Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2022-11-08 20:14:52

Raven's POV

NAGISING na lang ako at namulat na nasa isang banyagang silid na ako. Kulay puti iyon na may halong kulay dilaw. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa silid na ito. Pero kilala ko kung ano ang nakasabit sa kaliwang kamay ko.

Sinabi ni mama sa akin na dextrose ito kaya alam ko ang itsura nito. Walang tao doon maliban sa akin. Kulungan ba ito? Pero bakit ganito ang itsura? Bakit maganda?

"Doc, gising na po ang pasyente." Napansin ko na lang na may babaeng nakaputi na pumasok sa silid.

Meron sumunod dito na lalaking nakaputi na sa palagay ko ay ang doctor na base na rin sa kasuotan nito. Lumapit sa akin ang doctor at nakangiti ito sa akin.

"Ako pala si Doctor Ryan Eisenberg. Kumusta ang pakiramdam mo?" Magaan na bati nito sa akin.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Hindi okay ang pakiramdam ko dahil sariwa pa sa aking ala-ala ang mga nangyari. Kaya hindi ako sumagot at binigyan ko lang siya ng blankong tingin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin pagkatapos nito.

"Possible trauma dahil sa mga nangyari sa kanya." Saad naman ng doctor na kausap nito ang nurse at tumingin ito pabalik sa akin. "It's going to be okay. Ligtas ka na." Turan nito sa akin.

Ligtas ako? Paanong ligtas ako na sa pagkakaalala ko ay dinukot ako ng mga masasamang loob. Pinatay ang mama ko at nabugbog pa ako. Hindi ko alam kung sa anong paraan ako naging ligtas pero hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin bakit nila ako dinukot at dinala sa lugar na ito.

"She's not talking doc... is she okay?" Tanong ng nurse. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila dahil naturuan din naman ako ni mama sa wikang ingles. Lahat din ng librong binabasa ko ay ingles.

"She's gonna be okay. Hindi basta-basta ang sinapit niya noong nadukot siya ng gobyerno. Maswerte siya at nailigtas siya ng mga Cadre." Nagtataka man ako na nakikinig pero umusbong na ang aking kuryusidad dahil nag-uusap sila sa isang bagay na hindi ko inaasahan.

"Nakakatuwa lang na may nadagdag na nailigtas dito. Sana mailigtas lahat ng mga eons." Saad ng nurse.

Pagkatapos nun ay naglakad na sila palabas ng silid. Naging maraming katanungan ang pumasok sa utak ko. Kung sino ang Cadre at ano ang Eons. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang yun kaya wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin nun.

Laking pasalamat ko lang dahil maliban sa pasa na natamo doon sa parte kung saan nakahawak yung dumukot sa akin ay wala na akong makitang pasa sa aking katawan. Pero talagang nangingitim yung kanan braso ko pero alam ko naman na mawawala lang din ito.

Biglang naalala ko na naman si mama at tumulo ang aking luha. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Si papa naman ay siguradong wala siyang alam sa mga nangyari. Walang kaalam alam ang papa ko na wala na si mama at nadukot naman ako ng mga masasamang loob.

Puno ng bakit at katanungan ang isipan ko. Masakit sa akin ang mga nangyari pero wala akong magawa dahil mahina ako. Ni hindi ko alam kung paano gamitin ang abilidad ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang kakayahan ko. Dahil sa pamumuhay namin na normal ay hindi ko natutunan na gamitin ang abilidad ko. Pero pinagbawalan din ako nina mama at papa na gamitin yun kung alam ko daw kung paano kaya walang pagkakataon na matutunan iyon.

Kung alam ko lang sana ay baka sakaling nailigtas ko si mama. Pero para saan pa ang pagsisisi kung huli na ang lahat. Nakayukong nakatingin na lang ako sa kamay ko at paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mukha ng aking mama na nagmamakaawa na huwag siyang patayin. Ni isa sa kanila ay walang naawa at pinatay pa rin si mama kahit wala itong kalaban laban.

Pinahid ko ang luha ko dahil gusto ko na yun tumigil sa kakaagos. Masakit at di ko matanggap pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan ko pang tumakas sa lugar na ito. Kailangan kong mahanap si papa.

Humiga na lang ako ulit at sa matinding kalungkutan ay nakatulog na ako. Isang mahabang tulog na walang panaginip.

•••

ILANG araw na ako dito at nalaman ko na isang maliit na ospital pala ito. Naging mabait sa akin ang mga nurse at doctor. Nalaman ko rin na hindi pala ito mga kalaban. Nalaman ko iyon dahil sa madaldal na nurse na kahit hindi ko kinakausap ay kusang dumadaldal ito.

Nalaman ko na isa pala itong isolated na lugar para sa mga kagaya namin. May isang paaralan o akademya kung tawagin ay Eon Academy. Ang academy na ito ay hindi kilala at kusang itinago sa lahat. Kahit gobyerno ay walang alam tungkol sa lugar na ito. Ang alam lang nila ay pribadong lupain ito ng mga Cambridge.

Napag-alaman ko na marami pala akong katulad dito sa Fortress. Mga nagsasanay ng abilidad at pakikipaglaban para maprotektahan ang mga sarili dahil hinahabol kami ng gobyerno para puksain.

"Hays, ayaw mo pa rin ba talagang magsalita? Ilang araw ka na dito. Dapat nakakapagsalita ka na dahil malapit ka ng makalabas dito." Nakangusong saad naman ng nurse.

Umiling ako. Wala akong balak na magsalita. Ewan ko rin kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ayoko talagang magsalita kahit alam ko na mabubuti silang tao.

"Hays, baka naman pipi ka kaya di ka nakakapagsalita. Sayang ang ganda mo pa naman." Sumusukong saad ng nurse at umalis na rin.

Tanggal na ang dextrose na nakakabit sa akin kaya lumabas na ako ng maliit na ospital na yun. Agad na tumambad sa harap ko ang kagandahan ng lugar.

Isang pathway na gawa sa semento, may mga halaman at mga puno. Sobrang ganda at ngayon lang ako nakakita ng ganito buong buhay ko.

Pero napatingin naman ako sa isang lalaking naglalakad patungo sa dereksyon ko. Nakasuot ito ng tuxedo at halatang makapangyarihan ito pero nagulat na lang ako ng ngumiti ito sa akin.

"Hi! I'm Luther Cross the Headmaster of the Academy and you are?" Pakilala nito sa akin at sabay tanong. Halatang mas matanda ito sa akin. Nasa mga late twenties na ang edad nito kung pagbabasehan ang itsura nito.

Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang ang kamay na nakalahad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari bakit nakalahad ang kamay niya sa harap ko.

Napakamot naman ito ng ulo. "Mukhang totoo nga ang sinasabi nila na hindi ka nagsasalita. Pero hindi na importante yun dahil nakakaintindi ka naman kaya matututo ka sa mga aralin. Kailangan kang ma-enroll sa academy para mapaghusay mo ang iyong kakayahan. Marami kang magiging kaklaseng mga kaedad mo at may iba din na mas matanda sa iyo. Ito ang magiging tahanan niyo, bilang Eons." Paliwanag nito.

Kaklase? Ibig sabihin ay mag-aaral ako? Parang lumundag naman ang puso ko sa nalaman. Pansamantalang nakalimutan ko ang lahat ng sakit na namamahay na sa dibdib ko.

"Mukhang excited ka, kaya sumunod ka sa akin kasi kailangan mo i-fill up ang form para ma-enroll ka sa Academy." Saad naman nito at naglakad na kaya wala akong magawa kundi ang sumunod dito.

Gusto kong mag-aral dahil yun ang bagay na hindi ko naranasan buong buhay ko. Ang mag-aral sa paaralan. Palingon-lingon ako sa paligid habang nakasunod kay Headmaster. Talagang sobrang ganda ng paligid. Alagang alaga.

Sa dulo ng pathway ay may nakikita akong parang isang malaking bahay na kulay dilaw.

Kaninong bahay kaya yan? Naitanong ko na lang yun sa isipan ko. Maganda ang bahay at malaki ito.

"Yan ang building ng faculty at opisina ko rin. Nandyan din ang registrar's office." Sabay turo nito sa bahay na dilaw.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na opisina yun. Hindi siya mukhang opisina. Mas mukha siyang mansyon.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang opisina ni Headmaster na ngayon ay para akong tanga na tumitingin sa bawat paligid. Sobrang ganda ng mga muwebles. Malayong malayo sa aming bahay na tinitirhan noon. Ang bahay namin doon sa Austra ay gawa lamang sa papag. Ang mga kagamitan naman ay mga luma.

Pero ang lahat ng mga nakikita ko rito ay halatang bago at moderno. Napakalinis at parang nakakahiyang apakan ang sahig.

"Maupo ka muna Miss at i-fill up mo itong from." Saad naman ni Headmaster Luther sa akin.

Marahan akong tumango at umupo na sa upuan na kaharap ng kanyang center table. May inilapag siya doon na isang bond paper at may mga naka imprinta doon. May inilagay din siya na ballpen kaya kinuha ko na yun at nagsimula ng magsulat.

Personal Information

Name: Raven Haust

Age: 18 years old

Date of Birth: December 10, 2000

Mother: Deceased

Father: —

Address: —

Educational Background

Primary: Ravenwood Academy

Secondary: —

Tertiary: —

Maraming puwang ang nilaktawan ko dahil sa palagay ko ay hindi na kailangan yun lagyan at wala din akong mailalagay. Habang sa pangalan naman ng aking papa ay hindi ko na nilagay para na rin sa kaligtasan niya. Walang pwedeng makaalam kung sino ang aking papa dahil siya na lang ang natitira sa akin at kailangan ko siyang mahanap.

Ibinigay ko na iyon kay Headmaster at binasa niya muna yun. Kumunot naman ang kanyang noo pero hindi na siya nagtanong kung bakit marami akong iniwan na blanko. Nilagdaan na niya ang aking papel at nilagyan ng seal ng Academy.

"Okay. Now you are a legitimate Eons Academy Student—" naputol naman ang kanyang pagsasalita ng may kumatok sa pintuan. "Come in!" Sagot naman ni Headmaster.

Agad na bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang babae na may edad na at may salamin sa mata. May dala itong pansukat at agad na tumumutok ang mata nito sa akin.

"Siya na ba ang susukatan ko Headmaster?" Tanong nito kay Headmaster Luther.

"Oo Sierra. Siya si Raven. Pasensya na kung pinapunta kita rito dahil hindi nagsasalita si Raven at baka magkahirapan kayong dalawa." Sagot naman ni Headmaster rito.

Ngumiti naman ang babaeng tinawag na Sierra bago tumingin ulit ito sa akin.

"Hija, ako pala si Sierra. Ako yung taga gawa ng mga uniporme niyo at taga supply na din ng mga damit. Pero wag kang mag-alala dahil fashionista ako kaya hindi ka magsisisi sa mga taste ko." Saad pa nito na hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi nito. Fashionista? Ano yun?

Pero tumango na lamang ako at sinimulan na nga akong sukatan ni Sierra. Pagkatapos ng pagsusukat nito ay may mga inilista na ito sa kanyang notebook.

"Okay tapos na ako. Hindi ako mahihirapan sa pagbigay ng damit sa kanya. Size two naman siya at maraming kasya sa kanya. May uniform na din doon at kailangan ko lang ng konting adjustment sa mga yun." Saad naman ni Sierra kay Headmaster Luther.

"Okay, maraming salamat Sierra." Sagot naman ni Headmaster.

Umalis na si Sierra at naiwan ako dito sa loob ng opisina ni Headmaster. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero biglang kumuha na lang si Headmaster ng isang—bagay na kilala ko. Isa yung camera kahit medyo weird ang itsura niya para sa akin.

"I will take your picture for your file and your ID." Saad nito at iginiya na ako sa isang puting dingding doon at pinatayo. "Just stand straight and do not frown." Saad nito kaya nag relax ang aking ekspresyon at nagulat at napapikit ako sa flash ng camera. "Okay done."

Pakiramdam ko ay parang nabulag ako doon. Ganoon ba talaga basta camera? Parang ayoko nun dahil masakit sa mata.

"Ihahatid na kita sa dorm room mo, Raven." Saad naman nito sa akin. Masasabi ko na mabait si Headmaster dahil tinutulungan niya ako. Alam ko na ginagawa lang niya ito dahil hindi ako nagsasalita at mahihirapan ang iba.

Kaya lumabas na kami sa opisina ni Headmaster at naglakad na kami at di ko mapigilan na mag-enjoy sa mga tanawin. Parang gusto kong sumigaw sa ganda at tumili pero pinigilan ko ang sarili ko. Magsasalita ako sa oras kung kailangan ko na talaga.

Kaugnay na kabanata

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 3

    Raven's POVNASA labas na ako ngayon at nakaharap sa pintuan ng aking silid. Dito ako inihatid ni Headmaster. Umani pa kami ng tingin mula sa ibang estudyante at tinatapunan nila ako ng nakakapagtatakang mga titig. Kinabahan ako at naninibago dahil ngayon lang ako nakakita ng mga taong kaedad ko. Iba pala talaga kung hindi ka nakakulong sa isang mundo.Nahihiya akong kumatok sa pintuan at nagdadalawang isip din ako kung kakatok ba ako o hihintayin na lang na lumabas ang sinasabing ka roommate ko daw.Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at nagtataka sila kung bakit hindi pa ako pumapasok. Parang gusto ko naman umalis ngayon sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam na ako ng hiya. Aatras na sana ako ng biglang bumukas naman ang pintuan at nagulat pa yung babae galing sa loob."May kailangan ka ba?" Tanong nito sa akin.Hindi ako makaimik. Nahihiya akong sabihin sa kanya na dito ako titira. Hindi ako sanay na makipag-usap sa ibang tao lalo na at hindi ko sila kilala. Literal na hindi tal

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 4

    Raven's POVMAIGI kong sinisipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Bakit parang ang ikli ng sando ko? Pero sabi ni Haze ay ito daw ang uniform na kailangan namin suotin. Nakapants din ako ng kagaya kay papa na fatigue pero stretchable ito at fitted mula bewang hanggang talampakan ko. Naka-combat shoes din ako at suot ko na ang I.D ko na kasama din pinadala sa mga gamit ko.A/N: photo is not mine. For imaginary purposes.Mukhang maganda naman ang uniform nila. Maganda ito at parang mahihiya ako sa damit dahil maganda talaga ito at dahil sa ganda nito ay bumagay ito sa akin.Itinali ko na lang ang buhok ko na isang high pony tail at lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko naman si Haze na ngayon ay nakaupo at pareho din kami ng suot. Bagay na bagay din sa kanya ang uniform namin.Napalingon ito sa akin ng maramdaman nito na lumabas na ako at agad na tumayo ito at nagulat pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."Omg. Bagay na bagay sayo yung uniform natin! Shit, ang ganda ng kurba mo

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 5

    Raven's POVNATAPOS ang klase namin na mabigat ang pakiramdam ko pero pilit kong pinapagaan yun. Alam ko na walang kasalanan si sir Blast. Hindi naman siya Eon at lalong hindi din siya ang gumawa ng batas. Hindi ko lang talaga gusto ang patakaran nila. Pero hindi ko na yun isinatinig."Raven, sumama ka sakin. I-tetest pa kita para sa klasipikasyon mo." Saad nito sa akin at naglakad na ito paalis sa arena kaya sumunod kaagad ako rito.Kinakabahan ako kahit alam ko na titingnan lang ni sir Blast kung saan klasipikasyon ako nararapat. Pero iniisip ko rin kung ano ang paraan para malaman yun. Kukunan ba nila ako ng dugo? Ooperahan? Iniisip ko pa lang ay kinililabutan na ako.Tahimik lang akong nakasunod kay sir Blast hanggang narating na namin at isang malamansyon na istraktura na sinasabi niyang office at laboratoryo daw niya dito sa Fortress.Pumasok kami doon at agad na bumungad sa aking mga mata ang kulay puti. Oo lahat ng kulay, gamit, kisame, sahig ay kulay puti. Para siyang laborat

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 6

    Raven's POVNARATING ko na ang lamesa nina Haze at agad akong napatingin sa kasama nito. Nakatingin sa akin ang lalaki na nakanganga pa habang si Haze naman ay nakatingin doon sa lalaking tinitingnan kanina."Vaklah! Diyos ko di mo naman sinabi na diyosa pa la itong roommate mo!" Nagulat pa ako sa pagtili ng lalaki. Parang nawiweirdohan ako sa ikinikilos niya."Oo diyosa yan. Nakita mo naman, dineadma lang ang kapogihan ni Vander my loves." Sagot naman ni Haze ngayon at sa akin na ito nakatingin. "Grabe Raven, hindi ako makapaniwala na bastang nilagpasan mo lang si Vander na parang hindi nakikita. Hindi ka ba nagugwapohan sa kanya?"Napakunot noo naman ako nito. Ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasasali ang pangalan ni Vander? Nandito ba si Vander?"Naku vaklah. May K naman siya kasi diyosa siya." Sagot naman ng lalaki. "Pero teka, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko pala ay Bryce Walker, but you can call me Bree.""Gaga ka vaklah, hindi nakakapagsalita si Raven." Sita naman ni

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 7

    Raven's POV"Bilisan na natin. Kailangan natin maging maaga doon sa arena." Nagmamadaling kilos at salita ni Haze mula sa labas ng aking kuwarto.Napatingin ako sa wallclock at nakita mo na ala siete pa ng umaga. Alas otso pa naman ang pagtitipon dahil may paligsahan daw na magaganap. Pero hindi ko na ito inusisa dahil mas nakakaalam naman ito sa kung ano ang dapat gawin.Nakasuot na ako ng neon yellow green na tank top at yung fatigue pa rin na pants at nakacombat shoes ako. Kailangan ko daw ito para makilala ang klasipikasyon ko sa paligsaan. Kung normal naman na klase ay naka-itim na tank top lang kami lahat.Lumabas na ako sa kuwarto at komportable naman ako sa suot ko. Medyo parang napakaliwanag lang talaga ng kulay ng damit ko pero okay na rin dahil ito talaga ang suot ng lahat ng common."Wow! Maganda sayo tingnan yung kulay." Puna naman nito sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil nasasanay na ako sa kanya araw-araw na parang laging pasabog ang suot ko."Tara na." Saad ko

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 8

    Raven's POVPUMUKAW sa aking kuryusidad habang nandito ako sa kuwarto nun lalaking nakita ko sa cafeteria at nakabangga ko kanina. Hindi niya ako pinalabas ng kuwarto at pabor naman sa akin yun para hindi agad ako mahanap ng mga hunters.Nag-iisip ako kung sino ba ang lalaking ito. Professor din ba siya? O scientist? Hindi kasi siya sumali sa event at nandito lang siya sa sinasabi niya na bahay niya raw ito. Kaya baka nga professor siya.Nakapagbihis na rin ito kaya nawala na yun pagka-asiwa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit naasiwa ako. Wala naman kahulugan kahit ganun ang itsura niya. O hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganun kaya ganoon ang naramdaman ko."You're new here?" Tanong ng lalaki sa akin.Tumango naman ako. "Noon isang araw lang ako nandito." Sagot ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ingles ng ingles ito. Pero mabuti na rin at nakakaintindi naman ito ng tagalog."Where do you came from?""Sa Ravenwood." Tinaasan naman ako nito ng kilay at

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 9

    Raven's POV"GOOD job with the game. Pero humahakot ka ng atensyon." Saad ni sir Blast sa akin.Nandito kami ngayon sa isa sa mga bakanteng training room. Ngayon magsisimula ang pagtuturo niya sa akin. Nanood din ito kanina sa hunter and hunted game."Hindi ko alam na ako ang mananalo sir." Sagot ko naman rito. Hindi ko naman talaga inasahan yun."Saan ka ba nagtago at di ka nahanap ng mga Epic?" Nagtatakang tanong pa nito."Sa isang bahay po. Nagtago ako doon sa kuwarto at nakalimutan ko dahil sa tagal n-nakatulog ako." Sagot ko rito. Totoo naman yun pero hindi ko lang binanggit ang lalaking tumulong sa akin dahil baka magtanong ito kung sino yun. Hindi ko pa naman natanong yung pangalan."Sinuwerte ka sa laro. Tinulugan mo lang, nanalo ka na." Napailing na saad ni sir Blast sa akin. "Sige magsimula na tayo. Ang gagawin mo ngayon ay pagalawin ang isang bagay gamit ang isipan mo."Napakurap naman ako. "Paano ko po yun gagawin?""Titigan mo ang bagay na gusto mong gumalaw, isipin mo ku

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 10

    Raven's POV"ANG daya mo kahapon, hindi pa nga nangangalahati yung movie sumibat ka na." Reklamo sa akin ni Haze.Patungo kami ngayon sa arena para sa training. Balik normal na ulit ang klase dahil tapos na ang event. Itim na tank top na ulit ang mga suot namin. Hindi ko naman alam kung paano sagutin si Haze. Hindi ako komportable sa pinanood nila kahapon dahil binibigyan ako ng ideya na hindi ko dapat malaman."P-patawad, inantok na talaga ako kahapon. Nag supplementary class pa ako di ba?" Pagrarason ko rito. Sana maniwala ito."Oo nga pala. Hindi man lang namin naisip na pagod ka pala kahapon." Sagot naman nito sa akin.Nagtataka naman ako kung nasaan si Bree dahil hindi namin yun naabutan na naghihintay sa labas mg dorm. "Nasaan si Bree?""Isa sa siya officer of the day ngayon kaya mas maaga siyang pumunta sa arena para sa attendance. Responsibilidad yun ng epic." Sagot naman nito sa akin."Ah... hindi ko alam." Sagot ko rito."Hindi mo nalaman kasi maaga kang natulog. Hindi mo tu

    Huling Na-update : 2022-12-17

Pinakabagong kabanata

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 50

    NATAPOS ang klase buong araw at alam na rin ng mga subject teacher ko ang sitwasyon ko. Natuwa naman sila ngunit may iba na hindi naniniwala. They are saying that I am just exaggerating. Wala naman akong magagawa kung ganoon ang iisipin nila. But they will know once the monthly exam arrives.Sumakay na ako ng bus papuntang Flynn Street. Nandoon ang tindahan ng mga tradisyonal na gamot na binibili ko para kay Mama. It's a bit far from the busy city but still this is part of the City.Isang oras din ang maging biyahe kasama na doon ang traffic. Bumaba naman ako sa bus stop at naglakad na ako. Mga tatlumong minutong lakaran ang gagawin ko dahil malayo ito mula sa highway.Mas malago din anh puno ng sa Flynn Street at may mga iilan na naglalakad din dahil pauwi na galing trabaho. Binilisan ko na lang ang paglalakad para marating ko kaagad ang tindahan.Lumipas ang tatlumpong minuto ay narating ko na ang tindahan. May iilan na bumibili doon pero paalis na sila. Pumasok naman ako at agad ko

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 49

    MEDYO matagal ang naging biyahe kaysa kaninang umaga dahil medyo mataas na din ang trapiko sa Divine City. Maraming mga sasakyan ngunit hinabaan ko naman ang aking pasensya.Papalapit na ang gabi at hindi ko alam kung nakauwi na ba si Mama lalo na at sabado ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa babaan.Agad na bumaba ako at patakbo kong tinalunton ang kalye patungo sa bahay namin. Ngunit napakunot na naman ang noo ko dahil may nakaparke na naman na sasakyan na alam ko ay sa mga de Luca. Ngunit naalarma ako dahil may naririnig akong sigawan partikular na ang boses ni Mama na tila naaagrabyado.Mabilis akong tumakbo at inignora ang mga bodyguards at mabilis naman silang kumilos at biglang pinigilan ako."Miss, hindi ka pwedeng makialam dito." Pigil sa akin ng isa sa mga bodyguard.I grimaced with displeasure. How dare they to stop me when I am in my own home?"Wala kang karapatan na pigilan ako sa sarili namin pamamahay." Matalim na saad ko sa bodyguard at tila nakilala n

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 48

    NAKALABAS na ako ng ospital at naging normal na ulit ang takbo ng buhay ko. Wala akong nararamdaman kakaiba at ang pangyayaring iyon ay tila isang panaginip na pinili ko na lang na kinalimutan.Pansamantalang lumiban din ako sa klase ko sa martial arts dahil kalalabas ko lang sa ospital at hindi pumayag si Mama. I've been learning martial arts since young. Wala naman akong binabayaran dito dahil kaibigan ni Mama yung may ari ng dojo kaya libre akong nakapag-aral.It was decided to learn with martial since young since I am a member of de Luca. Even though we are not acknowledge before, I must learn the proper way of the de Luca's. Na-enjoy ko na rin ang pag-aaral ng martial arts. I am a seventh dan black belter holder. I gain this title with competition and ranking.The highest rank in martial arts is the tenth dan black belter. But this can only be worn by the dojo master. Hindi din ako aktibo sa lahat ng kompetisyon kaya hindi ako sigurado kung ano na ang ranggo ko kung susubukan ko

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 47

    "You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not."- Jodi Picoult⭐️ECLIPSE SIX⭐️Start of the BattleSelene's POV"Nako anak wala ka na bang nakalimutan? Baka may naiwan ka pa. Dala mo na ba ang baon mo? Ang requirements mo?" Di mapakaling tanong ni nanay sa akin. Hindi ito magkanda-ugaga sa pag-aayos ng gamit ko na dadalhin ko sa office ni Halex."Opo nay, nadala ko na po lahat. Wala na ho akong nakalimutan." Sagot ko naman rito at tsaka binitbit ko na ang shoulder bag ko.Nakasuot lang ako ngayon ng isang pink na collared shirt at isang puting maong na pantalon. Nakasuot lang din ako ng rubber shoes at inilugay ko na ang buhok ko."Ang sexy mo pinsan! Nasaan ang justice!?" Parang baliw na sigaw naman ni Jopay na ngayon ay nakasuot ito ng puting tshirt at maong na pantalon.Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sexy sa suot ko? Oo fitted sa akin ang collared shirt ko at skinny jeans din ang suot ko na kulay puti. Labas na labas

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 46

    "Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 45

    "Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 44

    "You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 43

    "Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 42

    "It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko

DMCA.com Protection Status