ANGELIKA'S POV
Mula sa itaas ay kitang-kita ng mga mata ko ang napakagandang tanawin na animo'y isang malawak na lupain ng isang bilyonaryo. Kapansin-pansin ang nakalinyang mga puno ng mangga na halos ilang ektarya ang lapad. May lupain din ng mga puno ng niyog. Hardin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman, at ang isang napakagandang mansyon na may kulay puti at gintong pintura. Masasabi mo talagang lubog sa yaman ang may-ari.
"Grabe siguro ang yaman ng mga may-ari ng lupaing 'yan, ma ano?" tanong ko kay mama ngunit nanatiling nakapako ang mga tingin ko sa magandang tanawin.
"Ilang taon rin namin pinaghirapan 'yan, hija," sagot ni papa.
Napakunot ang noo ko. "Ano kayo dati d'yan, pa? Ay siguro kayo ang pinagkakatiwalaan d'yan ng may-ari, 'no?"
Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla silang natawa pareho. Kaya agad ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. "B-Bakit po?"
"THAT'S OURS!" sabay nilang bulalas.
Peke akong napangiti. Kasi sa awa ng Diyos, wala na naman akong naintindihan.
"Isn't it beautiful, daughter?" ani mama matapos lumipat sa kinauupuan ko at saka ako niyakap mula sa likuran. "We sacrifice those years we longed for you just to build your future. I know it sounds so selfish but trust us, hija. We really want to raise the company until you take over."
Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang namnamin ang kagandahan ng tanawin ay hindi ko na magawa. Nakakalula ang taas ng lipad ng eroplano pero mas nakakalula ang pinagsasasabi ni mama. Wala akong maintindihan!
"Wait," biglang nag-iba ang tono ng boses ni mama. "Did you study in the island?" seryusong tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.
Mukhang tinatanong niya 'ko dahil sa tono niya pero hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya. Grabe. Pahirapan naman pala 'to.
Ngumisi lang ako. Mas mabuti na 'yun kaysa sumagot ng mali-mali. Duh.
"Honey?" tawag niya kay Papa na tila may nalamang 'di kaaya-aya o nakakatakot. OA ng reaksyon, ma ah.
"Honey!" muling sigaw niya nang hindi man lang sumagot si Papa nang tawagin.
Agad na napabaling si Papa sa amin na may nagtatanong na mga mata. "B-Bakit? What is it, Honey?"
"Honey, this can't happen," parang naiiyak ng wika ni mama habang umiiling-iling na tinitingnan si Papa.
Para akong nasa loob ako ng isang kwartong punong-puno ng mga numerong kailangang solusyunan. Oo, wala akong maintindihan!
"Ano pong meron?" Sinubukan kong tawagin ang pansin ni mama para sana klaruhin kung ano ang iniiyak-iyak niya pero mukhang wala siyang planong lingunin ako.
"Honey, she can't... " Muling humikbi si mama, at pareho kami ni Papa na walang ideya kung ano ang nangyayari sa kanya. May sakit kaya 'to si mama? Baka sinumpong.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko saka hinaplos ang likuran niya. Lumapit rin si Papa sa kanya at lumuhod sa harapan para magawa niyang ihilig ang ulo ni mama sa dibdib niya.
"It's okay, Honey. Whatever it is, I know it'll be fine," pagpapatahan niya pero patuloy pa rin si mama sa pag-iyak. Ano ba naman 'to.
Pareho kaming natigilan ni Papa nang mag-angat si mama ng tingin at agad na sinalubong ang nga mata ni Papa. Pareho kaming nagpipigil ng hininga, nag-aantay sa kung anuman ang sasabihin niya. "Honey, she can't understand English. O-Our daughter is..." Nanginig ang mga labi ni Mama habang pilit na pinipigilan ang tuluyang paghagulgol. "S-She is brainless."
Agad na nalaglag ang mga kamay ni Papa na kanina'y yumayakap kay Mama. Nanlumo ang mga mata niya at tila naiiyak rin habang dahan-dahang nag-angat ng tingin at deretsong tinitigan ako. Napanganga na lang ako habang nilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Pakiusap, Panginoon, ano na po ang nangyayari?
HALOS mabali na ang leeg ko kakatingala sa bawat dinadaanan namin. Mula sa malahiganteng pader hanggang sa naglalakihang bilog na ilaw na nakatirik sa magkabilang-gilid ng kalsada. Kahit nasa loob ng sasakyan ay nalalanghap ko pa rin ang bango ng mga nagagandahang bulalak. Ni isa sa mga ito'y hindi ako pamilyar. Sa hindi kalayuan ay makikita ang isang higanteng dragon na estatwa. Bumubuga ito ng tubig na siyang nagdidilig sa mga halamang nakapalibot rito. Sa tansta ko'y nasa tatlumpong-daang metro ang taas ng dragon at umaabot sa limang-daang metro ang tayog ng tubig na binubuga nito. Nakakalula ang lahat ng nadadaanan namin. Sobrang taas at tayog ng mga ito.
Ilang metro na lang ang layo namin at makakarating na kami sa napakalaking mansyon. Hindi ko alam kung bakit kami dadaan pa dito. Siguro magpapaalam sina mama na nandito na ako. Haha kapal.
Hindi pa man kami tuluyang nakarating sa bahay ay agad na nagsilabasan ang mga taong nakasuot ng puti at gintong mga kadamitan. May iilang kalalakihan at kababaihang nakasuot ng kulay ginto, at ang iba'y puti naman ang isinusuot.
Mabilis silang nagsilabasan at agad na gumawa ng linya sa magkabilang gilid ng kalsada. Lahat ng mga kalalakihan ay nasa bandang kaliwa habang ang kababaihan nama'y nasa bandang kanan. Lahat sila nakayuko at naghihintay animo na makadaan kami. Pinaggagawa nga mga 'to?
Nang tuluyan kaming lumagpas sa kanila ay agad na huminto ang sasakyan at isa na namang kalesa ang sumundo sa amin. Enebe 'te!
Bumaba na 'ko nang nagsibabaan na rin sina mama at papa na parehong tahimik lang sa byahe simula no'ng nasa eroplano pa kami. Nagsalita lang si Papa nang tumawag sa namin para magpasundo. Nagulat pa nga ako nang bumaba kami ng eroplano dahil mahigit sampung itim na sasakyan ang bumungad sa 'min. Nakabuntot ang ibang sasakyan sa sinasakyan namin habang nagpaumuna naman ang iba pa. Parehong itim ang mga sasakyan at magkasinghaba rin.
Isang may-edad na ang nagmaneho ng kalesa na nagsundo sa amin. Sa totoo lang, nagtataka talaga ako. Ilang hakbang na lang kasi at matutuntong na namin ang malaking pintuan ng mansyon pero bakit sinusundo-sundo pa ng kalesa, uy? Ang aarte naman ng may-ari. Takot sigurong maapakan ko ang lupain nila. Hindi ko naman mabebenta ang madadalang lupa ng tsinelas ko, 'no!
Hindi na lang ako kumibo at tuluyan nang sumakay sa kalesa at gano'n din sina Mama at Papa.
Ngunit taliwas sa inaakala ko...
Malakas na padyak-padyak ang umaalingawngaw sa tahimik na mansyon dulot ng pagsalpukan ng mga paa ng kabayo at ng semento. Oo, dumeretso lang ang kabayo papasok sa bahay!
"Uy! Uy! Teka po!" tawag ko sa matanda na agad namang pinatigil ang kabayo saka ako nilingon.
"B-Bakit po?" nauutal-utal niyang tanong.
"Papapasukin niyo 'tong kabayo?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Hindi ko alam kung anuman ang nasabi ko pero agad na tumalon ang matanda sa upuan niya at mabilis na lumuhod sa harapan namin.
"Patawarin niyo po ako, ma'am. Hindi ko po alam na ayaw niyong papasukin ang kabayo sa mansyon. Nasanay lang po ako sa t'wing sinusundo ko ang mga magulang niyo. Ipagpapaumanhin niyo po!" sunod-sunod na paghingi niya tawad at saka sinabayan pa ng pagyuko sa lupa.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Agad ko silang tiningnan ni Mama pero iling at tipid na ngiti lang ang ibinigay nila. Ay, pa'no ba 'to?
"Manong? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at tiningala ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot. Teka, akala niya siguro isusumbong ko siya sa may-ari. Ay, naku naman.
"Naku, manong. Hindi po ako gano'ng klase ng tao. Hindi po ako sipsip, manong ano!"
"P-Po?"
"Alam ko pong natatakot ka na baka isumbong kita sa amo niyo pero hindi po ako gano'ng tao, manong. Maniwala po kayo!"
Nagkunot ang noo niya na animo'y naguguluhan. Ano ba 'tong si manong, ayaw pang maniwala.
"Let's move, Mr. Carding," matigas na sambit ni Papa na agad nagpatayo kay manong at saka kami nagpatuloy.
Isang malaking pintuan ang nakaharang bago kami makapasok sa mansyon. May kulay itong ginto na sobrang nagpapagara sa histura nito. May mga mumunting estatwa ng anghel sa magkabilang gilid at mga ulo ng dragon na magkaharap-harap at bumubuga ng apoy na mas lalong nagpapatingkad sa kulay gintong pintuan. Sa sobrang ganda ng bahay na 'to, tataubin na yata ang Palasyo ng Malacañang.
Napansin kong hindi pa rin bumubukas ang pintuan. Ano 'to? Hanggang dito lang pala? Maganda nga ang bahay ng may-ari, mukhang mayabang naman. Ayaw ba naman magpaapak sa teritoryo niya.
"Ayaw daw tayong papasukin, ma?"
Ngumiti lang siya saka umiling-iling. "Maybe they haven't received the message yet."
Mapakla akong napatawa. Bakit ba kasi sobrang pinagpala ako sa ganda at minalas naman sa Ingles.
"Ah yea. You can't understand us in this language," rinig kong bulong ni mama sa sarili niya. Hindi ko na lang pinansin kasi wala rin naman akong naintindihan.
"What I mean is... Ah nah, I mean—oh god!" Napahilamos si mama sa sariling mukha matapos magmura. Hindi ako sigurado kung mura ba 'yun pero parang.
Ilang segundo lang ang lumipas at narinig ko na'ng may nagsisisigaw sa likod ng pintuan. Hindi ko alam kung anong meron.
"BUKSAN ANG GINTONG PINTUAN!" rinig kong sigaw sa kabila. Agad na binomba ang puso ko. Hala na! Mukhang maling bahay ang napasukan namin!
Nilukob ako ng kaba at takot nang magsimula nang magbukas ang pintuan. Gusto ko sanang tumalon kaso bigla akong hinawakan ni mama sa pulsuhan kaya nilunok ko na lang ang takot ko at inaabangan ang susunod na mangyayari.
Noon kasi, may napanood kami sa eskwelahan na pelikula. Pagkabukas ng pintuan at daan-daang sundalo na may dala-dalang espada ang nakaabang. Paano kung gano'n rin ang makikita namin ngayon? Naku!!! Huwag po!!!
Dahan-dahang nagbukas ang pintuan at—TAMA NGA AKO! WAHHH!
Agad akong tumalon sa kalesa at mabilis na tumakbo palayo. Hindi na 'ko lumingon-lingon pa at dere-deretsong lumayo sa bahay na 'yun.
Nang magbukas kasi ang pintuan, kitang-kita ko ang mga kasundaluhang nagsitaasan ng kanilang mga espada. Nakakatakot silang tingnan. Nakikita ko sa tindig nila na anumang oras ay handa silang sumuong. Naku! Ayoko pa namang mamatay. Mag-aaral pa 'ko sa Gredwan, 'no!
Halos matumba ako nang sinubukan kong pumreno nang biglang may daan-daang lalaking nakasuot ng itim na humarang sa dadaanan ko.
Umakyat pa lalo ang takot ko. Para nang tinatadyakan ang puso ko. Ramdam ko na ring naiihi na 'ko sa takot. Pa'no na 'to?!
"Lady Angelika, pakiusap. Huminahon po kayo!" sigaw no'ng isa sa harap.
"Huminahon? Paano ako hihinahon, eh balak niyo 'ata akong katayin, eh!" bulyaw ko sa kanila.
Bigla akong nasamid sa sariling laway nang sabay-sabay silang lahat na lumuhod sa harapan ko at saka yumuko.
"Lady Angelika, hindi po namin sinasadyang takutin kayo. Patawarin niyo po kami!"
Ramdam ko na talagang malalaglag na ang panga ko sa mga nasasaksihan ngayon. Ano ba 'tong nangyayari?!
"Pakiulit nga po. Kaninong bahay 'to?" pagkaklaro ko sa sinabi ni Mama. Inangkin ba naman kasi ang bahay na 'to. 'Eto talaga sina Mama, minsan may pagka-ambisyosa.
"Bahay natin 'to, Angelika," ulit naman niya.
"Ano 'to? Pinamana sa inyo?" muli kong tanong sa kanila.
"It isn't, Angelika," sabat naman ni Papa na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo sa malambot na upuan.
"Huwag niyo nga ho akong Ingleshin—"
"Pwede ba, Angelika!"
Agad kong natikom anv bibig ko nang biglang sumigaw si Mama. Natigilan ako sa ginawa niya. Biglang nagbago ang simoy ng hangin at hindi maganda sa pakiramdam ang emosyong pinapakita nila.
Hindi man lang sinuway ni Papa si Mama. Patuloy lang sa pagbabasa si Papa na animo'y walang naririnig.
"Tumigil ka na sa pagtatanong, okay? It's very hard to talk to you because you can't understand us! I'm not expecting that our decision will end with this worst dilemma. We are now thinking how to cure that brainlessness of yours!"
Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni Mama pero ramdam ko ang galit niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdamn ko pero alam kong nasasaktan ako.
"Mama—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong tinapunan ng nakakatakot na tingin. "Huwag mo 'kong tawaging Mama hangga't wala kang maipagmamayabang."
"P-Po?" nanlulumong tanong ko.
Isang irap lang ang isinagot ni Mama saka dumeretso paakyat sa hagdan.
"Papa..."
"Prepare your—ah, no," umiiling-iling na ani Papa. "Ihanda mo ang sarili mo. Mag-aaral ka."
"Uuwi na lang po ako," mahinang pakiusap ko. Napayuko na lang ako dahil ramdam ko nang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
"Hindi pwede. Dito ka na mamamalagi. Hindi ka pwedeng magpakilala sa lahat na anak ka ng Salvera hangga't hindi ka natututo ng mabuti. Umaasa akong naintindihan mo ang sinasabi ko, Angelika. Tinagalog ko na para maintindihan mo."
Biglang nanginig ang mga kamay ko nang marinig ang huling sinabi ni Papa. Nakakapanlumo. Masakit. Lalo na't nanggaling mismo sa magulang mo.
Ayoko mang isipin pero mukhang tama nga ang impresyon ko noon pa man. Na wala nga silang pakialam sa akin. Alam kong tungkol pa rin ito sa kompanya.
"Umakyat ka na sa kwarto mo. Mag-elevator ka na lang dahil nasa tuktok 'yun ng bahay," walang ekspresyong sambit ni Papa.
"Pwede po ba akong magpasama sa kanila, Papa?" Turo ko sa mga kasambahay.
Tumaas ang kaliwang kilay nito at saka malalim na bumuntong-hininga. "Okay. Fine."
Sinabihan kong maghagdan na lang kami ni Miss Eury. Natatakot kasi ako do'n sa sinasabi nilang elevator ba 'yun?
"Miss Eury?" tawag-pansin ko sa kanya na agad niya rin namang tinugon.
"Bakit po, Lady Angelika?"
"Bakit nagagalit sina Mama at Papa sa 'kin?"
Alam ko namang hindi niya rin masasagot ang katanungan ko pero gusto ko rin lang may makausap. Naguguluhan ako sa ikinikilos nina Mama. Ang pagbabago nila sa maikling panahon ay nakakapanlumo.
"Hindi ko rin po alam, eh. Pero alam ko pong hindi po nila sinasadyang masaktan kayo ng ganyan."
Tumigil ako sa paglalakad nangmarinig ang sinabi ni Miss Eury. Hinarap ko siya at saka tinitigan sa mga mata.
"Naku. Pasensya na po kung may nasabi man po akong mali, Lady Angelika," paghingi niya ng paumanhin saka mabilis na yumuko. Akmang luluhod na sana siya nang hawakan ko ang braso niya.
"Huwag niyo 'kong tratuhin na para bang isang prinsesa, Miss Eury. Pareho lang tayong alila rito."
"Lady Angelika..."
"Huwag niyo 'kong tawagin ng ganyan. Tawagin nyo lang akong Angge," nakangiting wika ko.
"Pero pagagalitan po kami ng mga magulang niyo."
"Edi tawagin niyo lang akong Angge kapag tayo-tayo lang. Gusto kong maging magkaibigan tayong lahat rito. Huwag kayong mag-alala, hindi ako palautos."
Mabilis na umiling-iling si Miss Eury. "Naku, hindi naman po kami magrereklamo, Lady Angelika. Katungkulan po naming pagsilbihan kayo."
"Alam ko," nakangiting tugon ko. "Tara na."
Inihatid niya nga ako sa ikasampung palapag kung saan nakahanda na ang kwarto ko. Sobrang layo ng inakyat namin pero parang hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil sa inuokupa na ng maraming katanungan ang isipan ko.
Sinabi rin ni Miss Eury na ang buong palapag ay sa akin kaya hindi na 'ko nagtaka nang makitang 'sing lawak pa 'ata ng kalawakan ang buong kwarto ko.
Sementado sa labas ngunit pinapalibutan ng salamin ang loob. Malawak ang higaan at may nakapalibot na manipis na telang ikinurtina. Matataas at malalaki rin ang mga kurtina na animo'y pwedeng matabunan ang buong isla sa amin kapag inilapag ang mga 'to.
Pagkapasok ng silid ay isang malawak na sala ang sasalubong sayo. May mga upuang malalambot na naka-ikot. Pagkalagpas mo sa sala ay isang malaking pintuan ang papasukin mo. Isang silid na naman ang sasalubong sa iyo, isang malawak na silid-aralan. Maraming libro at mga kahoy na upuan.
Sa bandang kaliwa ay may pintuan na naman. Pinasok ko ito.
Halos mahulog ang buong panga ko nang makita ang nasa loob. Nagtataasang kabinet na may nakasabit na iba't ibang uri ng damit. Mula sa matataas at makukulay na bestida at mga nagagandahang mga damit. Parang gusto kong magpagulong-gulong habang pinapasada ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
Ngunit ang mas lalong nagpasabog ng kung ano man sa kaibuturan ko ay ang mga kumikinang na patong-patong ng mga sapatos.
Halos malaglag na ang magkabilang mata ko habang tinitingnan ang laman ng buong silid. Grabe pala talaga ang yaman nila mama at papa.
Hindi ko maiwasang matuwa habang nililibot ang bawat kanto ng kwarto.
Napansin kong may isa na namang pintuan sa kanan ng silid-aklatan. Binuksan ko ito saka ako muling namangha.
Isang napakalawak na silid ang sumalubong sa akin. May malawak rin na kama na pinapalibutan ng maninipis na tela na nagmimistulang prinsesa ang sinumang humiga rito.
May maliit na upuan sa gilid at mesang may sariling salamin at mga kung anu-anong nakapatong rito. Sa tantsa ko'y mga pampaganda ang mga ito.
May maliit na mesa rin sa gilid ng kama at tatlong libro. May bulaklak ring nakapatong at—
"Teka, selpon ba 'yan?!"
Biglang lumawak ang ngiti ko saka dali-daling tumakbo papalapit sa mesa at hinablot ang mga nakapatong rito.
"Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim... A-Anim? Ay grabe!"
Anim na selpon ang nakapatong sa taas. Iba-iba pa ang model. Mayroong malalapad at sobra sa lapad. May mga tumitiklop-tiklop.
Magtatalon-talon na sana ako sa kama dahil sa kagalakan nang biglang may sunod-sunod na katok ang bumulabog sa kaluluwa ko.
"Lady Angelika!" sigaw ni Miss Eury sa main door. Mahina na lang ang boses niya pero dahil sa sobrang katahimikan ay halos ramdam kong mas malakas pa sa kampana ang sigaw niya.
Dali-dali akong lumabas. "Bakit?"
"Pinapatawag po kayo ng magulang ninyo."
Kinakabahan naman ako sa histura niya. Mukha kasing delubyo ang maabutan ko sa baba, eh.
Akmang bababa na sana ako sa hagdan nang bigla niya akong hilahin. "Sa elevator na po."
Wala na akong nagawa kaya sumunod na ako.
Pagkabukas ng elevator ay bumungad agad sa akin ang ilang tao na nakaupo sa malalambot na upuan sa malawak na sala. May matatandang babae at matatandang lalaki. May mga medyo bata pa pero halatang may-asawa na. Lahat sila ay nakasuot ng pormal at nakatutok sa akin.
"Sino po sila?" tanong ko kina mama at papa habang patuloy pa rin sa pag-isa-isa sa mga bisita.
"They will teach you. Maghanda ka! You must learn everything within an month or else... we will throw you away!"
If you find some grammatical and typographical errors, please don't hesitate to correct me, of course, in a good way. Thank you for reading. You'll be more appreciated if you drop by. Ily, graces.
"MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno
ANGELIKA'S POV"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.Natapos na rin ako.Tapos na ang paghihirap ko.Gradweyt na rin sa wakas.Salamat, Lord!"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.Kahit sumayad na sa lup
ANGELIKA'S POVOmygad naman itong buhay. Hiningal ako do'n, ah.Pilit kong tinitingnan ang sa likuran ko't baka nakasunod 'yung mga nanapak ng ilong. Buti wala. Kung maka-Ingles kasi parang lumaki sa Amerika. Hindi man lang inisip na baka may duduguing ilong sa kaka-Ingles nila. Hayst, buhay. Ba't kasi sa tong its lang ako magaling?"Mama Caring, I here I a was at the back of the gate in your our house!" sigaw ko na may aksent pa. Kala niyo, ah. Magaling naman talaga ako sa Ingles, 'di ko lang pinraktis ng todo at baka maangatan ko pa si Andres Bonifacio sa talino. Oh, di ba kilala ko rin si Andres Bonifacio? Matalino 'to, boi."Teka, ba't andami naman 'atang kotse dito sa labas?" Takang-taka kong ipinalibot ang tingin ko sa labas ng bakod ng bahay-kubo namin nang mapansin kong maraming nakaparadang kotse. Taray, baka nanalo si Mama Caring sa tong its. Sabi ko na nga ba, nagsusugal rin 'tong matandang 'to, eh. "Mama Caring!"Agad akong napatigil na
ANGELIKA'S POV Mula sa itaas ay kitang-kita ng mga mata ko ang napakagandang tanawin na animo'y isang malawak na lupain ng isang bilyonaryo. Kapansin-pansin ang nakalinyang mga puno ng mangga na halos ilang ektarya ang lapad. May lupain din ng mga puno ng niyog. Hardin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman, at ang isang napakagandang mansyon na may kulay puti at gintong pintura. Masasabi mo talagang lubog sa yaman ang may-ari. "Grabe siguro ang yaman ng mga may-ari ng lupaing 'yan, ma ano?" tanong ko kay mama ngunit nanatiling nakapako ang mga tingin ko sa magandang tanawin. "Ilang taon rin namin pinaghirapan 'yan, hija," sagot ni papa. Napakunot ang noo ko. "Ano kayo dati d'yan, pa? Ay siguro kayo ang pinagkakatiwalaan d'yan ng may-ari, 'no?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla silang natawa pareho. Kaya agad ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. "B-Bakit po?" "THAT'S OURS!" sabay nilang bu
ANGELIKA'S POVOmygad naman itong buhay. Hiningal ako do'n, ah.Pilit kong tinitingnan ang sa likuran ko't baka nakasunod 'yung mga nanapak ng ilong. Buti wala. Kung maka-Ingles kasi parang lumaki sa Amerika. Hindi man lang inisip na baka may duduguing ilong sa kaka-Ingles nila. Hayst, buhay. Ba't kasi sa tong its lang ako magaling?"Mama Caring, I here I a was at the back of the gate in your our house!" sigaw ko na may aksent pa. Kala niyo, ah. Magaling naman talaga ako sa Ingles, 'di ko lang pinraktis ng todo at baka maangatan ko pa si Andres Bonifacio sa talino. Oh, di ba kilala ko rin si Andres Bonifacio? Matalino 'to, boi."Teka, ba't andami naman 'atang kotse dito sa labas?" Takang-taka kong ipinalibot ang tingin ko sa labas ng bakod ng bahay-kubo namin nang mapansin kong maraming nakaparadang kotse. Taray, baka nanalo si Mama Caring sa tong its. Sabi ko na nga ba, nagsusugal rin 'tong matandang 'to, eh. "Mama Caring!"Agad akong napatigil na
ANGELIKA'S POV"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.Natapos na rin ako.Tapos na ang paghihirap ko.Gradweyt na rin sa wakas.Salamat, Lord!"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.Kahit sumayad na sa lup
"MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno