ANGELIKA'S POV
Omygad naman itong buhay. Hiningal ako do'n, ah.
Pilit kong tinitingnan ang sa likuran ko't baka nakasunod 'yung mga nanapak ng ilong. Buti wala. Kung maka-Ingles kasi parang lumaki sa Amerika. Hindi man lang inisip na baka may duduguing ilong sa kaka-Ingles nila. Hayst, buhay. Ba't kasi sa tong its lang ako magaling?
"Mama Caring, I here I a was at the back of the gate in your our house!" sigaw ko na may aksent pa. Kala niyo, ah. Magaling naman talaga ako sa Ingles, 'di ko lang pinraktis ng todo at baka maangatan ko pa si Andres Bonifacio sa talino. Oh, di ba kilala ko rin si Andres Bonifacio? Matalino 'to, boi.
"Teka, ba't andami naman 'atang kotse dito sa labas?" Takang-taka kong ipinalibot ang tingin ko sa labas ng bakod ng bahay-kubo namin nang mapansin kong maraming nakaparadang kotse. Taray, baka nanalo si Mama Caring sa tong its. Sabi ko na nga ba, nagsusugal rin 'tong matandang 'to, eh. "Mama Caring!"
Agad akong napatigil nang biglang may nagsilabasang mga kalalakihan sa bahay-kubo namin. Lahat sila nakasuot ng pangmayaman na jacket. 'Yun bang mga sinusuot ng malalaking negosyante. 'Yun, gano'n! "Oh? Sino kayo?" gulat kong tanong nang sunod-sunod silang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Napansin kong ang dami nila. Maliit lang naman ang bahay-kubo namin pero bakit ang dami nilang nakapasok?
Teka. Mga magnanakaw ba 'to? Naku, baka ninakaw na nila si Mama Caring!
Sinipat ko isa-isa ang mga bulsa nila't baka isinilid si Mama Caring do'n pero mukhang wala naman akong nakitang bukol. Pero teka. Kung hindi sila magnanakaw, eh ano sila?
OMYGAD! HINDI MAAARI!
Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang dibdib ko. Kakagraduate ko lang sa kinder, hindi pwedeng ganito!
"Nandito na pala siya." Agad akong napabaling sa may bahay-kubo nang marinig si Mama Caring na magsalita. Mabilis akong lumapit sa kanya at nagsumbong. "Mama Caring, oh. Masasama ang mga taong 'yan." Nakita ko naman agad silang nagsiyukuan matapos kong isumbong kay Mama Caring. Takot naman pala 'tong mga unggoy na 'to.
"Hija, anak," malungkot na sambit ni Mama Caring. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Si Mama Caring, parang baliw 'to.
"Ano po 'yun, Mama Caring? Para naman kayong ewan," natatawa kong tugon sa kanya. Teka ang mga kotse! "Hindi ako papayag, Mama Caring!" bulyaw ko sa kanya. Agad namang nanlaki ang mga mata niya. "Aalis kayo? Dahil ba mayaman na kayo kaya niyo ako iaabandona? Mama Caring naman, uunahin mo ba 'yang yaman mo kaysa sa akin? Pwede naman tayong magkasama lang, ah kahit mayaman ka na. Hindi ko gagalawin ang pera niyo po kahit piso. Huwag niyo lang akong iwan, Mama Caring." Hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Grabe naman 'tong si Mama Caring. Kaya niya talaga akong iwan dahil lang sa pera? Grabe siya. Ang sama ng ugali niya.
"H-Hindi sa gano'n 'yun, Angge," nanginginig na aniya. Inangat ko ang tingin ko at deretsong itinuon sa kaniya. Napansin kong namumula na ang sulok ng kaniyang mga mata at namumuo na ang mga luha. Siguro ayaw rin ni Mama Caring na iwan ako. Tama, hindi ako iiwan ni Mama Caring!
"Tama 'yan, Mama Caring. Huwag mo 'kong ewan."
"A-Angelika?" Para akong na estatwa sa narinig kong boses sa likuran. Bahagya akong nakatalikod sa pintuan ng bahay-kubo at sa tantsa ko ay nanggaling ang tao sa loob nito. Sa tono ng pananalita niya, mapapansin mong may sakit at pait sa puso niya. Hindi ko alam kung bakit pero para bang nasasaktan rin ako. Ngunit nananaig ang pakiramdam na may mangyayaring hindi ko magugustuhan sa mga susunod na minuto.
Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko, at saka ko nakita ang isang lalaki at babaeng mag-asawa. Pansin kong panay iyak ang babae habang yakap-yakap ng lalaki at pinapatahan. "S-Sino po kayo?"
"A-Angge, makinig ka," tawag-pansin ni Mama Caring pero nanatili ang mga mata ko sa mag-asawa. Nakakunot ang noo ko at ramdam kong nakataas ng bahagya ang isang gilid ng labi ko. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko, sila ang mga tunay kong magulang. Mga magulang na mas pinili ang yaman kaysa sa akin.
"Mama Caring? Pasok na tayo sa loob," anyaya ko kay Mama Caring at mabilis siyang hinila papasok. Sinadya kong banggain ang balikat ng babae nang pumasok kami sa loob. Walang kapantay ang galit na nararamdaman ko sa kanila. Ipatapon ba nga naman ang anak sa probinsiya para isalba ang kompanya nila. Anong klaseng magulang 'yun?
"Sila ang mga magulang mo—"
"Alam ko po. Eh, ano naman ngayon? Sa loob ng dalawampu't limang taon, ngayon lang nila naisipang bisitahin ako? Ano sa tingin niyo ang gagawin ko?" inis na inis kong bulalas kahit alam kong naririnig lang nila ako sa labas.
"Angge, hindi ka ganyan," malumanay na sambit ni Mama Caring pero hindi ko sya pinansin. Wala akong pakialam. Depende lang sa kaharap ko ang ugali ko.
"Huwag kang magtanim ng galit sa mga magulang mo, Angge. Sila pa rin ang mga magulang mo."
"Mama Caring, ang mga magulang, inaalagaan ang kanilang anak. Mga negosyante ang mga 'yun dahil kompanya ang inaalagaan nila. Saka niyo na ho sabihin na mga magulang 'yung mga 'yun kapag anak na nila ang inuuna nila."
Umiling-iling si Mama Caring. "Huwag kang ganiyan, Angge. May rason kung bakit nangyayari ang isang bagay. Kung bakit minsan, pakiramdam mo mali ang naging desisyon nila. Huwag kang tumakbo. Huwag mo silang takasan dahil lang natatakot ka sa maaari mong malaman. Na baka totoo ang iniisip mo. Ngunit hija, katotohanan lang ang magbibigay na kapayaan sa puso mo. Kausapin mo sila't tanungin mo kung ba't sila nauwi sa desisyong iyon."
Napayuko ako. Tama si Mama Caring. Maaaring tama nga siya. Pero hindi ito ang tamang oras para do'n. "Aalis po muna ako, Mama Caring." 'Yun lang at agad na akong kumaripas ng takbo. Nilagpasan ko lang sila at agad na tinungo ang tabing-dagat kung saan lagi kong tinatambayan.
Tahimik kong inilibot ang tingin sa malawak na karagatan. Kahit mabigat ang pakiramdam ay pinilit kong namnamin ang ganda ng kalikasan. Sa paraang ito, nabubura ko ang mga pangit na pakiramdam at nagiging kalmado ako habang nag-iisip ng tamang gagawin.
"Alam mo bang umiyak ako kanina?"
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses sa tabi ko. "C-Cardo."
Naupo siya sa tabi ko at sinabayan ako sa panonood ng dagat. "Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko kanina."
Naguguluhan man pero pinili ko pa ring tumahimik.
"Minsan, hindi natin mapipigilan ang mga mata natin sa paglabas ng mga luha. Kahit antok lang, naiiyak na agad tayo. Paano na lang kung nabibigatan na ang puso? Hindi ba't mas okay kung ilabas mo?"
Nanatili ang mga titig ko sa kawalan habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Makahulugan ang bawat salitang pinapakawalan niya pero parang blangko ang isipan ko't hindi makuha ang punto niya.
"Hindi ko alam ang buong pangyayari pero hindi ba't karapatan mong malaman kung ano ang dahilan ng naging desisyon nila? Kung patuloy kang tatakbo at patuloy na tatakasan ang mga katanungang nasa isip mo, habang-buhay kang maguguluhan at tatanungin ang sarili mo kung ano ang katotohanan. Sila lang ang makakasagot sa mga katanungan mo."
"Kompanya ang dahilan kung bakit nila ako ipinadala rito. Mga magulang ba ang tawag sa mga gano'ng klaseng tao?"
"Pinagsisisihan mo bang ipinadala ka nila rito?"
Natahimik ako. Nakiramdam. Natameme ako sa naging tanong niya.
"May mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay. Maaaring masakit 'yun sa magkabilang panig ngunit kung iyon ang mas nakabubuti, ginagawa na lang natin. Alam kong hindi rin 'yon madali para sa kanila. Ngunit nangyari na ang nangyari, nandito na ang panahong hinihintay mo. Paano kung dalawampu't limang taon ulit ang lilipas saka kayo magkikita?"
Napayuko ako sa mga sinabi niya. Tama sila ni Mama Caring.
"Karapatan ko ang malaman ang katotohanan." Agad akong tumayo at humahangos na bumalik sa kubo at nadatnan silang patuloy na naghihintay sa akin.
"Angelika, anak!" sigaw ng mama ko. Makikita sa mga mata niya ang sakit at hinagpis.
Tumakbo ito papalapit sa kinaroroonan ko at agad akong niyakap."Sa loob ng dalawampu't-limang taon, wala akong ibang hinangad kundi ang dumating ang pagkakataon na makita kang muli. Makasama ka't mayakap palagi. Hindi mo alam kung gaano kasabik na makita ang mga ngiti mo. Ang mga ngiting pumapawi sa pagod namin ng ama mo."
Nanatiling naka estatwa ang katawan ko't nakikinig sa mga sinasabi niya. Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga matatalim na kutsilyong bumabaon sa puso ko. Masakit at mahapdi ang dulot nito na siyang nagpakawala sa mga luha ko.
"B-Bakit niyo ginawa sa akin 'yon? B-Bakit mas pinili niyo ang kompanya kaysa sa a-anak niyo?" uutal-utal kong tanong na nagpakaba ng todo sa dibdib ko. Ayokong itanong 'yun dahil baka marinig ko ang kinakatakutan ko; na mas mahalaga ang kompanya kaysa anak nila.
"Dahil ayaw naming maangatan ng mga Guevarra." Literal na nalaglag ang panga ko nang marinig ang naging sagot ng ama ko. Nanatili siyang nakatayo habang nakapako ang mga tingin sa kinatatayuan ko.
'Yun ang sagot na kinatatakutan ko.
"Miguel!" suway ni Mama sa kaniya.
Ilang beses akong napapailing habang nakaawang pa rin ang mga labi. Hindi ako makapaniwala't nagawa niyang sabihin ang mga 'yon. Hindi man lang siya nag-atubiling magsinungaling para hindi ako masaktan. Na ginawa nila 'yon dahil ayaw nilang mapahamak ako.
Agad akong napaatras dahilan para bumagsak ang mga kamay ni Mama nang dahan-dahan akong lumalayo. "P-Pano niyo nagagawang saktang ang anak niyo ng ganito?" mahina kong sambit habang hindi makapaniwalang tinitingnan sila.
"Pero nagsisisi na kami sa naging desisyon namin, Angelika," umiiyak na pagpapaliwanag ni Mama pero para na akong bingi at tila hindi ko na naririnig ang mga pinagsasabi nila.
"Anak, maniwala ka. Abo't-langit ang pagsisisi namin ng ama mo! Nalaman naming mas mahalagang nasa tabi ka namin!" wala pa ring humpay ang paghahagulhol niya sa harapan ko.
Ngunit iling lang ang naging sagot ko at isang hindi-makapaniwalang ngiti. "Nakakatakot kayo."
"Anak. No. Please. Patawarin mo na kami!"
"Patawarin? Nagsisisi? Kung nagsisisi kayo, bakit hindi niyo agad ako pinuntahan rito para kunin?!" Ang kaninang nagbabadyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak. Hindi ko na napigilan pa ang mga mata kong huwag umiyak. Masyadong masakit. Masyadong mabigat. Hindi ko kayang saksihan ang mga nangyayari ngayon. "Huwag niyong sabihing nagsisisi kayo dahil kailanma'y hindi niyo naman sinubukang kumustahin ako."
Nagulat na lang ako nang biglang lumuhod sa harapan ko si Mama. Agad kong tiningnan si Papa kung ano ang magiging reaksyon niya, nagbabakasakaling pipigilan niya, pero nanatili siya sa kinatatayuan niya, umiiyak rin tulad ni mama. Nakita ko kung paano manginig ang mga tuhod niya. Kung paano siya matinding humawak sa isang upuan para hindi tuluyang matumba.
Ang mga nasasaksihan ko ngayon ang katotohanan. Ito ang kasagutan sa lahat ng katanungan.
Wala sa sariling napaluhod na lang ako. Napayuko ako't binuhos ang lahat ng hinanakit at pait na nararamdaman ng puso ko. Walang humpay na iyakan pero para bang hindi man lang nito naibsan ni kahit kunti ang nararamdaman ko.
Nag-angat ako ng tingin. Pinagmasdan ang mga mukha ng mga magulang ko. Saka isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
"Masaya ho akong nandito na kayo."
Automatikong lumiwanag ang mukha nila matapos kong sabihin ang mga katagang 'yun. Katulad ng kasabikan kong makasama sila, alam kong gano'n din ang nararamdaman nila.
Mabilis na tumayo si Mama at agad akong niyakap. Halos masakal na ako sa pagkakayakap niya pero gusto ko ang pakiramdam na namumuo sa loob ko. Ang pakiramdam na muli akong nagbalik sa kalong ng aking ina.
"I really missed you, Angelika." Ayun! Mukhang may tutulo na namang dugo. "The regrets I feel is flowing like a river down in my heart. I regret sending you here."
Inangat ko ang mga kamay ko at mahigpit ring niyakap si Mama. Hindi ko alam ang itutugon kasi wala rin naman akong naintindihan. Mukhang hindi rin naman tanong 'yun kaya mas mabuting yumakap na lang din ako.
"Can I join?" Kumalas kaming dalawa ni Mama sa isa't isa saka sabay na tiningnan si Papa na humahangos pa rin sa kakaiyak. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero mukhang gusto niya rin ng yakap kaya't agad akong lumapit sa kanya saka mahigpit siyang niyapos.
Agad ring lumapit si Mama sa amin saka kami nagyakapang tatlo. Sa totoo lang, ang drama ng buhay namin. Pero masaya akong nagkahappy-ending na kami.
"By the way, kailangan mo ng sumama sa amin sa Manila. May kailangan tayong asikasuhin."
"M-Manila po?" pagkaklaro ko. "Owemji! Do'n kina Luoise?!" sabik na sabik kong bulalas.
Sabay silang tumango. "Yes. At sa katunayan, kapitbahay lang din natin sila."
"Ay talaga ba?"
"Paalam po, Mama Caring. Paalam, Cardo. Magkikita din tayo. Babalik ako rito kapag nakapag-ipon ako ng pera. 'Di ba marami namang trabaho sa Maynila? Pwede namang manlimos, do'n. Basta mag-iipon ako para makabalik-balik ako rito," nginitian ko silang lahat. Mababakas sa mga mukha nilang gusto nilang sumubok sa PBB. Ang drama, eh. Para Maynila lang. Kala mo naman aalis ako ng bansa at mag-aasawa ng kano. Ay aba't hindi mangyayari 'yun. Baka araw-araw reglahin ang ilong ko 'pag nagkataon.
"Mag-iingat ka palagi, anak," ani Mama Caring habang panay punas sa mga luha at sipon niya.
Bumaling ako kay Mama. Ang tunay kong mama. "Ma, isama na lang kaya natin si Mama Caring? Pwede po ba 'yun? May bawas naman pamasahe niya kasi senyor siya, eh."
Ngumiti lang si Mama at si Mama Caring ang narinig kong tumugon. "Hindi pwede, Angge. Matanda na ako. Gusto ko, kung mamamatay man ako—"
"Ay talagang namamatay naman ho talaga ang tao. Maliban na lang kung engkanto ka."
Isang malakas na hampas ng tungkod ang nalasap ng mga braso ko mula kay Mama Caring. "Ikaw na bata ka!"
Natawa ako ng bahagya. "Biro lang po, Mama Caring. Sumama na lang kasi kayo. Huwag kayong mag-alala. Kapag pakiramdam niyo mamamatay na kayo, sabihin niyo agad at sabay tayong mamanlimos para pamasahe mo pauwi at dito ka matuluyan."
"Angelika?!" sabay na suway nina Mama at Papa. Teka. May nasabi ba 'kong mali?
"Ang arte talaga ni Mama Caring. Ayaw pang sumama. Saka ano 'to?" Sinulyapan ko ang garapong ibinigay ni Mama Caring sa akin bago kami umalis. "Bubuyog? Ay aba't apakabait nga naman talaga nito ni Mama Caring. Binigyan pa ako ng bubuyog para panakot kay Louise pagdating ko ng Maynila."
"Huwag kang ganiyan kapag naglalakad ka, Angelika. Para kang may saltik niyan," paalala ni Mama na deretso lang ang tingin sa daan.
Papunta na kaming eroplano na sinakyan nina Mama at Papa papunta dito sa isla. Taray talaga ng mag-asawang 'to.
"Hija, pagdating natin do'n maghanda ka na para sa engrandeng okasyon," ani Papa.
Okasyon? Ano 'yun? Kaarawan ko ba? Pero sa ika beynte nuwebe pa ng Oktobre 'yun, ah. Ay teka! Kaya ba nila ako kinuha ngayon para makapunta sa okasyon nila? Engrande 'yun kaya malamang sa malamang, kailangan nila ng tagahugas ng pinggan. Ay aba't ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Ma, ayoko ma! Ayoko pa!" Mabilis kong binitawan ang mga bag ko at umatras habang iniilingan sila. "Ayoko talagang gawin 'yun, ma at pa."
"Bakit? Bakit ayaw mo anak? Huwag kang mag-alala, tuturuan ka namin ng Papa mo. We will stay by your side. Don't worry, honey,"" sambit ni Mama na akmang lalapitan sana ako pero muli na naman akong umatras.
"Anong tuturuan? Naku, ma. Buong buhay ko 'yan na ang trabaho ko."
"Eh?" sabay nilang reaksyon.
"Teka. May negosyo ka, hija?" takang tanong ni Papa. Ano namang pinagsasabi nito?
"Kailangan ba may negosyo para maging tagahugas, Pa? Mukhang naadik na kayo sa kompanya niyo. Magpa rehab po kayo 'pag may time." Kaloka 'to.
ANGELIKA'S POV Mula sa itaas ay kitang-kita ng mga mata ko ang napakagandang tanawin na animo'y isang malawak na lupain ng isang bilyonaryo. Kapansin-pansin ang nakalinyang mga puno ng mangga na halos ilang ektarya ang lapad. May lupain din ng mga puno ng niyog. Hardin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman, at ang isang napakagandang mansyon na may kulay puti at gintong pintura. Masasabi mo talagang lubog sa yaman ang may-ari. "Grabe siguro ang yaman ng mga may-ari ng lupaing 'yan, ma ano?" tanong ko kay mama ngunit nanatiling nakapako ang mga tingin ko sa magandang tanawin. "Ilang taon rin namin pinaghirapan 'yan, hija," sagot ni papa. Napakunot ang noo ko. "Ano kayo dati d'yan, pa? Ay siguro kayo ang pinagkakatiwalaan d'yan ng may-ari, 'no?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla silang natawa pareho. Kaya agad ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. "B-Bakit po?" "THAT'S OURS!" sabay nilang bu
"MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno
ANGELIKA'S POV"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.Natapos na rin ako.Tapos na ang paghihirap ko.Gradweyt na rin sa wakas.Salamat, Lord!"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.Kahit sumayad na sa lup
ANGELIKA'S POV Mula sa itaas ay kitang-kita ng mga mata ko ang napakagandang tanawin na animo'y isang malawak na lupain ng isang bilyonaryo. Kapansin-pansin ang nakalinyang mga puno ng mangga na halos ilang ektarya ang lapad. May lupain din ng mga puno ng niyog. Hardin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman, at ang isang napakagandang mansyon na may kulay puti at gintong pintura. Masasabi mo talagang lubog sa yaman ang may-ari. "Grabe siguro ang yaman ng mga may-ari ng lupaing 'yan, ma ano?" tanong ko kay mama ngunit nanatiling nakapako ang mga tingin ko sa magandang tanawin. "Ilang taon rin namin pinaghirapan 'yan, hija," sagot ni papa. Napakunot ang noo ko. "Ano kayo dati d'yan, pa? Ay siguro kayo ang pinagkakatiwalaan d'yan ng may-ari, 'no?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla silang natawa pareho. Kaya agad ko silang nilingon at pinagkunutan ng noo. "B-Bakit po?" "THAT'S OURS!" sabay nilang bu
ANGELIKA'S POVOmygad naman itong buhay. Hiningal ako do'n, ah.Pilit kong tinitingnan ang sa likuran ko't baka nakasunod 'yung mga nanapak ng ilong. Buti wala. Kung maka-Ingles kasi parang lumaki sa Amerika. Hindi man lang inisip na baka may duduguing ilong sa kaka-Ingles nila. Hayst, buhay. Ba't kasi sa tong its lang ako magaling?"Mama Caring, I here I a was at the back of the gate in your our house!" sigaw ko na may aksent pa. Kala niyo, ah. Magaling naman talaga ako sa Ingles, 'di ko lang pinraktis ng todo at baka maangatan ko pa si Andres Bonifacio sa talino. Oh, di ba kilala ko rin si Andres Bonifacio? Matalino 'to, boi."Teka, ba't andami naman 'atang kotse dito sa labas?" Takang-taka kong ipinalibot ang tingin ko sa labas ng bakod ng bahay-kubo namin nang mapansin kong maraming nakaparadang kotse. Taray, baka nanalo si Mama Caring sa tong its. Sabi ko na nga ba, nagsusugal rin 'tong matandang 'to, eh. "Mama Caring!"Agad akong napatigil na
ANGELIKA'S POV"Misyon akomplis!" sigaw ko nang tuluyang nakalabas ng eswelahan.Natapos na rin ako.Tapos na ang paghihirap ko.Gradweyt na rin sa wakas.Salamat, Lord!"Anong tinutunganga mo d'yan, Angge?!" Isang matinis na boses mula sa likuran ko ang umalingawngaw sa paligid.Napangiwi na lang ako at dahan-dahang humakbang palayo. Tinakpan ko rin ng mga kamay ko ang tainga ko. Matinis ang boses ng matandang 'to at talagang nakakarindi!"Aba't plano mo pa yatang takasan ako! Halika rito!" sigaw na naman niya.Mahabaging Panginoon, kayo na pong bahala sa 'kin. Ayoko pong sapakin ang matandang 'to!Kahit napipilitan, abot-taingang ngiti ang ibinelandra ko sa pagmumukha ko nang tuluyang makaharap sa matandang iika-ika at uugod-ugod.Kahit sumayad na sa lup
"MR. Salvera, we are aware of what you feel right now. But this is not the right time for personal feelings. You have to stand as the leader of the company. Your decisions may increase the marketing growth or will destroy the future. You have to think wisely. If you tell the world that you have a daughter, they will put an eye to you for just a short period of time but they will lose their interest later. Investors won't invest because they will think that you'll become less of a leader and become more of a father. Guevarra's Group of Companies is already sinking because of their 2 year-old son. Some of these days, SGC will reign again as the Top Company in the world. The news you are about to announce is a tie breaker for your company and Guevarra's. But bear this mind that in this tie breaker, you will get the second place and they will get the top position."Mr. Guevarra looks at his lawyer after he stated the posible happenings that may happened once he anno