Home / Romance / Debt Repayment (Tagalog) / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Debt Repayment (Tagalog): Chapter 1 - Chapter 10

68 Chapters

Pagkakautang

  Jasmine'sPOV   Minamaneho ko ang Mitsubishi na napundar ko. Masaya ako kasi kahit papano may nakikita akong bagay na pinaghirapan ko. Papunta ako ngayon sa Birthday Party ng aking kaibigang si Celine Lagrado. It's her 21st birthday. Gaganapin iyon sa mismong mansyon.    Yes, mayaman ang mga magulang ni Celine. Mga negosyante. Maging ang mga kamag-anak niya negosyante rin. Tiningnan ko ang oras sa suot na Rolex. It's already 6:30 in the evening. Alas-syete magsisimula ang Party.   Nang marating ko ang mansyon ay agad kong ipinasok sa loob ng compound ang aking Mitsubishi at ipinark sa tabi ng mga nakaparadang sasakyan sa harap ng mansiyon. Madami nang nakaparadang sasakyan sa labas. Na marahil pag-aari ng mga mayayamang negosyante na imbitado sa Party na ito.   Iniangat ko ang suot na gown. Kulay beige iyon na humakab sa aking katawan. Lumabas ako ng sasakyan
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Gipit

Pauwi na ako sa aking condo subalit hindi parin magsink-in sa aking isipan ang mga nalaman ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagkautang kami kay Jarred Raqueza. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Napagdesisyunan ko na magresign sa trabaho ko at tututukan ang kompanya. Kailangang-kailangan ako nina Mom at Dad. Napag-alaman ko na nagresign si Manong Garry sa kadahilanang wala na maipasahod sa kaniya. Napapikit ako ng mariin. Ano ba itong nangyayari? Karma ba ito sa ginawa nina Mom at Dad kay Jarred? Nang marating ang condo ay agad kong ipinark ang kotse sa loob at nagtungo sa ako sa aking kwarto. Pasalampak akong nahiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Patungo ako ngayon sa opisina ng Boss ko na si Ruel Herrano para mag-file ng resignation letter. Napabuga ako ng hangin habang minamaneho ang Mitsubishi. Mahal ko ang trabaho ko. Apat na taon na akong nagtratrabaho dito, napamaha
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Katulong

Nandito parin ako sa kwarto ng aking magulang habang nakikinig sa kanila. Nabaon din sa utang si Dad dahil sa palagi nitong pagsusugal, kaya yung ibang inutang niya kay Jarred ay pinambayad sa utang niya sa mga kakilala na nautangan niya. Napabuntong-hininga ako. Sa tagal na panahon na di hindi ako nakikielam sa kompanya. Ganito na pala ang nangyayari, ganito na pala kalala. "Patawarin mo ako Anak. Nalibang ako sa mga pinaggagawa ko." wika ni Dad. Wala na akong magagawa. Nandito na eh, ito na ang naging bunga. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong magdabog pero wala akong karapatan dahil wala akong naging ambag sa kompanya. Hinaplos ko ang kamay ni Dad na nakapatong sa kaniyang tuhod. "Tapos na yun Dad. Gagawa ako ng paraan para magprovide ang halagang iyon." wika ko. Pero alam ko sa sarili ko na mahirap gawin iyon. Hindi birong halaga ang utang namin kay Jarred. Mayroon akong ipon sa bangko pero hindi yun sapat. 
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Ang Pagpapahirap

Alas syete ng gabi. Tapos na ang aking mga ginagawa. Umalis sandali si Jarred. Hindi man lang nag-abalang magpaalam sakin. Sabagay, Sino ba naman ako para ipaalam pa niya kung saan siya pupunta. Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas ng bahay. Si Jarred na siguro yun. Tinapos ko na ang ginagawang pagsalansan sa mga plato. Lumabas ako ng kusina at nakita si Jarred na may kasamang babae na pumasok ng bahay. Tiningnan kong mabuti ang babae. Matangkad ang babae, makinis ang balat, mahaba ang buhok na pagkakulot at may maamong mukha. Nagkatitigan kami ni Jarred. Agad akong nag-iwas ng tingin. Bigla ko nalang naramdaman sa aking dibdib ang sakit na makitang may iba siyang kasama. Bumuntong-hininga si Jarred. Pinilit ko ang sarili na batiin sila. "Nandito na pala kayo Sir. Tapos ko na po ang mga gawaing bahay. Pwede na po ba akong umakyat sa taas para makapagpahinga?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila. "Sige, pw
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more

Gratitude

Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako. "What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko. "Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. Y
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more

Consequences

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin? Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako. "Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat. Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat ko siyang sundin. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa receptionist at
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more

Celine Lagrado

Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya. Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. "Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraan araw lalo at nag-sorry siya. Pero hindi pala. Hindi kaya naisip niya na mali ang ginawa niya at
last updateLast Updated : 2022-01-13
Read more

Crush

Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon. COLLEGE DAYS, "Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako. Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki. "Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa aking taenga bahagyang may tili sa kaniyang boses. Napaikot ang aking mata sa sinabi niya. Kapag talaga may mga gwa
last updateLast Updated : 2022-01-15
Read more

Conffession

Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred. Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa. "Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin. Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya. "May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo diba?" tanong niya sakin. Lumamlam ang mga mata niya na tanda na nalulungkot siya. Umiling ako.
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more

Manipulate

NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya. Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin. "Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako. "Napuwing lang ako Heart." wika ko. Ngumiti siya sakin at ibinalik muli a
last updateLast Updated : 2022-01-19
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status