Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-12-31 02:47:14

“Oh pare, akala ko magbabakasyon ka muna ng ilang araw?” Tinig iyon ni Chris, ang kanyang kaibigan at kasosyo sa law firm. 

Napangiti si Tri, “You know me, pare. Mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag nasa opisina ako at tambak ng trabaho.”

“Whatever floats your boat, bro. Basta kung kailangan mo ng coffee buddy, just let me know.” 

Napangiti si Tri sa matalik niyang kaibigan. Nalalaman nito ang pinagdadaanan nilang kapatid. Subalit kung mayroon mang isang bagay na natutunan si Tri sa kanyang pagtanda, iyon ay ang paghiwalayin ang personal niyang buhay sa kanyang propesyon. Sa pagtatrabaho niya ibinubuhos ang kanyang lakas upang pansamantalang makalimot. 

Buong sigasig siyang pumasok sa kanyang opisina. Ang Legal Legends Law Firm ay ang resulta ng pangarap at pagsisikap nila ni Chris. Nang parehong makapasa sa bar exams, nagsimula na silang buoin ang kumpanyang ito. Bagamat pribado itong law firm, tumatanggap din sila ng mga pro bono cases lalo na iyong mga kasong ang mga biktima ay walang-wala talaga sa buhay. Pareho silang hindi ipinanganak na may kaya sa buhay kaya batid nila ang pinaghuhugutan ng mga taong ito. Sabi nga, mayaman o mahirap ay may karapatan sa pagkamit ng hustisya.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng mga mahahalagang papeles nang marinig ang isang banayad na pagkatok. Pagkatapos, iniluwa ng pinto ang kanyang sekretarya.

“Sir, someone wants to see you.”

Napakunot ng noo si Tri. “I didn’t know I had an appointment this morning.”

“You haven’t,” sagot ng kanyang sekretarya. “But the woman said you’ll be happy to meet her once I told you she was here because of your sister.”

“My sister?” ulit ng binatang abogado. “Send her in.” Naguguluhan man ay pumayag itong harapin ang hindi inaasahang bisita. 

Makalipas ang ilang sandali, pumasok muli ang kanyang sekretarya kasunod ang isang matandang babae. Sa tikas pa lamang nito, halatang may sinasabi ito sa buhay. Ang kanyang suot ay kagaya ng tabas ng bistidang paboritong sinusuot ni Queen Elizabeth of England. Ang kanyang balat ay napapalamutian ng isang gintong singsing at perlas na kwintas. Sa likod niya ay may nakatayong tatlong lalaking unipormado. Base sa suot nilang black suit at black shades, mukha silang mga agents ng Men In Black. 

“You must be Atty. Dimitri Castillo?” bungad nito pagkatapos iwanan ng kanyang sekretarya. 

“Yes, madam,” kaswal na bati ng binata sabay mostra rito upang maupo sa nakahandang silya. “And you are?”

“Anastacia Veronica Gracia Trinidad Dela Vega. I am Sandro Dela Vega’s grandmother.” 

Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka. Tila ba nahalata ng matanda ang iniisip ng binata kaya’t ito ay nagpatuloy sa pagsasalita. “In case you didn’t know, Sandro Dela Vega is the man your sister was abducted with.”

“And what does it have to do with my sister?” direstsahan niyang tanong sa ginang. “As far as I know, they both moved on with their lives after that unfortunate incident.”

Bahagyang napahalakhak ang babae. “Believe me, Atty. Castillo. Everything has to do with your sister lalo na ngayong dinadala niya ang magiging anak ng apo ko.”

Napalunok si Tri at bahagyang nagulat sa tinuran ng kausap. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Higit sa lahat, paano nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang kapatid gayong silang tatlo lamang nila Jhaz ang nakakaalam tungkol dito?

Sa ikalawang pagkakataon, tila ba nahulaan ng matanda ang kanyang iniisip. “Marahil ay nagtataka ka kung paano at saan ko nakuha ang impormasyon tungkol sa pagbubuntis ng iyong kapatid ngunit hindi na iyon importante. Ang mahalaga ay ang pag-usapan ang magiging kapakanan ng sanggol na kanyang dinadala.”

“Mawalang-galang na po, Misis,” tugon ni Tri. “Bakit po ba sobra ang interest ninyo sa batang dinadala ng kapatid ko?” 

“Si Sandro ay ang aking nag-iisang apo, the current heir to the Dela Vega Empire,” simple niyang paliwanag. 

Kilala niya ang mga Dela Vega. Alam niya kung gaano ito kayaman. Sikat ang angkan nito sa mga high end nilang kliyente. Bukambibig ang mga ito sa business world. 

Muling nagsalita ang matandang babae, “Ang batang ipinagbubuntis ng kapatid mo ang kanyang tanging tagapagmana.”

“Tanging tagapagmana?” ulit ng binata. “Paanong mangyayari iyon eh lalaki ang apo n’yo. Kung gugustuhin niya, maaari pa siyang magkaanak sa kahit sinong babaeng gustuhin niya. Bakit kailangang madamay pa kami rito?”

“I wish it would be that easy, Atty. Castillo. Hindi na muling magkakaanak pa si Sandro sapagkat na-damage ang kanyang p*********i noong dinukot sila ng kapatid mo.” Napanganga ang binata sa narinig subalit pinili niyang manahimik.

Bakas sa mukha ng ginang ang matinding kalungkutan. Gayon man, napalitan ito ng banayad na pag-asa, “You see, your sister’s child is the only hope of our dying clan. At handa akong ipakasal ang aking apo sa iyong kapatid alang-alang sa sanggol na dinadala niya.”

Kasal? Hinihingi ng matandang Dela Vega ang kamay ng kanyang pinakamamahal na kapatid! 

Napahilamos ng mukha ang binata. Hindi biro para sa isang lalaki ang mawalan ng kakayahang mag-anak lalo na sa mga pamilyang gaya ng mga Dela Vega. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang emosyong pinapakita ng matandang Dela Vega. Subalit buhay at kinabukasan ng kanyang kapatid ang nakataya rito. Magagawa ba niya itong ipagkatiwala sa isang pamilyang ngayon lamang niya nakadaupang palad? 

Hindi, hindi siya papayag. Nangako siya sa kanyang mga magulang na poproteksyunan ang kapatid sa abot ng kanyang makakaya. Lalo na ngayon at magkakaanak na ito dahil sa isang nakakarimarim na pangyayari. Wala na itong maaasahan kundi siya.

“At kung hindi ako pumayag?” matigas na sagot ng binata. “Ano ba ang pakialam namin kung mabura ang angkan n’yo sa mundo? Kinabukasan ng kapatid at pamangkin ko ang nakataya rito. Hindi ako papayag na makasal ang apo n’yo sa kapatid ko ng ganun-ganun lang.”

Hindi nagpatinag ang ginang. Ikinumpas nito ang kanyang kamay sa mga unipormadong lalaki. Tumugon ang isa sa mga ito sa pamamagitan ng pag-abot ng isang envelope. Marahan itong ipinatong ng babae sa ibabaw ng lamesa. 

“Ang envelope na iyan ay naglalaman ng lahat ng assets and properties ng Dela Vega Empire hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Kung iniisip ninyong hindi namin—”

“Hindi ko ipinagbibili ang kamay ng kapatid ko!” asik niya. “Kaya ko silang buhaying mag-ina. Hindi namin kailangan ng pera ninyo! Pasensya na ngunit mas mabuting umalis na kayo bago pa ako may masabing tiyak na pagsisisihan ko.”

Nakita ni Tri na naalarma ang mga bantay ng ginang sa pagtaas ng kanyang boses. Ang isa rito ay bahagya pang lumingon pakaliwa na animo may binubulong sa hangin. Muli niyang nakita ang pagkumpas ng kamay ni Madam Anastacia. Pagkaraan ay agad na pumayapa ang mga unipormadong lalaki. 

Hindi siya nakakita ni kaunting bakas ng pagkagitla ang ginang. Nanatili itong mahinahon. Subalit may nagbago sa mga mata nito. Mula sa payapa nitong pagtitig, napalitan ito ng hindi maipaliwanag na bangis.

Sa hindi niya malamang dahilan, nakaramdam siya ng banayad na pagkatakot dito. 

“Ipagpaumanhin ninyo, Atty. Castillo. Hindi ko nais insultuhin ang kakayahan mong suportahan ang kapatid mo. Higit sa lahat, napahanga mo ako sa tibay ng iyong prinsipyo. Subalit hanggang saan ka dadalhin ng iyong integridad kung ikapapahamak naman ito ng mga mahal mo sa buhay? Kung madali para sa akin malaman ang pagbubuntis ng kapatid mo, hindi rin magiging mahirap para sa akin na isa-isahin ang mga taong nasa paligid mo.”

“Are you threatening me, Mrs. Dela Vega?” kuyom-palad niyang tanong sa matanda. Napatayo na rin ito dala ng emosyon.

“You know very well that this is not an empty threat. Wala akong hindi kayang gawin para makuha ang batang ipinagbubuntis ng kapatid mo. Hindi ako masamang tao, Atty. Castillo. Tao akong humarap sa iyo. Subalit kaya kong maging demonyo kung kapalit nito ay ang kasiguraduhang magpapatuloy ang aming angkan. Kagaya mo, kaya ko rin gawin ang lahat para sa pamilya.” 

Isang malalim na buntong hininga ang tanging naging kasagutan ng binata. Alam niya sa sarili niya kung ano ang kayang gawin ng kausap. Kahit pa batas ay kaya nitong baliin. Hindi ito gaya ng mga nakakaharap niya sa korte. Alam niyang napakalaking tao ng kanyang babanggain.

“Ipinapangako ko sa ngalan ng aming angkan na aalagaan at poproteksyunan ko ang iyong kapatid at ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi ako papayag na may manakit at mang-api sa dalagang sasalba sa aming pamilya. Mag-isip kang mabuti, Atty. Castillo. Alam kong matalino ka. Ngayon pa lang, simulan mo nang ayusin ang kinabukasan ng kapatid mo. Lalo na at nasa hindi maayos na kondisyon ang katawan mo sa ngayon,” makahulugan nitong turan sa binata.

Nanlaki ang mata ni Tri sa narinig. “Wag mong sabihin na alam n’yo rin ang tungkol sa—”

“I know everything about your family, Atty. Castillo. I’ve done my research well. Alam kong may sakit ka at hindi nakabubuti sa iyong kalusugan ang nangyari sa kapatid mo. I am offering you a deal of a lifetime. Pumayag kang ipakasal sa apo ko ang kapatid mo at sisiguraduhin kong magiging maayos ang kalagayan niya. Hindi ka man magtagumpay na labanan ang sakit mo, mamatay kang may ngiti sa mga labi dahil alam mong nasa mabuting kalagayan ang pinakamamahal mong kapatid.”

Pabagsak na napaupo si Tri sa kanyang upuan. Hindi nito malaman kung paano magre-react sa nangyayari. Kahit ang gaya niyang abogado na sanay sa mga ganitong klaseng diskusyon ay tila walang nagawa sa pakikipagtalastasan ng matanda. Alam niya sa sarili niyang na-corner na siya ng kausap. 

Alam niyang kapag nagmatigas pa siya, hindi lamang silang magkapatid ang mapapahamak kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid nila. At hindi iyon kakayanin ng kanyang konsensya!

“Hindi mo kailangang magdesisyon sa ngayon. Alam kong naging mabilis ang mga bagay-bagay. Bibigyan kita ng sapat na oras para pag-isipan—”

“Hindi na kailangan. Para saan pa na patatagalin natin ang bagay na ito kung sa huli, mapipilitan pa rin akong pumayag sa gusto ninyo?” sarkastikong turan ni Tri. Napangisi naman ang kausap. 

“Isa lamang ang ipinag-aalala ko,” pagpapatuloy ng binata. “Paano ang apo ninyo? Alam ba niya ang nakatakdang maganap sa pagitan nila ng kapatid ko?”  

“Leave everything to me, Atty. Castillo,” ani ng ginang. “Ako na ang bahala sa apo ko.”

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Missy F
kawawa naman si Tri may sakit pala, sana gumaling pa sya..ambait na Kuya
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hindi alam ni I Iyv na may sakit ka Kita TRI
goodnovel comment avatar
Levy De Asis Pestanas
wla nang magawa c kuya tri, kapakanan na nang kapatid nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 4

    Chapter 4“You can’t be serious, Mamita.”“Oh, try me Alessandro Francisco,” she said in a challenging tone. “You know I am.”Isang nakakatakot na tingin ang ipinukol ng matanda sa kausap dahilan upang bahagya itong mapa-atras. Never in his 35 years of existence has his grandmother looked at him like that. He was the apple of her eyes! But now, she gazed at him like a fierce lioness ready to devour her prey.If looks can kill, he is probably dead by now.Ito na marahil ang sinasabi nilang bangis ng matriarka ng kanilang pamilya: the fearsome Lioness of the Dela Vegas.

    Last Updated : 2021-12-31
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 5

    Dumating ang nakatakdang pagmamanhikan ng dalawang pamilya. Ang gusto sana ng pamilya ni Lyvette, sa bahay na lamang ganapin ang lahat kagaya ng nakagawian. Subalit mapilit ang mga Dela Vega. Sa pagkakataon na ito naman daw sana ay hayaan silang sa side naman nila ganapin ang lahat. Sa huli, napapayag ang mga Castillo.The venue where the pre-wedding tradition will commence is at Casa dela Nobleza, one of the luxury hotels in the list of luxurious establishments the Dela Vega’s owned. It was seated on a man-made island located not far from the Metro.Moments later, a Rolls Royce arrived accompanying them through the highly-guarded entrance. Nagkatinginan ang magkapatid habang nagmamasid sa lugar. Manghang-mangha si Lyvette sa ganda ng paligid. Nakakapunta naman sila sa mga high end na

    Last Updated : 2021-12-31
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 6

    “Vana! Baby are you okay? What happened?”Sandro saw his girl laying on her bed. Eyes closed, the stress was evident in her angelic face. Mukhang hindi siya nakakapagpahinga ng maayos.His eyes went down to her wrist. Nakabenda ito. He held her hand and caressed it gently. Tears started to roll down in his cheeks.“I am sorry, Baby. I never meant for this to happen,” he uttered. Puno ng pagsisi ang puso ng binata. Bakit hindi? Siya lang naman ang dahilan kung bakit pinagtangkaan ng babae ang kanyang buhay!Few days ago, he broke up with her telling that he is bound to marry another woman because she was carrying his child. Sandro tried to reason out by telling her how he end

    Last Updated : 2022-01-05
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 7

    “Good morning, Lyv,” mahinang bati ng lalaki.Si Aylo Villanueva!After knowing about the supposed betrothal to Sandro Dela Vega, Lyv took time for herself. She disconnected herself from the world for a while. Kahit sa mga barkada niya at maging kay Aylo. Kaya naman isang malaking surpresa sa kanya ang pagbisita ng huli.“Magandang umaga rin, sa’yo Aylo. Hinahanap mo raw ako sabi ni Kuya?” wika ng dalaga sabay ngiti sa binatang matagal rin niyang hindi nasilayan. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan subalit bahagyang kalungkutan ang namamayani sa mga abuhing mata nito. Isang matamis na ngiti ang tanging naisukli ng kausap.He was wearing his typical rugged outfit; a simple white shir

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 8

    “Totoo ba ang balitang ikakasal ka na raw?”A sweet smile formed on Sandro’s lips. He then answered without hesitation, “Yes. I am getting married soon.”Umalingawngaw ang hiyawan sa buong studio. May sumisigaw sa kilig, may iba naman na sumisigaw dahil sa panghihinayang. Bakit hindi? Ang gwapong tagapagmana ng mga Dela Vega ay nakatakda nang ikasal.Hindi man isang artista o modelo, popular ang binatang si Sandro hindi lamang sa mundo ng pagnenegosyo kundi sa mundo rin ng social media. Naglipana ang mga panakaw niyang kuha iba’t-ibang social media platforms. Hindi siya mahirap kuhanan ng larawan. Active kasi ito sa mga social gatherings at charity works. Nai-invite rin ang batang negosyan

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 9

    “What was that all about, V? Tell me what came to your mind for you to do that? Tell me! TELL ME!!!”In a decade of being together, never did Sadro raise his voice at Vana. He was the patient one and always believed that everything could be settled peacefully. Only this time, he had reached his limit. Nasagad siya ng sobra sa ginawa ng kasintahan sa event na ‘yon.“So you’re pinning the blame on me now, huh?” Vana scoffed.“Then who’s fault was it? Me? I am not the one who went to that event unannounced and started wrecking the place! Do you know how embarrassing it is for me?”“At ako, Sandro? Hindi ba ako napapahiya sa ginagawa mo? Harap-harap

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 10

    “Shuta ka bakla! Mala-Miss Universe ang beauty mo ngayon!”Tinig iyon ni Allaine. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid kung saan inaayusan ang bride. Sa hiling ni Lyv, napilitan ang huli na samahan siya sa loob ng make-up room. Si Jhaz dapat ang kasama nito subalit dahil ito ang kanyang maid-of-honor, nasa hiwalay na silid ito habang inaayusan din.Gustuhin man niyang ibitahan ang buo nilang barkadahan sa araw na iyon ay hindi na nagawa ni Lyv. Sa hiling na rin ng kanyang Kuya, napagkasunduan nilang gawing pribado ang kasal na magaganap. Piliing-pili lamang ang pinadalhan ng imbitasyon sa kasalang iyon. Masasaksihan pa rin naman ng madla ang lahat sa pamamagitan ng isang live telecast, bagay na hindi maintindihan ni Lyv. Ano pa ang sense na gawing pribado ang kasalan kung ipapalabas din naman sa telebisyon? Sa huli, ipin

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 11

    For this reason a man shall leave his father and his mother, and be joined to his wife; and they shall become one flesh.Lyv clenched her bible close to her heart as she meditated on the verse she just read. She closed her eyes while uttering a short prayer asking God for guidance and comfort. Her mind was in chaos yet she clung on the promise of peace and hope provided by that one book where she was drawing her strength from. For that day, she would venture in her new life; alone and most certainly afraid.“Okay lang po ba kayo, ma’am?” Ang boses na iyon ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng dalaga sabay sabing, “Okay na po, Kuya. Salamat.”“Mabuti naman po kung ganoon. Huwag kayong mas

    Last Updated : 2022-01-17

Latest chapter

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Epilogue

    EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 81

    Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 80

    Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 79

    Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 78

    Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 77

    Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 76

    Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 75

    Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 74

    “Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n

DMCA.com Protection Status