Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Jasmine'sPOV Minamaneho ko ang Mitsubishi na napundar ko. Masaya ako kasi kahit papano may nakikita akong bagay na pinaghirapan ko. Papunta ako ngayon sa Birthday Party ng aking kaibigang si Celine Lagrado. It's her 21st birthday. Gaganapin iyon sa mismong mansyon. Yes, mayaman ang mga magulang ni Celine. Mga negosyante. Maging ang mga kamag-anak niya negosyante rin. Tiningnan ko ang oras sa suot na Rolex. It's already 6:30 in the evening. Alas-syete magsisimula ang Party. Nang marating ko ang mansyon ay agad kong ipinasok sa loob ng compound ang aking Mitsubishi at ipinark sa tabi ng mga nakaparadang sasakyan sa harap ng mansiyon. Madami nang nakaparadang sasakyan sa labas. Na marahil pag-aari ng mga mayayamang negosyante na imbitado sa Party na ito. Iniangat ko ang suot na gown. Kulay beige iyon na humakab sa aking katawan. Lumabas ako ng sasakyan
Pauwi na ako sa aking condo subalit hindi parin magsink-in sa aking isipan ang mga nalaman ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagkautang kami kay Jarred Raqueza. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Napagdesisyunan ko na magresign sa trabaho ko at tututukan ang kompanya. Kailangang-kailangan ako nina Mom at Dad. Napag-alaman ko na nagresign si Manong Garry sa kadahilanang wala na maipasahod sa kaniya. Napapikit ako ng mariin. Ano ba itong nangyayari? Karma ba ito sa ginawa nina Mom at Dad kay Jarred? Nang marating ang condo ay agad kong ipinark ang kotse sa loob at nagtungo sa ako sa aking kwarto. Pasalampak akong nahiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Patungo ako ngayon sa opisina ng Boss ko na si Ruel Herrano para mag-file ng resignation letter. Napabuga ako ng hangin habang minamaneho ang Mitsubishi. Mahal ko ang trabaho ko. Apat na taon na akong nagtratrabaho dito, napamaha
Nandito parin ako sa kwarto ng aking magulang habang nakikinig sa kanila. Nabaon din sa utang si Dad dahil sa palagi nitong pagsusugal, kaya yung ibang inutang niya kay Jarred ay pinambayad sa utang niya sa mga kakilala na nautangan niya. Napabuntong-hininga ako. Sa tagal na panahon na di hindi ako nakikielam sa kompanya. Ganito na pala ang nangyayari, ganito na pala kalala."Patawarin mo ako Anak. Nalibang ako sa mga pinaggagawa ko." wika ni Dad. Wala na akong magagawa. Nandito na eh, ito na ang naging bunga. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong magdabog pero wala akong karapatan dahil wala akong naging ambag sa kompanya. Hinaplos ko ang kamay ni Dad na nakapatong sa kaniyang tuhod."Tapos na yun Dad. Gagawa ako ng paraan para magprovide ang halagang iyon." wika ko. Pero alam ko sa sarili ko na mahirap gawin iyon. Hindi birong halaga ang utang namin kay Jarred. Mayroon akong ipon sa bangko pero hindi yun sapat.
Alas syete ng gabi. Tapos na ang aking mga ginagawa. Umalis sandali si Jarred. Hindi man lang nag-abalang magpaalam sakin. Sabagay, Sino ba naman ako para ipaalam pa niya kung saan siya pupunta. Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas ng bahay. Si Jarred na siguro yun. Tinapos ko na ang ginagawang pagsalansan sa mga plato. Lumabas ako ng kusina at nakita si Jarred na may kasamang babae na pumasok ng bahay. Tiningnan kong mabuti ang babae. Matangkad ang babae, makinis ang balat, mahaba ang buhok na pagkakulot at may maamong mukha. Nagkatitigan kami ni Jarred. Agad akong nag-iwas ng tingin. Bigla ko nalang naramdaman sa aking dibdib ang sakit na makitang may iba siyang kasama. Bumuntong-hininga si Jarred. Pinilit ko ang sarili na batiin sila. "Nandito na pala kayo Sir. Tapos ko na po ang mga gawaing bahay. Pwede na po ba akong umakyat sa taas para makapagpahinga?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila. "Sige, pw
Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako. "What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko. "Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. Y
Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin? Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako. "Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat. Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat ko siyang sundin. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa receptionist at
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an
Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,
Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna
Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"