“Shuta ka bakla! Mala-Miss Universe ang beauty mo ngayon!”
Tinig iyon ni Allaine. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid kung saan inaayusan ang bride. Sa hiling ni Lyv, napilitan ang huli na samahan siya sa loob ng make-up room. Si Jhaz dapat ang kasama nito subalit dahil ito ang kanyang maid-of-honor, nasa hiwalay na silid ito habang inaayusan din.
Gustuhin man niyang ibitahan ang buo nilang barkadahan sa araw na iyon ay hindi na nagawa ni Lyv. Sa hiling na rin ng kanyang Kuya, napagkasunduan nilang gawing pribado ang kasal na magaganap. Piliing-pili lamang ang pinadalhan ng imbitasyon sa kasalang iyon. Masasaksihan pa rin naman ng madla ang lahat sa pamamagitan ng isang live telecast, bagay na hindi maintindihan ni Lyv. Ano pa ang sense na gawing pribado ang kasalan kung ipapalabas din naman sa telebisyon? Sa huli, ipin
For this reason a man shall leave his father and his mother, and be joined to his wife; and they shall become one flesh.Lyv clenched her bible close to her heart as she meditated on the verse she just read. She closed her eyes while uttering a short prayer asking God for guidance and comfort. Her mind was in chaos yet she clung on the promise of peace and hope provided by that one book where she was drawing her strength from. For that day, she would venture in her new life; alone and most certainly afraid.“Okay lang po ba kayo, ma’am?” Ang boses na iyon ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng dalaga sabay sabing, “Okay na po, Kuya. Salamat.”“Mabuti naman po kung ganoon. Huwag kayong mas
Like a thief in the night, morning came swiftly.It was just four in the morning yet Lyv decided to get out of bed. She was tossing and turning all night thanks to the unfamiliarity of her new room. She didn’t sleep a wink. Good thing she was able to catnap prior her arrival to the mansion. If not, she might be up with a dose of migraine.Tahimik siyang bumaba ng kama. Iningatan niyang huwag magambala ang natutulog na asawa. Bukod sa namamahay, isa ring rason kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos ay sa kadahilanang hindi siya sanay na may kasamang iba sa kanyang kwarto. Sa mahigit dalawang dekada ng kanyang buhay, sanay siyang nag-iisa sa pagtulog. Lahat marahil ng babaeng kakakasal lamang gaya niya ay may ganitong suliranin.Maingat na binagtas ni Lyv
“Senyorita, narito na po ang gatas n’yo.” “Salamat, Ate Marisa. Pakipatong na lang dy’an sa lamesa.” Si Ate Marisa ang kasambahay na ini-assign ni Madam Anastacia upang mag-alaga kay Lyv. Siya ang personal niyang kasambahay. Tutol man ang babae sa pagkakaroon nito ay pumayag na rin siya kalaunan. Unti-unti, sinasanay na rin niya ang kanyang sarili sa pagiging hands on ng donya sa kanyang pagbubuntis. Iniintindi na lamang niya ang matanda sapagkat alam niya kung gaano kahalaga rito ang sanggol na kanyang dinadala. Magmula nang lumipat siya sa mansyon, naging madalang pa sa patak ng ulan kung lumabas siya ng bahay. Bukod sa trauma na inabot niya mula sa pagkakadukot sa kanya, naging mas mahigpit ang seguridad ng pamilya lalo na pagdating sa kanya. Sapagkat nakataka
Para sa isang taong lumaki at nagkaisip sa mundo ng pagnenegosyo, normal na para kay Sandro ang simulan ang kanyang araw sa opisina. Sa maraming pagkakataon, dito na rin siya nag-aagahan. Pagmulat ng kanyang mata, ang Dela Vega Empire kaagad ang laman ng kanyang pag-iisip.Dahil nakatakda nang maging ama, pinipilit ni Sandro na baguhin ang nakasanayan. Sa kasamaang palad, hindi ito naging madali. Bunga nito, tuwing gabi na lamang niya nakikita at nakakasama ang kanyang asawa. Nakukunsensya man, wala siyang magawa kundi turuan ang sarili na makibagay sa bagong estado ng kanyang buhay. Hindi man niya mahal si Lyv, hangad niya na mapabuti ito alang-alang sa kanilang magiging anak.Kaya naman nang matagpuan niya itong naghihinagpis at nag-iisa isang araw sa hardin ng mansyon, hindi niya maiwasan ang maawa rito. Naitanong niya sa sa
“Saan ba talaga tayo pupunta, Sandro? Malayo pa ba??”Tiningnan lamang siya ng asawa habang mapaglarong ngumiti. Hindi na mabilang ni Lyv kung nakailang beses na siyang nagtanong kung saan sila pupunta subalit nanatiling tikom ang bibig ni Sandro.Nasanay na siyang hindi na inaabutan ang asawa tuwing gigising sa umaga subalit sa hindi malamang dahilan, ito pa mismo ang gumising sa kanya ng umagang iyon. Hindi niya maiwasang alalahanin ang naging pag-uusap nila kanina.“Out of town? Paano ang trabaho mo?” utas niya sa asawa. Kasalukuyan itong nagbabasta ng kanilang dadalhin para sa weekend trip nila sa Quezon. Nabigla na lamang ang dalaga nang gisingin siya nito at ipaalam ang plano.
As the Russian poet Boris Pasternak had said, “Surprise is the greatest gift which life can grant us.”Sa nakalipas na mga buwan, kabi-kabilang mga surpresa ang natanggap ni Lyv. Ang iba sa mga ito ay naghatid ng kaligayahan sa kanya samantalang ang iba naman ay mga karanasang hindi na niya nais pang balikan. Sa kabila ng lahat, pinipilit niyang makibagay sa mga pagbabagong naging kaakibat ng mga surpresang ito. At kasama na nga rito ang maging asawa ng isang bilyonaryo.“Kailangan ko pa bang isuot ito?” Kasalukuyang nasa parking lot ang sasakyan ng mag-asawa. Kararating lamang nila sa kanilang destinasyon. Dahil nga isang surpresa, pinipilit ni Sandro na piringan ang mata ng kanyang maybahay.“Of course you do! What’s the esse
“Welcome back, hija! Did you enjoy your vacation?”Ang malawak na ngiti ni Madam Anastacia Dela Vega ang sumalubong sa mag-asawa. Hindi na ito nakapaghintay pang makapasok sila ng mansyon. Nasasabik nitong dinaluhan si Lyv sabay haplos sa lumalaking tiyan. Maaliwalas naman ang mukha ng misis ni Sandro habang nakipagbeso pa sa matanda.“Super-duper po, Mamita! Tapos may paandar pa po itong apo ninyo. May pa-surprise-surprise pang nalalaman,” panunukso nito sa asawa. Kitang-kita naman na napahimas ang lalaking Dela Vega sa kanyang batok habang natatawang pinagmamasdan ang asawa sa pagbibida sa mga nangyari noong weekend.“Ang dami-daming sunflowers! Panay nga po ang pa-picture ko. Tapos, ang sarap pa po langhapin ng hangin. Sariwang-sa
Touchdown, The Red Dragon.Also known as Oriental Paris, Shanghai is China's biggest and most prosperous city. Considered the greatest in China’s economic centers, it was obviously considered the birthplace of everything modern in the Middle Kingdom. It is the largest center of commerce and finance in mainland China, with many Chinese and international companies opening offices here. A lot of businesses are keeping the city active and well-known around the world.A city where great opportunities are within reach.Aylo arrived at Pu Dong Airport wearing his red polo shirt and a pair of sneakers and jeans. He decided to not wear anything fancy as this was his first trip outside the country. He wanted to make himself as comfortable as possible.
EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom
Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin
Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk
Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn
Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa
Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an
Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito
Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan
“Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n