Share

Katulong

Author: AtengKadiwa
last update Huling Na-update: 2021-12-17 19:29:57

Nandito parin ako sa kwarto ng aking magulang habang nakikinig sa kanila. Nabaon din sa utang si Dad dahil sa palagi nitong pagsusugal, kaya yung ibang inutang niya kay Jarred ay pinambayad sa utang niya sa mga kakilala na nautangan niya. Napabuntong-hininga ako. Sa tagal na panahon na di hindi ako nakikielam sa kompanya. Ganito na pala ang nangyayari, ganito na pala kalala.

"Patawarin mo ako Anak. Nalibang ako sa mga pinaggagawa ko." wika ni Dad. Wala na akong magagawa. Nandito na eh, ito na ang naging bunga. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong magdabog pero wala akong karapatan dahil wala akong naging ambag sa kompanya. Hinaplos ko ang kamay ni Dad na nakapatong sa kaniyang tuhod.

"Tapos na yun Dad. Gagawa ako ng paraan para magprovide ang halagang iyon." wika ko. Pero alam ko sa sarili ko na mahirap gawin iyon. Hindi birong halaga ang utang namin kay Jarred. Mayroon akong ipon sa bangko pero hindi yun sapat.

"Paano anak?" tanong ni Mom. Ngumiti ako ng mapait. Paano nga ba. Bahala na.

"Basta, Mom. Ako ang bahala" yun lang ang lumabas sa aking bibig.

--

Una kong pinuntahan si Vicky. Subalit wala din daw itong maipahiram. Sumunod si Samantha. Ngunit kagaya rin ni Vicky, wala rin siyang maipahiram. Napabuntong-hininga ako habang sakay ng Mitsubishi papunta sa Racqueza's Steel Corporation. Tapos na ang isang linggong palugit ko. 

Saan ako kukuha ng pambayad kay Jarred? 10 million ang laman ng bank account ko pero kulang iyon. Siguro kung magbibigay ako ng sampong milyon baka bigyan niya ako ng palugit. Yun ang naisip kong paraan ng mga pagkakataong yun. 

Nang marating ko ang Racqueza's Steel Corporation ay ipinark ko ang aking Mitsubishi sa parking area at umibis ng sasakyan. Pumasok ako sa loob ng building. Agad bumungad sakin ang malamig na hangin na nagmumula sa air-conditioned ng building.

 Pumunta ako sa reception desk at sinabi ang pakay ko. Agad naman niyang iwenestra ang elevator na katunayan na pwede na ako pumunta sa 7th floor. Agad akong nagtungo doon. Habang sakay ng elevator ay hindi ko maiwasang kabahan. Sana, sana pumayag siya na bigyan ako ng ilang linggong palugit.

 Nang bumukas ang elevator ay lumunok muna ako bago lumabas. Nilakad ko ang hallway patungo sa office ni Jarred. Nang marating ko iyon ay mabilis akong kumatok at binuksan iyon ni Jarred. Bakit si Jarred ang nagbukas? Mukhang nabasa ni Jarred ang ekspresyon ng aking mukha.

"Nagleave si Ms. Ferran dahil nilalagnat siya. Come in Ms. Saderra." wika niya. 

Agad kong inihakbang ang mga paa ko sa loob ng opisina. Nagtungo si Jarred sa kaniyang upuan habang ako ay nakatungo sa aking kinatatayuan na hindi maihakbang ang mga paa ko.

"Hindi ako nangangain ng tao Ms. Saderra. Umupo ka." wika niya. Doon ako nagpasyang ihakbang ang mga paa ko patungo sa kinaroroonan ng upuan niya na nasa harapan ng mesa. Tumingin siya sakin na wari'y sinisipat ang aking kaanyuan. Mas lumakas ang dating niya at mas lalo itong gumwapo.

"Mukhang wala kang dala ngayon Ms. Saderra? O baka naman naka-cheque yan?" tanong niya sakin. Napalunok muna ako bago tuluyang nagsalita.

"10 million lang ang dala ko Jarred." wika ko. Iniangat ang ulo niya at tinitigan ako. Kumurba ang kilay niya na para bang hindi nagustuhan ang narinig.

"200 Million ang kailangan ko Jasmine, hindi 10 Million."wika niya at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"Jarred, kahit ngayon lang. Wala na akong ibang mapaghihiraman. Please, kahit isang linggo pa." pagsusumamo ko. Kahit nagmumukha na akong tanga sa harapan niya. Pero wala e, importante sakin ang kompanya.

"Gusto mo bang mabayaran ang utang niyo nang walang inilalabas na pera? At, maisasalba natin ang iyong kompanya." wika niya habang nakatingin ng diretso sa kaniya. Nagpanting ang taenga ko sa narinig, mukhang may hindi magandang mangyayari. Pero kahit ganun man handa kong tiisin yun. Huwag lang ang bagay na hindi na kanais-nais.

"Be my house maid. Naghahanap ako ng katulong sa aking bahay. Dahil buntis si Dina, kaya kailangan muna niyang mag-leave. Isang taong paninilbihan sakin Jasmine at makakabayad na kayo sa utang niyo sakin." wika niya.

Magiging katulong ako sa bahay niya? Sabagay kung tutuusin maliit na bagay lang iyon kung ikukumpara sa magiging kapalit ng 200 million na utang namin.

"Ano? Payag ka?" wika niya. Hindi na ako nag-atubili, baka magbago pa ang isip niya.

"Oo, pumapayag ako." wika ko. Tumango siya.

"Okay. That's final." wika niya. May iniabot siya sakin na papel na kasunduan namin na magiging katulong ako sa kaniya. Pinirmahan ko iyon at ibinigay sa kaniya. Hindi ko akalain na katulong lang ang magiging katumbas ng 200 million na utang namin sa kaniya.

"Pwede ka na mag-start sa susunod na araw." wika niya.

--

Alas sais ng umaga. Linggo. Heto ako ngayon nag-eempake ng mga gamit ko para sa pagtungo sa bahay ni Jarred Raqueza. Alam kong hindi magiging madali pero kakayanin ko. Para sa kompanya. Alam na din nina Mom at Dad ang desisyon ko. Tutol man sila ay buo na ang desisyon ko at pinirmahan akong kontrata kaya hindi pwedeng umatras.

Narinig ko ang paghinto ng sasakyan. Dumungaw ako sa bintana para malaman kung yun na ba ang sundo ko. Di ako nagkamali yun na nga. Kinuha ko ang travelling bag at agad na tinalunton at daan palabas ng bahay. Nilock ko ang gate ng makalabas ako.

 Pinagbuksan ako ng driver sa likod ng Van at tinulungan akong mailagay sa loob ng van ang dala kong travelling bag. Nang marating namin ang bahay ni Jarred este mansiyon pala. Ay agad akong lumabas ng sasakyan. Nalula ako sa laki niyon. Napakaganda, kakaiba ang desenyo. Kapag mapapadaan ka sa mansiyon siguro mapapasulyap ka.

"Ms. Jasmin tara na po." wika ng driver sakin. 

Sumunod ako sa driver na may bitbit ng travelling bag ko. Tinungo namin ang entrance ng bahay at binuksan niya yun. Nang makapasok kami, ay hindi ko maiwasan na malula sa nakikita ko. May malaking chandelier sa gitna.

 Ang mga upuan at nangingintab sa kaninangan at ang linis ng sahig. Hindi maipagkakaila na malayo na ang narating ni Jarred. Umakyat ang driver sa pangalawang palapag. Sinundan ko siya hanggang sa huminto kami sa isang kwarto.

"Dito po ang magiging kwarto niyo Ms. Saderra." wika niya at binuksan ang pintuan.

 Pumasok ako sa loob at iginala ang paningin. Malinis. Maayos ang mga gamit. Kaso masikip. Hindi gaya sa condo unit ko na sobrang luwang. Mukhang mamimiss ko ang condo unit ko. Subalit, ayos lang iyon. Isang taon lang ang pagtitiis ko.

"Bumaba nalang po kayo Ms. Saderra, kailangan niyong ipagluto si Sir Jarred ng agahan." wika niya at agad tumalikod bago pa man ako makapagsalita. 

Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Ipagluluto ko muna ng pagkain si Jarred. Bumaba ako ng pangalawang palapag at tinungo ang kusina. Muntik pa akong maligaw dahil sa sobrang luwang ng mansyon.

Nang marating ko ang kusina ay agad akong nagsalang ng kanin. Baka marahil nagkakanin siya tuwing umaga. Pagkatapos kong maisalang ang kanin, naghanap ako ng maluluto sa sa fridge. Nakakita ako ng itlog at kumuha ng lima. Gagawa ako ng bacon.

Patapos na akong magluto ng may marinig akong yabag ng mga paa sa di kalayuan. Lumingon ako at nakita si Jarred na naka-short lang. Walang suot na damit. Kitang-kita ang pawis niya na dumadaloy sa kaniyang katawan. Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa ginagawa.

"Kain ka na." wika ko at inilapag ko ang mga pagkain sa mesa. Umupo siya sa mesa at nagsimulang kumain. Tiningnan niya ako.

"Saluhan mo akong kumain." wika niya. Nag-atubili pa ako pero baka kapag tumanggi ako magalit siya. Kaya umupo narin ako sa upuan na nasa harapan niya at nagsimulang magsandok ng pagkain. Tumango-tango siya habang kumakain.

"Masarap ang luto mo." puri niya sakin.

"Salamat." wika ko.

--

Narito ako ngayon sa grocery store. Namimili ng stock ng pagkain. Binigyan ako ng 10,000 na pang-grocery at dapat mabudget ko yun. Namili ako ng mga can goods, noodles at iba pa. Nang nasa counter na ako ay ibinigay ko lahat ng pinamili ko. 

"22,031 Ma'am. Wika ng cashier mam." 

Hala! Paano na to? Wala akong dalang extra cash. Biglang may nag-abot ng 2 libong at isangdaan sa cashier. Tiningnan ko kung sino ang nag-abot. Michael? Kinuha ko muna ang mga pinamili ko at nagtungo sa isang bahagi ng grocery para hintayin si Michael. Nang matapos siya ay agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ko.

"Salamat Michael." wika ko at ngumiti sa kaniya.

"Wala yun, para naman tayong di magkakilala. May sundo ka ba?" 

"Wala e. Magcommute sana ako kaso ubos ang budget." 

"Halika na, ihahatid na kita." wika niya at kinuha niya ang mga pinamili ko't nagtungo sa labas ng Grocery Store. 

Hindi na ako nagprotesta pa. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa parking area ng Grocery Store. Isinalansan nito sa loob ng kotse ang mga pinamili ko. Pinagbuksan niya ako ng passengers seat. Agad akong sumakay sa loob ng kotse at umikot naman siya patungong driver's seat. Nang makapasok siya ay iniatras niya ang kotse palabas ng parking lot.

"Sa condo unit ka pa rin ba nakatira?" tanong niya sakin habang nasa daan kami.

"Hindi na. Kay Jarred ako nakatira." wika ko. Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari. Siguro ayos lang naman na malaman niya ang problema ko baka sakaling may advice siya.

"Nag-lilivein kayo? Diba hiwalay na kayo." wika niya. Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi, ano ka ba! Katulong ako doon. Nagkaroon ng utang ang pamilya namin sa kaniya. Kaya ito ang nangyari." wika ko. Tumingin siya sakin at tumango-tango at hindi na nagtanong pa. Siguro inisip niya na sensitibo na ang topic na yun.

"Ang bilis magbago ang panahon nuh. Akalain mo yun tagapagmana pala siya." wika niya. Ang tinutukoy niya ay si Jarred.

Si Jarred ay anak ni Dante Racqueza sa ibang babae yun ang Ina ni Jarred. Subalit hindi nakaanak si Dante at ang orihinal na asawa nito na si Celeste Raqueza. Yan lang ang alam ko sa ngayon. Hindi ko alam kung paano siya natagpuan ni Dante Racqueza. Nang marating namin ang mansyon ni Jarred ay ibinaba na ni Michael ang mga pinamili ko.

"Mauna na ako Jasmine, nice seeing you again." wika niya at pumasok na siya sa kotse ng maibaba ang pinamili ko.

"Salamat Michael." wika ko at kumaway sa kanya.

 Nang mawala na sa aking paningin ang kaniyang kotse. Ay tinulungan ako ng gwardiya na ipasok sa loob ng bahay ang mga pinamili ko. Nang maipasok sa loob ng bahay ay nagpasalamat ako sa kaniya at bumalik na siya sa trabaho.

"Sino yung kasama mo?" tuminga ako mula sa ginagawa para makita si Jarred na palapit sa kinaroroonan ko.

"Ah. Si Michael. Kakilala ko." wika ko. Naningkit ang kaniyang mga mata. 

"Anong nangyari sa 10,000? Kumulang ba at kailangan mo pang magpahatid?" wika niya sa nagagalit na tinig. 

Gusto ko siyang sumbatan. Ano naman kung hinatid ako? Wala akong nakikitang mali sa paghatid niya sakin. Pero wala akong karapatan dahil siya ang may hawak sakin ngayon. Baka kapag sumumbat ako bigla niya akong palayasin dito.

"Sorry, napadami yung pinamili ko. Kaya hinatid niya ako." wika ko habang nakayuko. Hindi ko kayang tingnan ang kaniyang mga mata na punong-puno ng galit. Samantalang noon kami, ni hindi ko maalala na nagalit siya sakin. Biglang kumurot ang puso ko sa isiping iyon. Ibang-iba na ang Jarred sa noon at ngayon.

"Don't do that again. Dahil ayaw ko na hinahatid ka ng kung sino-sino. Mamaya mapano ka. Kargo pa kita." wika niya at agad na tumalikod sakin. 

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Yun pala ang dahilan kung bakit ayaw niyang kasama ko si Michael. Hindi dahil sa nagmamalasakit siya. Pinunasan ko ang mga luha na naglandas sa aking mga mata. 

Kaugnay na kabanata

  • Debt Repayment (Tagalog)   Ang Pagpapahirap

    Alas syete ng gabi. Tapos na ang aking mga ginagawa. Umalis sandali si Jarred. Hindi man lang nag-abalang magpaalam sakin. Sabagay, Sino ba naman ako para ipaalam pa niya kung saan siya pupunta. Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas ng bahay. Si Jarred na siguro yun. Tinapos ko na ang ginagawang pagsalansan sa mga plato. Lumabas ako ng kusina at nakita si Jarred na may kasamang babae na pumasok ng bahay. Tiningnan kong mabuti ang babae. Matangkad ang babae, makinis ang balat, mahaba ang buhok na pagkakulot at may maamong mukha. Nagkatitigan kami ni Jarred. Agad akong nag-iwas ng tingin. Bigla ko nalang naramdaman sa aking dibdib ang sakit na makitang may iba siyang kasama. Bumuntong-hininga si Jarred. Pinilit ko ang sarili na batiin sila. "Nandito na pala kayo Sir. Tapos ko na po ang mga gawaing bahay. Pwede na po ba akong umakyat sa taas para makapagpahinga?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila. "Sige, pw

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • Debt Repayment (Tagalog)   Gratitude

    Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako. "What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko. "Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. Y

    Huling Na-update : 2022-01-10
  • Debt Repayment (Tagalog)   Consequences

    Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin? Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako. "Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat. Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat ko siyang sundin. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa receptionist at

    Huling Na-update : 2022-01-11
  • Debt Repayment (Tagalog)   Celine Lagrado

    Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya. Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. "Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraan araw lalo at nag-sorry siya. Pero hindi pala. Hindi kaya naisip niya na mali ang ginawa niya at

    Huling Na-update : 2022-01-13
  • Debt Repayment (Tagalog)   Crush

    Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon. COLLEGE DAYS, "Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako. Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki. "Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa aking taenga bahagyang may tili sa kaniyang boses. Napaikot ang aking mata sa sinabi niya. Kapag talaga may mga gwa

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • Debt Repayment (Tagalog)   Conffession

    Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred. Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa. "Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin. Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya. "May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo diba?" tanong niya sakin. Lumamlam ang mga mata niya na tanda na nalulungkot siya. Umiling ako.

    Huling Na-update : 2022-01-16
  • Debt Repayment (Tagalog)   Manipulate

    NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya. Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin. "Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako. "Napuwing lang ako Heart." wika ko. Ngumiti siya sakin at ibinalik muli a

    Huling Na-update : 2022-01-19
  • Debt Repayment (Tagalog)   Ang Sakit Ng Nakaraan

    Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito? "Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako. "Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. "Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla. "Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil hanggang ngayon ma--" napasigaw ako dahil bigla nalang niyang isubsob ang mukha niya sa aking balika

    Huling Na-update : 2022-01-21

Pinakabagong kabanata

  • Debt Repayment (Tagalog)   END

    Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Video

    Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Courage

    Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p

  • Debt Repayment (Tagalog)   Execution Of The Plan

    Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha

  • Debt Repayment (Tagalog)   Misgiving

    Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C

  • Debt Repayment (Tagalog)   Pregnancy Test

    Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Talked

    Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,

  • Debt Repayment (Tagalog)   Ang Paghaharap

    Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna

  • Debt Repayment (Tagalog)   His Proposal

    Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"

DMCA.com Protection Status