NANG makalabas ang batang si Darkien, palingon-lingon ito sa paligid ng kanilang bahay. Hinahanap-hanap ng kaniyang munting puso ang presensiya ng isang tao. Mabagal siyang naglakad papunta sa bakanting lote ng kinatatayuan ng kanilang bahay na nagsisilbing basketball court niya. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bola. Nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto at nakaramdam nang lungkot at pagkadismaya nang hindi dumating ang kaniyang hinihintay. Naiiyak siyang yumuko sa kaniyang ulo at mabigat ang mga paang naglakad papunta sa bench. Hindi mapaliwanag ng isang batang katulad niya ang sakit na kaniyang nararamdaman ng kaniyang inosenteng puso. Pagkaupo sa bench ay napasinghot ito at ginawang pangpunas ng kaniyang luha ang suot niyang damit. “Bakit umiyak ang pinakagwapo at pinakamabait na batang nakilala ko?” Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad na napa-angat ng ulo ang batang si Darkien. Nagningning ang madilim nitong mga mata nang makita ang taong kaniyang hinihintay.
“Aray!” d***g ni Allyce nang tumama ang kaniyang pwet sa malamig na sahig. “Mommy!” Mabilis na tumakbo ang batang si Darkien sa kaniyang mommy nang makita nitong nasaktan ito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Stephan pagkalapit niya kay Allyce at tinulungan itong tumayo. Tumango lang si Allyce at ngumiti nang tipid. Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. Akala niya ay mahuhuli sila ng kaniyang anak at ni Stephan sa ganoong pwesto. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksiyon nito at kung ano ang kaniyang irarason. Sa kabila ng lahat, nagngingit ang kaniyang kalooban kung bakit hinayaan niya ang sariling maging marupok at mahina kapag nasa tabi-tabi lang ang asawa at talaga namang nanghihina siya kanina nang maramdaman ang pamilyar na mga bisig at titig nito. Gusto niyang sumigaw dahil sa pagka-inis sa sarili. Gusto niyang pukpokin ang sariling ulo dahil sa hiya. Nagsisisi siya ngunit mayroong isang parte ng kaniyang puso na nasiyahan siya sa nangyari kahit na aga
ISANG busina ang umalingawngaw sa labas ng bahay ni Allyce. Nakakasiguro na siya kung sino iyon. Mabilis niyang h******n ang anak. “Be a good boy, okay? Don’t go outside or magpapasok ng ibang tao. Lock mo lang ang pinto, baby.” “Opo, mommy!” Nakanguso ang batang si Darkien. Ayaw niyang umalis ang kaniyang mommy ngayon at hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan. Panay habilin ang ginawa ni Allyce. Hindi niya kayang iwan ang anak subalit naisip niya naman si Stephan. Malaki ang naitulong nito sa kanilang mag-ina at nag-aalangan siyang tanggihan ito lalo na’t nakaready na ang lahat. “Hi?” bungad niya kay Stephan pagkabukas ng pinto. Tinignan ni Stephan si Allyce mula ulo hanggang paa at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. “Wow! Y-You look dazzling!” Tila na-speechless siya at hindi alam kung anong isaktong salita ang mahahalintulad sa magandang binibining nasa kaniyang harapan ngayon. Makikita ang maputi at makinis na balikat ni Allyce sa suot niyang cardinal red Bonnie
“Ang sama mo!” Nagpupumiglas si Allyce sa malakas na pagkahawak ni Stephan sa magkabilaan niyang kamay. “Pinagsisihan kong nakilala ka! Demonyo!” Hindi na inalintana ni Allyce ang tumatalsik niyang mga laway. Galit na galit siya ngayon sa tinuturi niyang mabuting tao. “Napakasama mong hayop ka!” “Hindi ako ang masama, Allyce! Ang asawa mo ang masama rito!” pagtatanggi ni Stephan. “Bakit? Iniwan ka niya! Kayong dalawa! Ako pa ba ang masama rito!?” “Oo! Ikaw ang masama rito! Ni kailanman ay hindi niya magagawang gawin ito sa akin! Hindi niya ako pipiliting gawin—” “Dahil mahal mo siya, Allyce! Mahal mo!” Lumayo nang kaunti si Stephan at napasabunot sa kaniyang sariling buhok. “Hindi ka mapipilitan dahil mahal mo siya!” Pumiyok ang kaniyang boses sa huling salita. Halata sa kaniya ang sobrang sakit. “Paano naman ako? Mahal kita, Allyce! Mahal na mahal! Hindi naman kita iiwan, e. Papanagutan kita! Aakuin ko rin si—” Malakas na sampal ang natanggap ni Stephan mula kay Allyce. “Dahil sa
“Charge the damages sa hayop na iyan!” Walang emosiyong tinuro ni Demon ang nakahandusay na si Stephan na ikinasilip naman ng lahat. Napanganga lang ang mga ito at hindi makapagsalita. Hindi sila makapaniwalang sinabihan lang na hayop ang sikat na modelo at napakayaman na CEO. Tila alam na nila ang nangyari subalit malaking puzzle pa rin sa kanila kung bakit nakialam ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Pinanood lang ng mga ito ang pagbuhat ni Demon sa nanghihinang asawa at nilampasan sila. Hindi nila kilala ang lalaki. Bago pa man makalayo nang husto si Demon ay narinig pa nila ang sinabi nito. “I will sue everyone na may papel sa nangyari rito.” Agad na nangilabot ang kanilang buong pagkatao sa hindi mapaliwanag na impact ng estranghero. Natatakot sila sa presensiya nito at ganoon na rin ang narinig nila mula rito. ••• Nanatiling nakatitig lang si Allyce sa seryosong mukha ng asawa habang buhat-buhat siya nito. Lumalakas nang lumakas ang kabog ng kaniyang puso at tila nagr
“Maayos na ang kalagayan ng pasyente at... nakakapagtataka nga lang.” “Huh? Anong ibig mong sabihin, dok?” Nagsalubong ang dalawang kilay ng isang lalaking nakasuot ng pormal na suit. Maayos ang pagka-ayos ng buhok nito na kulay blonde. “Ah, wala.” Umiling nang ilang ulit ang doctor tyaka nito nginitian ang lalaki. “Hindi malalim ang mga natamo niyang sugat at pasa kaya wala ka nang ipag-aalala pa.” “Salamat, dok.” Tumango lang ang doktor at lumabas. Napatingin naman ang naiwang lalaki sa nakahiga sa hospital bed. Tila ay mahimbing ang pagtulog nito at nakakaawa kung tignan. Puno nang pasa ang mukha nito lalo na rin ang iba't ibang parte nitong katawan. Hindi alam ni Justin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan. Hindi rin nagsalita ang mga crew at manager sa hotel sa nangyari. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa hospital. Lumapit siya sa hinihigaan ni Stephan at nanatiling nakatitig dito. Napapailing na lang siya at hindi a
“Isang pagkakataong kantiin n’yo ang asawa ko miski ang kadulo-dulohang hibla ng kaniyang buhok ay sisiguraduhin kong magsisisi kayo hanggang sa inyong hukay,” puno nang pagbabantang ani Demon sa tatlong dalaga. Ang malamig na boses at walang emosiyong mga mata ng estranghero at nagbigay ng takoy at nginig sa buong sistema ng tatlong dalaga ramdam nilang may kakaiba rito lalo na ang nag-uumapaw na malakas nitong awra na nagsasabing siya’y mapanganib at hindi na sila sisikatan pa ng araw. Naiwang nakanganga at nakatanaw ang tatlong dalaga habang papalayo nang papalayo na ang kotseng sinasakyan ni Allyce at ng estrangherong lalaki. “S-Sino siya?” halos pabulong na tanong ni Christine sa dalawang katrabaho niya. Hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tinsin sa direksiyon kung saan nakaalis ang kotse. “Duh! Haven’t you heard it, Christine? Asawa nga, hindi ba?” Sabay ikot ng mata ni Shena sa tangang katrabaho. “Ay! Oo nga pala. Ang gwapo ng asawa ni Allyce, kyaah!” tiling aniya. “Mas
“Let’s have a fun race, my love. Pupunta na ako sa school ni Darkien. Paunahan na lang.” Isang mensahe galing kay Stephan ang nagpakaba nang husto kay Allyce. Nagsiunahan namang pumatak ang kaniyang mga luha at napahagulgol siya ng iyak. “Sasama ako.” Hindi na nag-abalang magsalita si Allyce at hinayaan ang kaniyang demonyong asawa na ngayo’y nagmamaneho sa sinasakyan nila. Hindi mapigilan ni Allyce na mangatal ang labi at mag-overthink. Halos hindi na aiya makahinga sa matinding kaba, takot, at pangambang kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kakayaning mawala sa kaniya ang anak. Ito na lang ang pinahahalagahan niya—higit sa kaniyang buhay. Napapasulyap si Demon sa kaniyang asawa. Gustuhin man niyang yakapin at pagaanin ang loob nito subalit alam niyang mas ikakagalit pa nito kung sakaling gagawin niya iyon. Sa putong ito, ang mas mahalagang gawin ay ang maunahan nila si Stephan. Kunot-noong pinukos ni Demon ang kaniyang atensiyon sa kalsada at napakabilis ng kaniyang pagmaman
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da
“Saan po kayo bababa, mam?” Napabalik sa reyalidad si Allyce nang marinig ang pagtatanong ng taxi driver. Agad siyang napatingin sa rear mirror at nakitang nakatingin sa kaniya ang driver. “Pasensiya na, manong. Doon lang po, pagkalampas ng malaking punong mangga na ’yon.” Sabay turo ni Allyce sa malaking punong mangga na nakatayo sa gilid ng kalsada. “Sige po, mam.” Tumango lang siya at ibinaling ang kaniyang ulo sa bintana. Ang kulay asul at dalandan na kalangitan ay naglalabanan, gayon pa man, ang magwawagi pa rin ay ang kadiliman ng gabi subalit ito'y sisikat ring muli at ang liwanag ang mananaig. Ngayon niya lang napansin na matagal na siyang nakatulala sa kawalan. Iniisip ang mga nangyari at mangyayari. Naguguluhan siya ngayon. Tama lang ang kaniyang ginawa na mag-commute dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Naramdaman na lang ni Allyce na huminto ang sinasakyan niyang taxi. Napabuga siya ng malalim na hangin bago lumabas ng taxi. Tanaw niya sa kaniyang kinaroroonan ang kaniy
“Mommy!” Mabilis na napadilat ng mata si Allyce nang marinig ang tinig ng kaniyang anak. Laking gulat at tuwa niya na makitang tumatakbo ito papalapit sa kaniya. Agad niya itong tinakbuhan at mahigpit na niyakap. Iyak ang maririnig kay Allyce. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyari at umaasang hindi siya nananaginip lamang. ‘Ligtas ang anak ko! Ligtas ang anak ko!’ Napadako ang tingin ni Allyce sa nakahandusay na si Stephan at kitang-kita rito ang paghihirap at matinding sakit habang inaapakan ni Demon ang dibdib nito. Galit na inangat ni Demon sa Stephan sa ere habang hawak niya ito sa kwelyo. Nangingisay ang binata habang panay sa pagdaloy ang masaganang dugo nito sa kaniyang kaliwang balikat mula sa pagkatama ng baril. Nanglalaki ang mga mata ni Stephan hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Wala pang isang segundo ang nakalipas ay naagaw ni Demon mula sa kaniya ang baril. Sobrang napakabilis ng pangyayari at nagbigay sa kaniya ng kilabot. “S-Sino ka?” nangingin
MADILIM tanging ang sinag ng buwan ang naging tanglaw ni Allyce upang makita ang kaniyang dinadaanan na halos nagblu-blur na ang kaniyang paningin sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nanunuot sa suot ni Allyce habang binabagtas nila ang naturang abandunadong gusali. Papatay-sindi ang mga ilaw na siyang nagbibigay ng kilabot kay Allyce. Naglilikha ng mahihinang ingay naman ang kanilang inaapakan habang sila'y humahakbang sa mga nagkalat at naghahalong mga tuyong dahon, lumang papel, at mga bitak na semento na galing sa gusali. Napakatahimik ng naturang lugar at hindi mapigilan ni Allyce ang kaniyang sarili na mapalunok at makaramdam ng kilabot sa oras na ito. Sa kabila ng takot at pangamba na kaniyang nararamdaman, hindi ito naging hadlang kay Allyce na mag-back out lalo na't buhay ng kaniyang anak ang nakasalalay sa puntong ito. “Ahh!” napatili si Allyce nang biglang may dumaan sa kaniyang paa lalo na’t nakasuot pa siya ng sandal na mayroong tatlong pulgada ang takong. “A