Share

CWD - 6

Author: vampiremims
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hacienda Hernandez, Davao City.

“Wala pa rin ba kayong balita kay Adelaide?” tanong ni Maricar kay Fernando. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang nang makibalita ito tungkol sa anak. She left their home almost a month ago already. 

“Maricar, huwag ka ng masyadong mag-alala at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mahanap na kaagad si Adelaide. Kilala mo naman ang anak mong iyon, talaga namang suwail at matigas ang ulo, palagay ko ay gusto lamang ng anak mo ng atensyon,” ani ng lalaki na yumakap sa asawa mula sa likuran. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ang babae tungkol sa nawawalang anak nito. Hindi naman din kinukunsidera ni Fernando na nawawala si Adelaide dahil naglayas ito, at ginagawa niya ang makakaya niya upang mahanap at maibalik sa lugar nila ang babae. 

Simula nang mamatay ang ama ni Adelaide, ang buong atensyon ng ina na si Maricar ay nakatuon sa anak at sa hacienda na iniwan sa kanila ng namayapang si Edmundo. May mga negosyo rin sa bayan ang mga ito na pinamamahalaan ng mga mapagkakatiwalaang tauhan ng lalaki na siyang hinayaan ni Maricar na patuloy na mamahala sa mga iyon dahil wala naman itong alam sa negosyo. Lahat ng iyon ay nasa pangalan naman din ni Adelaide at ito ang solong tagapag-mana ni Edmundo. 

“I couldn’t help but to blame myself for what happened. Kung hindi kami nagkasagutan ng gabing iyon, hindi maglalayas si Adelaide at—“

“Come on, Maricar, alam naman natin ang dahilan ng pagkakagano’n ni Adelaide. She’s jealous of you,” nakangising sabi ng lalaki sa asawa. 

Lumingon si Maricar sa asawang si Fernando. May kung anong mapait ang nalasahan niya sa bibig habang nakatingin sa lalaki.

Magandang lalaki si Fernando at higit na mas bata kumpara sa kanya. Alam ni Maricar na hindi nagustuhan ng anak niyang si Adelaide ang naging desisyon niyang magpakasal sa lalaki makalipas ang ilang taon nang pumanaw ang asawa niya na ama ni Adelaide na si Edmundo. Naging malaking balita ang pangyayaring iyon sa lugar nila dahil kilala ang yumaong asawa sa lugar na iyon.

She wanted to protect her daughter. Hindi naman basta namatay si Edmundo, he was killed, but the murderers were still wandering around, free. 

Dating bodyguard nito si Fernando kaya naman mas nagpaigting iyon sa kaisipan ni Maricar na mapoprotektahan nito ang anak sa kung sinumang magtatangka sa buhay nito. Fernando’s also a charmer, totoong matipuno ito, magandang lalaki at matikas, kaya marahil nang alukin siya nito ng kasal, pumayag na rin siya kahit pa alam niyang marami ang nagtaka at nagulat sa desisyon niyang iyon. 

“I just want to see my daughter again,” sabi niya na muling tumingin sa labas at pinagmasdan ang lupain na kinatatayuan ng iba’t ibang punong kahoy. Malawak ang lupain na iyon at maraming tanim na siyang isa rin sa pinagkukunan ng yaman ng pamilya Hernandez.

Gusto niyang panindigan ng balahibo nang maramdaman ang labi ng lalaki sa balikat niya. Alam niya ang obligasyon sa lalaki at bilang mas bata ito sa kanya, mas mabilis na mag-init ang katawan nito kaysa sa kanya. 

“You will… but for now, I want to see you first,” muling anas ng lalaki bago kinalag ang tali ng roba na suot niya at dinama ang katawang natatakpan ng manipis na kasuotan.  

Fernando is still on the look for Adelaide. Kailangan niyang libangin ang asawa upang hindi ito magtanong nang magtanong tungkol sa anak nitong naglayas. Nakuha na ng mga tauhan niya ang babae ngunit nakatakas itong muli kaya naman ipinapahanap na niya ito. Ilang mura rin ang inabot ng mga ito sa kanya. 

Kailangan niya si Adelaide upang makuha ang yaman ng pamilya nito. Hindi sapat na pinakasalan niya si Maricar dahil lahat ng ari-arian ng mga ito ay nakapangalan kay Adelaide. He should have married her instead, but he knows it won’t be easy. Kahit naman noong nabubuhay pa ang ama nito ay ilag na sa kanya si Adelaide kaya alam niyang kung si Adelaide ang pinuntirya niyang pakasalan, hindi siya magiging parte ng pamilya ng babae. 

Ngunit hindi naman siya hangal upang hindi ituloy ang plano. He’s just using Maricar to get Adelaide. Kung magiging kanya si Adelaide, hindi lamang siya magkakaroon ng yamang kahit yata mga apo niya ay hindi mauubos, magkakaroon pa siya ng isang napakagandang asawa. 

He just needs to find her and make sure she’ll stay with her…

Makati City

“How do I look?” tanong ni Adelaide nang bumalik siya sa lamesang kinaroonan ni Daniel. Nakita niyang naroon na rin ang mga pagkaing inorder nito at hindi niya mapigilang mamangha sa dami ng mga iyon. 

“M-may kasama ba tayo?” muli niyang tanong bago naupo sa upuan. Ang mga mata ay nakatingin pa rin sa pagkain na hindi niya maisip kung paano nilang mauubos na dalawa. 

“Wala. Just us, why?” tanong ni Daniel sa kanya ng tignan siya. “And you look good,” dagdag pa nito. 

Parang nag-init naman ang pisngi ni Adelaide sa narinig mula sa lalaki. Napayuko na lang siya at nagkunwaring inaayos ang table napkin na kinuha niya sa lamesa. 

“You should eat. I have no idea what you like so, I ordered a lot,” he chuckled before putting food on her plate. Hindi mapigilan ni Adelaide malula sa dami ng pagkain. Sanay naman siya na nahahainan ng marami at hindi naman din siya kalakasan kumain noon. 

Well, that was before. Simula kasi nang nagsalo sila ni Daniel sa pagkain, naging magana siyang lalo sa pagkain, siguro marahil ay dahil may kasabay siya hindi tulad noon sa bahay nila sa Davao. 

“Ako na…”

Hinawakan niya ang serving spoon dahilan upang magdikit ang kamay nilang dalawa ni Daniel. Agad siyang nag-angat ng tingin sa lalaki ngunit siya rin ang naunang magbawi ng tingin dahil hindi naman talaga niya kayang makipagtitigan sa lalaki. 

Masyadong malalim ang mga mata ni Daniel na sa palagay ni Adelaide, hindi magtatagal ay malulunod siya roon at hindi makakaahon. 

Kung sa ibang pagkakataon siguro, maaari niyang kalingahin ang atraksyon na nararamdaman para sa lalaki pero hindi sa ngayon. 

He’s just helping her. Iyon lang ang nangyayari kaya magkasama silang dalawa. She should be thankful that he’s genuinely helping her, hindi na dapat siya nag-iisip ng mga kung anu-anong bagay pa. 

“Ako na. It’s okay,” ani Daniel sa mas magaan na tinig bago ngumiti sa kanya. Binawi na lang din ni Adelaide ang kamay at nagyuko dahil sa pag-iinit ng pisngi niya. 

She was just thinking that she should not be swayed with his charms, but she’s now blushing for Pete’s sake. 

Does he even know he’s hot and he’s really dangerous to someone’s sanity? Sa kabila ng mga dapat na unahin at intindihin ni Adelaide, hindi niya maiwasan ang umuusbong na damdamin para kay Daniel. 

Ilang araw pa lang silang magkakilala ng lalaki, kung tutuusin ay hindi nga niya pa ito kilala. Tanging pangalan lamang nito ang alam niya. Wala pa siyang alam sa pagkatao nito.

Maliban sa ayaw nitong napapag-usapan ang tungkol sa pamilya nito. 

“It’s a good thing your wounds are healing fast,” si Daniel ang unang nagsalita habang kumakain silang dalawa. Nilingon niya ito at tumango. Nanunuyo na ang mga sugat niya at mas gumagaling na rin ang mga pasa sa braso at binti niya. 

“Salamat sa’yo. Hindi mo ako pinababayaan,” sagot niya sa lalaki. Totoo naman din iyon at laking pasasalamat niya talaga kay Daniel. 

He smiled at her again and her heart leaped.

Nagyuko na lamang siya at pilit na itinuon ang atensyon sa kinakain. Kung sana ay hindi siya naaapektuhan sa ngiti nito ay makikipagngitian pa siya ng matagal sa lalaki pero hindi. She’s so damn affected.

“We’ll go to Summer’s later,” muling sabi nito sa kanya. Kumunot naman ang noo niya rito. “Anong gagawin natin doon?” tanong niya rito. Alam niyang isang sikat na supermarket ang tinutukoy nito. She lived in Manila to study. Sa Maynila siya pinapasok ng daddy niya noon kaya hindi naman siya ignorante sa mga establisyemento na naroon. 

“You need more things like your toiletries, sanitary napkins, panty liners and—“

“Daniel!” saway niya sa lalaki nang marinig ang mga sinabi nito. Napalingon siya sa paligid at napansin ang kalapit na mesa sa kanila na nangingiti dahil sa narinig. 

“What? You need those things and—“

“Oo na nga! Huwag ka na lang maingay diyan!” pinanlakihan niya ito ng mga mata. Natawa naman ang lalaki sa kanya at napailing. 

Matapos silang kumain na dalawa ay inaya naman siya ni Daniel papunta sa isa na namang store. He was checking some phones and she was watching him. 

He’s intimidating, yes. Sa taas ni Daniel, talaga namang kailangan mong pang mag-angat ng tingin sa kanya. He’s also well-built. Maganda ang katawan nito na nakita naman na rin niya noong nag swimming ito. 

“Adelaide,” tawag nito sa pangalan niya. He’s saying her name softly. Maari na para lamang sa pandinig niya iyon pero gustong-gusto niya kapag binabanggit nito ang pangalan niya. It’s somewhat soothing. 

Lumapit naman siya sa lalaki at tinignan ang mga cellphone na nakalapag sa lamesa. 

“Which one do you like?” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga cellphone na naroon. Dinampot pa nito ang isa at inusisa ang staff na naroon tungkol sa specs ng telepono. 

“You’re going to buy me a phone?” tanong niya sa lalaki. 

“Yes. I need to have contact with you,” sagot nito sa kanya. “This one is better,” ipinakita sa kanya nito ang isang unit na hawak nito. “What color do you want? Pink?” tanong nito sa kanya bago tumingin sa staff na nakamasid lamang sa kanilang dalawa. “May pink ba kayo nito?” tanong nito sa lalaki. 

“Ah, titignan ko po, Sir,” magalang na sagot naman ng lalaki rito. Agad na umiling si Adelaide upang awatin ang staff. “No, I don’t like pink,” sabi niya bago lumingon kay Daniel. 

“Bakit mo ako bibilhan ng cellphone?” tanong niya sa lalaki na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. 

“To reach you.”

Natigilan si Adelaide sa sinabi nito. Ibinuka niya ang bibig ngunit naunahan siya ni Daniel na magsalita. “I don’t want to call my home number whenever I’m out just to check you. Besides, you need it.”

Of course… ano bang inaasahan niyang dapat na isagot sa kanya ng lalaki?

“I’ll get one of this, and if you have a pink case, much better…” sabi nito bago siya nilingon at nginisihan. 

“B-babayaran ko na lang din ‘yan sa’yo. Itatabi ko lahat ng resibo para—“

“Don’t worry about it,” he cut her off. Napansin niyang wala sa kanya ang atensyon ni Daniel. Kung kanina ay nakangiti pa ito sa kanya, ngayon ay tila tensed na ang lahat ng muscles nito. 

He’s looking around, too. Akmang lilingon din si Adelaide nang hawakan ni Daniel ang magkabilang balikat niya upang pigilin siya. 

“What’s wrong?” tanong niya sa lalaki. May kung anong sumalakay na kaba sa dibdib niya dahil sa ikinikilos nito. Ano bang nangyayari sa paligid nila? Bakit bigla itong naging seryoso?

“Just stay still.”

Kahit na gusto niyang malaman kung ano ba ang nakikita nito, pinili niyang sundin na lamang ang lalaki. Nakatayo lang siya sa harap nito at nakatingin sa lalaki. Mas mataas ito sa kanya kaya naman bahagya siyang nakatingala rito.

Naramdaman niya ang higpit ng hawak nito sa kanya. “Daniel, ano bang problema?” tanong niya ngunit sa halip na sumagot ito ay hinila siya nito palapit sa dibdib nito at niyakap ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ni Adelaide sa ginawa nito.

Her face was pressed against his chest… she could feel his heart beating. 

Related chapters

  • Crazed with Desire   CWD - 7

    “I thought we’re going to Summer’s?” nilingon ni Adelaide si Daniel na nagmamaneho pabalik sa bahay nito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Magmula nang bigla siyang kabigin nito hanggang sa mga sandaling iyon, wala siyang makitang ibang reaksyon mula rito. “What’s wrong? Ano bang nakita mo sa mall?” lakas-loob niyang tanong sa lalaki nang hindi ito magsalita. “Nothing,” he replied dryly. Hindi napigilan ni Adelaide ang mapasimangot kaya naman tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan ni Daniel at pinagmasdan ang mga kasabay nilang sasakyan sa daan. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailan ba hindi naging problema ng Maynila ang trapiko? She just sighed heavily. Hawak niya ang cellphone na hindi naman niya alam kung saan niya gagamitin. Naiisip niyang tawagan ang ina pero nangangamba rin siya na baka ang amahin ang makasagot sa tawag niya at may mangyari pang hindi niya gusto.“Magpapadeliver na lang ako ng pagkain mo ngayong gabi. May kailangan akong puntahan mamaya,” sabi nito sa k

  • Crazed with Desire   CWD - 8

    Nakatigin lang siya sa lalaki habang hawak nito ang ibinigay niyang ice pack dito. He was also holding a glass and drinking. Sumulyap ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi nito na pinsan ito ni Daniel. He has the same aura like Daniel, iyon nga lang ay mas nakakakaba ang aura ni Daniel para sa kanya kaysa sa lalaking nakaupo ngayon.Kaninang pinagmamasdan niya ito, nakikita niya rin na may pagkakatulad ito at ang lalaki pero mas malaki ang katawan ni Daniel kumpara rito. Mukhang magkasing-tangkad lang naman ang dalawa. “You haven’t told me why you’re here, Adelaide,” sabi ni Hunter sa kanya. “I’m sure you’re not here to guard the house and hit someone with an umbrella whenever you want to. You can’t possibly make someone invalid with that,” may amusement sa boses ni Hunter habang nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. “I thought you’re an intruder.” Totoo naman din na iyon ang naisip niya kaya pinaghahahampas niya ito. Hindi niya malaman sa la

  • Crazed with Desire   CWD - 9

    Hindi napigilan ni Adelaide ang mapakunot ang noo nang bumaba siya at may makitang mga babaeng naroon na naglilinis sa may sala. Nabanggit sa kanya ni Daniel noon na may nagpupunta sa bahay nito tuwing Sabado at Linggo para maglinis at kung ano-ano pa.Bahagya siyang tinanghali ng gising kaya naman noon lamang siya nakababa. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at naisip niyang magluto ng almusal, medyo umasa rin siya na nakapagluto na si Daniel. Simula kagabi ay hindi pa sila muling nagkakausap ng lalaki. Hindi niya malaman kung bakit parang nawala na naman iyon sa mood. Sabay silang kumain ng hapunan dahil pinuntahan niya ang lalaki matapos siyang magluto pero hindi naman ito masyadong kumikibo. Sapantaha ni Adelaide ay may kinalaman marahil iyon sa pagpunta ni Hunter sa bahay nito, pero naisip niya rin naman na sobrang close siguro ng dalawa para makapasok si Hunter sa bahay nito nang gano'n na lamang. Akmang aakyat na lamang siya pabalik sa kwarto nang tawagin ng matandang babae

  • Crazed with Desire   CWD - 10

    She had dinner alone that night. Naghanda sila Tinang ng makakain nila ni Daniel at gustuhin man niyang hintayin ang lalaki para sabay sana silang kumain na dalawa ay malamang na malipasan na lamang siya ng gutom, hindi pa ito dumarating. Hindi naman din niya alam kung nasaan ba ito at sa palagay niya ay wala naman din siya sa posisyon para usisain ang personal na buhay ng lalaki.Sabi nila Manang Ester sa kanya ay babalik ang mga ito bukas para ipagpatuloy ang paglilinis. Dalawang araw naman talaga ang schedule ng mga ito sa paglilinis doon dahil may kalakihan ang bahay ni Daniel. Gusto ni Adelaide na muling tumulong sa mga ito sapagkat wala naman din siyang ginagawa. She’s trying to entertain herself there but she’s getting bored.Kaya tumulong na lang siya sa mga ito. Isa pa ay hindi niya mapigilan ang sariling isipin kung sino ba talaga si Bea. Ano bang klase ng babae ito, kung ano ba ang nangyaring aksidente… Her father died in an accident, too. Siguro nga ay mas maswerte pa si

  • Crazed with Desire   CWD - 11

    Nang magising si Adelaide ay nasa loob na siya ng kwarto na inookupa niya. Napalingon siya sa orasan sa gilid ng kama at nakita niya na halos alas otso na ng umaga. Madilim pa sa loob ng kwarto ng dalaga dahil na rin nakasara pa ang mga bintana roon. Nang maglinis sina Nanay Ester sa bahay ni Daniel, pinalitan ng mga ito ang kurtina kaya naman ang dating puti na kurtina sa kwartong iyon ay naging asul. Nag-inat siya matapos bumangon habang inaalala ang sinabi niya kay Daniel kagabi. Napailing si Adelaide nang maalala ang pagyakap na ginawa niya sa lalaki. For her defense, she thinks Daniel needed that hug.Alam naman niya na hindi siya dapat makialam o makisali sa kung ano man ang pinagdaraanan ni Daniel dahil alam ni Adelaide na hindi magtatagal, aalis naman din siya sa bahay ng lalaki. Tila naman siya nakaramdam ng lungkot nang maisip niya ang bagay na iyon. Napalingon siya sa paligid ng inookupang kwarto niya. Alam niya naman na hindi rin magtatagal at kakailanganin niyang umali

  • Crazed with Desire   CWD - 12

    She wasn’t able to close her eyes when she felt his lips on her. Mabilis ang tibok ng puso ni Adelaide patuloy si Daniel sa paghalik sa kanya. She had her first kiss before but it was just a peck. Itong paghalik na ginagawa ni Daniel sa kanya ngayon ay malayong-malayo sa halik na naranasan niya noon. Daniel moved his head a little and looked at Adelaide. Alam ng dalaga na namumula ang kanyang pisngi dahil nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga iyon. Napakagat siya ng ibabang labi niya at napaiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit ba bigla na lang siyang hinila ni Daniel para halikan. Wala naman itong kahit na anong sinabi, basta na lang siyang hinila ng lalaki papunta sa library. She cleared her throat. Tila kahit na malaki ang kwarto ay kulang ang hangin na nalalanghap niya. Daniel chuckled while looking at her. He cornered her on the side of the table. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa may lamesang nasa likuran at sinasandalan ni Adelaide. “What… Why are you laughing

  • Crazed with Desire   CWD - 13

    She was left all alone in the car while she waited for Daniel. Nakatingin lang siya sa labas habang namimili ang lalaki sa convenience store na nadaanan nila habang pauwi na sila sa bahay ng lalaki.It was already 2 in the morning and they’re still out. Hindi pa rin sila nakakauwi dahil nahinto sila sa daan dahil na rin sa nangyari. Pigil ang ngiti na sinapo ni Adelaide ang magkabilang pisngi nang maramdaman ang pag-iinit ng mga ito. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili dahil hindi niya naman gustong maabutan siya ni Daniel na tila teenager na kinikilig. She touched her lips and smiled a little.He kissed her again. She’s not an expert when it comes to kissing but she knows that Daniel is good at it. Wala naman siyang experience sa paghalik pero sa paraan ng paghalik ni Daniel, sa palagay ni Adelaide ay hindi lang iilang babae ang nahumaling dito. Pero… bakit ba niya ako hinalikan? Does that mean that… he likes me?She bit her lower lip while looking at Daniel who’s

  • Crazed with Desire   CWD - 14

    Daniel began kissing Adelaide’s neck. He could smell the sweet scent of her while his lips were on her neck. He moved his hand that was on her boob and gently squeezed it. Her boobs were so soft that he couldn’t stop himself from squeezing it again and again.“Hmm…” Adelaide let out a soft moan. Iminulat niya ang mata ngunit hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil kasalukuyan nitong hinahalikan ang leeg niya. Nararamdaman niya ang mga labi nito na masuyong dumadampi sa balat niya. Hindi niya kailanman naramdaman ang gano’ng klase ng pakiramdam… ngayon pa lang. “Daniel…” she called his name as she moved her hand to hold his head. Pinamulahan siya ng pisngi nang mag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya at magtama ang mga mata nilang dalawa.He looked at her and down to her lips again. Wala sa loob na nakagat niya ang labi habang nakatingin sa lalaki. He smiled a little before giving her lips a peck. Muli nitong marahan na pinisil ang dibdib niya kaya naman hindi niya napigilang m

Latest chapter

  • Crazed with Desire   CWD - EPILOGUE

    “Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira

  • Crazed with Desire   CWD - 45

    Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga

  • Crazed with Desire   CWD - 44

    “Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa

  • Crazed with Desire   CWD - 43

    She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n

  • Crazed with Desire   CWD - 42

    “Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki

  • Crazed with Desire   CWD - 41

    Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum

  • Crazed with Desire   CWD - 40

    He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov

  • Crazed with Desire   CWD - 39

    Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n

  • Crazed with Desire   CWD - 38

    Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa

DMCA.com Protection Status