Daniel was busy scanning the papers on the table when the woman’s face popped in inside his mind. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito at tila wala naman itong planong sabihin sa kanya. Hindi naman niya rin pwedeng pilitin ito dahil sa palagay niya ay may kung anong takot ang nararamdaman ang babae.
Para sa kung saan ay hindi niya alam.Isinandal niya ang likod sa upuan at saka huminga ng malalim. Hunter said he should have a vacation, but this thing happened in very untimely matter. Iniabot na lamang niya ang basong may laman na alak at nilagok ang laman nito.Wala pa naman siyang bagong kasong hinahawakan ngayon. Kahit naman na siya ang nagmamay-ari ng ahensya na tumutulong sa mga kapulisan at mga pribadong tao para sa seguridad ng mga ito, hindi tumitigil si Daniel sa pagtanggap ng mga kaso na makakatulong siyang masolusyunan. He’s acting like a normal employee, too.Ilang malalaking drug lords na rin ang nahuli nila at naipakulong. Simula nang nangyari ang trahedya sa buhay ni Daniel, ibinuhos na niya ang atensyon sa trabaho at sa mga pinsan niyang nangangailangan ng tulong niya. His family attracts tragedy, and he made it his duty to protect them at all cost. Ang pamilya na lang naman din nila Hunter ang natatanging pamilya niyang naiiwan.Oftentimes, they’ll tell him to look for someone to be with, allow himself to love someone again, but that’s impossible to do. Hindi madaling gawin ang bagay na gusto ng mga ito.Napatingin siya sa larawan ng mag-ina niyang nasa lamesa.Wala namang araw na hindi siya nangungulila sa pamilya niya. He built this house for them. He built this house to be their home. Hindi niya lubos akalain na siya lang pala mag-isa ang titira sa napakalaking bahay na iyon.Sa dami na ng kasong naisara niya, dami ng taong natulungan niya, mismong kaso ng pamilya niya ang hindi niya pa rin mabigyan ng sagot.They said it was really an accident, but Daniel refused to believe that… naniniwala pa rin siya na kung sinuman ang nasa likod ng nangyari, mananagot pa rin iyon sa batas. Kung hindi, sa kamay niya mismo.Humigpit ang hawak niya sa baso habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Bea sa larawan. He’s not going to stop finding who’s responsible for their death. Hindi siya maaaring tumigil hangga’t hindi niya nalalaman kung bakit nangyari iyon sa pamilya niya.Kumunot ang noo niya nang tumunog ang cellphone niya. Napailing na lamang siya nang sagutin ang tawag ng pinsan niya.“What?” tanong niya rito bago tumayo upang muling magsalin ng alak sa basong hawak niya.“Nothing, just checking on you,” sagot ni Hunter sa kabilang linya.“Don’t you have a family to attend to? I’m fine. I’m dropping the call now,” sabi niya rito bago ibinaba ang tawag at ibinulsa ang cellphone. Yes, Hunter wants him to be happy, but he’s fine.Sa palagay naman niya ay hindi niya pa rin naman kayang buksan ang puso niya para magmahal ulit. Bea was the love of his life. Hindi madaling palitan sa puso niya ang babae kahit pa nga taon na ang lumipas sa nangyari.Inisang lagok niya ang alak na isinalin sa baso bago lumabas sa sariling opisina sa loob ng bahay niya. Nagtuloy siya sa kusina upang maghanda ng makakain. May nagpupunta sa bahay niya tuwing Sabado at Linggo upang maglinis. He never hired a stay-in maid because he wants to be alone. Isa pa ay lalaki siya at malamang na babae ang magiging kasambahay niya. He didn’t want to give any impression to anyone.Hindi sa malisyoso siya pero hindi lang magandang tignan ang bagay na iyon. Sa bahay naman din ng mga magulang niya nanggagaling ang naglilinis ng bahay niya. No one’s living in that house aside from their maids. Hindi naman din magawang ibenta ni Daniel dahil alaala iyon ng mga magulang niya. Bumibisita siya roon paminsan-minsan para lang kumustahin ang mga tao roon.Maging bahay ng magulang ni Bea ay nasa ilalim na ng pangalan niya dahil ipinama iyon kay Alexandra ng mga ito. Ang mga negosyo ng mga ito ay ang mga kapatid naman ni Bea ang namamahala, wala namang balak si Daniel na makipag-agawan sa mga ito roon kahit pa may parte si Bea sa mga iyon.Matapos siyang magluto ay tinungo na niya ang kwartong kinaroroonan ng bisita. Marahan siyang kumatok sa pinto nito. “Sweets?” tawag niya sa babae. He just felt like calling her that. Ayaw naman nitong magpatawag ng baby, ayaw naman din nitong sabihin ang pangalan nito.Parang gustong matawa ni Daniel sa ginawa niyang iyon. Hindi niya rin malaman kung bakit ba parang gusto niyang asarin ang babae dahil ayaw nitong sabihin ang pangalan kaya iyon ang sinabi niya.As usual, nagalit lang ito sa kanya.“Sweets, the food is ready. Aren’t you hungry?” tanong niya sa babae bago pinihit ang seradura ng pinto at buksan iyon. He found her laying down in bed, sleeping peacefully.Tila ba noon lang ito nakatulog ng mahimbing base sa mahinang paghilik nito at pagyakap sa unan. Suot pa rin ng babae ang t-shirt niya at boxers na ipinalit niya sa suot nito noong araw na nagkita silang dalawa.Bakas pa ang mag sugat at pasa sa braso at maging sa binti at hita nito. Hindi malaman ni Daniel kung ano ba ang nangyari sa babae, marahil ay maaari niyang maitanong iyon dito sa ibang pagkakataon.Sa ngayon, kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Gusto niyang tulungan ito sa kung anuman ang pinoproblema nito o kung anuman ang bumabagabag dito. It’s palpable that she’s not okay and she’s scared. His job is to help people, including the woman who threatened her life with a knife.He looked at her face. Ngayon na tila mas relax na ito, mas nakikita niyang maganda ang babae. Makinis ang balat nito sa kabila ng mga pasa at sugat. Mahaba ang pilikmata nito kumpara sa iba at may katangusan din ang ilong at mahaba ang tuwid at itim na itim nitong buhok.Kung mayroon mang kasiguraduhan sa isip ni Daniel, iyon ay alam niyang may kaya sa buhay ang babae dahil mistula itong katulad ng pinsang si Mikaela.Napagdesisyunan niyang lumabas na lamang at ipagtabi ang babae ng makakain mamayang paggising nito at huwag na lang muna itong gambalain sa pagtulog. Mukhang kailangan pa nito ng lakas at pahinga.Wala siyang ibang mapapagkilanlan sa babae dahil wala naman itong ibang dala maliban sa baril nito at sa kutsilyong ipinangbabanta nitong isasaksak sa kanya. Wala naman din sa itsura ng babae na kaya nitong manakit, sa palagay niya ay talagang ginagawa lamang iyon ng babae para protektahan ang sarili nito.He remembers what she said. She was asking him if he’s one of someone’s men. Whoever that is, that’s the person she’s hiding from.But who the hell is he?He heaved a sigh and closed his eyes. Well, maybe this is the kind of vacation Hunter was asking him to have.“No! No! Don’t come near me!”Napadilat si Daniel at napalinga sa paligid. “What the hell?” mabilis siyang tumayo at tinakbo ang daan papunta sa kwarto ng babae. Patuloy ang malakas na pagsigaw nito habang papalapit siya sa kwarto nito.Mabilis niya iyong binuksan at nakita niya ang babae na nakahiga pa rin sa kama at nagpupumiglas na tila ba may humahawak dito. Patuloy rin ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.“Hey, hey…” humakbang siyang papalapit dito at dinaluhan ang dalaga. Nagpapabaling-baling ang ulo nito habang iginagalaw rin ang mga kamay na tila nanlalaban.“Sweets, Sweets, wake up,” hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at pilit na ginigising. She’s having a bad dream and based on what he’s seeing, the dream is somewhat related to what’s happening to her life now.“No! Get away from me! Don’t!” patuloy ang pagsigaw ng babae na bakas na bakas ang takot sa mukha. Daniel looked at her and puller her up.“Sweets, wake up!” mas nilakasan niya ang boses upang magising ang babae. “Hey, you’re just dreaming, wake up now,” aniya pa rito bago marahang niyugyog ang balikat ng babae.She sucked a deep breath before opening her eyes. Agad na nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. “Daniel! Daniel, he’s coming after me!” hindi pa rin naaalis ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.“You’re safe here, Sweets. No one’s going to hurt you here…” sabi ni Daniel sa babae nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ng babae. “I won’t let anyone hurt you.”Those weren’t just words for Daniel. He meant every word. Hindi man niya lubos na kilala ang babae, alam niyang kailangan nito ng tulong at proteksyon at handa siyang tulungan at protektahan ang babaeng ito.“No, you don’t understand! He’s going to get me, kill me!” malakas na sabi nito sa kanya bago siya itulak papalayo. “He’s coming to get me and… he’s going to kill my mom, too…” she looked at him and tears started to crawl down on her cheeks again.Umiling si Daniel at muling lumapit sa babae. “Hindi ka niya masasaktan ulit, naiintindihan mo ako? I won’t let anyone to hurt you, Sweets. Kahit sino pa ‘yan. I promise.”Pinagmasdan ng babae si Daniel at may kung ano sa sinabi nito, sa pinangako nito ang nagsasabi sa kanya na mapagkakatiwalaan niyang tunay ang lalaki.Kung tutuusin ay ito lang ang tanging mayroon siya ngayon. Ito lang ang kasama niya at ito lang ang mapagkakatiwalaan niya sa mga sandaling iyon.“That’s just a dream, Sweets. Just a dream…” masuyong sabi ni Daniel bago inakay ang babae papalapit sa dibdib niya at niyakap ng mahigpit.“It felt so real…” she tried to stop her sobs. Iniyakap niya ang mga kamay sa lalaki at hinayaang yakapin siya nito. Hindi niya pa rin naman lubusang kilala si Daniel pero may kung anong nag-uudyok sa kanya na pagkatiwalaan ito. May kung ano sa loob niya nag nagsasabing mabuti itong tao at hindi siya sasaktan nito.“You’re just tired that’s why you’re thinking things like that. It’s not true. It’s just a dream,” muling sabi ni Daniel bago hinalikan ang tuktok ng ulo ng babae. Nagtaasan naman ang mga balahibo niya dahil sa ginawa nito.Nag-angat siya ng tingin dito at pinagmasdan si Daniel. He smiled at her, a kind of smile that is assuring her that she’s safe with him.“Hush now, Sweets. No one can harm you as long as you’re under my watch,” he said, softly. Tumango siya sa lalaki habang nananatiling nakatingin dito. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa na hindi siya mapapahamak dahil naroon si Daniel para sa kanya.“Are you hungry? I cooked already.”Parang natakam na naman siyang muli nang sabihin nitong nagluto na ito ng makakain nila. Hindi naman siya nagugutuman noon at hindi siya mabilis matakam sa pagkain pero pakiramdam niya ngayon ay lagi siyang nanghihina at kailangan ng makakain.Nag-init ang pisngi niya nang kumalam ang sikmura niya. Tiyak niyang narinig din iyon ng lalaki kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito.He smiled at her. “Let’s go. You need to eat a lot,” aya nito sa kanya bago siya inalalayan na makatayo mula sa kama. Hindi naman na siya kailangan pang muling pilitin dahil sumama na siya sa lalaki upang makakain.Inilibot niya ang mga mata sa kabahayan ni Daniel nang makalabas sila ng kwarto. Malaki talaga ang bahay nito pero wala siyang nakitang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa.Nakasunod lang siya sa lalaki habang naglalakad sila. May alam siya sa mga mamahaling gamit dahil pulos mamahaling gamit naman din ang nasa bahay nila sa Davao. Tinignan niya ang lalaki sa unahan na naglalakad.Does it mean he’s rich, too?Pumasok sila sa loob ng isang kwarto na nagsisilbing dining room sa bahay na iyon. Muli niyang inilibot ang mga mata sa loob ng silid.“I-ikaw lang mag-isa rito?” tanong niya sa lalaki. Nilingon siya ni Daniel bago ipinaghila ng upuan.“Yeah, I live alone. I’ll just get your food,” sabi nito sa kanya bago nagtungo sa isa pang pinto. Sinundan niya ito ng tingin habang nakaupo. Napabuga na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at muling pinagmasdan ang mga nakalagay sa pader ng dining room.Namimiss niya na ang bahay nila, ang mommy niya… pero alam niyang mas mabuti na malayo siya rito sa ngayon. Hangga’t hindi siya nakakahingi ng tulong sa mga taong talagang tutulong sa kanya, hindi siya dapat bumalik sa kanila.Isinandal niya ang likod sa upuan at hinintay na bumalik si Daniel. Nakaramdam siya ng kirot sa sugat niya sa braso kaya naman ininspeksyon niya iyon at ang iba pang mga sugat at galos niya na nalapatan na ni Daniel ng lunas.Itinaas niya ang manggas ng suot na t-shirt upang tignan pa ang braso niya nang matigilan siya. Napatuwid ang likod niya at bumaba ang tingin sa damit na suot niya.Oh my gosh!Napalingon siya nang bumalik si Daniel na may dalang tray. Inilapag nito iyon sa lamesa at tumingin sa kanya. Kumunot ang noo nito nang makita ang reaksyon niya.“What’s wrong?” tanong nito na akmang hahawakan siya ngunit mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.“S-sinong nagpalit ng… ng damit ko?” tanong niya kay Daniel kahit pa may sagot na sa isipan niya. Walang ibang taong naroon sa bahay na iyon maliban sa kanilang dalawa kaya walang ibang gagawa ng bagay na iyon kundi si Daniel.He looked at her and smiled. “Ngayon mo lang naisipang itanong ‘yan? I am sure you know the answer, Sweets.”“Bakit mo ako pinalitan ng damit? And… and, that means… “ pinamulahan siya ng mukha sa naiisip. Wala siyang suot na bra sa ngayon at pinalitan siya ng damit ng lalaki. Iisa lang ang ibig sabihin niyon.He saw everything!“You fainted and I needed to treat your wounds. Basa ka na rin ng pawis at madumi ang damit mo kaya nagkusa na akong palitan ka ng damit at gamutin ang mga sugat mo,” paliwanag nito sa kanya na tila balewala lamang dito na nakita nito ang katawan niya.“Kahit na! Dapat hinayaan mo na lang ako kaysa—“ natigilan siya sa sasabihin kaya naman kinagat na lamang niya ang labi.He once again smiled at her. “You’re safe with me, don’t worry. Now, eat, Sweets. You need to gain your strength back,” sabi nito sa kanya na naupo na at sinenyasan na siyang maupo.Kahit pa nag-iinit pa rin ang magkabilang pisngi ay sumunod na lamang siya at naupo na rin. Ang magkabilang kamay niya ay nakatakip sa dibdib niya na tila ba magagawa nung alisin ang katotohanan na nakita na nito ang katawan niya.Nakamasid lang sa kanya si Daniel habang kumakain siya. Siguro nga’y gutom na rin talaga siya kaya naman naubos niya ang hinanda nito sa kanya. Umusal siya ng pasasalamat sa lalaki nang matapos siyang kumain.“Treat this house as your own for now, Swee—““Adelaide… my name is Adelaide,” putol niya sa sasabihin nito at nagdesisyon na siyang ipaalam sa lalaki ang pangalan niya.He nodded his head and smiled.“Alright, Adelaide…” sabi nito bago hinawakan ang kamay niya.Pinagmamasdan ni Adelaide ang mga halaman sa may pool area ni Daniel habang nakaupo siya sa mga upuang pampahingahan doon. It’s been 3 days since she met Daniel. Naghihilom na rin paunti-unti ang mga sugat niya. Tulad noong unang araw niya roon, damit pa rin ni Daniel ang suot niya dahil wala naman siyang ibang dala maliban sa kutsilyo at baril niya. Ang damit na suot niya noong dumating siya ay hindi naman na rin niya nakita, naisip niyang baka itinapon na iyon ng lalaki. Nasa kwartong inookupa niya ang mga iyon at hindi kinukuha ni Daniel dahil ani ng lalaki ay tanda iyon na maaari niya itong pagkatiwalaan. Trusting him isn’t that hard to do. Sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa bahay nito, wala naman itong ibang ginawa kundi siguraduhin na kumportable siya at maayos ang lagay niya. How she wished she can do the same with her mom. Gusto niyang malaman ang lagay nito, kung kamusta na ba ito subalit alam naman niya na kapag tumawag siya rito, sasabihin lamang iyon ng ina
He went out after staying inside his office for a couple of hours. Matapos silang kumaing dalawa ni Adelaide ay nagsabi siya sa babae na mananatili na muna sa opisina niya pero makalipas lang ng halos dalawang oras, lumabas na rin siya at umalis sa bahay niya dahil pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na naman ang nasa dibdib niya. Wala namang masama sa itinanong ni Adelaide sa kanya. Kung tutuusin, alam ni Daniel na maaari itong magtanong sa kanya ng mga gano’ng bagay dahil nakakapagtaka naman talaga na sa laki ng bahay niya, silang dalawa lamang ang naroon at may larawan ni Bea at Alexandra ang bahay niya.Natural na magtataka ang babae kung sino ang mga nasa larawan, pero hindi pa kayang magsabi ni Daniel sa ibang tao ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Maliban sa pamilya nila Thunder at mga malalapit na kaibigan nito na naging kaibigan na rin niya, wala naman siyang ibang napapagsabihan ng nangyari. It’s been years already but he would be lying if he’ll say it’s not hurt
Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers. Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon. Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kany
Hacienda Hernandez, Davao City.“Wala pa rin ba kayong balita kay Adelaide?” tanong ni Maricar kay Fernando. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang nang makibalita ito tungkol sa anak. She left their home almost a month ago already. “Maricar, huwag ka ng masyadong mag-alala at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mahanap na kaagad si Adelaide. Kilala mo naman ang anak mong iyon, talaga namang suwail at matigas ang ulo, palagay ko ay gusto lamang ng anak mo ng atensyon,” ani ng lalaki na yumakap sa asawa mula sa likuran. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ang babae tungkol sa nawawalang anak nito. Hindi naman din kinukunsidera ni Fernando na nawawala si Adelaide dahil naglayas ito, at ginagawa niya ang makakaya niya upang mahanap at maibalik sa lugar nila ang babae. Simula nang mamatay ang ama ni Adelaide, ang buong atensyon ng ina na si Maricar ay nakatuon sa anak at sa hacienda na iniwan sa kanila ng namayapang si Edmundo. May mga negosyo rin sa bayan
“I thought we’re going to Summer’s?” nilingon ni Adelaide si Daniel na nagmamaneho pabalik sa bahay nito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Magmula nang bigla siyang kabigin nito hanggang sa mga sandaling iyon, wala siyang makitang ibang reaksyon mula rito. “What’s wrong? Ano bang nakita mo sa mall?” lakas-loob niyang tanong sa lalaki nang hindi ito magsalita. “Nothing,” he replied dryly. Hindi napigilan ni Adelaide ang mapasimangot kaya naman tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan ni Daniel at pinagmasdan ang mga kasabay nilang sasakyan sa daan. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailan ba hindi naging problema ng Maynila ang trapiko? She just sighed heavily. Hawak niya ang cellphone na hindi naman niya alam kung saan niya gagamitin. Naiisip niyang tawagan ang ina pero nangangamba rin siya na baka ang amahin ang makasagot sa tawag niya at may mangyari pang hindi niya gusto.“Magpapadeliver na lang ako ng pagkain mo ngayong gabi. May kailangan akong puntahan mamaya,” sabi nito sa k
Nakatigin lang siya sa lalaki habang hawak nito ang ibinigay niyang ice pack dito. He was also holding a glass and drinking. Sumulyap ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi nito na pinsan ito ni Daniel. He has the same aura like Daniel, iyon nga lang ay mas nakakakaba ang aura ni Daniel para sa kanya kaysa sa lalaking nakaupo ngayon.Kaninang pinagmamasdan niya ito, nakikita niya rin na may pagkakatulad ito at ang lalaki pero mas malaki ang katawan ni Daniel kumpara rito. Mukhang magkasing-tangkad lang naman ang dalawa. “You haven’t told me why you’re here, Adelaide,” sabi ni Hunter sa kanya. “I’m sure you’re not here to guard the house and hit someone with an umbrella whenever you want to. You can’t possibly make someone invalid with that,” may amusement sa boses ni Hunter habang nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. “I thought you’re an intruder.” Totoo naman din na iyon ang naisip niya kaya pinaghahahampas niya ito. Hindi niya malaman sa la
Hindi napigilan ni Adelaide ang mapakunot ang noo nang bumaba siya at may makitang mga babaeng naroon na naglilinis sa may sala. Nabanggit sa kanya ni Daniel noon na may nagpupunta sa bahay nito tuwing Sabado at Linggo para maglinis at kung ano-ano pa.Bahagya siyang tinanghali ng gising kaya naman noon lamang siya nakababa. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at naisip niyang magluto ng almusal, medyo umasa rin siya na nakapagluto na si Daniel. Simula kagabi ay hindi pa sila muling nagkakausap ng lalaki. Hindi niya malaman kung bakit parang nawala na naman iyon sa mood. Sabay silang kumain ng hapunan dahil pinuntahan niya ang lalaki matapos siyang magluto pero hindi naman ito masyadong kumikibo. Sapantaha ni Adelaide ay may kinalaman marahil iyon sa pagpunta ni Hunter sa bahay nito, pero naisip niya rin naman na sobrang close siguro ng dalawa para makapasok si Hunter sa bahay nito nang gano'n na lamang. Akmang aakyat na lamang siya pabalik sa kwarto nang tawagin ng matandang babae
She had dinner alone that night. Naghanda sila Tinang ng makakain nila ni Daniel at gustuhin man niyang hintayin ang lalaki para sabay sana silang kumain na dalawa ay malamang na malipasan na lamang siya ng gutom, hindi pa ito dumarating. Hindi naman din niya alam kung nasaan ba ito at sa palagay niya ay wala naman din siya sa posisyon para usisain ang personal na buhay ng lalaki.Sabi nila Manang Ester sa kanya ay babalik ang mga ito bukas para ipagpatuloy ang paglilinis. Dalawang araw naman talaga ang schedule ng mga ito sa paglilinis doon dahil may kalakihan ang bahay ni Daniel. Gusto ni Adelaide na muling tumulong sa mga ito sapagkat wala naman din siyang ginagawa. She’s trying to entertain herself there but she’s getting bored.Kaya tumulong na lang siya sa mga ito. Isa pa ay hindi niya mapigilan ang sariling isipin kung sino ba talaga si Bea. Ano bang klase ng babae ito, kung ano ba ang nangyaring aksidente… Her father died in an accident, too. Siguro nga ay mas maswerte pa si
“Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira
Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga
“Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa
She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n
“Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki
Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum
He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov
Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n
Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa