TRIAL “For the trial, All rise. Regional trial court branch 35 is now in session. Honorable Judge Akim Cabrahim, presiding.” Sabay na tumayo ang lahat ng marinig ang sinabi ng Klerk. Mula sa pintuan na nasa gilid ng bulwagan malapit sa lugar kung saan umuupo ang tagahukom ay tahimik na pumasok si Judge Akim Cabrahim. “Thank you, you can all be seated. Call the case.” Ani nito bago naupo sa kanyang pwesto. Nang marinig namin ang sinabi ng judge ang lahat ay naghanda para sa huling session ng hearing. “May we now hear the statement of prosecution.” Pagkatapos itong i-anunsyo ng Judge ay tumayo ang abogado ni Mama. Humakbang ito patungo sa unahan. “Ang akusado na si Atty. Louise Howard Thompson ay kusang lumapit kay Ms. Josie Muños. Upang humingi ng tulong na makapasok sa opisina ni Ginang Barbara Thompson. Para maghatid ng pagkain, subalit, wala itong pahintulot mula sa biktima. Noong araw ng Biyernes ika labing dalawa ng Agosto ng isugod sa hospital si Mrs. Barbara Thomp
“Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyalidad na isa kaming pamilya. She’s not my enemy here, I am fighting for the sake of my family.” Matatag kong pahayag bago diretsong tumitig sa mga mata ng abogado. Marahil ay nabasa nito sa
“Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan. Kapansin-pansin na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nawala na ang dating closeness ng mga ito, malayo na rin sila sa isa’t-isa na di tulad ng dati na mukha silang mag-ina dahil lagi silang magk
“Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko.Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan. Dahil sa pagkakasiwalat ni Louise mula sa mga taong nadehado ng kanyang mga project, maging ang mga kontrata na hindi dumaan sa maayos na proseso ay marami ang nagalit sa kanya. Dumagdag pa ang galit
“Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko n
Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya
“Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh
“Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog.Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking anak