Third Person's POV
IN A YEAR of 2009 a plague was vastly spreading all over the world. They call it, Enigma. As soon as the child acquire the disease, it will get a very high fever that will cause an immediate death.Sa isang lugar na kung tawagin ay Ravenwood Valley, isang maliit na pamilya na may isang anak na babae na ang pangalan ay Raven na isinunod sa pangalan ng kanilang lugar. Hindi pa tinatamaan ng epidemya ang kanilang anak kaya kahit nag-aalala pero masaya pa rin sila. Kahit kailan ay hindi nila hiniling na mahirapan ang kanilang anak."Raven, anak wag kang masyadong lumayo." Nag-aalalang saad ng mama ni Raven habang nagsasampay ito ng mga damit na nilaban."Opo ma!" Sagot naman ng batang si Raven.Tumakbo na si Raven patungo sa maliit na parke na malapit lang din sa kanilang bahay. Narating ni Raven ang parke na walang batang naglalaro. Inasahan man yun ni Raven pero hindi pa rin siya nasasanay na wala siyang nakikita ni isang batang naglalaro sa parke.Sa edad ng walong taon ay natuto si Raven na ang buhay ay mapanganib. Pati pag-aaral niya ay natigil dahil wala ng mga batang pumapasok dahil sa sakit at namatay na din ang karamihan sa mga kaklase niya. Pumunta na lang siya sa may sand area at doon siya sumubok na bumuo ng sand castle mag-isa. May mga maliliit na balde at shovel doon. May mga nakakalat na mga laruan doon na hindi niya alam kung kanino pa yun."Old mcdonald had a farm.... iya-iya-ooo... and old mcdonald had a duck....iya-iya-ooo..." kanta ng batang si Raven. Siya ang tipo ng bata na walang pakialam sa paligid. All she want is to play and just be happy. Wala siyang kapatid dahil na rin sa lumaganap na epidemya ay nahirapan ng magbuntis ang kanyang ina.Nakayuko lamang siya at nilalaro ang mga buhangin. Ramdam niya ang init ng araw na tumatama sa kanyang likuran. Pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay ang paglalaro. Hanggang sa nakaramdam na lamang siya ng pagkahilo at may dugong pumatak sa buhangin.Napahawak siya sa kanyang ilong dahil naramdaman niya ang medyo kiliti doon nakapa nga niya ang isang malapot na likido. Napatingin siya sa likido at napakapula nun. Nakaramdam ng takot ang batang si Raven kaya kahit medyo nahihilo na siya ay nagmadali siyang tumakbo pauwi sa kanilang bahay na hindi naman kalayuan.Sapu-sapo niya ang kanyang ilong na dumudugo at ramdam na niya ang pagkahilo lalo na ang mainit ang araw. Nakauwi siya sa kanilang bahay ngunit pagkapasok pa lang niya ay bumagsak na siya sa sahig at lumikha iyon ng malakas na ingay. Biglang nanginig ang kanyang buong katawan at sa kakatwang pangyayari ay napakalamig ng kanyang pakiramdam. Tumirik ang kanyang mga mata at hindi na niya maintindihan pa ang kanyang nararamdaman."Raven!" Tiling saad ng mama ni Raven at nagmamadaling dumalo ito sa kanyang kinukumbulsyon na anak na ngayon ay may mga dugong nakakalat na rin sa sahig.Agad na pinangko ng nanay si Raven at isinakay ito sa kanilang sasakyan at pinatakbo iyon patungo sa ospital. Putlang putla sa takot ang mama ni Raven at napahawak na ito sa rosaryuhan. Napaiyak na ito at panaka-naka ang tingin nito kay Raven na ngayon ay nakatirik pa rin ang mga mata."Diyos ko, wag po si Raven. Wag siya, maawa ka." Naiiyak na saad ng mama ni Raven hanggang sa nakarating sila sa ospital.Agad niyang binuhat si Raven at tumatakbong pumunta sa emergency room. Agad naman na may sumalubong sa kanila na nurse pero nanlumo din siya ng makitang puno ang emergency room ng mga batang tulad din ni Raven."Ma'am okay lang ba sa inyo na dito natin siya ilagay? Kasalukuyang puno ngayon dahil sa atake." Saad ng nurse sa mama ni Raven."Oo nurse, basta gamutin niyo ang anak ko." Naiiyak na saad ng mama ni Raven."Opo ma'am. Gagawin namin ang lahat." Sagot naman ng nurse at inasikaso na nila si Raven.Agad na nilagyan ng suwero ang kaliwang kamay nito at may ininject na kung ano doon at ilang segundo ay tumigil ang kumbulsyon ni Raven. Pero naagaw naman ang atensyon ng mama ni Raven ng biglang may sumigaw na isang babae sa emergency room."Anak kooooooo! Hindiiiiiii!" Iyak ng iyak ang babae dahil sa anak nito. "Hindi pa patay ang anak ko!"Nagimbal siya sa kanyang mga narinig. Napatingin siya sa kanyang anak ngayon na halos tinatambol na ang kanyang puso dahil sa sobrang takot. Halo-halo ang ingay sa emergency room. Iyak at pagmamadali. Napatakip sa bibig ang mama ni Raven dahil ayaw niyang kumawala ang ingay ng kanyang iyak.Napahawak siya sa kanyang cellphone at tinawagan niya ang kanyang asawa. Hindi agad ito sumagot dahil myembro ito ng sandatahan sa lungsod ng Evergreen City. Nakailang ring at tawag muna siya bago ito sumagot."Hello, Eric..... si Raven...." saad ng mama ni Raven na hindi nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil napapangunahan ito ng iyak."Patricia kumalma ka. Anong nangyari kay Raven?" Nag-aalalang tanong ng papa ni Raven.Humagulgol si Patricia bago nagsalita. "Si R-raven... nasa hospital.... hic.... tinamaan na siya ng epidemya." Naiiyak na saad nito.Hindi nakapagsalita ang papa ni Raven at imbes na sumagot ito ay isang disconnected beeping na ang narining ni Patricia sa kabilang linya. Hindi niya alam kung naputol ang connection o pinatay nito ang tawag.Hindi na niya nagawang tumawag pa ulit. Napaupo na lang siya sa sulok habang nakatingin kay Raven na walang malay. Ito na ang pinapangambahan niya, ang may mangyari kay Raven. Walang gamot ang makakapagpagaling sa Enigma.Pero napatayo na lang ulit si Patricia ng biglang nanginig na naman ulit ang katawan ni Raven at ngayon ay lumalabas na ang dugo sa tenga nito at bumubula na ang bibig. Mas lalo na siyang umiyak at ang mga nurse ay nagkagulo na dahil sa nangyayari kay Raven pero ilang segundo lang na nangyare yun at tumigil si Raven."Check her pulse!" Utos ng doctor sa nurse na nag-aasist kay Raven.Agad na hinawakan ng nurse ang pulsuhan nito ay nakatingin ito sa relo. Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa doctor."Doc, she's alive." Nagulat na saad ng nurse kaya napatigil na sa pag-iyak si Patricia at ngayon ay napalitan na ng pagtataka ang kanyang nararamdaman."We will run some test with the kid. The second manifestation is death, but she survived. We need to test if there are anti-bodies that prevents her from dying." Saad ng doctor kaya hindi na napigilan ni Patricia ang lumapit sa doctor para magtanong."Doc, ako po ang nanay ni Raven. Anong gagawin niyo sa anak ko?" Naiiyak na nagtataka na tanong ni Patricia."Misis, kailangan na manatili ni Raven sa ospital at magsasagawa kami ng test sa kanya. Enigma has only two manifestation. The first attack and the final which it will put the child into an immediate death, pero hindi namatay anak niyo kahit nangyari sa kanya ang second manifestation. The blood coming out from her ears are the sign of the second manifestation. We need to check her to find an anti body that prevents her from death. An antidote should be created to stop Enigma." Paliwanag ng doctor."D-doc, sa kanya lang ba nangyari ito?" Tanong ulit ni Patricia.Umiling naman ang doctor. "There are already cases with survival of Enigma pero that is 10% only at kasama na ang anak mo dun Misis. Kasalukuyan ngayon na may sinasagawang test sa kanila. We badly need to find an antidote. Because if there is no children, there will be no future." Sagot ng doctor sa kanya.Dinala na ng mga nurse si Raven sa isang ICU at may mga ginawa ang mga nurse at doctor na hindi maintindihan ni Patricia. Hanggang ngayon ay nagdadasal pa rin siya. Sana maging tagumpay ang pag-galing ni Raven. Masaya siya sa narinig mula sa doctor pero natatakot pa rin siya at hindi niya yun maiwasan.Nasa labas lang si Patricia at lumipas na ang halos isang oras bago pa dumating ang asawa nitong si Eric."Kumusta na siya?" Nag-aalalang tanong ni Eric sa asawa."Nasa ICU siya. Eric, she survived. According from the doctors she's no longer at risk with Enigma." Paliwanag naman ni Patricia.Halos mapaiyak naman sa tuwa si Eric at niyakap niya ang kanyang asawa. "I know Raven is strong. She's strong."Natapos ng suriin ng mga doctor si Raven at nilinisan na rin ito. Suot na nito ang isang hospital gown. Wala na rin ang mga dugo mula sa ilong at tenga nito. Under monitor muna daw buong gabi si Raven pero bukas ay pwede na daw siyang ilipat sa regular room.Nakahinga naman ang dalawa ng maluwag. Hindi nila magawang iwan si Raven kaya kahit mahirap ay nakaupo lang sila sa waiting area at halos doon na rin natutulog. Hindi nila kayang matulog ng komportable sa kanilang bahay habang ang kanilang anak ay nasa ospital.Naging mabagal para sa kanila ang gabi. Pero dumating na rin ang umaga at gaya nga ng sinabi ng doctor ay inilipat si Raven sa isang private room. Mahimbing na natutulog si Raven na parang wala lang nangyari rito. Pansamatalang umuwi naman si Eric para kumuha ng mga gamit.Si patricia ang nagbabantay kay Raven na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya. Pina-andar na lang ni Patricia ang telebisyon at agad na sumalubong ang balita tungkol sa mga batang nakaligtas sa Enigma. Ginawan din ng test ang mga ito gaya kay Raven. Natapos ang balita at may palabas na nagplay na sa tv. Pansamantalang nanood si Patricia doon ng magising si Raven sa pagkakatulog nito.Bumangon ito na tila parang nagtataka pa kung nasaan siya. Napatingin si Raven sa kanyang mama ng may pagtataka. "Saan po tayo mama?" Tanong ni Raven at napatingin ito sa kaliwang kamay at nagulat pa ito ng makita ang suwero."Nasa ospital tayo anak... nilagnat ka kasi." Sagot lang ni Patricia rito. Ayaw niyang sabihin dito ang nangyari."Nilagnat po?" Parang nagtataka pa si Raven pero hindi na siya nagtangka pang magtanong ulit. Medyo iba lang ang pakiramdam niya dahil kinikilabutan siya sa hindi niya malaman na dahilan.Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Kinakabahan siya ng hindi niya alam kung bakit. Napatingin siya sa vase na nasa tabi ng TV. Hindi niya maalis ang tingin doon at nagpatuloy ang kaba niya at napabilis na rin ang kanyang paghinga at nagulat na lang siya ng biglang nabasag ang vase."Aahh!" Napatili naman si Patricia dahil sa gulat. Tiningnan niya ng may halong pagtataka ang ngayon basag na vase. Hindi niya alam kung paanong nabasag yun na wala naman lumapit doon. O baka talagang malapit na yung mabasag dati pa."Mama...." saad ni Raven na sa kanyang mama. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay may kinatatakutan siya na hindi niya alam."Sandali lang anak." Tumayo si Patricia at pupunta siya sa nurse station. Bubuksan na sana niya ang pintuan pero may mga narinig siyang boses sa labas ng pinto."It is a direct order from the president. All child who survived from the Enigma will be quarantined and they will be under captivity until further notice." Dinig ni Patricia mula sa isang lalaki. Hindi niya alam kung watcher ito o doctor o nurse."But doc, why? I don't understand." Nagtatakang tanong ng nurse na doctor pala ang kausap."After they survived..... they will have some sort of disorder as what they call. They said it is harmful to mankind. I don't know what is this disorder, but we need to report the child to the ministry." Hindi na tinapos ni Patricia ang pakikinig at bumalik na siya sa higaan ni Raven.Hindi siya mapakali, palakad lakad siya at napapatingin kay Raven. She doesn't know but she felt trouble about what she heard. It is not a good sign. Under captivity, that means, ikukulong nila si Raven kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at tinanggal niya ang suwero ni Raven na ikinagulat naman ng bata."Mama...." naiusal ni Raven sa kanyang mama."Raven, wag kang maingay. We need to get out of here..." saad nito at nagmamadali ito. Ipinasuot niya kay raven ang kanyang jacket."Pero bakit mama?" Nagtatakang tanong ni Raven."Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon." Sagot naman ni Patricia.Hinawakan niya sa kamay si Raven at dahan dahan siyang pumanhik sa pintuan at binuksan yun. Wala siyang makitang naglalakad dahil private hallway yun kaya naglakad na siya dala si Raven at pumasok sila sa elevator. Inilagay niya si Raven sa likod para hindi kaagad makita. Hindi naman nagtagal dahil limang palapag lang naman ang ospital at nakarating na sila sa ground floor. Lumabas sila at pilit na gumalaw sila na hindi hakot sa atensyon.Narating nila ang exit na may bantay na guard pero mabuti at hindi naman sila chineck dahil akala lang nito ay mga bisita ang dalawa kaya malaya silang nakalabas sa ospital ng walang nakakapansin.Raven's POVMAINIT ang araw at tirik na tirik ito. Ramdam ko ang pinong buhangin sa aking likod. Nakahiga ako sa buhanginan dito sa lugar ng Austra. Isang liblib na pook na walang masyadong nagagawi na mga tao. Malapit lang ito sa dagat kaya dito ako nagpapalipas ng araw nitong lumipas ang mga taon.Ilan taon na ang nakakalipas. Mula ng magkaroon ako ng ala-ala o muwang ay alam ko na nandito na kami tumira mula ng maospital ako. Wala ni isang kapitbahay. Ni hindi ako nakapag-aral sa isang paaralan. Hindi ko naranasan ang maging normal na isang teenager.Magsasampong taon na ang nakalipas simula ng mangyari yun. Noon ay hindi ko alam bakit lumipat kami dito sa isang liblib na lugar. Pero ng magkaedad ako ay naintindihan ko na ang lahat. Ang dahilan kung bakit ako inilayo ng mga magulang ko sa mga tao. Kahit hindi ko tanungin ay nalaman ko na rin ang dahilan dahil na rin sa napanood ko sa telebesyon tungkol sa mga batang kagaya ko.Hindi ako normal at pinaghahanap ang isang tulad ko dah
Raven's POVNAGISING na lang ako at namulat na nasa isang banyagang silid na ako. Kulay puti iyon na may halong kulay dilaw. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa silid na ito. Pero kilala ko kung ano ang nakasabit sa kaliwang kamay ko.Sinabi ni mama sa akin na dextrose ito kaya alam ko ang itsura nito. Walang tao doon maliban sa akin. Kulungan ba ito? Pero bakit ganito ang itsura? Bakit maganda?"Doc, gising na po ang pasyente." Napansin ko na lang na may babaeng nakaputi na pumasok sa silid.Meron sumunod dito na lalaking nakaputi na sa palagay ko ay ang doctor na base na rin sa kasuotan nito. Lumapit sa akin ang doctor at nakangiti ito sa akin."Ako pala si Doctor Ryan Eisenberg. Kumusta ang pakiramdam mo?" Magaan na bati nito sa akin.Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Hindi okay ang pakiramdam ko dahil sariwa pa sa aking ala-ala ang mga nangyari. Kaya hindi ako sumagot at binigyan ko lang siya ng blankong tingin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin pagkatapos nit
Raven's POVNASA labas na ako ngayon at nakaharap sa pintuan ng aking silid. Dito ako inihatid ni Headmaster. Umani pa kami ng tingin mula sa ibang estudyante at tinatapunan nila ako ng nakakapagtatakang mga titig. Kinabahan ako at naninibago dahil ngayon lang ako nakakita ng mga taong kaedad ko. Iba pala talaga kung hindi ka nakakulong sa isang mundo.Nahihiya akong kumatok sa pintuan at nagdadalawang isip din ako kung kakatok ba ako o hihintayin na lang na lumabas ang sinasabing ka roommate ko daw.Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at nagtataka sila kung bakit hindi pa ako pumapasok. Parang gusto ko naman umalis ngayon sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam na ako ng hiya. Aatras na sana ako ng biglang bumukas naman ang pintuan at nagulat pa yung babae galing sa loob."May kailangan ka ba?" Tanong nito sa akin.Hindi ako makaimik. Nahihiya akong sabihin sa kanya na dito ako titira. Hindi ako sanay na makipag-usap sa ibang tao lalo na at hindi ko sila kilala. Literal na hindi tal
Raven's POVMAIGI kong sinisipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Bakit parang ang ikli ng sando ko? Pero sabi ni Haze ay ito daw ang uniform na kailangan namin suotin. Nakapants din ako ng kagaya kay papa na fatigue pero stretchable ito at fitted mula bewang hanggang talampakan ko. Naka-combat shoes din ako at suot ko na ang I.D ko na kasama din pinadala sa mga gamit ko.A/N: photo is not mine. For imaginary purposes.Mukhang maganda naman ang uniform nila. Maganda ito at parang mahihiya ako sa damit dahil maganda talaga ito at dahil sa ganda nito ay bumagay ito sa akin.Itinali ko na lang ang buhok ko na isang high pony tail at lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko naman si Haze na ngayon ay nakaupo at pareho din kami ng suot. Bagay na bagay din sa kanya ang uniform namin.Napalingon ito sa akin ng maramdaman nito na lumabas na ako at agad na tumayo ito at nagulat pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."Omg. Bagay na bagay sayo yung uniform natin! Shit, ang ganda ng kurba mo
Raven's POVNATAPOS ang klase namin na mabigat ang pakiramdam ko pero pilit kong pinapagaan yun. Alam ko na walang kasalanan si sir Blast. Hindi naman siya Eon at lalong hindi din siya ang gumawa ng batas. Hindi ko lang talaga gusto ang patakaran nila. Pero hindi ko na yun isinatinig."Raven, sumama ka sakin. I-tetest pa kita para sa klasipikasyon mo." Saad nito sa akin at naglakad na ito paalis sa arena kaya sumunod kaagad ako rito.Kinakabahan ako kahit alam ko na titingnan lang ni sir Blast kung saan klasipikasyon ako nararapat. Pero iniisip ko rin kung ano ang paraan para malaman yun. Kukunan ba nila ako ng dugo? Ooperahan? Iniisip ko pa lang ay kinililabutan na ako.Tahimik lang akong nakasunod kay sir Blast hanggang narating na namin at isang malamansyon na istraktura na sinasabi niyang office at laboratoryo daw niya dito sa Fortress.Pumasok kami doon at agad na bumungad sa aking mga mata ang kulay puti. Oo lahat ng kulay, gamit, kisame, sahig ay kulay puti. Para siyang laborat
Raven's POVNARATING ko na ang lamesa nina Haze at agad akong napatingin sa kasama nito. Nakatingin sa akin ang lalaki na nakanganga pa habang si Haze naman ay nakatingin doon sa lalaking tinitingnan kanina."Vaklah! Diyos ko di mo naman sinabi na diyosa pa la itong roommate mo!" Nagulat pa ako sa pagtili ng lalaki. Parang nawiweirdohan ako sa ikinikilos niya."Oo diyosa yan. Nakita mo naman, dineadma lang ang kapogihan ni Vander my loves." Sagot naman ni Haze ngayon at sa akin na ito nakatingin. "Grabe Raven, hindi ako makapaniwala na bastang nilagpasan mo lang si Vander na parang hindi nakikita. Hindi ka ba nagugwapohan sa kanya?"Napakunot noo naman ako nito. Ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasasali ang pangalan ni Vander? Nandito ba si Vander?"Naku vaklah. May K naman siya kasi diyosa siya." Sagot naman ng lalaki. "Pero teka, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko pala ay Bryce Walker, but you can call me Bree.""Gaga ka vaklah, hindi nakakapagsalita si Raven." Sita naman ni
Raven's POV"Bilisan na natin. Kailangan natin maging maaga doon sa arena." Nagmamadaling kilos at salita ni Haze mula sa labas ng aking kuwarto.Napatingin ako sa wallclock at nakita mo na ala siete pa ng umaga. Alas otso pa naman ang pagtitipon dahil may paligsahan daw na magaganap. Pero hindi ko na ito inusisa dahil mas nakakaalam naman ito sa kung ano ang dapat gawin.Nakasuot na ako ng neon yellow green na tank top at yung fatigue pa rin na pants at nakacombat shoes ako. Kailangan ko daw ito para makilala ang klasipikasyon ko sa paligsaan. Kung normal naman na klase ay naka-itim na tank top lang kami lahat.Lumabas na ako sa kuwarto at komportable naman ako sa suot ko. Medyo parang napakaliwanag lang talaga ng kulay ng damit ko pero okay na rin dahil ito talaga ang suot ng lahat ng common."Wow! Maganda sayo tingnan yung kulay." Puna naman nito sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil nasasanay na ako sa kanya araw-araw na parang laging pasabog ang suot ko."Tara na." Saad ko
Raven's POVPUMUKAW sa aking kuryusidad habang nandito ako sa kuwarto nun lalaking nakita ko sa cafeteria at nakabangga ko kanina. Hindi niya ako pinalabas ng kuwarto at pabor naman sa akin yun para hindi agad ako mahanap ng mga hunters.Nag-iisip ako kung sino ba ang lalaking ito. Professor din ba siya? O scientist? Hindi kasi siya sumali sa event at nandito lang siya sa sinasabi niya na bahay niya raw ito. Kaya baka nga professor siya.Nakapagbihis na rin ito kaya nawala na yun pagka-asiwa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit naasiwa ako. Wala naman kahulugan kahit ganun ang itsura niya. O hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganun kaya ganoon ang naramdaman ko."You're new here?" Tanong ng lalaki sa akin.Tumango naman ako. "Noon isang araw lang ako nandito." Sagot ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ingles ng ingles ito. Pero mabuti na rin at nakakaintindi naman ito ng tagalog."Where do you came from?""Sa Ravenwood." Tinaasan naman ako nito ng kilay at
NATAPOS ang klase buong araw at alam na rin ng mga subject teacher ko ang sitwasyon ko. Natuwa naman sila ngunit may iba na hindi naniniwala. They are saying that I am just exaggerating. Wala naman akong magagawa kung ganoon ang iisipin nila. But they will know once the monthly exam arrives.Sumakay na ako ng bus papuntang Flynn Street. Nandoon ang tindahan ng mga tradisyonal na gamot na binibili ko para kay Mama. It's a bit far from the busy city but still this is part of the City.Isang oras din ang maging biyahe kasama na doon ang traffic. Bumaba naman ako sa bus stop at naglakad na ako. Mga tatlumong minutong lakaran ang gagawin ko dahil malayo ito mula sa highway.Mas malago din anh puno ng sa Flynn Street at may mga iilan na naglalakad din dahil pauwi na galing trabaho. Binilisan ko na lang ang paglalakad para marating ko kaagad ang tindahan.Lumipas ang tatlumpong minuto ay narating ko na ang tindahan. May iilan na bumibili doon pero paalis na sila. Pumasok naman ako at agad ko
MEDYO matagal ang naging biyahe kaysa kaninang umaga dahil medyo mataas na din ang trapiko sa Divine City. Maraming mga sasakyan ngunit hinabaan ko naman ang aking pasensya.Papalapit na ang gabi at hindi ko alam kung nakauwi na ba si Mama lalo na at sabado ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa babaan.Agad na bumaba ako at patakbo kong tinalunton ang kalye patungo sa bahay namin. Ngunit napakunot na naman ang noo ko dahil may nakaparke na naman na sasakyan na alam ko ay sa mga de Luca. Ngunit naalarma ako dahil may naririnig akong sigawan partikular na ang boses ni Mama na tila naaagrabyado.Mabilis akong tumakbo at inignora ang mga bodyguards at mabilis naman silang kumilos at biglang pinigilan ako."Miss, hindi ka pwedeng makialam dito." Pigil sa akin ng isa sa mga bodyguard.I grimaced with displeasure. How dare they to stop me when I am in my own home?"Wala kang karapatan na pigilan ako sa sarili namin pamamahay." Matalim na saad ko sa bodyguard at tila nakilala n
NAKALABAS na ako ng ospital at naging normal na ulit ang takbo ng buhay ko. Wala akong nararamdaman kakaiba at ang pangyayaring iyon ay tila isang panaginip na pinili ko na lang na kinalimutan.Pansamantalang lumiban din ako sa klase ko sa martial arts dahil kalalabas ko lang sa ospital at hindi pumayag si Mama. I've been learning martial arts since young. Wala naman akong binabayaran dito dahil kaibigan ni Mama yung may ari ng dojo kaya libre akong nakapag-aral.It was decided to learn with martial since young since I am a member of de Luca. Even though we are not acknowledge before, I must learn the proper way of the de Luca's. Na-enjoy ko na rin ang pag-aaral ng martial arts. I am a seventh dan black belter holder. I gain this title with competition and ranking.The highest rank in martial arts is the tenth dan black belter. But this can only be worn by the dojo master. Hindi din ako aktibo sa lahat ng kompetisyon kaya hindi ako sigurado kung ano na ang ranggo ko kung susubukan ko
"You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not."- Jodi Picoult⭐️ECLIPSE SIX⭐️Start of the BattleSelene's POV"Nako anak wala ka na bang nakalimutan? Baka may naiwan ka pa. Dala mo na ba ang baon mo? Ang requirements mo?" Di mapakaling tanong ni nanay sa akin. Hindi ito magkanda-ugaga sa pag-aayos ng gamit ko na dadalhin ko sa office ni Halex."Opo nay, nadala ko na po lahat. Wala na ho akong nakalimutan." Sagot ko naman rito at tsaka binitbit ko na ang shoulder bag ko.Nakasuot lang ako ngayon ng isang pink na collared shirt at isang puting maong na pantalon. Nakasuot lang din ako ng rubber shoes at inilugay ko na ang buhok ko."Ang sexy mo pinsan! Nasaan ang justice!?" Parang baliw na sigaw naman ni Jopay na ngayon ay nakasuot ito ng puting tshirt at maong na pantalon.Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sexy sa suot ko? Oo fitted sa akin ang collared shirt ko at skinny jeans din ang suot ko na kulay puti. Labas na labas
"Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s
"Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang
"You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will
"Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam
"It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko