Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2022-12-17 09:13:25

Raven's POV

NASA labas na ako ngayon at nakaharap sa pintuan ng aking silid. Dito ako inihatid ni Headmaster. Umani pa kami ng tingin mula sa ibang estudyante at tinatapunan nila ako ng nakakapagtatakang mga titig. Kinabahan ako at naninibago dahil ngayon lang ako nakakita ng mga taong kaedad ko. Iba pala talaga kung hindi ka nakakulong sa isang mundo.

Nahihiya akong kumatok sa pintuan at nagdadalawang isip din ako kung kakatok ba ako o hihintayin na lang na lumabas ang sinasabing ka roommate ko daw.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at nagtataka sila kung bakit hindi pa ako pumapasok. Parang gusto ko naman umalis ngayon sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam na ako ng hiya. Aatras na sana ako ng biglang bumukas naman ang pintuan at nagulat pa yung babae galing sa loob.

"May kailangan ka ba?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako makaimik. Nahihiya akong sabihin sa kanya na dito ako titira. Hindi ako sanay na makipag-usap sa ibang tao lalo na at hindi ko sila kilala. Literal na hindi talaga ako sanay.

Pero bago pa ako nakasagot ay tumunog na ang telepono nito mula sa isang desk kaya iniwan niya na nakabukas ang pinto at sinagot yung tawag.

"Hello—H-headmaster—opo—opo meron." Saad nito sabay tingin sa akin. "Opo—sige po." At ibinaba na nito ang telepono bago bumalik sa akin at nginitian na ako nito. "Pasok ka, roommate pala kita. Hindi ka naman kaagad nagsabi." Tuwang saad nito.

Kaya agad na pumasok ako para makalayo sa mga tingin ng ibang estudyante doon. Agad na bumungad sa akin ang isang magandang sala. Malayong malayo ito sa itsura ng bahay namin. May nakikita din akong kusina at dalawang pintuan na sa palagay ko ay mga kuwarto.

"Sa akin yan kaliwa at sayo naman yan sa kanan. Hindi pa dumating ang gamit mo kaya hindi ko alam na may bagong roommate ako. Pero sabi ni headmaster maya-maya ay darating ang mga yun at ihahatid dito." Paliwanag naman nito sa akin.

Ngumiti naman ako rito at hindi nagsalita. Tumingin lang ako sa iba pang mga gamit doon.

"Bakit di ka nagsasalita?" Nagtatakang tanong nito at yumuko lang ako. Mas mainam na hindi ako nagsasalita para walang kumausap sakin dahil hindi ko rin alam kung paano ko sila pakikitunguhan. Pero bigla naman nanlaki ang mga mata ng babae. "Oh my, hindi ka nakakapagsalita?"

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako tumango o umiling. Nahihiya din akong magsalita.

"Ay hala, okay lang yan. Sorry hindi ko talaga alam. Pero ako na ang bahala sayo. Hindi naman problema sa akin kung hindi ka nakakapagsalita. Ako ang tutulong sayo sa lahat ng bagay. Tsaka mukhang sinadya ni Headmaster na maging roommate tayo dahil sabi niya kaklase daw kita." Madaldal na saad nito.

Ganito pala ang pakikitungo sa ibang tao. Kailangan mong maging madaldal pero hindi pa ako marunong dumaldal. Minsan lang ako nagsasalita sa bahay dahil laging nasa trabaho si papa at si mama naman ay maraming ginagawa kaya tahimik lang ako.

"Teka, magbihis ka muna. Suot mo yang damit sa ospital. Papahiramin na lang kita. Mas malaki nga lang ako ng konti sayo pero kakasya yun sayo." Turan nito at bigla akong hinila nito patungo sa kuwarto nito.

Hindi ko alam na damit ng ospital pala ito. Akala ko ay normal na damit lang siya. Naghalungkat na ang babae ng mga damit nito sa isang cabinet na malaki at may nakuha naman itong isang pares ng patalon na manipis ang tela na kulay itim at isang parang dress na spaghetti strapped na kulay puti.

"Ito isuot mo na ito." Saad naman nito at itinulak na ako nito palabas ng kuwarto niya at ipinasok naman ako nito sa sinasabi nitong kuwarto ko raw.

Nanibago ako sa kuwarto ko. Napakaganda nun kesa sa dati kong kuwarto. Maaliwalas ang paligid. Kulay langit ay puti ang magkahalong kulay ng kwarto ko. Pumanhik na ako sa banyo para maligo. May nakalagay doon na mga sabon at shampoo na hindi pa nagagamit.

Agad akong naligo at nilinis ang aking katawan. Maputi ang balat ko at mahaba din ang kulay brown na buhok ko. Litaw na litaw ang kulay brown na buhok ko dahil natural yun.

Agad naman akong nagbihis at may isinama pala yung babae na hindi man lang nagpakilala ng kanyang pangalan ng isang pares ng kulay itim na underwear.

Isinuot ko na yun at dinala ko ang tuwalya sa labas ng kwarto para patuyuin ang buhok ko. Agad naman akong nilapitan ng babae na nakanganga pa itong nakatingin sa akin.

"Alam mo ba na sobrang ganda mo? Hindi masyadong naemphasize kanina kasi magulo ang buhok mo at dahil na rin sa damit mo. Pero shocks, ang ganda ganda mo pala!" Tuwang tuwa na saad nito pero hindi ako nagsalita.

Ano ba ang ibig sabihin ng maganda? Maganda ang lahat ng tao di ba? Yun ang alam ko at naituro sa akin kaya nagtataka ako kung bakit niya ako sinasabihan ng ganoon na para bang hindi ako maganda kanina.

"Shit, hindi mo pa rin pala alam ang pangalan ko. Ako pala si Haze and you should be Raven. Ay mali, bakit nga ba ngayon lang ako nagpakilala sayo? Kanina pa kita dinadaldal. Pero umupo ka na doon, ako na ang bahalang magsuklay ng buhok mo. Lalabas pa tayo at kakain doon sa cafeteria." Mahabang turan nito. Nagtataka lang ako kung hindi ba siya napapagod sa kakasalita. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka masakit na ang panga ko sa kakadaldal.

Umupo na lang ako sa upuan at agad naman na nagsimula si Haze na suklayin ang buhok ko. Namiss ko tuloy si mama dahil ginagawa niya rin ito dati sa akin. Masakit pa rin sa kalooban ko pero natuto na akong hindi umiyak.

"Ayan, tapos na. Maayos na ang buhok mo. Kaya tara na punta na tayo sa cafeteria ng makakain na tayo. Maaga kasi magclose ang cafeteria at wala pa akong stocks dito sa kusina kaya early dinner ang gagawin natin. Pero wag kang mag-alala dahil halos lahat naman ng estudyante dito ay nag-e-early dinner." Paliwanag pa nito na pakiramdam ko ay hindi na ito humihinga. Napakadaldal niya na kabaligtaran ko naman. Pero hindi naman siya yung tipong nakakaasar. Hindi lang talaga pa ako sanay.

Lumabas na kami sa dorm namin at pakiramdam ko ay napakapresko ko. Maliwanag pa sa labas pero mayroon na akong nakikitang mga estudyante din na kaedaran ko na parehong daan na tinatahak kagaya namin ni Haze. Sa palagay ko ay patungo din sila sa cafeteria.

May napapatingin sa amin ni Haze at biglang naiilang naman ako. Tinatanong ko ang sarili ko kung kailan ako masasanay dahil ngayon nandito na ako sa Fortress ay sigurado na akong araw-araw ay may makikita akong tao. Kailangan sanayin ko ang sarili ko sa mga bagay na yun.

"Ayun ang cafeteria, yang kulay asul at yung kabila, yan naman ang school building natin." Hayag ni Haze sa akin. "Pero di yan kadalasang nagagamit dahil sa arena tayo madalas nagkaklase."

Maganda ang dalawang gusali. Nagtataka lang ako kung bakit mas mukhang mga mansyon ang mga building dito at hindi ito kagaya ng mga paaralan dati. Pero hindi ko na sinubukan isipin pa yun dahil baka ganito lang talaga ang gusto nila. Kahit yung opisina ni Headmaster Luther ay mukhang mansyon din.

Pumasok na kami sa cafeteria at agad na marami akong nakitang mga estudyante. Nakayuko lamang ako habang hinahawakan naman ako ni Haze. Bastang kumuha lang siya ng plato doon at ibinigay sa akin.

"Kumuha ka lang kahit anong gusto mo. Libre ang pagkain dito dahil sponsored ang school natin ng mga mayayamang tao na may anak na itinatago rito sa Fortress." Paliwanag naman nito.

Tumango lang ako. Hindi naman ako malakas kumain dahil nasanay ako na konti lang ang kinakain. Kaya kumuha lang ako ng isang sandok ng kanin. At nawiweirdohan ako sa mga ulam dahil ngayon pa lang ako nakakita ng mga ganitong ulam. Simpleng pagkain lang ang inihahanda ni mama noong nabubuhay pa siya.

"Ito subukan mo masarap ito." Saad naman ni Haze sa akin at pumulot ito ng dalawa at inilagay yun sa aking plato. "Chicken Cordon Bleu ang tawag diyan."

Masyadong marami na ang pagkain na nasa plato ko. Hindi ko alam kung mauubos ko ang dalawang chicken c-cordon bleu na sinasabi ni Haze. Hindi na ako nagdagdag ng ano pa man. Isang juice na lang ang kinuha ko dahil parang masarap yun sa paningin ko.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay agad na naghanap kami ng bakanteng lamesa. Hindi naman kami nabigo at nakahanap kami kaya doon na kami umupo sa may bandang sulok kung saan malapit sa washing area.

Tahimik akong kumakain habang si Haze naman ay daldal ng daldal ng kung anu-ano. Nakinig lang ako rito at nakikitango ako kahit yung iba ay wala talaga akong maintindihan. Pasalamat ko na lang rito dahil pinagtityagaan ako ni Haze.

"Omg girl, nandito siya."

"Teka, omg bakit hindi ako nainform?"

"Oh shit nandito na si Vander."

"Shit ang gwapo niya."

"Bakit ganyan siya ka gwapo?"

"Omg, I think I just died."

Napansin ko na lang ang ugong sa cafeteria kaya napatingin ako sa paligid. Nagtataka ako kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi nila. Ano ba ang ibig sabihin ng gwapo? Di ba lahat ng tao ay gwapo?

Nagtataka ako dahil nagsiiritan ang mga kababaehan sa loob at lahat ng mukha nila ay nasa isang dereksyon lang nakatingin kaya napasunod din ang tingin ko doon pero bago pa dumako ang tingin ko ay biglang hinawakan na ako ni Haze.

"Omg girl! Nandito ang crush ko! Shit, this is once in a life time dahil hindi yan nagagawi rito." Para itong hindi mapakaling manok sa kinauupuan nito.

Hindi ko na nagawang tumingin sa pinagtitinginan ng lahat dahil nagtataka na ako kay Haze. Namumula ang mga pisnge nito at halos mabali na ang leeg nito sa pagkakalingon.

"Omg, kumuha siya ng bottled water." Napakurap-kurap ako rito. Hindi ko maintidihan kung ano ang iniakto niya. Para siyang naiihi sa tingin ko.

Pero imbes na tingnan ang tinitingnan nito ay yumuko na lang ako at kumagat ng cordon bleu. Masarap ang ulam na pinili ni Haze at mas interesado ako dito kesa sa tinitingnan niya.

"Ay lumabas na siya." Malungkot na saad nito na ngayon ay hindi na siya naging magalaw. "Hays, sana araw-araw pumunta siya rito para maging kompleto ang araw ko. Ang hirap kasi niyang masilayan dahil napaka aloof niya." Nangingiting saad nito sa akin pero hindi ko naman pinagkaabalahan na intindihin yun.

Marami pa itong sinabi tungkol sa kung sino man ang lalaking pumasok sa cafeteria pero hindi ako nagka-interes sa mga impormasyon. Hindi ko naman alam kung dapat ba akong maging interesado sa taong hindi ko naman kilala.

Natapos din kami sa kinain namin at naging busog na busog ako. Lumabas kami doon sa cafeteria na madilim na. Nilakad na namin ang pabalik ng dorm at natanaw naman namin ang isang lalaking nakasuot ng americana na may dala-dalang mga maleta.

"Hayan na 'ata ang mga gamit mo!" Naging excited si Haze at tumakbo ito patungo sa lalaki at napasunod naman ako rito. "Kuya magandang gabi po, kanino pong gamit yan?" Tanong pa nito.

"Magandang gabi din miss. Sa dorm room 216 ito, pinapahatid ni Miss Sierra." Sagot naman nito at naging pamilyar sa akin ang pangalan na binanggit niya. Ito yung babaeng nagsukat sa kanya.

Agad naman na natuwa si Haze. "Ay kami po ang nasa 216. Sa kanya ho yung gamit." Sabay turo sa akin.

"Opo miss. Ihahatid ko lang ito sa room niyo at aalis din kaagad ako." Sagot naman nito kay Haze at bahagyang tumingin sa akin.

"Sige kuya pakihatid na lang." sagot din ni Haze.

Kaya nauna kaming maglakad doon sa lalaki at nakasunod naman ito sa amin. Pagkatapos namin marating ang room namin ay may pinapirmahan pa ito sa akin, katibayan daw na natanggap ko.

Pinirmahan ko naman yun at ipinasok na namin sa kuwarto ko ang mga gamit na kung tutuusin ay lahat mga damit na kasya sa akin. Tinulungan akong mag-ayos ni Haze sa cabinet ko dahil marami ang pinadalang damit at aabutin ako ng bukas kung ako lang ang mag-aayos.

Related chapters

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 4

    Raven's POVMAIGI kong sinisipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Bakit parang ang ikli ng sando ko? Pero sabi ni Haze ay ito daw ang uniform na kailangan namin suotin. Nakapants din ako ng kagaya kay papa na fatigue pero stretchable ito at fitted mula bewang hanggang talampakan ko. Naka-combat shoes din ako at suot ko na ang I.D ko na kasama din pinadala sa mga gamit ko.A/N: photo is not mine. For imaginary purposes.Mukhang maganda naman ang uniform nila. Maganda ito at parang mahihiya ako sa damit dahil maganda talaga ito at dahil sa ganda nito ay bumagay ito sa akin.Itinali ko na lang ang buhok ko na isang high pony tail at lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko naman si Haze na ngayon ay nakaupo at pareho din kami ng suot. Bagay na bagay din sa kanya ang uniform namin.Napalingon ito sa akin ng maramdaman nito na lumabas na ako at agad na tumayo ito at nagulat pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."Omg. Bagay na bagay sayo yung uniform natin! Shit, ang ganda ng kurba mo

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 5

    Raven's POVNATAPOS ang klase namin na mabigat ang pakiramdam ko pero pilit kong pinapagaan yun. Alam ko na walang kasalanan si sir Blast. Hindi naman siya Eon at lalong hindi din siya ang gumawa ng batas. Hindi ko lang talaga gusto ang patakaran nila. Pero hindi ko na yun isinatinig."Raven, sumama ka sakin. I-tetest pa kita para sa klasipikasyon mo." Saad nito sa akin at naglakad na ito paalis sa arena kaya sumunod kaagad ako rito.Kinakabahan ako kahit alam ko na titingnan lang ni sir Blast kung saan klasipikasyon ako nararapat. Pero iniisip ko rin kung ano ang paraan para malaman yun. Kukunan ba nila ako ng dugo? Ooperahan? Iniisip ko pa lang ay kinililabutan na ako.Tahimik lang akong nakasunod kay sir Blast hanggang narating na namin at isang malamansyon na istraktura na sinasabi niyang office at laboratoryo daw niya dito sa Fortress.Pumasok kami doon at agad na bumungad sa aking mga mata ang kulay puti. Oo lahat ng kulay, gamit, kisame, sahig ay kulay puti. Para siyang laborat

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 6

    Raven's POVNARATING ko na ang lamesa nina Haze at agad akong napatingin sa kasama nito. Nakatingin sa akin ang lalaki na nakanganga pa habang si Haze naman ay nakatingin doon sa lalaking tinitingnan kanina."Vaklah! Diyos ko di mo naman sinabi na diyosa pa la itong roommate mo!" Nagulat pa ako sa pagtili ng lalaki. Parang nawiweirdohan ako sa ikinikilos niya."Oo diyosa yan. Nakita mo naman, dineadma lang ang kapogihan ni Vander my loves." Sagot naman ni Haze ngayon at sa akin na ito nakatingin. "Grabe Raven, hindi ako makapaniwala na bastang nilagpasan mo lang si Vander na parang hindi nakikita. Hindi ka ba nagugwapohan sa kanya?"Napakunot noo naman ako nito. Ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasasali ang pangalan ni Vander? Nandito ba si Vander?"Naku vaklah. May K naman siya kasi diyosa siya." Sagot naman ng lalaki. "Pero teka, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko pala ay Bryce Walker, but you can call me Bree.""Gaga ka vaklah, hindi nakakapagsalita si Raven." Sita naman ni

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 7

    Raven's POV"Bilisan na natin. Kailangan natin maging maaga doon sa arena." Nagmamadaling kilos at salita ni Haze mula sa labas ng aking kuwarto.Napatingin ako sa wallclock at nakita mo na ala siete pa ng umaga. Alas otso pa naman ang pagtitipon dahil may paligsahan daw na magaganap. Pero hindi ko na ito inusisa dahil mas nakakaalam naman ito sa kung ano ang dapat gawin.Nakasuot na ako ng neon yellow green na tank top at yung fatigue pa rin na pants at nakacombat shoes ako. Kailangan ko daw ito para makilala ang klasipikasyon ko sa paligsaan. Kung normal naman na klase ay naka-itim na tank top lang kami lahat.Lumabas na ako sa kuwarto at komportable naman ako sa suot ko. Medyo parang napakaliwanag lang talaga ng kulay ng damit ko pero okay na rin dahil ito talaga ang suot ng lahat ng common."Wow! Maganda sayo tingnan yung kulay." Puna naman nito sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil nasasanay na ako sa kanya araw-araw na parang laging pasabog ang suot ko."Tara na." Saad ko

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 8

    Raven's POVPUMUKAW sa aking kuryusidad habang nandito ako sa kuwarto nun lalaking nakita ko sa cafeteria at nakabangga ko kanina. Hindi niya ako pinalabas ng kuwarto at pabor naman sa akin yun para hindi agad ako mahanap ng mga hunters.Nag-iisip ako kung sino ba ang lalaking ito. Professor din ba siya? O scientist? Hindi kasi siya sumali sa event at nandito lang siya sa sinasabi niya na bahay niya raw ito. Kaya baka nga professor siya.Nakapagbihis na rin ito kaya nawala na yun pagka-asiwa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit naasiwa ako. Wala naman kahulugan kahit ganun ang itsura niya. O hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganun kaya ganoon ang naramdaman ko."You're new here?" Tanong ng lalaki sa akin.Tumango naman ako. "Noon isang araw lang ako nandito." Sagot ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ingles ng ingles ito. Pero mabuti na rin at nakakaintindi naman ito ng tagalog."Where do you came from?""Sa Ravenwood." Tinaasan naman ako nito ng kilay at

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 9

    Raven's POV"GOOD job with the game. Pero humahakot ka ng atensyon." Saad ni sir Blast sa akin.Nandito kami ngayon sa isa sa mga bakanteng training room. Ngayon magsisimula ang pagtuturo niya sa akin. Nanood din ito kanina sa hunter and hunted game."Hindi ko alam na ako ang mananalo sir." Sagot ko naman rito. Hindi ko naman talaga inasahan yun."Saan ka ba nagtago at di ka nahanap ng mga Epic?" Nagtatakang tanong pa nito."Sa isang bahay po. Nagtago ako doon sa kuwarto at nakalimutan ko dahil sa tagal n-nakatulog ako." Sagot ko rito. Totoo naman yun pero hindi ko lang binanggit ang lalaking tumulong sa akin dahil baka magtanong ito kung sino yun. Hindi ko pa naman natanong yung pangalan."Sinuwerte ka sa laro. Tinulugan mo lang, nanalo ka na." Napailing na saad ni sir Blast sa akin. "Sige magsimula na tayo. Ang gagawin mo ngayon ay pagalawin ang isang bagay gamit ang isipan mo."Napakurap naman ako. "Paano ko po yun gagawin?""Titigan mo ang bagay na gusto mong gumalaw, isipin mo ku

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 10

    Raven's POV"ANG daya mo kahapon, hindi pa nga nangangalahati yung movie sumibat ka na." Reklamo sa akin ni Haze.Patungo kami ngayon sa arena para sa training. Balik normal na ulit ang klase dahil tapos na ang event. Itim na tank top na ulit ang mga suot namin. Hindi ko naman alam kung paano sagutin si Haze. Hindi ako komportable sa pinanood nila kahapon dahil binibigyan ako ng ideya na hindi ko dapat malaman."P-patawad, inantok na talaga ako kahapon. Nag supplementary class pa ako di ba?" Pagrarason ko rito. Sana maniwala ito."Oo nga pala. Hindi man lang namin naisip na pagod ka pala kahapon." Sagot naman nito sa akin.Nagtataka naman ako kung nasaan si Bree dahil hindi namin yun naabutan na naghihintay sa labas mg dorm. "Nasaan si Bree?""Isa sa siya officer of the day ngayon kaya mas maaga siyang pumunta sa arena para sa attendance. Responsibilidad yun ng epic." Sagot naman nito sa akin."Ah... hindi ko alam." Sagot ko rito."Hindi mo nalaman kasi maaga kang natulog. Hindi mo tu

    Last Updated : 2022-12-17
  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 11

    Raven's POV"MAUNA na kayo, susunod ako sa inyo." Saad ko kina Haze at Bree na ngayon ay naguguluhan na sa mga sinasabi ko."Huh? Bakit? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Haze sa akin. Tinitingnan ako nito na parang isa akong bagay ni hindi matukoy."Oo nga. Ngayon ngayon lang, parang biglang nawala ka sa sarili mo tapos ngayon....." hindi maituloy ni Bree ang sasabihin dahil pati siya ay naguguluhan na din sa akin."Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta mauna na kayo. Kung matagalan ako, wag niyo na akong hintayin." Saad ko sa mga ito. Kung ano man ang mangyayari sa akin ay ang diyos na talaga ang bahala."S-sige..." napipilitan na saad ni Haze.Tumalikod na ako sa kanila at tinahak ko ang daan patungo sa Mansion ni Vander. Nanlalamig din ang aking kamay. Hindi pa rin mawala-wala sa dibdib ko ang takot. Pakiramdam ko ay nakatayo ako ngayon sa isang bangin na ano mang pagkakamali ay mahuhulog ako.Hindi ko na napansin ang mga nakakasalubong ko. Dire-direcho lang ako hanggang sa wala

    Last Updated : 2022-12-17

Latest chapter

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 50

    NATAPOS ang klase buong araw at alam na rin ng mga subject teacher ko ang sitwasyon ko. Natuwa naman sila ngunit may iba na hindi naniniwala. They are saying that I am just exaggerating. Wala naman akong magagawa kung ganoon ang iisipin nila. But they will know once the monthly exam arrives.Sumakay na ako ng bus papuntang Flynn Street. Nandoon ang tindahan ng mga tradisyonal na gamot na binibili ko para kay Mama. It's a bit far from the busy city but still this is part of the City.Isang oras din ang maging biyahe kasama na doon ang traffic. Bumaba naman ako sa bus stop at naglakad na ako. Mga tatlumong minutong lakaran ang gagawin ko dahil malayo ito mula sa highway.Mas malago din anh puno ng sa Flynn Street at may mga iilan na naglalakad din dahil pauwi na galing trabaho. Binilisan ko na lang ang paglalakad para marating ko kaagad ang tindahan.Lumipas ang tatlumpong minuto ay narating ko na ang tindahan. May iilan na bumibili doon pero paalis na sila. Pumasok naman ako at agad ko

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 49

    MEDYO matagal ang naging biyahe kaysa kaninang umaga dahil medyo mataas na din ang trapiko sa Divine City. Maraming mga sasakyan ngunit hinabaan ko naman ang aking pasensya.Papalapit na ang gabi at hindi ko alam kung nakauwi na ba si Mama lalo na at sabado ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa babaan.Agad na bumaba ako at patakbo kong tinalunton ang kalye patungo sa bahay namin. Ngunit napakunot na naman ang noo ko dahil may nakaparke na naman na sasakyan na alam ko ay sa mga de Luca. Ngunit naalarma ako dahil may naririnig akong sigawan partikular na ang boses ni Mama na tila naaagrabyado.Mabilis akong tumakbo at inignora ang mga bodyguards at mabilis naman silang kumilos at biglang pinigilan ako."Miss, hindi ka pwedeng makialam dito." Pigil sa akin ng isa sa mga bodyguard.I grimaced with displeasure. How dare they to stop me when I am in my own home?"Wala kang karapatan na pigilan ako sa sarili namin pamamahay." Matalim na saad ko sa bodyguard at tila nakilala n

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 48

    NAKALABAS na ako ng ospital at naging normal na ulit ang takbo ng buhay ko. Wala akong nararamdaman kakaiba at ang pangyayaring iyon ay tila isang panaginip na pinili ko na lang na kinalimutan.Pansamantalang lumiban din ako sa klase ko sa martial arts dahil kalalabas ko lang sa ospital at hindi pumayag si Mama. I've been learning martial arts since young. Wala naman akong binabayaran dito dahil kaibigan ni Mama yung may ari ng dojo kaya libre akong nakapag-aral.It was decided to learn with martial since young since I am a member of de Luca. Even though we are not acknowledge before, I must learn the proper way of the de Luca's. Na-enjoy ko na rin ang pag-aaral ng martial arts. I am a seventh dan black belter holder. I gain this title with competition and ranking.The highest rank in martial arts is the tenth dan black belter. But this can only be worn by the dojo master. Hindi din ako aktibo sa lahat ng kompetisyon kaya hindi ako sigurado kung ano na ang ranggo ko kung susubukan ko

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 47

    "You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not."- Jodi Picoult⭐️ECLIPSE SIX⭐️Start of the BattleSelene's POV"Nako anak wala ka na bang nakalimutan? Baka may naiwan ka pa. Dala mo na ba ang baon mo? Ang requirements mo?" Di mapakaling tanong ni nanay sa akin. Hindi ito magkanda-ugaga sa pag-aayos ng gamit ko na dadalhin ko sa office ni Halex."Opo nay, nadala ko na po lahat. Wala na ho akong nakalimutan." Sagot ko naman rito at tsaka binitbit ko na ang shoulder bag ko.Nakasuot lang ako ngayon ng isang pink na collared shirt at isang puting maong na pantalon. Nakasuot lang din ako ng rubber shoes at inilugay ko na ang buhok ko."Ang sexy mo pinsan! Nasaan ang justice!?" Parang baliw na sigaw naman ni Jopay na ngayon ay nakasuot ito ng puting tshirt at maong na pantalon.Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sexy sa suot ko? Oo fitted sa akin ang collared shirt ko at skinny jeans din ang suot ko na kulay puti. Labas na labas

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 46

    "Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 45

    "Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 44

    "You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 43

    "Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam

  • Deathly Fate One: Raven   Chapter 42

    "It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko

DMCA.com Protection Status