“What happened here?” Naguguluhan na tanong ni Mrs. Barbara ng datnan niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan ng kanyang opisina. May bitbit na attachecase ang mga ito at hindi maikakaila ang pagiging professional nila. Dahil nagmukha silang mga kagalang-galang sa suot nilang black, three piece suit. Halatang tulad niya ay kararating lang din ng mga ito, nauna lang sa kanya ng ilang minuto. Nang tuluyan siyang makalapit sa mga hindi inaasahang bisita ay kaagad siyang binati ng mga ito. “Good morning, Mrs. Thompson, I’m attorney. Lopez, the representative of Shipping Corporation. Nandito ako upang personal na makausap ka upang iparating ang nais mangyari ng Shipping Company, ukol sa kontrata na kanilang pinirmahan sa inyong kompanya.” Magalang na pahayag ng isang maedad na lalaki. Naguguluhan man ay sinikap parin ni Barbara na maging pormal sa kanyang mga kaharap. “Hello, Atty Lopez, I’m Felma Franco, the president of Majestic Thompson Corporation.” Pakilala
“Ang kapal ng mukha mo! Sa kagustuhan mong yumaman kahit ang pumatay ay gagawin mo! Nakakahiya ka!” “Dapat sayo ay makulong, kriminal ka, mamamatay tao!” Pagbaba ko ng sasakyan ay ito kaagad ang sumalubong sa akin, ang mga taong tila kay laki ng galit sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanila at hindi namin kilala ang isa’t-isa. Subalit, kung kamuhian ako ng mga ito ay hanggang dun na lang. Nanatili akong kalmado at diretsong naglalakad patungo sa entrance ng trial court. Hindi alintana ang galit ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman kailangan na mangamba dahil protektado ako ng mga bodyguard na nakatalaga sa akin. Simula ng pumutok ang malaking eskandalo tungkol sa akin ay kinamuhian na ako ng mga tao. May ilan sa mga kliyente ko ang umatras ngunit meron pa ring mga tao ang nanatiling nagtitiwala sa akin sa kabila ng malaking problema na kinakaharap ko. Napasinghap ako ng may tumama na itlog sa aking noo, nabasag ito at kumalat ang malapot nitong likido sa a
TRIAL “For the trial, All rise. Regional trial court branch 35 is now in session. Honorable Judge Akim Cabrahim, presiding.” Sabay na tumayo ang lahat ng marinig ang sinabi ng Klerk. Mula sa pintuan na nasa gilid ng bulwagan malapit sa lugar kung saan umuupo ang tagahukom ay tahimik na pumasok si Judge Akim Cabrahim. “Thank you, you can all be seated. Call the case.” Ani nito bago naupo sa kanyang pwesto. Nang marinig namin ang sinabi ng judge ang lahat ay naghanda para sa huling session ng hearing. “May we now hear the statement of prosecution.” Pagkatapos itong i-anunsyo ng Judge ay tumayo ang abogado ni Mama. Humakbang ito patungo sa unahan. “Ang akusado na si Atty. Louise Howard Thompson ay kusang lumapit kay Ms. Josie Muños. Upang humingi ng tulong na makapasok sa opisina ni Ginang Barbara Thompson. Para maghatid ng pagkain, subalit, wala itong pahintulot mula sa biktima. Noong araw ng Biyernes ika labing dalawa ng Agosto ng isugod sa hospital si Mrs. Barbara Thomp
“Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyalidad na isa kaming pamilya. She’s not my enemy here, I am fighting for the sake of my family.” Matatag kong pahayag bago diretsong tumitig sa mga mata ng abogado. Marahil ay nabasa nito sa
“Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan. Kapansin-pansin na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nawala na ang dating closeness ng mga ito, malayo na rin sila sa isa’t-isa na di tulad ng dati na mukha silang mag-ina dahil lagi silang magk
“Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko.Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan. Dahil sa pagkakasiwalat ni Louise mula sa mga taong nadehado ng kanyang mga project, maging ang mga kontrata na hindi dumaan sa maayos na proseso ay marami ang nagalit sa kanya. Dumagdag pa ang galit
“Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko n
Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya