Touchdown, The Red Dragon.
Also known as Oriental Paris, Shanghai is China's biggest and most prosperous city. Considered the greatest in China’s economic centers, it was obviously considered the birthplace of everything modern in the Middle Kingdom. It is the largest center of commerce and finance in mainland China, with many Chinese and international companies opening offices here. A lot of businesses are keeping the city active and well-known around the world.
A city where great opportunities are within reach.
Aylo arrived at Pu Dong Airport wearing his red polo shirt and a pair of sneakers and jeans. He decided to not wear anything fancy as this was his first trip outside the country. He wanted to make himself as comfortable as possible.
Isang linggo na ang nakakaraan buhat nang tumuntong si Aylo sa lupain ng mga Intsik. Bago dumating dito, walang laman ang kanyang isip kundi ang pangako ng isang magandang buhay. Desperado na siyang baguhin ang takbo ng kanyang kapalaran. Sawang-sawa na siyang habulin ang swerteng ilang taon nang nagiging mailap sa kanya sa Pilipinas. Halos gawin na niyang araw ang gabi kung magbabad sa negosyong manukan na pilit niyang pinauunlad alang-alang sa namayapang mga magulang. Sa kasamaang palad, parang kakambal na niya ang malas. Kung hindi tupukin ng peste ang kanyang mga kinukuhaan ng produkto, halos malugi naman siya sa dami ng kakumpitensya sa merkado. Gayunpaman, araw-araw siyang lumalaban. Matibay niyang sinasagupa ang hagupit ng kapalaran dahil sa inspirasyon na ibinibigay sa kanya ng isang babaeng tangi niyang kinukuhaan ng pag-asa.
Sandro thought he had experienced the worst. But what happened today was another level. His body tensed as the image of his wife bleeding flooded him. He would never forget how her already fair complexion gave another meaning to the word pale. She was lying on the floor, cold and unconscious. And when he scooped her body, her head drooped at one side as if life was already taken from her. It was scary as hell. Ibinaling ni Sandro ang kanyang paningin sa ngayon ay natutulog niyang asawa. Payapa itong nakahiga sa puting kama habang ang mga kamay at braso ay kinabitan ng mga tubong sumusuri sa kanyang kalagayan. Magda-dalawang oras na rin simula nang itakbo niya ang asawa sa pinakamalapit na ospital. Subalit hanggang ngayon, wala pa ring ulirat ang kanya
“M-may nangyari kasi sa kanya.”Sandro kept listening to his wife. This was the first time he would know some details about the person that made Lyv agree to their secret contract marriage. Ang lalaking sinasabi niyang nagmamay-ari ng kanyang puso. Ang lalaking babalikan niya matapos ang isang tao.“His name was Angelo Villanueva. But he preferred to be called Aylo. Kababata ko siya.”As Lyv started to tell his story, Sandro saw her eyes twinkle. Indeed, this man held a very special place in her heart.“We were both in high school noong magtapat siya ng pag-ibig sa akin. Syempre, I rejected him. Ang babata pa kaya namin. Pero ayaw niya akong tantanan. Palagi niyang sinasabi
Eyes on the road, Sandro plastered a pleasant smile on his face.Why wouldn’t he? For today, Lyv was discharged from the hospital. Bukod sa mga vitamins na dapat inumin ni Lyv upang magpalakas, maayos na maayos na ang kanyang kalagayan. Wala nang nakikita pang dahilan ang mga doktor para manatali pa siya roon. She was stable and in a very good condition. At syempre, pati ang sanggol sa kanyang tiyan.Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan pauwi ng mansyon. Sa likod niya ay ang sasakyang minamaneho ni Mang Turing kung saan nakalagay ang kanilang mga gamit. Nais niyang maging komportable ang asawa sa sasakyan kaya’t ipinasama niya si Mang Turing upang tulungan silang magbitbit.Lumingon siya sa kanyang kanan kung nasaan ang bulto ni Lyv. Panay ang himas
There were three kinds of prisoners in China; criminals, political prisoners, and prisoners of conscience. If Aylo was to ask, there should have been another classification dedicated to those like him.Sa kagaya niyang biktima ng maling paratang.Kung saan nabibilang si Aylo, hindi niya alam. Basta ang alam lang niya, hindi siya dapat nakakulong. Hindi dapat niya ginugugol ang mga araw sa apat na sulok ng seldang kinalalagyan niya ngayon. Hindi ito ang ini-expect niyang magiging kapalaran sa paglipad sa China.Umalingawngaw ang pamilyar na tunog sa buong selda. Hudyat ito na oras na ng pagkain. Sa tantya niya, oras na ng pananghalian. Hindi nga siya nagkamali dahil mula sa labas ng piitan, natanaw niya ang mga unipormadong Intsik na nagsisimulang ayusin ang mga linya ng mga bilanggong kagaya niya ay papa
“Mamita, magpapaalam po sana ako.”Napahinto sa pagsubo ng pagkain ang matandang Dela Vega at mariing napatitig sa kanya. “What is it, Lyv?”Kaswal na ngumiti ang dalaga. Hindi naman siya nag-aalala na hindi papayag ang ginang. Subalit minabuti pa rin niyang magpaalam ng pormal dito. Sa maikling panahon na inilagi niya sa mansyon, natutunan niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa matriarka ng pamilya. “Doon po sana ako matutulog kila Kuya mamayang gabi. Nag-imbita po kasi siya na doon maghapunan. Matagal-tagal na rin po kasi akong hindi nakakauwi sa bahay namin.”“Ikaw lang mag-isa?” wala sa loob nitong tanong. Nagulat man sa biglaang tanong ng donya, minabuti ni Lyv na magpakahinahon. Besides, wala namang masama sa sinabi nito. Normal lang namang itanong iyon lalo at ma
Chapter 25 “Stop being afraid of what could go wrong, and start being excited of what could go right.” Sampung minuto na ang nakalilipas magbuhat nang lumisan ang mag-asawang Dela Vega sa mansiyon. Imbes na magpahatid kay Mang Turing, mas pinili ni Sandro na bitbitin ang sariling sasakyan at ipagmaneho ang asawa. Aniya, mas mainam na rin na may dala silang sasakyan para kung sakali mang magkagipitan, may gagamitin sila. Lalo na ngayon at kagagaling lang ni Lyv sa ospital pagkatapos duguin. Mabuti na ang handa. Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ang babae. Kanina pa ito walang imik. Panay ang sulyap ni Sandro sa gawi ng kanyang asawa na animo’y hinuhulaan ang iniisip nito. “What’s wrong, Lyv? Is there any problem?” pukaw ni
With eyes welled up in tears, Jhaz bravely faced Lyv’s asking eyes, “Ang Kuya Tri mo..”“Ano nga? Pwede ba diretsuhin mo na lang ako! Ano ngang nangyari kay Kuya?” Magsalita ka!!”Nauubusan na si Lyv ng pasensya. The more na pinatatagal ni Jhaz ang pagsasalita, mas lalong dumodoble ang pag-aalalang nararamdaman niya.Nanatiling walang imik si Jhaz. Tuluyan na siyang napahagulgol habang tutop-tutop ang bibig. Bakas sa mukha ng kaibigan ang hirap ng loob. Malalim rin ang maitim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata. Halatang hindi ito nakakatulog ng maayos nitong mga nakalipas na araw.“Tabi!”Marahas niyang itinulak ang pinto at humahangos papasok ng baha