Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako.
"What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko. "Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. You're irresponsible!" sigaw niya. Napakagat-labi ako. Gustong-gusto ko idepensa ang sarili ko, pero alam ko na hindi pwede dahil ang kompanya ang nagkasalalay. Tumango-tango ako bilang pagtugon. Wala na akong magawa kundi ang tumango nalang kahit naaapakan ang ego ko. "Opo, hindi na po ito mauulit." wika ko. Pagkasabi ko niyon ay umakyat na siya sa hagdan para magtungo sa kaniyang kwarto. Agad akong nagtungo sa kusina para magluto. Habang nagluluto diko maiwasan ang pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan ako sa mga ipinapakita niya sakin. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Pero kapag diko na talaga kaya aalis na ako dito. Matapos magluto at ipaghanda si Jarred ng hapunan ay umakyat ako sa hagdan patungong pangalawang palapag sa aking kwarto, may gagawin lang ako. Nakasalubong ko si Jarred. Nagtama ang aming mga mata subalit agad akong nagbaba nang tingin. Lalampasan ko na sana siya subalit hinawakan niya ang aking kamay. Tiningnan ko iyon at inilipat ang tingin sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sakin. "Bakit Sir? May kailangan po ba kayo?" wika ko. Agad naman niyang binitawan ang aking kamay. "Sabayan mo na ako kumain Jasmine, para may kasabay ako." wika niya. Tumango ako at sinundan siya sa pagbaba ng hagdan at tinungo ang dining area. Sabay kaming kumain. Walang nagsasalita saming dalawa habang kumakain. Tanging tunog ng kobyertos na tumatama sa babasaging plato ang maririnig. "Gusto ko lang humingi ng sorry sa inasal ko kanina. Hindi ko sinasadya, marahil ay pagod lang ako kaya nasabi ko yun." wika niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. Himala! Marunong palang humingi ng sorry ang isang Jarred Raqueza. Akala ko nakalimutan niya na ang bagay na yun. Ngumiti ako sa kaniya. Wala namang dahilang para diko siya patawarin. "Ayos lang yun. May karapatan ka namang magalit kasi kasalanan ko din naman." wika ko. Bakit ba pakiramdam ko mas gumwapo siya sa paghingi ng tawad sakin? Tumayo na siya't umalis sa upuan pero bago siya tuluyang lumabas ng dining area ay lumingon muna siya sakin. "Nasa kwarto ang uniform mo. Puntahan mo nalang ako dun para kunin mo." wika niya. Bumalik na naman siya sa pagiging masungit. Ayos lang sakin yun ang mahalaga humingi siya ng pasensya. Kahit papano pala may kabutihang parin sa kaniyang puso at hindi kinain ng galit. Matapos kumain at makapaghugas ng pinggan ay agad akong umakyat sa hagdan patungo sa pangatlong palapag. Tinungo ko ang kaniyang kwarto. Nang makarating ako ay bahagya iyon nakabukas. Kumatok ako para malaman niya na nasa labas ako. Subalit walang sumasagot. Kumatok muli ako ng dalawang beses. "Sir?" tawag ko subalit wala pa ring nagsasalita. Itinulak ko ang pinto papasok. Pumasok ako at iginala ang paningin sa kwarto. Nakarinig ako ng marahang pagbukas ng pinto sa gilid ng kwarto. Nang bumukas iyon ay tumambad sa aking harapan si Jarred na tanging pag-ibaba lang ng katawan ay may saplot na twalya. Agad akong tumalikod. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi dapat ako basta-basta pumapasok. "Pasensya na Sir Jarred. Hindi ka kasi sumasagot kaya pumasok na ako." wika ko. Naghihintay ako na bulwagan niya subalit hindi siya nagsalita. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sakin. Napapikit ako. Lalapit ba siya sakin? Naramdaman ko nalang ang paglapat ng kaniyang katawan sa aking likuran. Napahigit ako ng hininga. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Nakita ko ang kamay niya na nasa aking harapan sa may mesa. Nakatapat pala ako sa mesa na hindi ko namalayan dahil sa kabang nararamdaman ko. Kinuha niya ang nakapatong doon na damit na nakalagay pa sa plastic. Marahil bagong bili iyon. "Humarap ka na Jasmine." wika niya. Sinunod ko ang sinabi niya subalit pinikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang katawan niya. Tumawa siya sa inasal ko. Anong nakakatawa doon? Pero infairness, ang sarap pakinggan ng tawa niya. "Open your eyes. Nakasuot na ako ng damit." wika niya. Unti-unti kong idinilat ang mga mata at nakita ko siyang may suot na damit pang-itaas. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kayang kumilos ng normal kapag di siya nagbihis. Iniabot niya sakin ang tatlong damit ng nakaplastic. Kinuha ko iyon. "Para saan po ito?" tanong ko. "Uniform mo bilang isang kasambahay. Costumize yan. Pwede mo na isuot bukas. Pinalabhan ko na rin yan kaya huwag kang mag-alala." wika niya. Ah. Meron pala ako magiging uniporme bilang isang kasambahay. "Sige po Sir Jarred." wika ko. Akmang lalabas na ako ng kaniyang silid nang magsalita siya. "Ayos na ang kompanya niyo. Maayos na ang pagpapatakbo nun." wika niya. Tama ba ang narinig ko? Ayos na ang kompanya! Hindi ko napigilan ang sarili binitawan ko ang dala ko at niyakap siya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ko! Bakit ko niyakap si Jarred?! Mukhang nabigla siya sa ginawa ko base yun sa reaksyon ng kaniyang katawan. Agad akong lumayo sa kaniya. "Pasensya na. Masaya lang ako. Salamat Jarred" wika ko at tumalikod na ako tsaka dinampot ang plastic na nakakalat sa sahig tsaka nagmartsa paalis. Pero bago pa man ako tuluyang nakakalayo ay nagsalita siya. "I'm doing this because I care for you." wika niya. Natigilan ako. Tama ba ang pagkakarinig ko? Lumingon ako pero sarado na ang kwarto niya. Baka guni-guni ko lang ang mga narinig ko. Napatakbo ako pababa patungo sa kwarto. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nahiga. Nakakapagod man ang araw na ito pero sobrang sulit dahil sa huli magandang balita ang ihahatid sakin. Tinungo ko ang drawer kung saan naroon ang aking cellphone. Bawal kasi gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho. Idinial ko ang numero ni Mom. Ilang ring din ang narinig ko bago niya sinagot iyon. "Hija. Kamusta ka na dyan?" bungad agad sakin ni Mom. Napakagat-labi ako. Sa totoo lang hindi ako okay pero nang malaman ko ang magandang balita ay gumaan ang pakiramdam ko. "Ayos lang naman Mom. Kamusta ang kompanya?" tanong ko sa kaniya. "Mabuti na anak. Inayos na ni Jarred lahat. Anak, salamat sa sakripisyo mo. Hindi ko alam kung paano namin masusuklian ito." wika niya at nakarinig siya nang mahinang paghagulhol sa kabilang linya. "Mom huwag na kayo umiyak. I'm doing this as a gratitude. Dahil sa pagpapalaki sakin ng maayos. Hindi niyo na kailangan suklian dahil tinutumbasan ko lang ang mga kabutihan niyo sakin." wika ko. Kahit anuman ang nangyari. Magulang ko parin sila. Ang laki ng sakripisyo nila sakin. Ni hindi ko naranasan na maghikahos. Binigay nila sakin ang mga bagay na gusto ko. It's payback time. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Dahil siguro ito sa ginawa ko maghapon. Humiga ako sa kama. Kailangan ko nang pahinga. Nakakapagod man pero masaya. Ipinikit ko na ang aking mga mata para makatulog.Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin? Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako. "Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat. Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat ko siyang sundin. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa receptionist at
Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya. Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. "Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraan araw lalo at nag-sorry siya. Pero hindi pala. Hindi kaya naisip niya na mali ang ginawa niya at
Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon. COLLEGE DAYS, "Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako. Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki. "Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa aking taenga bahagyang may tili sa kaniyang boses. Napaikot ang aking mata sa sinabi niya. Kapag talaga may mga gwa
Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred. Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa. "Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin. Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya. "May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo diba?" tanong niya sakin. Lumamlam ang mga mata niya na tanda na nalulungkot siya. Umiling ako.
NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya. Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin. "Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako. "Napuwing lang ako Heart." wika ko. Ngumiti siya sakin at ibinalik muli a
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito? "Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako. "Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. "Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla. "Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil hanggang ngayon ma--" napasigaw ako dahil bigla nalang niyang isubsob ang mukha niya sa aking balika
- Jasmine Point Of View - Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko? "Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred. "Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko. "Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi. "Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya. "Linggo ngayon. I will give you 4 hours para magpahinga o kung gusto mo pwede ka mag-unwind sa mall." wika niya na ikinagulat ko. Si Jarred ba it
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!" Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko. "Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas ang araw." wika ko. Lumamlam
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an
Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,
Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna
Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"