Isang linggo na ang nakakaraan buhat nang tumuntong si Aylo sa lupain ng mga Intsik. Bago dumating dito, walang laman ang kanyang isip kundi ang pangako ng isang magandang buhay. Desperado na siyang baguhin ang takbo ng kanyang kapalaran. Sawang-sawa na siyang habulin ang swerteng ilang taon nang nagiging mailap sa kanya sa Pilipinas.
Halos gawin na niyang araw ang gabi kung magbabad sa negosyong manukan na pilit niyang pinauunlad alang-alang sa namayapang mga magulang. Sa kasamaang palad, parang kakambal na niya ang malas. Kung hindi tupukin ng peste ang kanyang mga kinukuhaan ng produkto, halos malugi naman siya sa dami ng kakumpitensya sa merkado. Gayunpaman, araw-araw siyang lumalaban. Matibay niyang sinasagupa ang hagupit ng kapalaran dahil sa inspirasyon na ibinibigay sa kanya ng isang babaeng tangi niyang kinukuhaan ng pag-asa.
Sandro thought he had experienced the worst. But what happened today was another level. His body tensed as the image of his wife bleeding flooded him. He would never forget how her already fair complexion gave another meaning to the word pale. She was lying on the floor, cold and unconscious. And when he scooped her body, her head drooped at one side as if life was already taken from her. It was scary as hell. Ibinaling ni Sandro ang kanyang paningin sa ngayon ay natutulog niyang asawa. Payapa itong nakahiga sa puting kama habang ang mga kamay at braso ay kinabitan ng mga tubong sumusuri sa kanyang kalagayan. Magda-dalawang oras na rin simula nang itakbo niya ang asawa sa pinakamalapit na ospital. Subalit hanggang ngayon, wala pa ring ulirat ang kanya
“M-may nangyari kasi sa kanya.”Sandro kept listening to his wife. This was the first time he would know some details about the person that made Lyv agree to their secret contract marriage. Ang lalaking sinasabi niyang nagmamay-ari ng kanyang puso. Ang lalaking babalikan niya matapos ang isang tao.“His name was Angelo Villanueva. But he preferred to be called Aylo. Kababata ko siya.”As Lyv started to tell his story, Sandro saw her eyes twinkle. Indeed, this man held a very special place in her heart.“We were both in high school noong magtapat siya ng pag-ibig sa akin. Syempre, I rejected him. Ang babata pa kaya namin. Pero ayaw niya akong tantanan. Palagi niyang sinasabi
Eyes on the road, Sandro plastered a pleasant smile on his face.Why wouldn’t he? For today, Lyv was discharged from the hospital. Bukod sa mga vitamins na dapat inumin ni Lyv upang magpalakas, maayos na maayos na ang kanyang kalagayan. Wala nang nakikita pang dahilan ang mga doktor para manatali pa siya roon. She was stable and in a very good condition. At syempre, pati ang sanggol sa kanyang tiyan.Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan pauwi ng mansyon. Sa likod niya ay ang sasakyang minamaneho ni Mang Turing kung saan nakalagay ang kanilang mga gamit. Nais niyang maging komportable ang asawa sa sasakyan kaya’t ipinasama niya si Mang Turing upang tulungan silang magbitbit.Lumingon siya sa kanyang kanan kung nasaan ang bulto ni Lyv. Panay ang himas
There were three kinds of prisoners in China; criminals, political prisoners, and prisoners of conscience. If Aylo was to ask, there should have been another classification dedicated to those like him.Sa kagaya niyang biktima ng maling paratang.Kung saan nabibilang si Aylo, hindi niya alam. Basta ang alam lang niya, hindi siya dapat nakakulong. Hindi dapat niya ginugugol ang mga araw sa apat na sulok ng seldang kinalalagyan niya ngayon. Hindi ito ang ini-expect niyang magiging kapalaran sa paglipad sa China.Umalingawngaw ang pamilyar na tunog sa buong selda. Hudyat ito na oras na ng pagkain. Sa tantya niya, oras na ng pananghalian. Hindi nga siya nagkamali dahil mula sa labas ng piitan, natanaw niya ang mga unipormadong Intsik na nagsisimulang ayusin ang mga linya ng mga bilanggong kagaya niya ay papa
“Mamita, magpapaalam po sana ako.”Napahinto sa pagsubo ng pagkain ang matandang Dela Vega at mariing napatitig sa kanya. “What is it, Lyv?”Kaswal na ngumiti ang dalaga. Hindi naman siya nag-aalala na hindi papayag ang ginang. Subalit minabuti pa rin niyang magpaalam ng pormal dito. Sa maikling panahon na inilagi niya sa mansyon, natutunan niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa matriarka ng pamilya. “Doon po sana ako matutulog kila Kuya mamayang gabi. Nag-imbita po kasi siya na doon maghapunan. Matagal-tagal na rin po kasi akong hindi nakakauwi sa bahay namin.”“Ikaw lang mag-isa?” wala sa loob nitong tanong. Nagulat man sa biglaang tanong ng donya, minabuti ni Lyv na magpakahinahon. Besides, wala namang masama sa sinabi nito. Normal lang namang itanong iyon lalo at ma
Chapter 25 “Stop being afraid of what could go wrong, and start being excited of what could go right.” Sampung minuto na ang nakalilipas magbuhat nang lumisan ang mag-asawang Dela Vega sa mansiyon. Imbes na magpahatid kay Mang Turing, mas pinili ni Sandro na bitbitin ang sariling sasakyan at ipagmaneho ang asawa. Aniya, mas mainam na rin na may dala silang sasakyan para kung sakali mang magkagipitan, may gagamitin sila. Lalo na ngayon at kagagaling lang ni Lyv sa ospital pagkatapos duguin. Mabuti na ang handa. Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ang babae. Kanina pa ito walang imik. Panay ang sulyap ni Sandro sa gawi ng kanyang asawa na animo’y hinuhulaan ang iniisip nito. “What’s wrong, Lyv? Is there any problem?” pukaw ni
With eyes welled up in tears, Jhaz bravely faced Lyv’s asking eyes, “Ang Kuya Tri mo..”“Ano nga? Pwede ba diretsuhin mo na lang ako! Ano ngang nangyari kay Kuya?” Magsalita ka!!”Nauubusan na si Lyv ng pasensya. The more na pinatatagal ni Jhaz ang pagsasalita, mas lalong dumodoble ang pag-aalalang nararamdaman niya.Nanatiling walang imik si Jhaz. Tuluyan na siyang napahagulgol habang tutop-tutop ang bibig. Bakas sa mukha ng kaibigan ang hirap ng loob. Malalim rin ang maitim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata. Halatang hindi ito nakakatulog ng maayos nitong mga nakalipas na araw.“Tabi!”Marahas niyang itinulak ang pinto at humahangos papasok ng baha
Lyv was no stranger to grief. After all, she lost both of her parents at such a young age. But this one’s different. The void was fuller. The loss was more numbing. And the pain seemed to have never ended.To some people, she just lost a brother. But for her, she had lost that one thing that’s keeping her world together.She was engulfed in a familiar setting. The room was filled with people wearing black and white paying their respects and regards to her brother. Some were companions in his field while others were past clients whom he had helped during his prime. They were all uttering the same thing as they talked to her and Jhaz about their fondest memory of her Kuya Tri: sayang. Nasasayangan sila sa maikli nitong buhay. Kung hindi ito ginupo ng maaga ng kanyang sakit, siguradong marami pa itong kasong maipapanalo. Marami pa sana siyang mat
EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom
Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin
Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk
Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn
Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa
Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an
Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito
Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan
“Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n