Home / Romance / Dealing With the Bobo Queen / Kindergarten Graduate

Share

Kindergarten Graduate

Author: YGHOVER
last update Last Updated: 2021-07-27 21:57:11

ANGELIKA'S POV

"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.

Natapos na rin ako.

Tapos na ang paghihirap ko.

Gradweyt na rin sa wakas.

Salamat, Lord!

"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.

Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!

"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.

Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!

Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.

Kahit sumayad na sa lupa ang baba ng matandang 'to, maldita pa rin. Kaya hindi nakapag-asawa, e.

"Ano na naman ho ba 'yun, lola?" walang-gana kong tanong habang napapakamot sa batok ko. Dama ko talagang may kuto sa bandang 'to, e. Palitan ko kaya shampoo ko. 'Yung Krimstik—ah este Krimsilk.

"Bakit nakatoga ka?" mataray na tanong niya.

Baka kasi mapatay kitang matanda ka kaya nagputi na ako nang maaga. Itim na toga sana para dama kaso nahiya naman ako sa virginity mo!

"Sa awa ng Diyos, nakapagtapos na po ako." Siyempre hindi ko sasabihin 'yung naisip ko't baka saksakin pako ng tungkod ng matandang 'to.

"Buti naman naawa pa ang Diyos sayo!" 

Aray.

"Oo nga, eh. 'Yun ho siguro kapag kampon ka niya. Pero kapag kampon ka ni Satanas, malamang kahit asawa hindi ka niya pagbibigyan. Ano ho sa tingin niyo?" 

Oh, ano ka ngayong matanda ka? Kala mo, ah.

"Ay aba't ako ba ang pinaparinggan mo?"

Agad akong umiling-iling. "Aba't siyempre hindi ho!"

Aba't sino pa ba?!

Natawa na lang ako sa naisip ko. Masakal ko nga minsang tong matandang 'to. Kinulang sa disiplina, e.

"Oh, anong grado ka na sa susunod na taon?" 

"Gred wan na sa wakas hihi," sagot ko na sinamahan pa ng abot-taingang ngiti.

"Naku! Ilang taon ka na ngunit nakasabit ka pa rin sa elementarya?! Aba't napakabobo mo naman yata!"

Aray! Isang sakal lang po, Lord. Isang sakal lang talaga. Puputulin ko lang hininga ng matandang 'to. Sumusobra, eh.

"Oo nga ho, e. Buti't nakatakas na 'ko sa kinder. Hindi tulad ng iba d'yan, magsasaisenta na, kinder pa rin!"

"Aba't halata nang ako ang tinutukoy mo niyan!"

Buti alam mo! Kutusan kita d'yan, e. Baka humalik ka bigla sa lupa.

"Hoy, Angge. Sasabihin ko sayo, ngayon lang ako nagkaganang mag-aral ulit. Kung dati pa, kaya ko naman sana. Sadyang 'di ko lang gustong mag-aral no'n dahil naiirita ako sa mga manliligaw ko na panay panggugulo sa buhay ko!"

"Ahh kaya pala naging matandang-dalaga kayo. Kahiya naman do'n sa mga manliligaw nyo. At saka, ngayon lang kayo nagkagana ulit na mag-aral? Ay wow, pangmatagalan pala 'yang kagustuhan niyo't sampung taon na, kinder pa rin kayo."

"Hoy babae! Sasabihin ko sayo, parehas lang naman tayo! Kung hindi kita pinakopya sa Ingles, baka't kinder ka pa rin sa susunod na taon."

Apakasama talaga ng matandang 'to! Isali ba naman ang pangongopya ko. Eh, kahit anong gawin ko, bokya ako sa Ingles, eh. Ewan ko ba! Bakit kasi ang tatalino ng matatanda sa Ingles! Kaasar. Siya na matalino! Bobo naman sa Sayans.

"Anong iniirap-irap mo d'yan? Gusto mong lugitin ko 'yang mga mata mo?!" 

Kung makabanta 'tong matandang 'to, kala mo naman singlakas niya pa si Batman. Eh, isang pitik lang, halik-lupa na 'to, eh. 

Pero siyempre, hindi ko gagawin 'yun. Ngiti lang tayo, Angge. Huwag mo ng patulan, matanda 'yan.

"At ngayon naman, ngumingiti-ngiti ka d'yan. Baliw ka ba?"

Tingnan mo. Nagpakabait na nga, susungitan pa. Hindi talaga nakapagtataka kung ba't tumandang dalaga 'tong matandang 'to. Kung hindi lang 'to lola ni Cardo, baka't napatumba ko na 'to.

Spikining of Cardo, owemji! Papalapit na siya!

"Bakit ganyan ka makatingin sa apo ko?"

Ay oo nga pala. Nasa harap ko pa ang matandang 'to. Epal.

"Wala lang. Masama ba?" Sinabayan ko pa ng pagtaas ng kilay ko para dama naman katarayan ko. Makaganti naman kahit minsan lang.

"Hi, Ika." Awts. Ansarap sa tainga. 

Ngumiti naman ako agad. Siyempre. "Elo, Cards."

Ngumiti na naman siya. 'Pag talaga pinagpapatuloy niya ang pagngiti-ngiti ng ganiyan, baka mamatay na lang ako nang hindi ko namamalayan. Nakakasikip-dibdib, e.

"Stop calling me, Cards. It sounds like you're narcotic," aniya sabay silay ng pilyang ngiti. Achuchu.

Ngumiti na lang ako. Ano pa ba? Sa awa ng Diyos, wala naman akong naintindihan.

"I really like you, Ika. Eventhough, people insults you so bad, you can still manage to smile. You're indeed a strong woman."

"Hehe."

Langya naman. Ba't ba ingles ng ingles 'tong mamang 'to. Ramdam ko nang may tumutulo sa butas ng ilong  ko, eh.

"Ika?" tawag niya sabay turo sa ilong ko. 

Naku, tumutulo yata ang sipon ko. Teka. Hindi naman ako sinisipon, ah.

Agad ko 'yung kinapa at tama nga 'ko. Sunggo!

"Are you okay?" tanong niya na bakas ang pag-aalala. Kikiligin sana ako kaso nahihiya ako sa nangyayari sa 'kin. Nosblirin ka ba naman sa harap ng gusto mo, lakas makapeste.

Tumango na lang ako kahit hindi ko naman siya naiintindihan. Nakakahiya 'to. Aalis na lang ako.

"Where are you going?"  tanong niya nang mapansing dahan-dahan akong tumalikod.

Ano sa tingin mo?

Nahihiyang lumingon ako sa kanya. Kahit sinampal sampal na 'ko ng hiya, hindi ko naman kayang bastosin ang gwapong nilalang na 'to.  Ayoko siyang talikuran na lang nang basta-basta.

Kaya 'eto ako ngayon, ngiting-ngiti sa harap niya. Kahit na ramdam ko pa rin ang pag-agos ng dugo sa ilong ko. Kaasar.

"Ah... ano kasi..." Ano bang magandang palusot? 

Bahagya pa 'kong napatingin sa itaas at animo'y napaaisip. 

Kunwari ka pa, Angge. May isip ka?

TING. BRAYTMAYND.

"Ah ano kasi, Cards—"

"RI.CAR.DO," pagtatama niya.

Ay ewan, kahit bubuyog pa 'yan.

"'Yung pusa ko kasi... uhm ano... uhm... kinain 'yung ulam ko! Hahanapin ko pa 'yun! Malilintikan talaga 'yung pusang 'yun mamaya!"

Tiningnan niya ko.

Mga limang segundo.

Ah anim pala.

Peste mga sampung segundo na.

Aba't tatlumpong segundo na!

Ay taray, tuwid at walang mintis! Tinitigan niya ko ng mga isang minuto!

Cards, my deer.

"Ika... walang pusa sa isla."

Krook. Krook. Krook. 

Aba't 'yan na nga ba ang sinasabi ko! Dapat kasi umalis na 'ko, eh!

"Uy, saan ka?!" Ay ayun! Nakakapagtatagalog naman pala, Ingles pa ng Ingles kanina.

Pero hindi ko na siya nilingon pa. Deretso lang sa daan ang tingin ko. Kahit alam kong nagmumukha na 'kong timang sa paglayo sa kanila,  pero wala akong paki. Ano naman?! Peste kasi. Kaasar!

BEEEEEP!!!

Aba't kung mamalasin ka nga naman!

Agad akong napahinto at sinamaan ng tingin ang kotseng malapit nang makabangga sa 'kin. Pesteng kotse 'to, sarap paghampasin!

Pero hindi ko na pinansin 'yun. Narinig ko kasi sa 'di kalayuan ang boses ni Cards, my deer. Papalapit na siya, baka maabutan pa 'ko!

Tang'nang ilong 'to. Kung nakakahinga lang kahit wala 'to, baka pinatanggal ko na 'to, tagal na! Epal sa panlalandi, eh.

"Hey!" Parang nagsitayuan 'yung mga balahibo ko't nagsitalunan 'yung mga tutuli ko nang marinig ang maginaw pa sa yelong boses.

Kahit alam kong malapit na lang si Cards, my deer sa 'min, nilingon ko pa rin ang may-ari ng boses na 'yun. Kyuryos ako, eh! Eh, ano naman?!

Ay putakteng pulang bulate na may puting pwet! Ampagkagwapong nilalang nito!

"Are you okay?"

Tang'na! Ba't ba ang daming Inglespaka dito sa isla?! Kaasar!

"Ah hi," pekeng bati ko do'n sa gwapong nilalang. 

Inaamin ko, nuknukan sa kagwapuhan ang 'sang 'to! Hinayupak sa kaputian, nyemas sa klirskin, at takte sa tangkad! Mapapasanaol ka na lang.

Lalapit na sana ako sa kaniya, mukha kasing may sasabihin siya, eh, kaso naunahan na niya ko kaya hinintay ko na siya sa kinatatayuan ko.

Napasinghap ako nang agad niya kong hinawakan sa pisngi. Peste! 'Yung puso ko!

"Are you okay? Did I hit you? Why are you bleeding?" Sunod-sunod na tanong niya matapos sumipat-sipat sa mukha ko. Amp!

Ngayon ko lang rin napansin ang kulay ng mata niya. Hanep! Asul, boi! 

Siyempre. Sa awa ng Diyos, wala uli akong naintindihan.

"Ah ano kasi... uhm... me," turo ko sa sarili ko. "Go... go." Sinabayan ko pa kunyari ng senyas senyas ng kamay. Tang'na. Pinapahirapan ako ng mga nilalang na 'to, ah.

"No. Stay here. I will bring you to the hospital. I think I hit you," seryuso niyang sambit na kahit isang salita, wala naman akong naintindihan. Kaasar talaga.

"Ah... eh... me... kailangan ah este ano bang english ng kailangan? Taena nameyn..."

"Let's go," nagulat na lang ako nang bigla niya kong hilahin. "I need to take you to the hospital. I think I hit you."

"I heyt you two tre por!"

Sigaw ko saka mabilis na kumawala sa pagkakahawak niya at kumaripas ng takbo. Parang tanga lang.

"Hey!"

Hindi ko na siya pinansin pa.

Baka kasi pati mata ko duguin na, eh.

"Hey," sigaw rin ni Cards, my deer sa 'di kalayuan.

Kainis. Hey sila ng hey! Pwede namang hoy na lang! 

"Hey. Wait!" sigaw ulit no'ng mukhang kano.

Weyt! Washiweyt washi ney ney! 

Tang'na. Napakanta pa tuloy ako.

Teka nga. Bakit pakiramdam ko malapit lang sila sa 'kin? Ramdam ko 'yung mabibigat na hakbang nila, eh.

Dahan-dahan akong lumingon. Mahirap na't baka magkastepnik ako.

Ayun! Tumatakbo nga! Ba't ba hinahabol ako ng mga 'to?

Malalaki ang hakbang ng kano papalapit sa akin at matalas naman ang tinging ibinabato ni Cards, my deer habang pilit inaabot ang kano. Problema ng mga 'to?

Kaasar! Wala naman akong magawa kundi ang tumakbo rin. Maabutan pa 'ko ng mga 'to at baka lahat na nga  butas sa katawan ko ay magdurugo.

Ba't kasi may Ingles pa, eh. Nakakabobo!

"Hey! Stop running! Wait!" bulyaw na naman ng kano. Siyempre, wala pa rin akong maintindihan. 

Teka.

Bakit pakiramdam ko umiikot lang kami?

Tatlong beses ko na 'ata nadaan 'tong bukana ng eskwelahan, ah. 

Amputek! Umiikot lang naman kami, eh!

UWAAA!!! MAHABAGING PANGINOON, TULONG PO!

Ay bahala na!

Related chapters

  • Dealing With the Bobo Queen   Revealed Past

    ANGELIKA'S POVOmygad naman itong buhay. Hiningal ako do'n, ah.Pilit kong tinitingnan ang sa likuran ko't baka nakasunod 'yung mga nanapak ng ilong. Buti wala. Kung maka-Ingles kasi parang lumaki sa Amerika. Hindi man lang inisip na baka may duduguing ilong sa kaka-Ingles nila. Hayst, buhay. Ba't kasi sa tong its lang ako magaling?"Mama Caring, I here I a was at the back of the gate in your our house!" sigaw ko na may aksent pa. Kala niyo, ah. Magaling naman talaga ako sa Ingles, 'di ko lang pinraktis ng todo at baka maangatan ko pa si Andres Bonifacio sa talino. Oh, di ba kilala ko rin si Andres Bonifacio? Matalino 'to, boi."Teka, ba't andami naman 'atang kotse dito sa labas?" Takang-taka kong ipinalibot ang tingin ko sa labas ng bakod ng bahay-kubo namin nang mapansin kong maraming nakaparadang kotse. Taray, baka nanalo si Mama Caring sa tong its. Sabi ko na nga ba, nagsusugal rin 'tong matandang 'to, eh. "Mama Caring!"Agad akong napatigil na

    Last Updated : 2021-07-27
  • Dealing With the Bobo Queen    REAL FACES UNDER THE MASKS

    ANGELIKA'S POV Mula sa itaas ay kitang-kita ng mga mata ko ang napakagandang tanawin na animo'y isang malawak na lupain ng isang bilyonaryo. Kapansin-pansin ang nakalinyang mga puno ng mangga na halos ilang ektarya ang lapad. May lupain din ng mga puno ng niyog. Hardin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman, at ang isang napakagandang mansyon na may kulay puti at gintong pintura. Masasabi mo talagang lubog sa yaman ang may-ari. "Grabe siguro ang yaman ng mga may-ari ng lupaing 'yan, ma ano?" tanong ko kay mama ngunit nanatiling nakapako ang mga tingin ko sa magandang tanawin. "Ilang taon rin namin pinaghirapan 'yan, hija," sagot ni papa. Napakunot ang noo ko. "Ano kayo dati d'yan, pa? Ay siguro kayo ang pinagkakatiwalaan d'yan ng may-ari, 'no?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla silang natawa pareho. Kaya agad ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. "B-Bakit po?" "THAT'S OURS!" sabay nilang bu

    Last Updated : 2021-09-28
  • Dealing With the Bobo Queen   The Decision

    "MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno

    Last Updated : 2021-07-27

Latest chapter

  • Dealing With the Bobo Queen   Kindergarten Graduate

    ANGELIKA'S POV"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.Natapos na rin ako.Tapos na ang paghihirap ko.Gradweyt na rin sa wakas.Salamat, Lord!"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.Kahit sumayad na sa lup

  • Dealing With the Bobo Queen   The Decision

    "MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno

DMCA.com Protection Status