dinulot ng kaniyang asawa. Tila mayroong malakas na kuryenteng dumaloy papunta sa kaniyang puso at kinukuryente ito. Nanginginig siya sa sobrang sakit at tila nawawalan siya ng lakas subalit kinakailangan niyang matapos ang orasiyon upang mailigtas ang kaniyang anak na nasa ilalim ng nakakamatay na mahika. Hindi niya maisip kung bakit nagkaroon ang anak ng ganito nang dahil lang sa kalmot ng pusa? Napaka-imposible naman kung gano’n. Siguro mayroong third party ang nangyayari.
“Papatayin mo ba ang anak mo?!” malakas na sigaw ni Allyce rito. Umiiyak na nagmamakaawa siyang tigilan na nito ang ginagawa ng asawa “Tigilan mo na iyan!”
Ilang segundo lang ay natapos na ni Demon ang orasiyon at lumayo siya nang kaunti. Nakaupo siya sa madamong lupa at nakatukod ang dalawa niyang palad at naka-angat sa kalangitan ang kaniyang ulo. Nakapikit siyang naghahabol ng kaniyang hininga at pilit na ikino-kondisiyon ang sarili at ang pagtibok ng kaniyang puso.
“I-Ikaw!” nanggigil na kinuyom ni Allyce ang kaniyang kamao at akmang susuntukin na sana si Demon nang marinig ang kaniyang anak na tinawag siya.
“M-Mommy?” Umubo Iito nang mahina at tinignan ang Hindi maipaliwanag na ekspresiyon ng kaniyang mommy.
“B-Baby? Gumaling ka nga!” Mabilis na niyakap ni Allyce ito.
Napaiyak siya sa tuwa, pagkagulat, at pagtataka. Nagpapasalamat siya na gumaling ang kaniyang anak subalit hindi niya kayang magpasalamat sa demonyong nagpagaling sa anak niya.
“A-Anong... ALLYCE!” Isang pamilyar na boses ang sumigaw nang malakas at mabilis itong tumakbo papunta sa kinaroroonana ni Allyce. “Anong nangyari? May nanakit ba sa iyo? Sabihin mo!”
Natataranta si Stephan habang nakaluhod siyang pumantay kay Allyce na ngayo’y may luha sa mga mata at pisngi nito. Yakap din nito ang anak na si Darkien.
Umingos si Allyce at umiling.
Napabaling ang tingin ni Stephan sa lalaking naka-upo sa damuhan hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Agad na kumunot ang kaniyang noo. Dinuro niya ito at tinignan si Allyce, “’Yan ba ang nanakit sa iyo? Sa inyo? Tatawag ako ng puli—”
Akmang tatayo si Stephan nang pigilan siya ni Allyce. “Huwag na, t-tinulungan niya lang kami.”
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Stephan at sinipat si Demon. Tinignan niya si Darkien na ngayo’y nasa bisig pa rin ni Allyce. “Anong nangyari sa anak ko?”
“Nakalimutan lang ng pusang si Hershey. Pakihatid mo kami sa ospital, Stephan.”
Tumango si Stephan at mabilis na kinarga ang batang si Darkien na ngayo’y mahina pa ang katawan. Mabilis silang naglakad papunta sa kotse nito.
Napalingon si Stephan sa huling pagkakataon. Nagsalubong ang kanilang paningin at tila mayroong inbisibol na kuryente ang nagtama sa pagitan nila. Naningkit ang mata niya habang walang emosiyon naman ang makikita sa mata ni Demon. Sa puntong ito, agad na tumatak sa kanilang isipan na, ‘Ito ba ang magiging karibal ko kay Allyce? Tss!’
Naiwan lang si Demon at tanging pinagmasdan lamang ang unti-unting paglayo ng saksakyan sa kaniyang paningin. Nagpanting ang kaniyang tenga kanina nang marinig ang hindi kasiya-siyahang salita na galing sa hindi kilalang lalaki na tinawag na ‘anak’ ang anak niyang si Darkien. Kahit na alam naman niyang anak niya talaga ang bata ay hindi niya maiwasang masaktan sa narinig. Hindi niya maiwasang magselos!
Bumagsak ang kaniyang balikat at napahiga sa damuhan. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi at marami ang tumatakbo sa kaniyang isip na puro walang mga sagot. Nagtataka siya sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Nang maalala ang sinigaw ni Allyce sa kaniyang kanina ay agad na gumuhit ang kaniyang ngiti sa mapula niyang labi. Anak nga niya ang bata. Si Allyce na ang nagsabi.
HABANG nakatanaw sa malayo si Demon, makikita sa mga mata nito ang pananabik na mayakap at makapiling ang anak lalo na rin ang kaniyang asawa. Mayroong ngiti sa labi nito habang pinapanood ang anak na naglalaro ng basketball mag-isa. Ilang sandali lang ay hindi na siya nakuntento pa at sinimulang ihakbang ang kaniyang mga paa papunta sa direksiyon ng kaniyang anak. Napahinto ang batang si Darkien nang maramdamang may ibang presensiya malapit sa kinaroroonan niya. Hindi nito itinuloy ang pagshoot ng bola at lumingon sa kaniyang likuran. Sa hindi malamang dahilan, napangiti siya at lumapit sa lalaking hindi niya kilala. Isang metro ang pagitan ng dalawa at nanatiling nakatitig sa isa’t isa na may ngiti sa kanilang labi. Tila masasabing younger version ito ni Demon. Inangat ng batang si Darkien ang kaniyang dalawang kamay na may dalang bola at pinasa niyo ang bola sa estranghero. Mabilis namang nasalo ni Demon ito at napngiti nang mas malawak pa. Alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang
PUMARADA ang Audi na minamaneho ni Stephan sa harapan ng isang sikat na 6-star Hotel. Kilalang-kilala siya ng mga tao hindi lang sa angking kagwapuhan nito kundi na rin sa pagiging mayaman at makapangyarihan sa lipunan. Isa siyang CEO ng Stephan Corporation at kilala rin siya sa pagiging sikat na modelo. Pagkababa pa lang niya mula sa kotse ay napalingon na ang lahat sa kaniya. Napatili ang mga kababaihan nang makita siya ng mga ito. Dumiretso si Stephan sa loob ng hotel at naglakad papunta sa lobby. Isang nakangiting receptionist ang bumungad sa kaniya. Masasabing maganda ito at mapang-akit sa suot nitong uniporme. “Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo, Mr. Stephan?” “Magpapa-book ako ng isang kwarto, miss ganda!” Kinindatan niya ang dalaga na siyang nagpapula ng pisngi nito. “Oh! Walang problema!” Kinontrol ngayon ng receptionist ang kaniyang sarili na hindi mahimatay sa pagka-starstruck at pagpuri nito sa kaniya. “Kung gano’n ihahanda ng hotel ang pinakamaganda naming kwarto. Mukh
NANG makalabas ang batang si Darkien, palingon-lingon ito sa paligid ng kanilang bahay. Hinahanap-hanap ng kaniyang munting puso ang presensiya ng isang tao. Mabagal siyang naglakad papunta sa bakanting lote ng kinatatayuan ng kanilang bahay na nagsisilbing basketball court niya. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bola. Nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto at nakaramdam nang lungkot at pagkadismaya nang hindi dumating ang kaniyang hinihintay. Naiiyak siyang yumuko sa kaniyang ulo at mabigat ang mga paang naglakad papunta sa bench. Hindi mapaliwanag ng isang batang katulad niya ang sakit na kaniyang nararamdaman ng kaniyang inosenteng puso. Pagkaupo sa bench ay napasinghot ito at ginawang pangpunas ng kaniyang luha ang suot niyang damit. “Bakit umiyak ang pinakagwapo at pinakamabait na batang nakilala ko?” Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad na napa-angat ng ulo ang batang si Darkien. Nagningning ang madilim nitong mga mata nang makita ang taong kaniyang hinihintay.
“Aray!” d***g ni Allyce nang tumama ang kaniyang pwet sa malamig na sahig. “Mommy!” Mabilis na tumakbo ang batang si Darkien sa kaniyang mommy nang makita nitong nasaktan ito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Stephan pagkalapit niya kay Allyce at tinulungan itong tumayo. Tumango lang si Allyce at ngumiti nang tipid. Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. Akala niya ay mahuhuli sila ng kaniyang anak at ni Stephan sa ganoong pwesto. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksiyon nito at kung ano ang kaniyang irarason. Sa kabila ng lahat, nagngingit ang kaniyang kalooban kung bakit hinayaan niya ang sariling maging marupok at mahina kapag nasa tabi-tabi lang ang asawa at talaga namang nanghihina siya kanina nang maramdaman ang pamilyar na mga bisig at titig nito. Gusto niyang sumigaw dahil sa pagka-inis sa sarili. Gusto niyang pukpokin ang sariling ulo dahil sa hiya. Nagsisisi siya ngunit mayroong isang parte ng kaniyang puso na nasiyahan siya sa nangyari kahit na aga
ISANG busina ang umalingawngaw sa labas ng bahay ni Allyce. Nakakasiguro na siya kung sino iyon. Mabilis niyang h******n ang anak. “Be a good boy, okay? Don’t go outside or magpapasok ng ibang tao. Lock mo lang ang pinto, baby.” “Opo, mommy!” Nakanguso ang batang si Darkien. Ayaw niyang umalis ang kaniyang mommy ngayon at hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan. Panay habilin ang ginawa ni Allyce. Hindi niya kayang iwan ang anak subalit naisip niya naman si Stephan. Malaki ang naitulong nito sa kanilang mag-ina at nag-aalangan siyang tanggihan ito lalo na’t nakaready na ang lahat. “Hi?” bungad niya kay Stephan pagkabukas ng pinto. Tinignan ni Stephan si Allyce mula ulo hanggang paa at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. “Wow! Y-You look dazzling!” Tila na-speechless siya at hindi alam kung anong isaktong salita ang mahahalintulad sa magandang binibining nasa kaniyang harapan ngayon. Makikita ang maputi at makinis na balikat ni Allyce sa suot niyang cardinal red Bonnie
“Ang sama mo!” Nagpupumiglas si Allyce sa malakas na pagkahawak ni Stephan sa magkabilaan niyang kamay. “Pinagsisihan kong nakilala ka! Demonyo!” Hindi na inalintana ni Allyce ang tumatalsik niyang mga laway. Galit na galit siya ngayon sa tinuturi niyang mabuting tao. “Napakasama mong hayop ka!” “Hindi ako ang masama, Allyce! Ang asawa mo ang masama rito!” pagtatanggi ni Stephan. “Bakit? Iniwan ka niya! Kayong dalawa! Ako pa ba ang masama rito!?” “Oo! Ikaw ang masama rito! Ni kailanman ay hindi niya magagawang gawin ito sa akin! Hindi niya ako pipiliting gawin—” “Dahil mahal mo siya, Allyce! Mahal mo!” Lumayo nang kaunti si Stephan at napasabunot sa kaniyang sariling buhok. “Hindi ka mapipilitan dahil mahal mo siya!” Pumiyok ang kaniyang boses sa huling salita. Halata sa kaniya ang sobrang sakit. “Paano naman ako? Mahal kita, Allyce! Mahal na mahal! Hindi naman kita iiwan, e. Papanagutan kita! Aakuin ko rin si—” Malakas na sampal ang natanggap ni Stephan mula kay Allyce. “Dahil sa
“Charge the damages sa hayop na iyan!” Walang emosiyong tinuro ni Demon ang nakahandusay na si Stephan na ikinasilip naman ng lahat. Napanganga lang ang mga ito at hindi makapagsalita. Hindi sila makapaniwalang sinabihan lang na hayop ang sikat na modelo at napakayaman na CEO. Tila alam na nila ang nangyari subalit malaking puzzle pa rin sa kanila kung bakit nakialam ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Pinanood lang ng mga ito ang pagbuhat ni Demon sa nanghihinang asawa at nilampasan sila. Hindi nila kilala ang lalaki. Bago pa man makalayo nang husto si Demon ay narinig pa nila ang sinabi nito. “I will sue everyone na may papel sa nangyari rito.” Agad na nangilabot ang kanilang buong pagkatao sa hindi mapaliwanag na impact ng estranghero. Natatakot sila sa presensiya nito at ganoon na rin ang narinig nila mula rito. ••• Nanatiling nakatitig lang si Allyce sa seryosong mukha ng asawa habang buhat-buhat siya nito. Lumalakas nang lumakas ang kabog ng kaniyang puso at tila nagr
“Maayos na ang kalagayan ng pasyente at... nakakapagtataka nga lang.” “Huh? Anong ibig mong sabihin, dok?” Nagsalubong ang dalawang kilay ng isang lalaking nakasuot ng pormal na suit. Maayos ang pagka-ayos ng buhok nito na kulay blonde. “Ah, wala.” Umiling nang ilang ulit ang doctor tyaka nito nginitian ang lalaki. “Hindi malalim ang mga natamo niyang sugat at pasa kaya wala ka nang ipag-aalala pa.” “Salamat, dok.” Tumango lang ang doktor at lumabas. Napatingin naman ang naiwang lalaki sa nakahiga sa hospital bed. Tila ay mahimbing ang pagtulog nito at nakakaawa kung tignan. Puno nang pasa ang mukha nito lalo na rin ang iba't ibang parte nitong katawan. Hindi alam ni Justin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan. Hindi rin nagsalita ang mga crew at manager sa hotel sa nangyari. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa hospital. Lumapit siya sa hinihigaan ni Stephan at nanatiling nakatitig dito. Napapailing na lang siya at hindi a
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da
“Saan po kayo bababa, mam?” Napabalik sa reyalidad si Allyce nang marinig ang pagtatanong ng taxi driver. Agad siyang napatingin sa rear mirror at nakitang nakatingin sa kaniya ang driver. “Pasensiya na, manong. Doon lang po, pagkalampas ng malaking punong mangga na ’yon.” Sabay turo ni Allyce sa malaking punong mangga na nakatayo sa gilid ng kalsada. “Sige po, mam.” Tumango lang siya at ibinaling ang kaniyang ulo sa bintana. Ang kulay asul at dalandan na kalangitan ay naglalabanan, gayon pa man, ang magwawagi pa rin ay ang kadiliman ng gabi subalit ito'y sisikat ring muli at ang liwanag ang mananaig. Ngayon niya lang napansin na matagal na siyang nakatulala sa kawalan. Iniisip ang mga nangyari at mangyayari. Naguguluhan siya ngayon. Tama lang ang kaniyang ginawa na mag-commute dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Naramdaman na lang ni Allyce na huminto ang sinasakyan niyang taxi. Napabuga siya ng malalim na hangin bago lumabas ng taxi. Tanaw niya sa kaniyang kinaroroonan ang kaniy
“Mommy!” Mabilis na napadilat ng mata si Allyce nang marinig ang tinig ng kaniyang anak. Laking gulat at tuwa niya na makitang tumatakbo ito papalapit sa kaniya. Agad niya itong tinakbuhan at mahigpit na niyakap. Iyak ang maririnig kay Allyce. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyari at umaasang hindi siya nananaginip lamang. ‘Ligtas ang anak ko! Ligtas ang anak ko!’ Napadako ang tingin ni Allyce sa nakahandusay na si Stephan at kitang-kita rito ang paghihirap at matinding sakit habang inaapakan ni Demon ang dibdib nito. Galit na inangat ni Demon sa Stephan sa ere habang hawak niya ito sa kwelyo. Nangingisay ang binata habang panay sa pagdaloy ang masaganang dugo nito sa kaniyang kaliwang balikat mula sa pagkatama ng baril. Nanglalaki ang mga mata ni Stephan hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Wala pang isang segundo ang nakalipas ay naagaw ni Demon mula sa kaniya ang baril. Sobrang napakabilis ng pangyayari at nagbigay sa kaniya ng kilabot. “S-Sino ka?” nangingin
MADILIM tanging ang sinag ng buwan ang naging tanglaw ni Allyce upang makita ang kaniyang dinadaanan na halos nagblu-blur na ang kaniyang paningin sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nanunuot sa suot ni Allyce habang binabagtas nila ang naturang abandunadong gusali. Papatay-sindi ang mga ilaw na siyang nagbibigay ng kilabot kay Allyce. Naglilikha ng mahihinang ingay naman ang kanilang inaapakan habang sila'y humahakbang sa mga nagkalat at naghahalong mga tuyong dahon, lumang papel, at mga bitak na semento na galing sa gusali. Napakatahimik ng naturang lugar at hindi mapigilan ni Allyce ang kaniyang sarili na mapalunok at makaramdam ng kilabot sa oras na ito. Sa kabila ng takot at pangamba na kaniyang nararamdaman, hindi ito naging hadlang kay Allyce na mag-back out lalo na't buhay ng kaniyang anak ang nakasalalay sa puntong ito. “Ahh!” napatili si Allyce nang biglang may dumaan sa kaniyang paa lalo na’t nakasuot pa siya ng sandal na mayroong tatlong pulgada ang takong. “A