Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2021-12-31 02:42:25

Chapter 2

“Lyv, are you sure you’re okay? Pwede kitang samahan kung gusto mo.”

Tinig iyon ng kanyang Kuya Dimitri. Naroon siya ngayon sa kanyang kwarto habang pinapanood siyang mag-ayos. Papunta si Lyv sa high school reunion ng kanilang batch. 

“Okay lang ako, Kuya. Lalo lamang akong mabu-buang kung mananatili ako sa bahay,” sagot ng dalaga. Napabuntong-hininga naman ang kaniyang Kuya. 

“Baka naman pwede kang magpaalam na huwag nang pumunta? I am sure, maiintindihan naman nila kung bakit.”

“Kina Eli lang naman ako pupunta para sabay-sabay na kami,” katwiran nito. “Nandoon na sila Lab, Kaye, Jade, Zey, Darcey at Joana. Kanina pa sila naghihintay. Nakakahiya naman kung magba-back out pa ako”

“Pero-”

“Sa mansion nila Allaine na kapatid ni Congressman Jerome gaganapin ung reunion kaya bantay-sarado,” putol ng dalaga sa kanyang sasabihin.  “Si Jhaz na raw magsasabay sa akin since batchmate ko rin naman yang jowa mo. At isa pa, nandoon din naman si Aylo. Hindi ako pababayaan nun.”

Si Aylo ay ang kanyang kababata na nanliligaw sa kanya mula high school. Isa itong simpleng negosyante na nagsusumikap na palaguin ang maliit na negosyong manukan na iniwan ng kanyang namayapang magulang. Kagaya nila, ulila na rin ito sa magulang at mag-isang binubuhay ang sarili. Legal niya itong manliligaw. Kaya lang, hindi pa nito nakukuha ang loob ng kanyang Kuya. Nais muna ng kanyang Kuya na makitang matagumpay ito sa buhay. Naiintindihan naman niya ito sapagkat nais lamang ng kanyang kapatid na maging maayos ang kanyang kinabukasan sakaling magdesisyon na siyang magpakasal at bumuo ng pamilya.  Ang totoo, may pagtingin din siya para sa binata subalit pareho nilang napagkasunduan na hindi na muna papasok sa isang opisyal na relasyon hanggat hindi pa naaabot ang kanilang mga pangarap at adhikain sa buhay. 

Batid nito ang nangyari sa kanya. Kagaya ng kanyang Kuya Tri, labis-labis din ang paghihinagpis nito nang nalaman ang kanyang sinapit. Aniya, kung naging mayaman lamang ito, sana’y naihahatid-sundo niya ang dalaga sa mga lugar na nais nitong puntahan dala ang sarili nitong sasakyan. Subalit dahil hindi rin gaanong pinalad sa buhay, wala siyang magawa sa kanilang sitwasyon. Sa kabila ng lahat, ipinagpapasalamat ni Lyvette na dumating ang binata sa kanyang buhay. Isa ito sa mga naging sandigan niya upang malampasan ang kanyang kalunos-lunos na karanasan.

Itinaas na ng kanyang Kuya Tri ang kamay tanda ng pagsuko. Hindi na ito nagsalita at pinagmasdan na lamang siya sa kanyang ginagawa. Kahit kilala naman nito ang kanyang barkada, hindi pa rin ito kampante na iwan siya mag-isa. Naging paranoid ang kanyang Kuya buhat ng madukot siya. Hindi ito napapalagay tuwing nawawala ang kapatid na babae sa kanyang paningin.

Lyvette looked at her Kuya Tri lovingly. Siya na lamang ang natitira nitong pamilya. Wala na ang mga parents nila na kapwa namatay sa cancer. Mas matanda si Tri sa kanya ng sampung taon. Sa kabila ng edad nito, hindi pa rin siya nagpo-propose sa kanyang girlfriend na si Jhaz. Hindi nito magawa hangga’t hindi pa raw siya nagiging flight attendant. 

Such an unselfish thing to do. Palaging inuuna ng Kuya ang kanyang kapakanan bago ang sarili.

Magda-dalawang buwan na simula ng mangyari ang bangungot na iyon. Tuluyan nang nabago ang kanilang buhay pagkatapos. 

Naging mas protective at overbearing ang kanyang Kuya. She let him be kahit minsan ay nasasakal na rin siya. Siguro iyon ang way nito para mag-move on. Sinisisi kasi nito ang kanyang sarili sa nangyari sa kanya. Kung hindi lang daw sana ito nag-inarte na bumili ng kape bago siya sunduin, baka hindi raw siya na-kidnap nung lalaki. 

She can vividly remember that night like it was just yesterday. Yung panahon na akala niya, katapusan na niya. Mabuti na lamang at bago pa sila  napatay nung psychopath na iyon, na-rescue na sila ng mga pulis. Tandang-tanda pa rin ng dalaga kung paano naglupasay ang kanyang Kuya pagdating sa police station after finding out what had happened. 

He was never the same after that. 

According to the investigation, that man was a serial-psycho pervert. Isa itong frustrated film director who never made it in the industry. Hindi na siya magtataka kung bakit knowing how twisted his views are about art. 

Kumi-kidnap ito ng mga magagandang babae para gawing kapareha. May particular taste daw ito sa mga babaeng matatangkad, mapuputi at may mahahabang buhok; mga bagay na mayroon din si Lyv. Tambayan daw talaga nito ang lugar malapit sa opisina ng Paraiso Airlines dahil dagsa ang mga babaeng dumadayo dito na nagpi-fit sa profile na gusto nito. Salamat na lang sa Diyos at nakaligtas sila. Ngunit sa kasamaang palad, nakatakas ang lalaki at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad. 

Lyv took out her favorite purse from the dresser. Excited niyang sinulyapan ang sarili mula sa salamin. Ito ang unang pagkakataon na makiki-socialize siya pagkatapos ng insidente. Sinigurado muna niyang okay na siya bago niya harapin ang kanyang mga kaibigan.

Wala pa ring imik ang kanyang Kuya Tri. Nakatingin ito sa sahig at malalim na nag-iisip. Hindi na napigilan ni Lyv na yumakap sa kanya. Hinimas naman nito ang kanyang buhok. 

“Don’t worry, Kuya. Kaya ko ang sarili ko. Pero if it would make you feel better, 3 hours lang ako dun. Pagkatapos, pwede mo na akong sunduin.”

Nagliwanag ang mukha nito. “Talaga? Promise yan ha?”

“Promise Kuya. Now let me just-”

Biglang umikot ang kanyang paningin dahilan para mapahawak siya sa balikat ng kanyang Kuya Tri. All of a sudden, she felt like she was riding on a roller coaster. Pakiramdam niya, hinahalukay ang kanyang mga lamang-loob. Maya-maya pa ay umakyat na ang mainit at maasim na likido mula sa kanyang tiyan. Bago ko pa niya ito ikalat sa sahig ng kanyang kwarto, agad na siyang tumakbo papunta ng banyo.

Bleggggggghhh!!!

Sunud-sunod ang kanyang pagduwal. Daig pa niya ang nag-byahe sa dagat sa sobrang pagkahilo. Naramdaman na rin niya na sumunod ang kanyang  Kuya Tri sa banyo. Panay ang himas nito sa kanyang likod. 

Nang mahimasmasan, nagmumog siya upang mahugasan ang asim sa kanyang bibig. Lumabas na rin siya sa banyo at naupo sa gilid ng kanyang kama habang nakaalalay si Tri. May bahagya pa ring panginginig sa kanyang katawan subalit pahupa na ito.

Maya-maya pa, isang nakakasulasok na amoy ang pumaligid sa silid. As if on queue, iniluwa ng pinto ang bulto ni Jhaz.

“Ano ba yan, sis! Amoy ewan naman yang pabango mo! Amoy bulaklak ng patay!”

Makabuluhang nagkatinginan sina Tri at Jhaz. Natanaw ni Lyv na napalunok ang kanyang Kuya habang natutop naman ni Jhaz ang kanyang bibig. Sabay silang nakatitig sa kanya na puno ng pag-alala. She hated them for staring at her like that. She felt something was very wrong and was scared to find out what. Nagsimula na ring dumagundong ang kanyang d****b.

“What is it??” kinakabahan niyang tanong.  

“Tell me, Lyv,” si Tri. “Kailan ka huling dinatnan?”

__________________________________

Walang humpay ang pagpalahaw ni Tri. Punum-puno ng hinagpis ang loob ng kanilang tahanan. Panay naman ang pag-aalo ni Jhaz sa kanyang Kuya. Para na kasi itong mawawalan ng bait. 

Wala nang maiiyak ang dalaga. Ubos na ubos na ito. Akala niya, maibabaon niya sa limot ang nangyari nang gabing iyon. Akala niya, makakabangon siya. But she was wrong. Because now, she is holding the proof of its lasting effect on her. 

Noong una ay in-denial pa silang magkapatid. Pagkatapos ng ilang positibong pregnancy tests, minabuti na nilang magpatingin sa isang ospital para makasiguro. Ang kaliit-liitang pag-asa na mayroon sila ay tuluyang binura ng tatlong salitang namutawi sa bibig ng doktor. 

“Congratulations, you’re pregnant!!”

Napakapit ang dalaga sa kanyang d****b dahil sa pagsikip ng paghinga. She never sees this coming. No one did. Sa pelikula lang niya nakikita ang mga ganitong eksena. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nangyari na ito sa totoong buhay.

“I am sorry, Lyv!” untag ng kanyang Kuya. Nakaluhod ito sa kanyang harapan na animo’y nagmamakaawa. “Hindi kita na-protektahan gaya ng ipinangako ko kina Nanay at Tatay. I was a failure as a brother. Inutil ako! Inutil! Inutil!” Sunud-sunod nitong dinagukan ang sarili. Lalo siyang naawa sa kalagayan ng kanyang Kuya. Niyakap na lamang niya ito ng buong pagmamahal, buong pag-unawa. 

“It’s okay, Kuya Tri. Wala kang kasalanan so stop blaming yourself. Kakayanin natin itong pagsubok na ito. Tayo pa ba eh mga Castillo yata tayo!” 

She tried to put positivity and enthusiasm to her words. Sobra-sobra na ang paghihirap ng kanyang kapatid sa kanya. Natatakot siyang baka tuluyan na itong mawala sa katinuan.

Kailangan niyang magpakatatag para rito.

Lumapit na rin si Jhaz at niyapos ang binata. Wala silang masasandalan kundi ang isa’t-isa. Wala na silang magagawa. Ang kapalaran na ang nagtakda. Paulit-ulit  man nilang itanong kung bakit ang pamilya pa nila ang napili ng Diyos na ilagay sa ganitong sitwasyon, wala rin silang malalamang kasagutan. Nangyari na ang nangyari. Wala nang atrasan. Wala na rin siyang babalikan mula sa dati niyang buhay. 

This is her  truth now. Ang maging sapilitang ina.

___________________________________________________________________

“Positive, madam. Miss Castillo is pregnant.”

“A-are you sure about that, Georgie?” nag-aalangang tugon ng matandang babae. 

“100%. Nakausap ko na po ang mga tauhan natin na nagmamatyag sa pamilya ng dalaga. Ang doktor  mismo na tumingin sa kanya ang nagkumpirma.”

Hindi na nagtaka pa ang ginang sa narinig. They were the Dela Vegas after all. Kahit pa ang pribadong kasunduan sa pagitan ng mga doktor at pasyente ay kaya nilang baliin. They certainly knew how to work things out. Kahit na yung pinaka-imposible. 

Anastacia Dela Vega is the matriarch of the prestigious family. At 60, she still looked strong and fabulous. Hindi ito mahilig sa kolorete subalit lagi itong mukhang presentable. Sa malayo, aakalain mong siya ang reyna ng Inglatera dahil sa porma at bikas nito.

The Dela Vega’s are known to the business industry. Bakit hindi? Sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Land Developing Company sa Asya. Isama pa rito ang kanilang chain of luxury hotels, cruise ships and fancy restaurants. 

A billionaire clan indeed!

But unfortunately, they cannot get the best of both worlds. Sagana man sila sa yaman ng mundo, naging madamot naman ang langit sa kanilang lahi. 

Matipid sa anak ang mga Dela Vega. Kahit anong gawin nilang pagmanipula sa siyensya, talagang isa lamang na sanggol kada henerasyon ang iniluluwal ng mga babae sa kanilang angkan. Ang pinakabata ay si Sandro, ang kasalukuyang tagapag-mana. Wala na siyang magulang. Maaga silang binawian ng buhay dahil sa isang aksidente. 

Sa edad na trenta ‘y singko, inakala nilang kay Sandro na titigil ang daloy ng kanilang dugo. Sa kasamaang-palad kasi, nabaog ito dahil sa pinsalang natamo ng kanyang p*********i matapos madukot ng isang di kilalang lalaki. Halos gumuho ang mundo ng ginang sa nangyari.

Subalit naghimala ang langit. Sino ba naman ang mag-aakala na ang hinagpis ng pangyayaring iyon ay magdudulot ng pag-asa sa isang naghihingalong pamilya. Isang himala maituturing ang sanggol na dinadala ng babaeng iyon! 

Bahagya pa itong napaiyak habang inaalala kung paano siya nanikluhod sa Diyos para sa isang milagro. Totoo ngang ang Diyos ay nakikinig sa mga panalangin. Saksi ang ginang sa kung paano binuksan ng langit ang awa at habag para sa kanilang pamilya. Hinding-hindi niya ito makakalimutan.

Sa wakas! Ang angkan ng Dela Vega ay mayroon nang tagapagmana!

“Georgie, cancel all my appointments in the next 30 days. May importante akong aasikasuhin,” utos nito sa kanyang sekretarya.

“Masusunod po, Madam.” Pagkatapos ay bahagya na itong yumuko upang magpaalam. Isang matipid na ngiti ang isinukli  ng matanda. 

Tumayo ito at sumilip sa bintana. Tanaw mula sa kanyang silid ang kabuuan ng siyudad. Ipinatong nito ang kanyang makinis na kamay sa kanyang d****b at mariing pumikit. Unti-unti na ring nagbagsakan ang luha sa kanyang mga mata at buong pagmamahal na bumulong sa hangin,

“Wait for me, my little Dela Vega. Lola Madam is coming to get you.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Missy F
kawawa naman si Sandro, nabaog pala..sna twins ang anak
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Sana pati nanay tanggapin ng Dela Vega Hindi lang Yung apo nila dahil Ang trahedyang nangyari Kay lyv ay isang bangongot
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
matawag na masuwerte sa mga dela vega ang nangyari bat kay lyv isang bangungot sana maging ok din ang paghaharap nila...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 3

    “Oh pare, akala ko magbabakasyon ka muna ng ilang araw?” Tinig iyon ni Chris, ang kanyang kaibigan at kasosyo sa law firm.Napangiti si Tri, “You know me, pare. Mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag nasa opisina ako at tambak ng trabaho.”“Whatever floats your boat, bro. Basta kung kailangan mo ng coffee buddy, just let me know.”Napangiti si Tri sa matalik niyang kaibigan. Nalalaman nito ang pinagdadaanan nilang kapatid. Subalit kung mayroon mang isang bagay na natutunan si Tri sa kanyang pagtanda, iyon ay ang paghiwalayin ang personal niyang buhay sa kanyang propesyon. Sa pagtatrabaho niya ibinubuhos ang kanyang lakas upang pansamantalang makalimot.Buong siga

    Last Updated : 2021-12-31
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 4

    Chapter 4“You can’t be serious, Mamita.”“Oh, try me Alessandro Francisco,” she said in a challenging tone. “You know I am.”Isang nakakatakot na tingin ang ipinukol ng matanda sa kausap dahilan upang bahagya itong mapa-atras. Never in his 35 years of existence has his grandmother looked at him like that. He was the apple of her eyes! But now, she gazed at him like a fierce lioness ready to devour her prey.If looks can kill, he is probably dead by now.Ito na marahil ang sinasabi nilang bangis ng matriarka ng kanilang pamilya: the fearsome Lioness of the Dela Vegas.

    Last Updated : 2021-12-31
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 5

    Dumating ang nakatakdang pagmamanhikan ng dalawang pamilya. Ang gusto sana ng pamilya ni Lyvette, sa bahay na lamang ganapin ang lahat kagaya ng nakagawian. Subalit mapilit ang mga Dela Vega. Sa pagkakataon na ito naman daw sana ay hayaan silang sa side naman nila ganapin ang lahat. Sa huli, napapayag ang mga Castillo.The venue where the pre-wedding tradition will commence is at Casa dela Nobleza, one of the luxury hotels in the list of luxurious establishments the Dela Vega’s owned. It was seated on a man-made island located not far from the Metro.Moments later, a Rolls Royce arrived accompanying them through the highly-guarded entrance. Nagkatinginan ang magkapatid habang nagmamasid sa lugar. Manghang-mangha si Lyvette sa ganda ng paligid. Nakakapunta naman sila sa mga high end na

    Last Updated : 2021-12-31
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 6

    “Vana! Baby are you okay? What happened?”Sandro saw his girl laying on her bed. Eyes closed, the stress was evident in her angelic face. Mukhang hindi siya nakakapagpahinga ng maayos.His eyes went down to her wrist. Nakabenda ito. He held her hand and caressed it gently. Tears started to roll down in his cheeks.“I am sorry, Baby. I never meant for this to happen,” he uttered. Puno ng pagsisi ang puso ng binata. Bakit hindi? Siya lang naman ang dahilan kung bakit pinagtangkaan ng babae ang kanyang buhay!Few days ago, he broke up with her telling that he is bound to marry another woman because she was carrying his child. Sandro tried to reason out by telling her how he end

    Last Updated : 2022-01-05
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 7

    “Good morning, Lyv,” mahinang bati ng lalaki.Si Aylo Villanueva!After knowing about the supposed betrothal to Sandro Dela Vega, Lyv took time for herself. She disconnected herself from the world for a while. Kahit sa mga barkada niya at maging kay Aylo. Kaya naman isang malaking surpresa sa kanya ang pagbisita ng huli.“Magandang umaga rin, sa’yo Aylo. Hinahanap mo raw ako sabi ni Kuya?” wika ng dalaga sabay ngiti sa binatang matagal rin niyang hindi nasilayan. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan subalit bahagyang kalungkutan ang namamayani sa mga abuhing mata nito. Isang matamis na ngiti ang tanging naisukli ng kausap.He was wearing his typical rugged outfit; a simple white shir

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 8

    “Totoo ba ang balitang ikakasal ka na raw?”A sweet smile formed on Sandro’s lips. He then answered without hesitation, “Yes. I am getting married soon.”Umalingawngaw ang hiyawan sa buong studio. May sumisigaw sa kilig, may iba naman na sumisigaw dahil sa panghihinayang. Bakit hindi? Ang gwapong tagapagmana ng mga Dela Vega ay nakatakda nang ikasal.Hindi man isang artista o modelo, popular ang binatang si Sandro hindi lamang sa mundo ng pagnenegosyo kundi sa mundo rin ng social media. Naglipana ang mga panakaw niyang kuha iba’t-ibang social media platforms. Hindi siya mahirap kuhanan ng larawan. Active kasi ito sa mga social gatherings at charity works. Nai-invite rin ang batang negosyan

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 9

    “What was that all about, V? Tell me what came to your mind for you to do that? Tell me! TELL ME!!!”In a decade of being together, never did Sadro raise his voice at Vana. He was the patient one and always believed that everything could be settled peacefully. Only this time, he had reached his limit. Nasagad siya ng sobra sa ginawa ng kasintahan sa event na ‘yon.“So you’re pinning the blame on me now, huh?” Vana scoffed.“Then who’s fault was it? Me? I am not the one who went to that event unannounced and started wrecking the place! Do you know how embarrassing it is for me?”“At ako, Sandro? Hindi ba ako napapahiya sa ginagawa mo? Harap-harap

    Last Updated : 2022-01-08
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 10

    “Shuta ka bakla! Mala-Miss Universe ang beauty mo ngayon!”Tinig iyon ni Allaine. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid kung saan inaayusan ang bride. Sa hiling ni Lyv, napilitan ang huli na samahan siya sa loob ng make-up room. Si Jhaz dapat ang kasama nito subalit dahil ito ang kanyang maid-of-honor, nasa hiwalay na silid ito habang inaayusan din.Gustuhin man niyang ibitahan ang buo nilang barkadahan sa araw na iyon ay hindi na nagawa ni Lyv. Sa hiling na rin ng kanyang Kuya, napagkasunduan nilang gawing pribado ang kasal na magaganap. Piliing-pili lamang ang pinadalhan ng imbitasyon sa kasalang iyon. Masasaksihan pa rin naman ng madla ang lahat sa pamamagitan ng isang live telecast, bagay na hindi maintindihan ni Lyv. Ano pa ang sense na gawing pribado ang kasalan kung ipapalabas din naman sa telebisyon? Sa huli, ipin

    Last Updated : 2022-01-08

Latest chapter

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Epilogue

    EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 81

    Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 80

    Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 79

    Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 78

    Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 77

    Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 76

    Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 75

    Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 74

    “Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n

DMCA.com Protection Status