Home / Romance / Debt Repayment (Tagalog) / Ang Sakit Ng Nakaraan

Share

Ang Sakit Ng Nakaraan

Author: AtengKadiwa
last update Huling Na-update: 2022-01-21 17:25:40
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito?

"Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako.

"Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan.

"Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla.

"Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil hanggang ngayon ma--" napasigaw ako dahil bigla nalang niyang isubsob ang mukha niya sa aking balika
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monet Balmes
next update please!!??
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Debt Repayment (Tagalog)   Care

    - Jasmine Point Of View - Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko? "Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred. "Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko. "Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi. "Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya. "Linggo ngayon. I will give you 4 hours para magpahinga o kung gusto mo pwede ka mag-unwind sa mall." wika niya na ikinagulat ko. Si Jarred ba it

    Huling Na-update : 2022-01-23
  • Debt Repayment (Tagalog)   Vince Khael

    "WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!" Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko. "Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas ang araw." wika ko. Lumamlam

    Huling Na-update : 2022-01-25
  • Debt Repayment (Tagalog)   Friendship

    Jarred Point Of View Kitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince? "Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya. Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya. "Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya. Nang marinig ko ang pangalan ni Vince, hind

    Huling Na-update : 2022-02-02
  • Debt Repayment (Tagalog)   Concern

    Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine. Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck! Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Kahit ngayon lang ma

    Huling Na-update : 2022-02-06
  • Debt Repayment (Tagalog)   Dignidad

    Jarred Point Of View Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga. "Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko sa kaniya. "Good Morning din Babe. Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya sa pinalambing na boses. "I miss you Babe. Pupunta ako mamaya sa opisina mo. Okay? Sobrang miss na miss na kita." wika n

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • Debt Repayment (Tagalog)   Pakikipaglapit

    Jasmine'sPOV Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maihanda ang pananghalian ni Jarred. Nagtungo ako sa kwarto tsaka tinungo ang banyo para naligo. Nang matapos maligo, lumabas ako ng banyo at nagbihis. Plain black shirt at ripped jeans ang aking isinuot. Hindi ko naman kailangan magpaganda dahil maganda na ako. Napangiti ako sa isiping iyon. Nagbubuhat lang ng sariling bangko. Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako, nagtungo ako sa kusina para kunin ang inihanda kong pananghalian ni Jarred na nakalagay sa paper bag. Binitbit ko iyon at lumabas ng bahay. Nagulat ako nang madatnan ko si Khael na nakatayo sa gilid ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Si Jarred ba ang sadya niya? Pero imposible iyon, dahil alam niya kung anong oras pumapasok si Jarred. Lumingon siya sa gawi ko. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. "Jasmine." wika niya habang titig na titig sa akin. Nagul

    Huling Na-update : 2022-02-16
  • Debt Repayment (Tagalog)   Tattoo

    Jarred'sPOV Pagkatapos kong pirmahan ang dokumento na ipinasa sakin ng HR Department, bumaling ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa kanang bahagi ng aking opisina. 11:30 na ng umaga, baka on the way na si Jasmine. Hindi ko mapigilang mapangiti nang pumasok siya sa isip ko. Ipinilig ko ang aking ulo at nawala ang ngiti sa aking mga labi nang maisip ang dahilan kung bakit ko siya ini-hire na katulong. Hindi dapat ako maging malambot. Napabuntong-hininga ako at tinawagan ang Head ng HR Department gamit ang telepono na nasa gilid ng mesa. Sinagot iyon ni Ms. Vasquez, wala si Iya dahil nag-lunch siya. Bakit ko pa hihintayin na gawin iyon ng Sekretarya ko kung pwede ko namang gawin. "Good day Sir Racqueza. Ano po maipaglilingkod po sa inyo?" tanong ng nasa kabilang linya na si Ms. Vasquez. Dalaga pa ito, minsan may nakapagsabi sa akin na may crush siya sakin. Maganda si Ms. Vasquez, pero hindi ako pumapatol nang empleyado. "Tapos ko

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Debt Repayment (Tagalog)   Move-On

    Jasmine'sPOV"Salamat Khael sa paghatid at salamat din sa libreng lunch. Babawi ako sa susunod." aniko nang itinigil ni Khael ang kotse niya sa gilid ng gate ng mansiyon ni Jarred. Humarap sakin si Khael na may nakapaskil na matamis na ngiti sa mga labi."So, may next time pa?" tanong niya sakin habang titig na titig sa aking mga mata at naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi."Oo naman! Basta treat ko ah." aniko. Tumaas ang sulok ng labi niya."Sure. Salamat din kasi pinagbigyan mo ako na makasama ka ngayon." aniya sa seryusong boses. Wala na rin ang ngiti niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang inaarok ang emosyon sa aking mga mata."You're welcome, ngayon ko lang naranasan ito simula ng maghiwalay kami ni Jarred. I never dated guy. Simula noong naghiwalay kami. Ibinuhos ko na ang atensyon ko sa pag-aaral, para makalimutan siya. Hindi ako gagamit ng ibang tao para lang makalimot. Hindi ako ganung klaseng babae, ayaw kong maka

    Huling Na-update : 2022-03-03

Pinakabagong kabanata

  • Debt Repayment (Tagalog)   END

    Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Video

    Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Courage

    Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p

  • Debt Repayment (Tagalog)   Execution Of The Plan

    Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha

  • Debt Repayment (Tagalog)   Misgiving

    Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C

  • Debt Repayment (Tagalog)   Pregnancy Test

    Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an

  • Debt Repayment (Tagalog)   The Talked

    Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,

  • Debt Repayment (Tagalog)   Ang Paghaharap

    Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna

  • Debt Repayment (Tagalog)   His Proposal

    Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"

DMCA.com Protection Status